" Lola may bago po akong nakilalang kalaro" masayang wika ni Christian sa kanyang Lola. Ngumiti naman ang kanyang Lola at sandali syang nilungon saka nag lakad ng kanin sa kanyang plato.
"Ahh ganun ba? " Tugon ng kanyang Lola. Tumango naman ang bata at nag simulang kumuha ng ulam.
"Opo, ang pangalan ay Jehnny, hindi nya daw alam kung ilang taon na sya pero sa tingin ko ay katulad ka lang sya ng edad" Napatigil naman ang kanyang Lola dahil sa sinabi nito. Gulat na tiningnan ng kanyang Lola si Christian.
"Anong itsura nung sinasabing bata? huh Apo?" Wika ng kanyang Lola, sandali namang Napaisip si Christian habang subo-subo ang kanyang kutsara.
"Maganda po sya, maputi and mahaba at itim ang kanyang buhok at napakaganda po ng kanyang mga mata Lola" Wika ni Christian habang kagat-kagat ang kutsara sa kanyang bibig. Sandali namang napatigil ang kanyang Lola. Kaya naman ng mapansin ito ng kanyang Ina ay agad nya itong kinalabit.
"May problema po ba Nay? Namumutla po kayo?" Wika ng kanyang Ina sa kanyang Lola. Lumingon ang matanda sa kanya at pilit na ngumiti.
"Naku anak okay lang ako namangha lang ako dahil may bago na syang kaibigan" Agad na bumalik ang matanda sa pag-kain ngunit tila hindi konbensedo and Ina ni Christian sa sinabi ng kanyang Lola dito. Nag kibit balikat na lamang ang kanyang ina at muling bumalik sa pag-kain at sa kanya isip-isip ay dala na iyon ng katandaan ng kanyang Ina.
Tahimik na kumakain ang mag- anak at tanging tunog lang ng kobyertos ang tanging na ririnig.
Habang sumusubo ng pagkain Napalingon si Christian sa bintana nang kanilang habag kainan. Isang batang babae na nakaputi ang Nakangiting kumakaway sa bintana. Napangiti ang batang lalaki ng muling makita ang bago nyang kaibigan. Binilisan ni Christian ang pagkain ng kanyang tanghalian at tumayo sa hapag.
"Saan ka pupunta anak?" Wika ng kanyang Ina sa kanya. Lumingon ang paslit sa kanyang pinakamamahal na ina and ngumiti.
"Nandyan na uli ang bago kong kaibigan Mama" Nakangiting sabi ng paslit habang nag niningning ang mga mata. Ngumiti ang kanyang ina ang ginulo ang buhok nito.
" Mag lalaro na ba uli kayo?" Wika ng ina ang muling sumubo ng pag kain. Tumango si Christian at ngumiti.
"Opo Mama" Tumango-tango ang kanyang ina at nilunok ang kanyang kinakain.
"Oh sya Sige basta huwag mag papagabi." Ngumiti ang paslit at muling tumangon. Nag paalam na si Christian sa kanyang mga magulang upang lumabas.
"Sandali apo " Pigil ng kanyang Lola, lumongon ang paslit at ngumiti rito.
"Bakit po Lola?" Tanong nya. Tumitig lamang ang matanda sa kanyang apo ang nag buntong hininga. Ngumiti ng pilit ang Lola at tumango-tango.
"Mag-iingat ka Apo" Wika nito, muling ngumiti ng malawak ang paslit at muling tumango.
"Opo Lola" Tumalikod na ang bata at nag simula muling nag lakad palabas ng kanilang bahay.
"May problema po ba Nay?" Wika ng ina ni Christian sa kanyang Lola. Nalungkot ang mukha ng matanda habang tinitingnan ang kanyang apo Masayang nakangiti.
"May kakaiba sa kanya, tulad sya ng kanyang Lolo" Wika ng matanda sa kanyang anak.
"Ibig nyo pong sabihin---"Lumingon ang matanda sa kanyang anak at Tumango-tango ito. Nag katitigan ang mag ina at parehong nakapag-butong hininga.
Pareho nilang nilingon si Christina na mag isang ngumingiti sa labas ng bahay na tila ba may kausap ito.
" Tinitingnan nila tayo " Wika ni Jehnny habang nakalingon sa bintana ng bahay. Lumingon si Christian sa kanyang mga magulang at Lola, ngumiti ito sa kanila at kumaway, ngumiti laman ang mga ito at tumango.
