Chereads / Dear Diary, Kapitbahay ko si Ex / Chapter 2 - Dear Diary : 1

Chapter 2 - Dear Diary : 1

Dear Diary,

March 12,20**

Masaya ako na tinupad mo yung hiling ko na sana may schoolmate ako na lumipat dito sa Subdivision namin,kaso naman Diary bakit sa lahat ng tao na ipadadala mo eh yung Ex ko pa?!?

Diary diba sinabi ko naman sa'yo na hindi pa ako nakaka-move on sa kabalastugang ginawa nung hinayupak na ex ko tapos ngayon nasa tabing-bahay lang ang gago?!? Diary naman,Kung may sama ka ng loob sa akin dahil sa ikaw ang pinagmumura ko at nilabasan ng sama ng loob noong hiniwalayan ko yang hinayupak na halimaw na yan,sorry na. Hindi na mauulit!Pramiss!

Kaso mukhang hindi talaga sang-ayon sa akin ang araw Diary eh,Kita ko!Kitang-Kita ko na yung hinayupak na monggoloid na gagong halimaw na yon eh katapat ko pa ng kwarto?!Gago lang? Friday the 13th ba ngayon at ganito ako minamalas?

Pero alam mo Diary, Napapatingin pa din ako sa kanya ngayon at ang masasabi ko na lang na masarap talaga siyang titigan, naiisip ko na masarap siya i-kama este kasama at higit sa lahat-ang sarap itapon mula sa tuktok ng Mt. Apo at pagulungin pababa hanggang sa mahulog siya sa tusok-tusok na bakod tapos ipabubugbog ko siya sa mga karate kid na naging kaibigan ko noong nagbakasyon ako sa Japan, napakasarap niyang pagswimmingin sa kumukulong mantika kasama ng mga pirhanang hinihintay siya para makain!! Nakakainis Diary! Paano nalang kapag gising ko sa umaga tapos makikita ko silang nag-jujugjugan ng bestprend kong kaya pala bes ang tawag sa akin dahil anak pala ni Elastic Man at Barbie. Edi nasira ang araw ko na laging napaka-ganda! What if naka-sabay ko siya sa pagpasok at makasama sa iisang jeep? Bawal yon Diary!Makikita ng lahat ng naka-sakay na ako yung murderer! Which is hindi naman mangyayaring magkakasabay kami sa Isang Jeep dahil richkid ako at may sariling kotse na ginagamit sa school!

Oh bale,I need to go na Diary!Bukas ko na lang ilalabas ang sama ng loob ko at ang mga plano ko kung paano ko me-murderin ang Ex kong kasing gwapo ni Choco at kasing kinis ni Yago!

P.S. Paalalahanan mo akong laging isara yung mga bintana ng Kwarto ko, May Demonyo kasi sa Kabilang Bahay. Mamaya makapasok dito sa kwarto ko at gawin pa akong kalahi niya.

Nagmahal pero iniwan. Char!,

Zyniel Margaux Spades