This chapter is on the POV of the main female character(daughter of the male lead)
"Alina we're going to Calesir tommorow. It's holiday on monday and tuesday anyway." Tumango na lang ako kahit alam kong may chance na hindi ako payagan nila mommy and daddy. They are not that strict naman pero sasakay kase sa yacht kapag pumunta doon, kase Island, kaya baka hindi ako payagan.
"Wag kang mag-alala sasabihin ko kay tita na kasama ako." I forgot na kasama pala si Natalia, cousin ko. Pinapayagan ako everytime na kasama ko siya dahil alam nila na hindi niya ako pababayaan. We both have the same surname and middle name pala kaya napagkamamalang magkapatid. Her mom and my mom are twins, and her father and my father are also twins. Ang galing diba? Buti nga at hindi sila nagkakapalitan ng asawa.
Magsisimula pa lang ang klase namin. Eight pa lang naman kase. Friday ngayon at gaya nga ng sabi ni Alina ay pupunta kami sa Calesir Island bukas. Hindi naman siguro magiging stressful itong araw na ito dahil walang math!
"Announcement students. Afternoon classes for all grade levels today are all suspended. Have a nice long weekend!" Himala! Ngayon lang nag suspend ng classes itong school namin nang walang valid reason. Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase ko, me too of course.
"Guys!!! It's better if we will start out journey today!! Ngayon na tayo pupunta sa Calesir!!" Kapag ganun ay mas maaga kaming makakapunta kaso hindi pa ako nakapag pack ng mga dadalhin dahil ngayon lang sinabi.
"Uwi na kayo at magpack na. We'll all meet here, sa front gate pala. Make sure that you'll pack enough clothes for at least 3 days. Dagdagan na lang pala para may magamit incase of emergencies. Walang signal doon. Wala din mga tindahan ng mga clothes." Tyler is explaining everything. He is a close friend of Beatrice na close friend naman ni Natalia. We all are not really close with each other.
Papunta na ako sa bahay ngayon. I'm driving the car that daddy gave me last year. I'm a grade twelve student. I'm just seventeen but my daddy allows me to drive already. Ayaw ni mama pero okay lang naman daw sabi ni daddy dahil iba na ngayon. Fifteen na ang legal age for people to start driving while eighteen daw noong panahon nila daddy and mommy.
"What the f*c*!" Muntikan na akong makabangga ng pusa. Mabuti na lang at nag red light kaagad yung speedometer, red light kapag may nakaharang sa daan na object. Kung hindi lang sana ganito ang technology ngayon ay baka na accident pa ako.
I started packing my clothes as soon as I went inside my room. I don't know if four lang ba ang dadalhin kong damit or five. If four baka kukulangin kaya six na lang para mas ready. I also packed shorts, and swim wears. Inilagay ko lahat sila sa maliit na suitcase ko. Kumuha din ako ng mga toiletries.
*Five daw tayo mag mimeet sa school. Car mo na lang daw gagamitin* Nagmessage si Natalia and okay lang naman na gamitin namin ang car ko. Malayo ang Calesir kaya siguro ay matutulog kami sa hotel ngayong gabi at bukas na tumuloy sa biyahe. I heard that it takes 3 and a half hours from here papunta sa port. Tapos one hour from the port to the island. Ang haba ng byahe pero maganda naman doon.
...
Five na at papunta na ako sa school namin. Hindi ako papasok dahil sa labas naman kami magkikita-kita. Sana lang ay nandon na sila. Kung wala ay okay lang din para makabili ako ng pagkain namin.
"Wala pa sila Beatrice and Tyler?" I only see Natalia here. Mukhang malelate yung nagplano. Ganon naman palagi si Beatrice kaya hindi na bago itong nangyayari ngayon. Pumasok na kang kami sa school para bumili ng snacks sa convenience store dito.
Thirty minutes na at wala pa si Tyler. Nandito na si Beatrice at hindi din daw niya alam kung nasaan si Tyler. Three hours pa naman ang biyahe dito papunta sa Raven Street, yun yung street na full of crimes, kaya nine na siguro kami makakarating doon. Nine is the time where crime starts daw doon sabi ni papa noon. Parang gusto ko na lang na ipagpabukas namin ang pagbyahe kaso mas maganda na yung ganto para mas maaga kaming makakapunta sa port bukas.
"Mabuti naman at nandito ka na. Saan ka ba galing?" Kararating lang ni Tyler and si Beatrice kaagad ang nagtanong dahil sila yung close. Sabi niya na may pinagawa daw sa kanya sa bahay nila kaya siya natagalan.
Six na nung sinimulan naming magmove. Malapit na kami sa Raven Street kung saan madami ding hotel. Mag nanine na at alam kong madilim na doon. Eight kase yung close ng mga mall sa kabilang side ng street kaya yung mga very dim street lights na lang ang nagsisilbing liwanag doon sa ganitong oras. I suggested na hindi na lang ituloy kanina at bukas na lang kaso ayaw nila.
"Nasaan yung hotel na nabook?" Si Tyler yung nagbook kanina kaya siya ang tinatanong ko. Sinunod ko lang ang sinabi niya. Huminto kami sa parang apartment. Off lahat ng ilaw sa mga hotels sa gilid niya and ito lang talaga ang available.
Magsasalita na sana ako nang bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko na dahilan para ako'y mawalan ng malay.
//
🔫