Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Great Quest with a Ghost ( Tagalog)

🇵🇭Jaychan_ace
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.3k
Views
Synopsis
Bata pa lang ay kakaiba na ang mga kilos ni Christian. Madalas sya ay parang may kausap o kalaro. Kaya't ng dahil dito ay napagpasiyahan ng kanyang magulang na umalis pansamantala sa bahay ng kanyang Lola at sa Maynila na manirahan sa pagbabaka-sakaling mag bago si Christian. Naging maganda ang kanilang pamumuhay sa Maynila. Noong tumuntong si Christian nang senior high ay naging habulin at popular sya sa mga babae. Ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang na habang lumalaki ito ay lalo pang lumalakas ang kanyang atraksyon sa mga multo. Nang makapagtapos si Christian ng senior high ay nag pasya siyang bumalik muna sa probinsya upang samahan ang kanyang Lola at muli doon ay muli niyang nakilala ang dati niyang kaibigang multo na si Jehnny, na nais nang makarating ng langit. Sa pag babalik ni Christian sa probisya matutulungan kaya niya na makarating si Jehnny sa langit o ibang langit ang kanilang mararating...? Hmm....
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Sa mga kuwento ng mga matatanda sa buong mundo, ang ghost o ang multo ay espirito o kaluluwa ng mga namatay na tao o hayop na pagala- gala na nagpapakita o nagpaparamdam sa mga buhay pa.

May mga iba't - ibang uri ng multo. Ang pang-karaniwang multo ay uri ng multo na nag paparamdam at nag papakita ngunit hindi nanakit. Ang mga Poltergeist ghost ang mga multo na may kakayahan mag pagalaw ng mga bagay o gamit na maaaring maging dahilan ng kapahamakan sa mga taong buhay. Ang mga future ghost naman ay nag papakita upang sabihin na may mangyayaring masama sa isang tao na naging anyo ng future ghost, Maaari itong magpakita sa taong buhay pa at ang ibig sabihin nito ay malapit na itong mamatay. Ang multo ng nakaraan, ito ang klase ng multo na pilit mong kinakalimutan ngunit pilit na bumabalik sa iyong isipan at paulit-ulit kang sinasaktan.

Ito ang kwento ng isang batang lalaki na ipinanganak na may kakaibigan kakayahan... Kakayahan na bibihira lang ang nag kakaroon.

.

.

"Mama bakit po ang daming tao dito sa bahay?" Wika ng batang lalaki sabay Turo sa kanilang sala. Napatingin naman ang kanyang ina sa tinuturo ng bata ngunit wala syang maaninag na kahit anino.

"Ano ba pinag sasabi mo anak ? , " Nag tatakang wika ng ina, " Tayo lang naman ang nandito sa bahay, tayong dalawa lang kasi nasa trabaho ang Papa mo kaya walang ibang tao dito" Lumingon sa bata sa kanyang ina at umiling.

"Marami po tayo dito Mama, Yung iba nakaupo sa Upuan , ang iba naman ay kumakaway sakin, may mga dugo ang mga mukha nila Mama " Wika ng bata na biglang nagpakilabot sa kanyang ina.

"Ba-baka i-mahinasyon mo lang yun a-anak , tayo lang ang nandito" Nanginginig na umupo ang ginang upang maging kapantay nito ang anak. Hinawakan nya ang pisngi nito ang ipinalingon sa kanya.

"A-alam mo anak pagod ka lang sa pag gagala natin , kaya tara umidlip muna tayo sa kwarto" Wika ng ginang sa kanyang anak. Muling Lumingon ang bata sa sala kung saan nya nakikita ang mga tao. Binalik nya ang tingin sa kanyang ina at ngumiti.

" Tapos makikipaglaro po ako sa kanila Mama ah?" Nanlaki ang mga mata ng ginang dahil sa sinabi ng kanyang anak. Sinampal nya ang bata sapat ang lakas para mamula ang pisngi nito at nag simulang umiyak. Natauhan naman ang ginang at hinawakan ang kamay ng bata.

" Hi-Hindi ka pwede makipaglaro sa mga nakikita mo , kasi hindi sila totoo anak " Nilingon sya ng bata na may luha sa mga mata at unti-unti ng tumutulo ang sipon nito.

"Pero totoo sila Mama" Sabi ng bata sa bawat pag hikbi nito.

