Chereads / Paraisong Bangungot / Chapter 1 - Paraisong Bangungot

Paraisong Bangungot

🇵🇭Tiddle
  • 1
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Paraisong Bangungot

Arklay Mountains, Tiddle

1996

[Myth of Arklay]

Sa isang malaking gubat na sakop ng lungsod ng Arklay, may isang malaking mansyon na wala nang naninirahan dahil ang may-ari nito ay matagal nang patay. Malinis man ang paligid ng mansyon, hindi mo parin maikakaila na luma na ito. Bukambibig dati sa lungsod ang tungkol sa mag-inang nagmamay-ari ng mansyon na napakabait daw, ang mag-inang Buenvenido. Ngunit, nang pumanaw silang dalawa sa di maipaliwanag na dahilan, ang sabi sabi rito ay lagi nang palaboy-laboy ang kaluluwa ng mag-ina na tila ba parang 'di matahimik. Pero sa kabila ng lahat ng mga kwentong kababalaghan tungkol sa mansyong iyon ay dinarayo parin ito dati ng maraming tao dahil napakakomportable raw pag ikaw ay pumasok dito. Tila mawawala lahat nang mga problema mo sa oras na itapak mo ang paa papasok sa mansyon. Pero may babala rin na huwag papasok pag maggagabi. Tila magiiba raw ang awra ng mansyon pag ikaw ay pumasok ng ika-siyam ng gabi. Lumipas ang panahon, maraming reklamo na ang dumating mula sa mga tao sa pamahalaan ng Arklay na karamihan daw sa mga pumupunta sa mansyon ay bigla bigla na lamang nawawala. Nagugulat na lamang sila na lahat ng litrato ng nawalang mga biktima ay puro naka simangot sa iba't ibang larawan, mula litrato nito noong pagkabata. Kaya simula noon ay ipinasarado na ang mansyon at di na muling binalikan pa ng mga tao. Ang kwentong ito ay di na ulit binuhay pa para ang mansyon ay di na mapapansin pa at para wala nang mabiktima. Nang mangyari ang inaasahang wala ng dadayo sa mansyon ay bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

°°••..••°°••..••°°

Arklay City

1998

Sa kasalukuyan ng lungsod ng Arklay, may isang babaeng namumuhay nang simple. Siya ay si Ada Verde, labing walong taong gulang pa lamang siya ngunit nagtatrabaho na sya sa isang maliit na restawran sa kanilang lungsod. Isa lamang siyang ulilang lubos, kaya kailangan niyang maghanap buhay. Hindi sya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kamahalan ng bayarin sa paaralan. 16 siya nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kahit na magdadalawang taon nang wala sa kanyang piling ang kaniyang mga magulang ay napapaiyak parin siya pag naririnig ang mga pangalan nito. Hindi halos ngumingiti si Ada sa bigat ng nararamdaman, lagi siyang nalulumbay. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaraanan, nakukuha niya paring ngumiti sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Hindi niya lamang ito pinapahalata.

"Oh nakatulala ka na naman" bungad sa kaniya ng matalik na kaibigan na si Leon Montego dahilan para bumalik siya sa reyalidad.

"May iniisip lang" sagot ni Ada.

"Tutuloy ka ba sa handaan mamaya?" Tanong ni Leon sa dalaga.

"Oo naman, kaarawan mo kaya! Ba't naman ako hindi tutuloy?" Sabi ni Ada na sinundan ng malakas na tawa.

"Agahan mo lamang ang pagpunta, mahabang byahe pa naman ang bahay namin" paalala ni Leon.

"Oo na nga po" reklamo ng naiiritang si Ada.

"Sya nga pala, sinabi ko na sa amo mo na hindi ka muna magtatrabaho bukas kasi pupunta pa tayo sa beach!" sigaw ng papalabas na si Leon.

Hindi na umangal pa si Ada dahil alam niyang malakas si Leon sa babae nyang amo dahil sa kapogian ng binata.

4:00 na nang nakapaggayak si Ada para sa kaarawan ng kaibigan dahil nakaidlip siya kanina galing sa matinding pagod sa trabaho. Batid niyang mahuhuli siya sa handaan ngunit ayaw niyang biguin ang kaniyang kaibigan kaya't nagmadali siyang humanap ng taxi. Nang makarating sa istasyon ng tren ay sobra ang saya na naramdaman na hindi pa siya huli. Nagmadali siyang pumasok sa tren at umupo malapit sa pintuan para madali lamang lumabas mamaya. Nagsipasok na rin ang iba pang pasahero at tumunog na ang tren, hudyat na aandar na ito.

