Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Can I go Back?

🇵🇭Puting_Tinta
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.2k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

"Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?

Hindi papabayaan na ako'y mag-isa

Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?"

"Tay, kayo na po muna ang bahala sa mga bata, I know you will take care of them, we will be back after the conference in Germany",

"There's no problem anak, but please after that conference give some time to your kids, they need you as their parents",

"Tay, I promise, this could be the last, babawi po ako sa kanila", sagot ng anak kong si claudia.

Laging ganito ang sitwasyon naming mag-ama, lagi nilang sambit sa'kin na babawi sa mga anak nila pero ang ending hindi naman nangyayari.

"You and archie always say that, I hope and pray that it would be the last",

"Yes, tay, we promise, we need to go po, bye tay!", As they go by.

Pagbalik ko sa loob ng mansion, I saw my two grandchildren, caitlyn and solomon. Binata at dalaga na ang mga ito. Sa bilis nga naman ng panahon hindi ko namamalayan na ang oras ko ay unti-unti na ring pinaiikot ng espada ng orasan.

"Ahm... Lolo grand, this painting po, ngayon ko lang siya nakita, since then, is it new?", Tanong ni caitlyn.

"Caitlyn apo, dati pa yang painting na iyan, way back 2010, I painted them as I inspired.....", Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng...

"Christian, look oh, what can you say about my artwork? Is it good?", Tanong na may isang malaking ngiti mula sa kanyang labi.

"Sam, hmm... Pwede na, not bad, it's just as simple as you are".

"So, meaning hindi maganda ang gawa ko?", Ang ngiting kanina lang ay suot niya, napalitan ng lungkot.

"No! Hindi ba't lagi kong sinasabi sa'yo na, simplicity is the real beauty". Sambit ko na may ngiti.

"Hmm... Sa-sabi ko nga hehehe", namumulang sabi ni samantha.

Ito yung karaniwang ginagawa namin sa tuwing bakasyon. Magpipinta, magsusulat ng kanta, magkakantahan, makikinig ng radyo, maglalaro ng mga laruan na mayroon kami o hindi kaya ay manonood ng mga movies at cartoons sa Cartoon Network.

"Lolo grand, ayos lang po ba kayo?", Hindi ko namalayang napatulala na pala ako.

"Oo apo, mabuti pa ay kumain na muna tayo at palagay ko'y pagod kayo sa naging biyahe niyo".

At sumunod naman ang dalawa sa mesa para kumain.

"Solomon, kumusta ang pag-aaral mo?", Nakikita ko ang sarili ko sa batang ito.

"Okay lang po, lolo grand, same as with my band".

Passion, that's what he have, passion for his music.

"As far, as I know, maraming kumukuha sa inyo para mag-Gig".

"Opo, yun nga lang po ngayong bakasyon medyo tigil muna po kami dahil sinama po ako nila mom dito sa vigan".

Bigla kong naalalang may magaganap na tugtugan  sa kabilang baryo, sa susunod na linggo.

"Hindi mo ba alam apo na mayroong tugtugan dito sa susunod na linggo, dadalhin ko kayo roon para hindi naman kayo mabored dito sa bahay".

At nakita ko ang mga magagandang ngiti sa mukha ng mga bata.

"Sige po!" Excited na sabi ng mga bata.

"Lolo grand, pwede rin po ba akong tumugtog doon?".

"Hindi ako sigurado apo, pero pwede ko namang kausapin ang producer ng mini concert", tutal ay isa ako sa mga naimbitahan na dumalo.

"Thank you po!".

Matagal na ring panahon simula noong nakilala ako sa larangan ng pagsulat ng kanta. Narito ako ngayon sa aking kwarto at tinitignan ang mga larawan na dinaanan na ng panahon. Pinuntahan ko ang mga iyon, ang larawan na kung saan nanalo ang kantang isinulat ko sa Philpop noong 2018. Sumunod ang larawan na kung saan buhat buhat ko naman si claudia.

Naalala ko pa noon nang inampon ko si claudia sa bahay ampunan, maliit pa ito noon wala pang anim na taon, iyak ng iyak, naghahanap ng pamilya. Wala akong balak na mag ampon ng mga panahong iyon, pero naalala ko rin ang business ko walang magmamana ng kumpanya maging sa mga ari-arian na mayroon ako.

Nang panahon ding iyon, I asked my parents if I can adopt claudia. I got their permission and on that same day, kasama kong umuwi ang anak ko.

"Ms. Domingo, ano pong pangalan nang batang babae iyon?", Na-curious ako dahil umiiyak ito, bago lamang siguro sa orphanage na ito.

"Bago lamang siya dito sir chryssler, iniwan na lamang basta ng ina siguro ay hindi kayang buhayin sa hirap ng buhay, hindi po namin alam pa ang pangalan ng bata dahil hindi siya sumasagot sa amin umiiyak lang siya simula ng iwan siya rito", ani Ms. Domingo.