"Tara mag laro na tayo" Masayang Wika ni Christian kay Jehnny. Ngumiti si Jehnny ngunit tila may pag aalala sa kanyang mga mata.
"Baka sumakit ang tiyan mo, kakakain mo lang" Napaisip naman si Christian
sa sinabi ni Jehnny sa kanya.
'Tama nga naman sya' Ngumiti ang bata at hinawakan ang kamay nito
"Doon na lang tayo sa may puno ,doon malapit sa sapa" Wika ni Christian sabay hila kay Jehnny. Mag kahawak silang nag lakad patungo sa punong tinutukoy ni Christian. Napatingin si Jehnny sa kanilang mga kamay na mag kahawak. Napangiti na lamang si Jehnny at nag buntong hininga.
'Napabait mo talagang tao'
Naparating ang dalawang bata sa malaking puno na malapit sa Sapa. Ang sapang ito ay kasama sa ari-arian ng pamilya ni Christian kaya naman malayang nakakatungo rito si Christian.
"Ang sarap talaga ng hangin dito" Galak na Wika ni Jehnny habang hinahawi ang kanyang puting damit at ang kanyang mahabang itim na buhok.
"Madalas ka ba dito Jehnny?" Tanong ni Christian saka umupo sa damuhang nasa ilalim ng malaking puno.
"Oo, lagi akong nandito" Malungkot na Wika ni Jehnny. Nag taka si Christian sa winika ni Jehnny dahil tila ba ubod ng lungkot ito mula pa kanina. Sumandal si Jehnny sa puno at pinikit ang mga mata, nilasap nya ang sariwang hangin na nag papasayaw sa mga puno't halamat sa paligid.
'Matagal na rin simula ng maramdaman ko na tila buhay ako'
Habang nakapikit ang mga mata ay inaalala ang mga araw na sya ay mag isa lamang at walang nakakapansin sa kanya. Sya ay nasa isang sulok lamang umiiyak at nag hihintay na may makapansin.
"May problema ba Jehnny?" Napalingon si Jehnny ng mag Wika si Christian sa kanya. Napangiti na lamang si Jehnny at marahang umiling.
"May mga naalala lang ako" Nag tatalang lumingon si Christian kay Jehnny.
"Ano naman yun?" Muling napangiti si Jehnny dahil sa tuwa kay Christian.
'Napakamatanungin nya talaga'
"Mga ala-alang mapait, ngunit hindi makalimutan" Wika ni Jehnny at ngumiti ng mapait. Napatingin sa malayo si Jehnny at tiningnan ang mga ulap sa dumadaan sa kalangitan. Ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan ngunit may natatamo rin kasiyahan.
'Sana hindi ka nila ilayo sakin'
Napatitig si Christian kay Jehnny at tila bang binabasa ang nasa isipan nito.
'Napaka misteryoso mo'
"Jehnny?" Tawag ni Christian na napaglingon kay Jehnny.
"Bakit?" Wika ni Jehnny habang nakatitig sa mga mata ni Christian.
"Bakit napaka misteryoso mo ?," Wika ni Christian, " Sino ka ba talaga?" Biglang sumampas ang malakas na hangin kasabay ng biglang pag talon ng puso ni Jehnny sa mga sinabi ni Christian. Sandaling katahimikan ang nag hari sa kapaligiran. Huminga ng malalim si Jehnny at Ngumiti.
"Ipangako mo na pag sinabi ko kung sino ako hindi ka matatakot" Serysong tugon ni Jehnny habang nakatingin sa mga mata nito. Marahang tumango si Christian at na nanatiling tahimik habang nakatitig kay Jehnny.
Muling huminga ng malalim si Jehnny at ipinikit ang kanyang mga mata. Biglang umihip ang malakas na hangin. Nanatiling tahimik si Christian at nag hihintay sa gagawin ni Jehnny. Unti-unting umaangat ang mga paa ni Jehnny muli sa lupa. Nanglaki ang mga mata ni Christian dahil sa gulat na nangyari. Tumingi si Jehnny Kay Christian na nananatiling tahimik ngunit halata sa mukha ang kanyang pag kagulat.
" Ba-bakit ka lumulutang?" Nangingig na Wika ni Christian. Kahit may kalungkutan sa mukha pilit na ngumiti si Jehnny at hinarap si Christian.
"Isa akong Multo..."
.