"Maaari bang tumabi iha?" tanong ng babaeng estranghero.

Tumango lamang si Ada at hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya.

Bigla na lang syang naggising nang may tumapik sa kanyang pisngi. "Maaari bang bantayan mo muna ang anak ko?" tanong ng kung sino sa gilid.

Nilingon ito ni Ada at nagimbal siya nang makitang nakatitig ang babaeng estranghera sa kaniya na nanlilisik ang mga namumugtong mga mata. Dahil sa labis na takot at kilabot na nararamdaman ay kusang tumango ang ulo niya nang hindi namamalayan. Ibinigay ng babae ang anak niyang natutulog kay Ada. Tumingin si Ada sa relo niya

"Mag aalas syete na pala" Sinundan niya ng tingin ang babae pero medyo nagdilim ang paligid na para bang humihina ang ilaw. Hinipo niya ang ulo ng bata na nakahiga lang sa kaniyang kandungan, ngunit labis ang pagkagulat niya na ang lamig nito. Bigla namang umilaw ang paligid kaya't hinanap niya ang babae para itanong kung bakit ang lamig ng bata pero bago pa man niya mahanap ang babae ay may napansin siyang paa na lumabas sa bintana ng tren at naiwan pa nito ang tsinelas na suot sa loob ng tren. Kinusot-kusot niya pa ang mata at tinignan ng maayos ngunit wala na ang paa.

"Mama?" tinignan niya ang bata at doon din pala nakatitig ang bata sa bintana.

Napatindig si Ada nang biglang yumanig ang tren, huminto ito at kusang bumukas ang pinto.

"Sira pa yata ang tren" iritadong sambit ng isa sa mga pasahero. "Pano na to?!"

Nakikinig lamang si Ada sa mga angal ng mga tao nang mapansin niyang tumakbo palabas ng pinto ang bata.

"Hoy teka lang!" tawag ni Ada sa bata kaya't napalabas na din siya.

Nilingon niya muna ang tren at nagpatuloy na sya sa paghabol sa bata hindi alintana ang masukal na gubat na pinapasukan.

Takbo nang takbo si Ada na sinusundan parin ang bata hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Patuloy parin sya sa pagtakbo.

"Bata?! Bata?!" Tawag niya rito.

Sa labis na awa para sa bata na baka mapahamak ito, hindi nya magawang balikan ang tren na sinasakyan. Kaya pinagpatuloy niya na lang ang paghanap sa bata, hindi alintana ang landas na binabagtas. Sa gitna ng nakakakalibot na nagtataasang mga puno, may naaaninag si Ada. Isa itong napakalaking bahay. Naglakad siya pupunta roon.

"A-anong---?" hindi natapos ni Ada ang sasabihin dahil sa kalansing na narinig niya di kalayuan.

Hinahanap niya ang tunog na iyon at pag lingon nuya, nakita niya ang batang kanina pa niya hinahanap. Nakatitig lang ito sa kaniya, may sinabi ito kay Ada, hindi man marinig ni Ada ang sinabi ng bata pero malinaw para sa kanuya ang ipinapahiwatig ng bata. 'Sundan mo ko' yun ang pagkakaintindi niuya. Bago pa man makapagsalita si Ada ay biglang sumuot sa malaking butas ng bakal na gate ang bata. At sa di malaman na dahilan ay tumakbo na naman si Ada at sinundan ang bata. Luminga linga pa si Ada at may nakitang kahoy na may nakaukit na 'BAWAL PUMASOK'. Pero kusang naglakbay parin ang mga paa niya papunta sa kinaroroonan ng gate, yumuko pa suya para tumapat sa butas at pumasok na sya rito. Nang tumayo ay nakaramdam si Ada ng labis na kilabot dahil sa malamig na simoy ng hangin, naramdaman niya ang parang kuryente na dumaloy sa kaniyang katawan bago sinimulang tumapak at magpatuloy sa paglakad papunta sa pinto ng malaking bahay at mahinang pinihit ang door knob. Ngunit nang pumasok siya ay tumindi pa ang kaniyang naramdaman, tila nararamdaman niya na ang lubusang kilabot, nararamdaman niya na rin ang pangangatog ng kanyang tuhod. Luminga linga siya sa paligid ngunit medyo madilim ito kaya hindi niya masyadong maaninag ang paligid. Tila ang buwan lang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw niya. Ngunit mas natakot siya nang mapansing sisira nang mag-isa ang pinto sa kaniyang likuran, hinabol pa niya ito pero huli na siya, tuluyan na siyang nakulong sa loob ng bahay. Mabibigat ang bawat hiningang binibitawan ni Ada sa labis na takot habang maingat na naglalakad sa loob ng salas hanggang sa mapadpad siya sa isang napakahabang pasilyo. Kung titignan ang dulo ng pasilyo ay para bang nilalamon na ito ng dilim. Muli niyang inilibot ang paningin para maghanap ng ibang daan palabas pero napalunok na lamang siya nang may marinig na boses.