Hindi na agad ako nagdalawang isip na puntahan ang bata, kita ko ang pagod sa mga mata nito dahil sa pagiyak at tiyak kong hindi pa ito kumakain.

"Hello! Bakit nagiisa ka rito? Ang sabi nila marami raw na monsters dito...", Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lalong umiyak ang bata.

Hindi ako mapakali buti na lang at may dala dala kaming mga pagkain para sa mga bata.

"Ahmm gusto mo ba ng chocolate? O di kaya candies? Ah may lollipop ako rito.... Gusto mo?",

Ngunit hindi pa rin tumahan ang bata sa pagiyak kaya hindi ko na pinigilan ang sarili kong yakapin ang bata.

"Sorry if I make you cry iha, tahan ka na sa pagiyak, hindi makakatulong iyan sa'yo..... Tahan na.... Tahan na....", Nanatiling nakayakap ang bata sa'kin hanggang sa nakatulog na ang bata sa'king mga kamay.

"Hello! Buti at gising ka na, anong pangalan mo?", After two hours nagising na rin ito.

"Mama! Mama ko! Asaan si mama! Mama ko! ", Bigla kong naalala ang ako noong bata pa, palaging umiiyak sa tuwing umaalis sila mommy para magtrabaho, pero iba ang istorya ng batang ito.

"May binili lang si mama mo babalik din siya, huwag ka ng umiyak, mabuti pa kumain tayo ng fried chicken mayroon akong dala, tara?", Nakita ko ang biglang pagangat ng ulo nito na parang nagsasabi na sige.

"Gusto mo pa? Kain ka lang ah", Nakita ko ang konting sigla sa batang ito, pero hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.

"Anong pangalan mo?",

"Ako po si cloie", Sa wakas sumagot na rin ito.

"Cloie, ang ganda naman ng pangalan mo, bagay na bagay sa'yo pero dapat hindi ka palaging umiiyak, dapat palagi kang naka smile, para maganda ka", At bigla nga itong ngumiti sa'kin na parang sumasang ayon sa mga sinabi ko.

"Sino po kayo?",

"Ah ako si Tito Chryssler Philo isa ako sa mga nagdodonate rito sa orphanage",

"Sir Chryssler magsisimula na po ang meeting", Sambit ni anna na isang worker dito sa orphanage.

"Sige po susunod po ako", tinignan ko ang bata na siyang nakatingin din sa'kin na parang gustong sabihing huwag akong umalis.

"Babalik ako ah, kumain ka ng marami magkikita pa tayo ulit cloie", Kakausapin ko muna sila dad if pwede kong iadopt si cloie. Buo na ang desisyon ko gusto ko siyang iadopt.

"Opo! Kakain po ako ng marami at palaging magsmile", Biglang nagbago ang behavior ni cloie kanina lang ay umiiyak ito pero ngayon ay heto at medyo nakikipagkulitan na.

Hindi ko man siya kadugo pero mamahalin ko siya bilang isang tunay na anak. Blood is doesn't matter, the most important is the heart and on how you spend time with them and taking care for them.

"Good morning lolo!", Masiglang bati ni caitlyn at solomon.

"Kumusta ang tulog ninyong magkapatid?", I'm wondering dahil bagong renovate ang mansyon.

"Ayos naman po ang tulog ko, kaya lang po hindi po maalis sa isipan ko yung isang gramophone na nasa table po",

"Ayun ba, may katagalan na ang gramophone na iyon, I bought it since 2016, mahirap hanapin ang ganoong klase nauso iyon noong 1900s",

"Matagal na rin po pala, nagana pa po ba yung nasa kwarto?",

Sa bawat araw na nalulungkot ako at naaalala ang nakaraan ginagamit ko ang gramophone na iyon para mabawasan ang sakit sa dibdib.

"Minsan madarama mo,

Kaybigat ng problema,

Minsan mahihirapan ka,

At masasabing hindi ko na kaya"

Ang kantang walang kupas, ang kantang paulit-ulit na nagpapa alala ng masasakit na kahapon. Kung maari ko lang na tanggalin ang sakit, matagal ko ng ginawa.

"Tumingin ka lang sa langit,

Baka sakaling may masumpungan

Hindi kaya ako'y tawagin

Malaman mong kahit kailan"

"Kailan po na produce yung kanta?", Tanong ni sol.

"Noong 2007, apo".

"Wow! Very classic lolo!", Namamanghang sambit ni sol.

Paborito ko ang mga OPM music. Lalo na noong kabataan ko pa, mga panahon ng Ben & Ben, Silent sanctuary, The juans, December Avenue, Bandang lapis, Belong to the zoo, Rivermaya, Spongecola, at ang pinaka paborito namin ang Eraserhead.

Lalo na ng makapasok ako sa industriya ng musika.