"SABI HINDI NGA SILA TOTOO, BAKIT BA ANG KULIT-KULIT MO?" Biglang natakot ang bata sa mga sinabi ng ina. Tinulak nito ang kanyang ina at tumakbo palayo.

"Christian!" Sigaw ng kanyang ina ngunit nag patuloy sya sa pag takbo.

Tumakbo ang bata sa likod bahay nila at nag tago sa may bodega. Doon sya umiyak nang umiyak. Bigla naman lumitaw ang isang babae sa kanyang tabi at sinaluhan ito sa kanyang pighati.

"Bakit ka umiiyak ?" Tanong ng babae, at hinawakan ang ulo nito para Malawi kahit papano ang lungkot nito. Tumingala ang bata at tiningnan ang babaeng nakaputi.

" Pinagalitan ako ni Mama" Sabi ng bata kasabay ng kanyang pag hikbi. Nag punas iti ng luha at muling nilingon ang babae.

"Bakit ka ba pinagalitan? May na gawa ka bang hindi maganda?" Wika ng babae habang nakatingin sa bata. Yumuko ang bata at nag buntong hininga.

"Sinabi ko lang po na may mga kasama kami sa bahay na marami, pero sabi nya wala daw, hindi naniniwala si Mama sakin kaya sinampal nya ako at sinagawan" Wika ng bata at nilaro ang kanyang mga daliri sa kamay. Ngumiti ang babae at tumabi ito sa pag upo ni Christian.

"Alam mo kasi bata, may mga bagay na nakikita mo pero hindi nakikita ng ibang tao tulad ng iyong ina" Wika ng babae at ngumiti sa paslit. Tiningnan laman sya nito na tila bang naguguluhan ito sa sinabi ng babae.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong bata habang nakatingin sa babae. Ngumiti lang ang babae ang ginulo ang buhok nito.

"Masyado ka pang bata para maintindihan ang mga sinabi ko, pero sana hindi mo kalimutan ito" Sa winika ng babae tila ba lalo itong naguluhan. Tumawa lamang ang babae dahil sa reaksyon ng bata.

" Bumalik ka na sa loob ng bahay nyo kasi hinahanap ka ng iyong ina" Saglit syang tiningnan ng bata at marahan na tumango. Tumayo ang bata ang nag paalam na ito sa babae. Nag lakad na sya pabalik patungo sa kanila ng bahay ngunit ng muli nyang nilingon ang babae ay bigla itong nawala. Nag kibit-balikat na lamang ang bata at tumango na sa kanila ng bahay.

" Mama!" Tawag nya sa kanyang ina. Humarap ang kanyang ina at patakbo na lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

" Pasensya na anak , nadala lang ako sa emosyon ko anak" Wika ng kanyang ina na umiiyak habang hinahaplos ang kanyang likod. Yumakap sya pabalik sa kanyang ina at dinama ang pagmamahal nito.

.

.

" Tara anak pag empake ka na uuwi na sa bahay ng iyong Lola," Wika ng ina ni Christian. Masayang tumango ang bata at nag simulang ilagay ang kanyang gamit sa kanyang dadalhing bag. Tinulungan nyang ayusin ang kanyang mga damit at inilagay ito sa kanyang bag.

Dahil nag -iisa na lamang sa kanyang bahay ang kanyang lola, doon sila maninirahan sa probinsya kung na saan ang kanyang Lola upang samahan ito.

Excited na marating si Christian sa bahay ng kanyang Lola. Masaya syang nakamasid ang paslit sa bintana ng kanilang kotse habang kumukuyakoy ang mga paa nito.

" Excited ka na ba makita ang Lola mo Christian anak?" Tanong ng kanyang Ama habang nag-didrive at nakatingin sa salamin upang makita ang paslit na nasa likuran ng kotse.

" Opo Papa, Miss ko na po kasi si Lola" Napangiti ang ginoo dahil sa reaksyon at sagot ng paslit sa kanya.

"Lola" Masayang salubong ng paslit sa kanyang Lola.

"Apo" Niyakap sya ng kanyang Lola ng mahigpit. Napatigil ang bata ng may makita sya sa likuran ng kanyang Lola.

"Bakit Anak?" Tanong ng kanyang Ina. Nanatiling nakalingon ang paslit sa at nag wikang

"May kasama po tayo dito"