Dauntless Academy
Dauntless academy is a prestigious school who do not enrol student easily. Ang mga nakakapasok sa kanila ay nagmumula sa mga nanalo mula sa iba't ibang bayan. If you really want to enter that school without winning a battle, the price would be a pair of your leg, cause the price isn't as low as you're wishing to have. Pwera nalang kung napakayaman mo, magagawa mong mabayaran ang school na ito ng walang kahirap hirap.
Dauntless academy is known as the most toughest and luxurious school in this region. Kaya naman marami talaga ang nangarap at nangangarap na makapasok dito.
Pinagmasdan ko si Mama na sinisilid ang mga gamit na dadalhin ko paalis.
The house was filled by a deafening silence. They are all sad because of my decision but they didn't said anything. Hindi nila sinalungat ang desisyon ko.
Erol's hand, touches my shoulder that made me look at him.
"You made a right choice, always remember that. Please be careful while you're inside that school."
"I will, Erol." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya bago ako niyakap.
"Mamimiss kita kapatid ko."
"I will miss you more, kuya."
'Yun ang unang beses na tinawag ko siya ng ganun, mas lalo siyang napangiti ng marinig mula sa akin ang salitang matagal niyang hindi narinig.
"Be brave, that's the only thing you need to do."
Huling sabi niya bago nilapitan si mama at inalalayan sa pagdala ng mga gamit ko.
Inihatid nila ako sa labas kung saan may naghihintay na sasakyan na siyang maghahatid sa akin sa dauntless academy. Bawat isang nanalo ay may kaniya kaniyang maghahatid papunta roon, kaya natitiyak kong ang iba ay may susundo rin katulad sa'kin.
Malayo ang biyahe mula sa bayan namin patungong Dauntless academy. Tatlong bayan pa ang kailangan naming daanan bago marating ang school.
Habang papalapit ng papalapit ay mas lalo akong nakakaramdam ng kakaiba, para bang sa lugar na iyon ako nararapat. Iyon ang sinasabi ng nararamdaman ko.
Matapos makalipas sa tatlong bayan ay pumasok kami sa isang secluded area. Walang masyadong dumaraan doon, at punong puno ng nagtataasang kahoy sa paligid. Sa dulo ay isang napakataas na padir at gate na humaharang sa isa ring napakataas at mala kastilyong paaralan.
Nakaukit sa harapan ang pangalan noon, sa gamit ang neon red, na tila isa iyong nagbabagang bagay.
'Dauntless Academy'
"Hanggang dito nalang po ako." Nilingon ko ang naghatid sa akin, bitbit nito ang bag ko at inabot sa akin.
Tinanggap ko iyon at pinagmasdan ang kotseng papalayo sa akin kasabay ng paghangin ng malakas. Sunod na dumating ang isa pang itim na kotse lulan ang pamilyar na mukha.
Tinitigan ako nito at saka siya lumapit sa akin bitbit ang kaniyang gamit.
"You're the fifth winner, Amber Easton." Tumango ako at tiningnan ang kamay niyang inilahad sa akin.
"Thana Andrea Algort." Pagpapakilala niya sa akin habang nakangiti. Tumango ako at tinanggap iyon.
"Dawn Amber Easton,"
"Nice to meet you, Y' know what---I've watched you. Hindi ko talaga inexpect na ganun ka kalakas, alam mo bang takot ako sa atienza na iyon, family sila ng mga goons, at isa pa alam ko kung ano sila. " Gusto kong mailang sa kaniya pero hindi ko iyon naramdaman. Siguro'y dahil pakiramdam ko'y totoo siyang tao, hindi namemeke ng mga sasabihin.
Hindi ko rin inaasahan 'yun.
Gusto ko sanang sabihin ngunit, tanging thank you nalang ang nasabi ko.
Sunod sunod na dumating ang tatlo pang makakasama namin pumasok.
Another girl, with an snobbish look and 2 guys.
Seryoso ang dalawang lalaki na isip mo'y mahirap makasundo kaya nanatili nalang akong tahimik.
Unti-unting bumukas ang gate at sabay sabay kaming pumasok.
May sumundo sa aming dalawang malaking lalaki na nakasuot ng itim na suit.
Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mga mukha nito at para bang kumikilos lang sila dahil iyon ang utos sa kanila.
They guided as to a hall, where we saw three persons.
My lips pressed tightly together when I saw how their eyes screamed bravery. Walang mababakas na takot sa mga iyon at tila ba sila 'yung klase ng mga taong makakaya kang patayin sa isang iglap.
They are wearing black, and it caught my attention when I saw tattoos on their skins. Ang isa ay malapit sa dibdib at ang isa naman ay nasa leeg habang ang isa ay nasa braso.
"You must be the five winners from the town of Azariya."
"Yes,"
"Well then welcome to dauntless academy. Here, you will learn how to be incapable of being intimidated, being fearless and brave. In this school you have to fear nothing, kung sino man ang makakaramdam ng takot, hindi na namin magiging sagot ang kung anong kahahantungan ng inyong buhay sa lugar na ito. There's no way out in this school, if you want to leave---I am telling you, you've made your choice to get in and you can never take it back. You won't be here if you didn't answered yes right?" Sabay sabay kaming tumango as the woman's lips formed into grin.
"Dauntless academy is divided into three factions, you'll know it after your aptitude test. Whatever the result is, that's where the faction you belongs to. Magkakaroon mamayang gabi ng welcome celebration kung saan kayong lima ang panonoorin nilang pumili sa kung saan kayo nabibilang.
"May I ask?" Nilingon ko si Andrea ng biglaan siyang magtaas ng kamay at walang takot na nagsalita.
"Yes?"
"Mag-aaral pa po ba kami dito academically or puro trainings lang...and physical activities?" Ngumisi ang babae at nanatili namang tahimik ang mga kasama nito.
"I can say that this school isn't for academics, it is for physical trainings, mind and feelings. This is not an ordinary school you've thought it was." Alam kong hindi ito ordinaryong school.
"This school needs a student who have a strong mind and heart. You need to be physically strong or you'll be dead." Parepareho kaming natahimik sa narinig.
"You'll see, and you'll find it out. For now, I want to introduce myself to you. I am Beatrice, the headmistress of this school and the leader of all leaders here in Dauntless Academy, and here are the leaders of different factions...Caleb Carden, and..." Lumingon ito sa likuran namin at saglit na natahimik. Bahagya akong sumulyap roon at nakita ang isang lalaking punong puno ng autoridad, wearing a black shirt and cargo pants, together with his combat shoes. Hindi kami nito binibigyan ng pansin at nanatiling nakatingin sa unahan kung saan siya papunta. Salubong ang makapal nitong kilay at mariing tikom ang bibig.
"And this is Braeden Lorcan, the nightmare of this school."