Chereads / My Two Step-brother / Chapter 2 - TEASER

Chapter 2 - TEASER

"YOUR NOT FIT IN THIS HOUSE! your mother is a slut!"

"Gold digger!"

"Bitchy, slut!"

"Oh, you look fresh! Can I kiss you right now? So I can give you a lot of money? Ha!"

"Do you just need money? Oh here is it! Take that!"

Umupo ako sa sulok ng kama habang inaalala ang masasakit na salitang lumabas sa bibig ng mga step-brother ko. Dalawa sila laban sa'kin, pero ano nga bang laban ko? Mag-isa lang ako, kahit na gusto ko'ng ipaglaban si mama hindi ko magawa.

Tahimik akong umiyak, Hindi ko alam kung lalaban pa ba ako o hindi.

"Come out, Sapphire! Pumunta ka dito para sa pera, so work for us, GOLD DIGGER!" Rinig ko'ng sigaw sa labas.

Pinahiran ko ang aking pisnge bago pinihit ang siradura.

"HERE!"

"Hmm.." halos matumba ako nang biglang itinapon ni Hanz ang isang palangganang puno ng damit. Mabuti nalang at nasalo ko ito, pero hindi ko rin maiwasang hindi inidain ang aking dibdib kung saan tumama ang palanggana.

"Labhan mo yan, hindi ka kakain 'pag hindi mo 'yan natapos." Aniya bago ako iniwan.

Ibinaba ko ang palanggana at dahan-dahang pinulot ang iilang damit na nahulog sa sahig. At hindi ko rin namalayan na sunod-sunod na nagsituluan ang luha galing sa aking mata.

Para kay mama, gagawin ko 'to. Kahit na paulit-ulit akong masaktan.