"Sssst!" tawag ng kung sino sa dilim dahilan para mataranta si Ada at mabilis na luminga-linga, umaasang mahahanap ang misteryosong boses.

"S-sino yan?!" labis man ang takot ay tinatagan parin ni Morina ang sarili.

Luminga linga ulit siya sa paligid para hanapin ang boses. Ngunit, napako na lang siya sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang isang matinis na hagikhik sa kaniya mismong likuran. Tumakbo nang tumakbo sa Ada papunta sa madilim at mahabang pasilyo para masagip lamang ang kaniyang buhay. Gustuhin niya mang sumigaw ng 'TULONG', pero tila parang hangin lang ang lumalabas mula sa kaniyang bibig. Takbo lang siya nang takbo sa mahabang pasilyo na para bang hindi natatapos, hindi magawang lumingon sa likuran dahil sa labis na takot. Hanggang sa may nakita siyang isang pinto, kung hindi siya papasok dito ay siguradong mahuhuli siya ng babae kung kaya't hindi na siya nagpaligoy-ligoy pang pumasok dito. Natagpuan nyia ang sarili sa isang librarya, luminga linga siya sa paligid para maghanap ng matataguan at nahagip ng kanyang mata ang isang aparador.

"Maaari kang magtago, pero hahabulin parin kita, maaari kang magtago, pero hahanapin parin kita!" ito ang mga katagang binitawan ng babae bago sumarado ang pinto.

Alam ni Ada na pumasok ang babae sa silid na kinaroroonan niya kaya hindi siya gumagawa ng ingay. Naririnig ni Ada ang mga yabag ng paa na papunta sa aparador kaya tinakpan niya ang bibig gamit ang dalawang kamay. Mabibigat ang hiningang pinapakawalan dahil sa labis na pagkahingal.

"Waaa!!" sigaw ng babae sabay bukas sa aparador pero wala rito ang hinahanap niya.

Alam ni Ada na doon siya hahanapin ng babae dahil sigurado siyang magkakasya sya roon kung kaya't nagtago sya sa ilalim ng mesa.

"Hmmm? Nasaan kaya siya?" tanong ng naguguluhang babae bago iwan ang silid. Makakahinga na sana ng maayos si Ada nang biglang "Akala mo ba hindi kita nakita?"

Napako sa kinauupuan si Ada dahil sa narinig nyang matinis na hagikhik sa kaniya mismong likuran. Huminga siya nang malalim at lakas loob na tumalikod para harapin ang isang babaeng nakakagimbal ang hitsura at nanlilisik na namumugtong mga mata. Tama! Ito ang babaeng katabi niya kanina sa tren. Napapikit si Ada ng maramdamang hinahaplos ng babae ang kaniyang mukha papunta sa leeg at bigla siyang sinakal. Nagpumiglas si Ada, ngunit kahit anong pagpupumiglas niya, alam niyang ito na ang kaniyang katapusan. Kinakapusan na siya ng hininga, naramdaman na lamang niya ang pagtakas ng isang luha sa kanyang mga mata. Nararamdaman na rin ni Ada ang pagbaon ng mga kuko ng babae sa kaniyang leeg. Sa gitna ng pagkawalan ng pag-asa ay naramdaman niyang tinapon siya ng babae sa matigas na pader.

"Mas matigas ka pa sa pader ha?!" sabi ng babae na sinabayan ng malademonyong halakhak.

