Chereads / Leondelle Chaeyeonbelle Monroe / Chapter 3 - *Prologue: 2 Months Ago*

Chapter 3 - *Prologue: 2 Months Ago*

"Chelle, Vanessabelle" Tawag sa amin ni Mama.

"Aga aga mama, lakas ng sigaw mo."

"Bakit po?" Kakalabas ko pa lang ng kwarto at kinakamot ang ulo ko.

"Eh kasi, yung lolo ninyo sa Pilipinas daw kayo mag-aaral ng college." Sabi ni Mama na may malapad na ngisi.

"WHUT?" Ang OA naman kung maka- whut, sis.

"If I am going to study in the Philippines, I want to go to Peterson University," I said.

"Oo nga, 'yon nga. Dad told me that you are going there to study college."

"Okay?" Am I asking or I'm just not sure.

"Alright. Now, pack up and tomorrow, you'll fly to the Philippines to take your entrance exam."

And yeah, nagsitakbuhan na kaming dalawa ni Chelle papunta sa mga kwarto namin. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? Sa Peterson University daw kami mag-aaral. Isa lang naman ang Peterson University sa mga magagandang eskwelahan sa buong mundo. So, sino pa ang aayaw? Aba, hindi ako. Not me. Never.

---

The next day...

"Ma, Pa, we'll miss you." Niyakap ko si Mama at Papa ng mahigpit.

"Vanessa, me and your mom will miss the both of you, too. Just remember that we're always here to support the both of you okay? Remember that."

"We will, Dad." Our dad is a pure Italian while Mom is a French-Filipina. Mom got light brown eyes na minana ni Chelle and Dad got gray eyes na minana ko naman.

"Sige na, go on. Call us when you arrive there." Nagpaalam na kami nina Mama at Papa at dumiretso sa eroplanong aming sasakyan ni Chelle.

This will be my first time sa Philippines. Hindi pa ako nakapuntang Pilipinas kahit saglit. Si Chelle, oo pero hindi ako. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko nang nakalipad na ang eroplano. Naghahalong saya, lungkot, excite, boredom, at pagod. Malay ko ba. Hindi ko nga alam kung bakit ko 'to nararamdaman eh hindi naman ako nakakaramdam nito noon.

Nakatulog na ako sa flight at tanging si Chelle lang ang gising sa aming dalawa.

***

Vivianchelle Lauren Ford

"Hay nako, nakatulog na naman 'tong si Belle. Kailan ka ba hindi matutulog? Lagi ka lang namang natutulog ah?" Para na ba akong baliw dito? Kapag tulog, tulog hindi na 'yan sasagot.

Ewan ko ba kung bakit siya palaging tulog. Kapag naman gising, laging seryoso. Kailan ba yung huli ko siya nakitang tumatawa ng totoo at natural. Siguro nung buhay pa si Mama Flora, ang lola namin. Nung namantay si Lola, nagbago na ang lahat, bihira lang siya lumabas ng kwarto niya at palagi na lang namin siyang naririnig na humahagulhol. Si Papa lang ang palagi niyang kausap at sinasabi rin ito sa amin agad. Medyo nakakalungkot dahil lumaki kaming dalawa na malapit ang loob sa isa't isa pero daladala pa rin niya ang mga alaala nung namatay si Mama Flora. Hindi niya ito matanggal sa isipan niya at pinili niyang kalimutan nalang ito kahit 'di nya naman magawa. Mabuti na rin na sa Pilipinas kami mag-aaral, hindi na niya masyadong makikita ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

---

Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin kami sa Pilipinas.

"Belle. Wake up. We're here." Tinapik ko ang balikat ni Belle at agad naman siyang nagising.

Tumayo lang siya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas sa eroplano.

"Saan daw tayo susunduin ni DJ?" Tanong ni Belle na fully clothed dahil allergic sa sinag ng araw.

"Naghihintay daw sila sa labas ng airport."

"Ano ba 'yan? Alam ba niyang maraming paparazzi ang nakasunod sa atin?"

Belle is an International Gun Shooter. Napakarami na niyang achievements sa kabila ng pagiging vulnerable niya. Magaling din si Belle sa field ng Archery which is also my field. Minsan nang nasubok ang galing namin sa archery 3 years ago at sabay kaming nanalo ni Belle. Kahit ulit-ulitin pa ang laban namin, kaming dalawa rin ang nanalo sa huli. Kaming dalawa ay naging endorser rin ng famous clothing brand sa buong mundo kaya hindi maiiwasang maraming tao ang palaging nakabuntot sa amin. Not to mention, Belle's the Young Ambassador of France to the Philippines.

---

Hindi muna kami lumabas papuntang lobby...tinawagan muna namin si DJ nang may bumangga nalang sa amin ng marahas and worst, nabasag ang phone ni Belle na ikinagalit niya.

"How dare you!" Hinila ni Belle ang kanang kamay ng isang lalaki at tinutukan niya ng fake na baril.

Siyempre, natakot yung lalaki kaya pinatakas nalang. Gago talaga!

"Belle, you okay?" Nag-aalalang tanong ko kay Belle.

Tumango lang siya sa akin and gave me a smile...fake smile.

"Chelle."

Lumabas na kami papuntang lobby at nagsisigawan na ang mga tao sa paglabas namin. Inabangan pa talaga kami? Mga fans nga naman.

***

Vanessabelle Lorraine Ford

Oo, nakalabas na kami sa eroplano, pero ito naman ang sumalubong sa amin. Nagkukumpulang mga tao. GOD, nahihirapan na talaga akong huminga. DJ naman kasi, bakit kailangan pang sa labas. At isa pa, hindi naman namin pinaalam na pupunta kaming Pilipinas sa mga taong 'to ah? Oh edi sanaol updated kahit wala namang update na nilabas.

"Chelle, dala mo ba yung pouch ko?"

"Oo, here." Hindi pouch ang inabot ni Chelle sa akin kundi mismo ang inhaler ko.

Naupo muna ako kaya nagtaka ang mga tao at nagsilayuan nang makita nilang nahihirapan akong huminga. Mababait naman pala eh, kailangan pa ba na mamatay ako bago nila kami tantanan.

"Belle, are you okay?" Tanong ng isang fan.

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ko lang ang ginawa ko.

"Belle, here water." Nag-abot ng tubig ang isang fan pero hindi ko ito tinaggap dahil may sarili akong iniinom na tubig.

Basang-basa na ng pawis ang likuran ko at pinupunasan ito ni Chelle. Right now, I need to go to the car as soon as possible. Walang ibang makakabuhat sa akin dahil kahit ang mga guards ni namin ay hindi makasuot. Pero, may isang lalaki na lumapit sa amin at nakikita ko ang magagandang asul na mata na nakatitig sa akin. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil naka-face mask siya. May kasama siyang tatlong lalaki na tumulong sa mga gamit namin ni Chelle.

Nang makarating na kami sa limo, ibinaba na ako ng lalaki.

"Thank you so much for helping us. This really means a lot to me and to my sister." Sabi ni Chelle sa kanila.

Wala man lang silang sinabi at tumango lang. Maging ako, wala na rin akong sinabi, hindi ko naman ugaling magpasalamat. Nakita ko lang ang lalaking may asul na mga mata na kumindat sa akin at inismidan ko nalang. Bahala siya sa buhay niya.

Pero, sino kaya yun? Sana nakuha ko man lang ang pangalan niya.

--

Belle_Leondelle