I never expected to won in Philpop 2018. At the age of 18, nakapasok ako mundo ng musika. Sulat dito, sulat doon. Pangarap ko iyon, hindi lang pala ako mag-isang nangarap dahil pangarap naming dalawa iyon ni samantha.

Mga pangarap na sabay naming binuo simula pagkabata ngunit lumipas ang panahon at ako na lamang ang nakatupad ng mga pangarap na iyon.

Natapos ang kanta ng hindi ko namamalayan. Parang sa tanda kong ito'y nais ko na lamang na magpahinga.

Matapos kong makausap ang kaibigan kong  producer sa magaganap na concert sa susunod na linggo.

"Sol, pinayagan ka na makatugtog sa susunod na linggo para sa mini concert, kailangan mong paghandaan ang piyesa ng kakantahin mo".

"Really lolo?! Ma-mag hahanda na po ako mamaya".

Pagkatapos naming magusap dumiretso ito sa music room ng mansyon para maghanda.

Pagkatapos ng ilang oras pinuntahan ko ito para silipin at alamin kung paano ito maghanda.

"Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?

Hindi papabayaan na ako'y mag-isa

Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?"

Ang kantang nagpapa alala ng masasakit na kahapon, maging ang mga magiging bukas.

"Lolo grand kayo po pala",

"Bakit mo itinigil? That was nice", pero sa dinami rami ng kantang pwedeng tugtugin nito bakit ang kantang sumikat pa noong kabataan ko pa.

"Nahihirapan ako mamili lolo, gusto ko po kasi yung mga classic OPM", Gusto? Pero bakit hindi mo alam kung kailan nai produce ang hawak kamay?

"ahm... Lolo grand, pwede ko po bang tugtugin ang isa sa mga kanta mo?",

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig, dahil sa pamilya namin siya ang kauna unahang mapapakinggan ko na tumugtog ng sarili kong kanta.

"Why not apo? Go ahead, subukan natin".

Ako ang kumakanta samantalang siya naman ang tumutugtog. At kung minsan, ako naman ang tumutugtog at siya naman ang kumakanta.

Maya-maya ay nakisali na rin si caitlyn sa jamming naming mag-lolo.

Isang maulang gabi ang nagparamdam sa'min. Ang mga bata nasa kanya-kanya ng mga kwarto, samantalang ako ito at nakatingin sa bawat pagpatak ng ulan sa lupa.

Gustong-gusto ko ang ulan, kung maari lang na maligo ako ngayon sa ulan kagaya ng noon ay tiyak na nagtatampisaw na ako ngayon.

"Christian ano bang ginagawa mo dyan naulan na oh! Gusto mo bang magkasakit?!", Sigaw ni samantha mula sa bintana ng kwarto niya.

"Masayang maligo sa ulan sam! Halika rito! Maligo tayo sa ulan!",

"Gusto mo ba akong mamatay agad agad hah! Ikakasal pa tayo d'ba!", Tumatawa ako sa kawalan habang naliligo sa ulan. Hindi ko alam kung bakit pero nakakakilig pala na marinig ang mga ganitong salita mula sa taong mahal mo.

"Oo naman! Ikakasal pa tayo kaya magpagaling ka!",

Araw araw akong umaasa at nagpepray that one day you will be healed in Jesus name.

"Oo kaya pumasok ka na sa loob at tumigil ka na sa pagtatampisaw sa ulan baka mamaya makidlatan ka dyan! At baka magkasakit ka!", Ansaya pala sa pakiramdam kapag may taong nagpaparamdam sa'yo na importante ka sa buhay nila.

"Heto na po! Thank you!".

Sa bawat pagpatak ng ulan siya ring pagalaala sa'ting nakaraan na siyang dinala ng hangin sa kung saanman.

Ang sarap pakinggan ng pagpatak ng ulan ng lupa, ang sarap sa pakiramdam ng hanging malamig, tila may nagpaparamdam.

"Nariyan ka ba, samantha?", Pabulong kong tanong sa hangin.

Sa bawat gabing malamig habang yakap ang sarili, pinipilit kong tumakas mula sa isang panaginip ng kahapon. Ngunit gustuhin ko mang makatakas, hindi ko pa rin magawa, dahil hanggang ngayon ikaw pa rin samantha. Ikaw pa rin.

"Hawak kamay, hindi kita iiwan sa paglakbay

Dito sa mundong walang katiyakan,

Hawak kamay, hindi kita bibitawan sa paglalakbay

Sa mundo ng kawalan".

Ang lahat ay tila isang panaginip na lamang,

Sana ay may gumising sa'kin mula sa panaginip ng kahapon.

Gustong kumawala pero nakakulong sa rehas ng kahapon. Anong magagawa kung ikaw pa rin ang hinahanap hanap ko.

Ilang dekada na ang nakalipas pero ganunpaman ikaw pa rin ang pinili ko at pipiliin ko.