Masakit na ang buong katawan niya at bumulwak mula sa kaniyang bibig ang maraming dugo. Sa huling pagkakataon, naramdaman niyang binuhat na naman siya ng babae gamit ang ulo. Lupaypay na ang buong katawan ni Ada. Naramdaman na lamang niya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mata at nawalan na siya ng malay.

Pagmulat ng mga mata ni Ada ay natagpuan nya ang sarili sa isang mabulaklak na lugar. Tinignan niya ang katawan kung may natamo ba siyang mga pasa, pero ni katiting na sugat ay wala siyang makita. Tumingala siya at napatitig sa ulap.

"Ang ganda ng panahon" bulalas niya sa isipan. "Sumikat na pala ang araw?" tanong niya sa sarili.

Sa gitna ng mabulaklaking lugar ay may punong nag-iisa lamang. Naglakad papunta si Ada sa puno at tinitigan ang napakagandang dahon nito, rosas ang kulay ng mga dahon. Napagtanto rin niyang nakasuot sya ng bulaklaking bestidang kulay puti at may korona pa siyang gawa rin sa bulaklak. Malamig parin ang simoy ng hangin pero iba ang nararamdaman niya ngayon, ito ay ang labis na saya. Napapangiti siya ng di oras. 'Ano tong nararamdaman ko?' 'Nasaan ako?' 'Bakit nandito ako?' Ito ang mga katanungan na kanina pa naglalaro sa kaniyang isipan pero mas itinuon niya lang ang buong atensyon sa saya na nararamdaman. Di kalayuan may naaninag siyang babae, sa kanan nito ay hawak hawak niya ang isang bata na pamilyar para kay Ada.

"Ada" tawag ng babae sa kaniya, di gaya kanina ay nakangiti na ito sa kanya.

"Si-sino ka?! Sabihin mo?! Ba't ako nandito?" sigaw ni Ada sa babae.

"Teka, huminahon ka muna" ani babae at matamis na ngumiti kay Ada. "Umupo muna tayo roon at mag-usap" turo ng babae sa isang upuan di kalayuan malapit sa puno. "Patawad kung tinakot kita kanina, kinailangan ko lamang gawin iyon para mawalan ka ng malay at madala kita rito ng walang kahirap-hirap kaso ang tatag mo eh, hahahaha. Kahit ano gawin kong pagbalibag sa iyo, nakakaya mo parin." sabi ng babae.

"Bakit? Hindi kita naiintindihan" sambit ng naguguluhang si Ada.

"Malungkot ka ba?" biglang tanong ng babae ngunit natawa na lang ang babae nang makita ang naguguluhang mukha ni Ada. "Sige, ikukwento ko saiyo para malinawan ka pero bago iyon, sagutin mo muna ang aking katanungan. Malungkot ka ba?"

Napayuko lang si Ada at umiyak nang tahimik na para bang ilang taon na niyang tinatago ang mga luhang iyon.

"Oo, simula nung mawala ang mga magulang ko, tila parang hindi ko na malaman kung ano ang totoong kahulugan ng kasiyahan" tipid na sagot ni Ada.

"Kaya ko inutusan ang anak kong pasunurin ka sa mansyon para bigyan ka ng dalawang mga pagpipilian" ani babae.

"Ano yun?" tanong ni Ada.

"Kung mananatili ka ba rito sa paraisong ito? Alam mo bang mapayapa ang buhay dito, walang problema, walang hinanakit. O? Ipagpatuloy ang buhay sa mundo, maruming paligid, patuloy na dadaloy sa buhay mo ang mga mabibigat na problema di gaya rito sa lugar na 'to." paliwanag ng babae.

"Pero teka, bakit mo ko pinapapili?" tanong ng naguguluhang si Ada.

"Dahil habang pinapanood kita sa mundo ay unti unti akong naaawa saiyo, nawalan ka ng magulang at tanging ikaw na lamang ang bumubuhay sa iyong sarili. Masasabi kong ikaw ay laging nalulumbay ngunit hindi mo ito pinapahalata sa iba, pero iha, ramdam ko ang lungkot mo. Kaya bilang pagmamalasakit sa kapwa---" ngumiti ito ng pagkatamis. "---gusto kitang patirahin dito sa paraiso, pero naaayon ito sa desisyon mo. Kaya pumili ka na" ngumiti ulit ang babae sa kanya, kasabay nito ay naglabasan sa likuran ng babae ang lahat ng mga tao na napadpad din sa mansyon at piniling manatili sa paraiso. Malulungkot din sila dati kaya sila nandito ngayon.

