Chapter 13 - 13

Nagising si Alena ng maramdaman niya ang paghinto ng karwaring kinapapalooban.

"Ibigay niyo sa amin ang binibining nasa loob ng karwahe!" Narini ni Alena na sigaw ng isang tinig ng lalake.

"Lapastangan! Baka gusto niyong banggitin muna ang pangalan ng amo niyo ng maisunod ko siya sa inyo sa kabilang buhay!" Narinig naman niyang tinig ni Guyo at sumunod ang tawanan.

"Ikaw kako ang ihahatid ko sa libingan kong kung hindi mo ipagkakaloob sa amin ang binibine na nasa loob ng karwaheng yan!" Sagot naman ng kanina ding tinig.

"Una sa lahat, paano mo naman nasabing binibine nga ang nasa loob ng karwahe?" Si Guyo naman.

"Sugod!" Marinig na sigaw.

"Misyutigre lumabas ka!" Si Guyo iyon.

Lumabas si Alena sa karwahe at nakita ang paghinto sa pagtakbo palapit ng mga tulisan ng lumabas si misyutigre.

"Isang makapangyarihang kambitan?" Hindi makapaniwalang tanong ng tulisan. "Naluko tayo, urong!"

Nagtakbuhan na palayo ang mga tulisan.

Lumabas ang isang higanting ibon na binabalot ng apoy at hinarangan nito ang nagtatakbuhang mga tulisan.

"Isang uri ng Adanang ibon?" Pagtataka ng pinuno ng mga tulisan at nahinto na sila sa pagtakbo dahil binugahan ng ibong iyon ang kanilang dadaanan.

"Ang lakas ng loob niyong harangan kami, sa tingin niyo makakalayo pa kayo dito ng buhay?" Si Alena na bumaba na ng karwahe.

Humarap sa kanya ang mga tulisan at nagsiluhuran ang mga ito.

"Patawarin niyo po kami, hindi po namin sinasadya. Ang utos lamang sa amin ay kunin ang binibine na sakay ng karwahe ngunit hindi naman po namin alam na ang ginagalang na Adana pala iyon?" Pakiusap at paliwanag ng pinuno ng tulisan na kanina lang ay napakatapang.

"Patawarin?" Nakangising tanong ni Alena. "Pag-iisipan batay sa isasagot niyo sa tanong ko."

"Sasagutin po namin lahat ng katanungan niyo huwag niyo lamang po kaming patayin." Natatakot na pagsang-ayon ng tulisan.

"Magsabi ka, sino ang nag-utos sa inyo?" Si Guyo na ang nagtanong.

"Hindi ko po nakita ang mukha niya at hindi ko din po inalam ang pangalan ngunit nasisiguro ko pong isa siyang makapangyarihan at mayamang nilalang." Sagot ng tulisan.

"Wala din naman pala kayong maisasagot, mabuti pang tapusin na kayo. Misyotigre." Agad din namang naglakad palapit sa mga tulisan ang tinawag na kambit ni Guyo.

"Sandali, sandali po, sandali." Natatarantang pakiusap ng tulisan at may dinukot ito sa bulsa ng pantalo. "Ito po ito po."

Agad na nakilala ni Alena ang itim na batong may nakaukit kaya naman ay inagaw niya iyon at pinagmasdang maigi. Saka muling hinarap ang mga tulisan.

"Ibinigay po iyon ng panginoon na nag-utos sa amin. Bilin niyang dukutin kayo ngunit huwag saktan. Naakit po kami sa maraming ginto na bayad niya kaya agad naming tinanggap ang alok niya at hindi na kami nagtanong pa." Paliwanag pa ng tulisan.

"At sa tingin mo ba ay mapapanilawa m na ako?" Tanong ni Alena dito. "Marahil ay nais nga ng lolo ko pigilan ako na magtungo sa hangganan ngunit hindi tanga ito upang umupa ng mga mahihinang tulad para dukutin ako."

"Tama ka binibine, hindi nga sila tanga upang umupa ng mahina." Dinugtungan ito ng malakas na pagtawa at unti-unting naglaho ang mga tulisan sa kanilang paningin. "Hindi na kayo makakalabas sa lugar na ito ng wala akong pahintulot hahahaahahha."

"Anong nangyayari?" Tanong ni Alena at nakitang paikot-ikot lamang sa paglipad ang mahiwagang ibon. "May harang na nakabalot sa lugar na ito at hindi makalayo sa paglipad ang aking kambit."

"Nararamdaman kong nandito lamang sila sa paligid. Kailangan nating basagin ang patibong na ito ng makawala na tayo dito." Si Guyo naman.

"Pinuno, susubukan ko pong maghukay sa lupa." Mungkahi ng isang kawal kay Guyo.

Tumango naman si Guyo bilang pahintulot dito.

Pinalabas ng kawal ang kambit nito na isang malaking ood na kulay ube. Nagsimula na itong maghukay nguniy isang salamangkang bula ang lumitaw mula sa taas papunta sa kambit na ood.

Mabilis si Guyo at sinalubong ng pinakawalan niyang salamangka ang paparating kaya sumabog na agad ito sa taas palang. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lamang iyon nag-iisa kundi ay may kasunod pang marami.

"Ale tumulongan mo ako!" Paghingi ni Guyo ng saklulo.

Napabungtong hininga muna si Alena saka itinaas ang isang kamay na lumukha ng harang sa kanilang lahat na siyang sasalo sa mga salamangkang bula.

"Masyado ka kasing pabida." Wika pa ni Alena kay Guyo saka ibinaba nito ang kamay ng masigurong matibay na ang harang.

"Pinuno nakalabas na po ang aking kambit." Balita sa kanila ng kawal at itinuro ang malaking ood na nasa di kalayuan. "Mauuna na po akong pumasok."

Nauna ng pumasok ang kawal sa daang hinukay ng kambit nito. Malaki naman ang butas kaya hindi na mahirap ang gumapang doon.

Pinabalik muna ni Alena sa kanyang katawan ang kambit na ibon saka sumunod ng pumasok sa hukay. Sunud-sunod narin na nagsipasukan ang mga kawal at si Guyo ang huli.

Ngunit bago pa man makapasok si Guyo sa hukay ay nakita niyang naglitawan ang mga tulisan sa kabilang dulo ng hukay.

Malaking nilalang ang pinuno ng tulisan. Hinawakan nito sa buhok ang unang kawal na lumabas sa hukas. Gamit ang isang kamay ay binuhat ang kawawang kawal.

"Si Ale...." Nag-aalalang wika ni Guyo ng maalalang si Alena ang pangalawang pumasok doon. "Hoy putakti bitawan mo siya!" Naghahamong utos ni Guyo sa tulisan na pinagtawan lang siya.

Nagliliwanag ang kamao ng tulisan na pasuntok sa kawal na hawak nito sa buhok.

Lumikha ng pananggala ang kawal bago pa man tumama sa kanya ang suntok ng kalaban.

"Ahhhhhh!" Pinipilit ng tulisan ang kanyang suntok upang masira ang nilikhang pananggalang ng kawal.

Nawala ang kambit ni Guyo sa loob ng patibong. Nagulat na lamang si Guyo ng makita ito na kinagat ang kamay ng tulisan dahilan para mabitiwan nito ang hawak na kawal.

"Ahhhh...." Sa ngayon, ang dahilan ng pagsigaw naman niya ay ang sakit na dulot ng nakakagat sa kanyang si Misyotigre.

Akmang lalapit na sana ang ibang mga tulisan ngunit lumitaw din ang mahiwagang ibon ni Alena na bumuga ng apoy dahilan upang hindi makalapit ang mga ito.