Chereads / Study Buddies ♡ / Chapter 2 - Chapter 1: Sopas

Chapter 2 - Chapter 1: Sopas

"I LOVE YOU, KEILA! MAHAL NA MAHAL KITA!" Kahit kailan lintik na bwisit itong si Ranz. Alam kong inaasar lang naman nya ko. Kaya ini-ignore ko nalang.

"AYIEEEEEEE~!" Never akong kikiligin sa bida-bidang epal na papansin na to, lahat na. I'll admit na hindi ako kagandahan at katalinuhan lang ang mailalaban ko sa ibang babae. Kaya imposibleng magustuhan ako ni Ranz, sabi kasi ng iba pogi sya pero hindi ko naman napansin. Besides, hindi ko naman sya gusto, and I will never like him.

May mga times na nag-aaway talaga kaming dalawa when it becomes to leadership, binabatuk-batukan pa nga nya ako or minumura kapag mas alam nya at Mali ako, o ayan ba ang gusto? Hindi rin ako natutuwa sa mga biro nya, kaya paano ako magkakagusto sa kanya?

Pero talagang naiinis ako kapag inaagaw nya ang atensyon ng mga kaibigan ko, sumasama sama pa nga sya sa barkada namin. Nagkagusto pa nga sa kanya ang best friend kong si Cherie.

"Paano kapag gusto ka talaga ni Ranz?" Tanong ni Cherie.

"Yun? Imposible. Trip lang ako nun." Sagot ko.

"Paano nga lang diba?"

"Eh! Bahala sya! Di naman talaga ako gusto nun!"

"Hindi mo sigurado." Nagulat ako ng sumingit sa amin ni Cherie si Ranz. Pauwi na kami nun.

Pa-epal talaga 'to, lagi pang nagpapalibre sa mabait Kong best friend. Nagpasabay pa sya sa amin sa computer shop.

"Umalis ka na nga! Oo na! Ipi-print ka na namin!" Pagpapaalis ko sa kanya sa com shop kasi ako yung nagcocom tapos nangialam sya nadelete pa, sinong di maiinis? Nagmarunong pa kasi! Tapos magpa-print din kasi kami ng pics ng crush namin ni Cherie eh hehehe...

Pero yun na yata ang huli naming pag-uusap. Dahil kasi sa pang-aasar na ginawa nya ay parang shini-ship na kami ng klase. At dahil isa rin syang dakilang makapal na epal na papansing bida-bida ay parang sya pa itong nandidiri sa akin ngayon at tinatanggi nya ng gusto nya ako. Masakit yun sa akin hindi dahil gusto ko sya pero masakit yun sa pride. May gusto akong iba at hindi sya...

Pero hindi na kami nag-usap ulit. Pataasan ng pride eh! Magkagrupo pa naman kasi sa most of the groups kaya sya ang unang kumakausap sa akin kapag may kailangan sya. Naging kaibigan ko rin naman sya kahit papaano kahit madalas kaming magplastikan kaya medyo namiss ko din syang makausap, medyo lang ah!

At ngayon ay kumakalat sa room na ang gusto nya ngayon ay si Maria, ang kaklase naming maganda at famous. Oh diba! Swerte ko talaga hindi ako nahulog sa kanya, coz he's really not my type. Kaya nga lang may isang nahulog sa Pa-Fall na yun si Cherie. Pero ngayon nakahanap na rin sya ng bagong crush, ang best friend ng crush ko Hahaha..

***

At ngayon kasalukuyan akong nasa karinderya para kumain... Ang haba ng pila! Kaya naupo muna ako sa may isang bakanteng mesa.

Nagulat ako ng may umupo sa harapan ko at naglapag ng isang mangkok ang lalaking iyon.

"Oh." Itinulak nya ang mangkok sa akin.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Sopas."

"Oh, Anong gagawin ko dyan?"

"Kainin mo." Tumayo na sya pero muli akong nagulat ng lumapit sya sa akin at bumulong.

"Sopas. Para sa mga taong ginawang pampalipas oras."

---

Copyright © moshi_Clever, 2020