Inilibot ni Ada ang paningin sa paraisong kinaroroonan at nag-isip ng maayos. Kung mananatili siya sa lugar na ito ay magiging masaya siya, magiging maayos ang buhay niya at mamumuhay siya ng payapa. Ngunit, kapalit nito ang buhay niya sa kasalukuyan, kung mananatili siya ay mamamatay ang Ada na mahimbing na natutulog sa higaan ng ospital. Katabi ng bangkay niya ay si Leon, ang matalik nyiang kaibigan, na nakahawak sa kamay niya at pagod na pagod. Makikita sa mukha ni Leon ang takot na mawala ang kanyang kaibigan na si Ada. Inobserbahan pa ni Ada ang mukha ni Leon na makikita sa pamamagitan ng ginawang lagusan ng babae, dito mo makikita ang kasalukuyang nangyayari sa mundo. Tinitigan ni Ada ang mukha ng kaibigan at naging buo na ang desisyon niya.

"Hindi ako mananatili, gusto kong ipatuloy ang buhay ko sa mundo kahit ano pa ang mararanas ko na sakit sa mundong iyon. Oo, magiging masaya ako dahil sa wakas ay wala nang magiging problema. Pero hindi ako makasariling tao na iiwan na lamang bigla ang mga taong nagmamahal sa akin, ano na lang kaya ang mararamdaman nila pag isang araw ay makikita na lamang nila akong habang buhay na matutulog sa kabaong, ayokong maging malungkot sila. Hindi ako inere ng nanay ko mula sa kanyang loob para lang sumuko." Yun ang binitiwan nuyang mga kataga bago siya nasilaw sa ilaw na nasa kanyang harapan. Napapikit na lamang siya dahil sa pagkasilaw.

Nang muli niyang iminulat ang mata ay nahilo agad siya. Tumingin siya sa kamay niya at nakita niyang hawak hawak parin ito ni Leon at dun niya lang napagtanto na bumalik na siya sa reyalidad.

"L-leon?" parang hangin lang ang lumabas sa bibig niya pero sapat ito para marinig uli ni Leon ang boses ng minamahal na kaibigan.

Tumingala si Leon at sa labis na tuwa ay halos lumundag na ito sa saya. Niyakap niya ang kaibigan na kanina pag natutulog sa kama.

"Kung hindi na lang sana kita pinasakay sa tren, kung sana ay sinundo na lang kita....hindi ka sana magkakaganyan" naiiyak na sambit ni Leon sa gitna ng kanilang yakapan.

"Anong nangyari?" tanong ni Ada dahil alam niyang salungat ang lahat ng nangyari sa kanyang bangungot sa reyalidad.

Umupo si Leon sa upuan at nagsimulang magpaliwanag. "Nung huminto raw ang tren sa istasyon ng Arklay na malapit sa gubat ay bigla ka na lang daw nagtatatakbo palabas na nakapikit, pinagtitinginan ka raw ng mga tao pero walang nagkusang tumulong sa iyo kaya bigla ka na lang raw natisod sa ugat ng kahoy ng balete at nahulog sa bangin, at ayun, dinala ka sa ospital. Doon ko lang nabalitaan sa telebisyon na ganito pala ang nangyari" paliwanag ni Leon habang malungkot na nakatitig sa mga mata ng dalaga pero tumawa lang si Ada dahilan para kumunot ang noo ni Leon na para bang naguguluhan.

"Akala mo ba hindi ko narinig yung mga sinabi mo kanina?" panunukso ni Ada dahilan para mamula ang pisngi ni Leon.

"Oo! Sige na! Aaminin ko, napamahal na ako saiyo kaya wag na wag kang mawawala sa piling ko!" pikit matang pag amin ni Leon.

Ngumiti lang si Ada at huling naalala niya ay naglapat na ang kanilang mga labi. Nang maghiwalay ang kanilang labu ay mahigpit siyang niyakap ni Leon.

"Salamat, Svetlana"

Sabi niya sa isipan para sa babae kanina, dahil ito ang naging dahilan para mapagtanto niya ang halaga niya.

WAKAS!