Chereads / Laban pilipinas / Chapter 2 - Pangalawang laban

Chapter 2 - Pangalawang laban

Marami ng bagyung dumaan sa pilipinas pero sa tingin ko ay itong taon na ito ang may malalakas na bagyo tulad nalang bagyong rolly ang daming pinatumba at kinuha mga puno,bahay,kabuhayan at lalong lalo na ang buhay kaya naman ay masasabing itong taon na ito ay maraming pinagdaanan ang bansang pilipinas.

May mga mabubuting taong tumutulong sa mga nawalan ng hanapbuhay ang iba naman ay nagbibigay ng mga pagkain para may mailagay lang si tiyan ang mga mahihirap na tao at nasalanta ng mga bagyong dumaan sa pilipinas.

Maraming tao ang di pa ngayun nakabangon sa bagyong mga pinagdaanan, maraming nahirapan, maraming nasaktan pero ngayun ay lumalaban para sa kanilang mga mahal sa buhay kaya naman ay ibat ibang tao na ang nagbibigay ng tulong sa kanila at tulong na rin sa kanila ang pagdadasal dahil ito ay napakapangyarihang sandata na nagagamit upang matalo ang kasamaan at ito rin ang nagbibigay lakas sa mga tao para sa araw araw na paglaban sa kinakaharap na pagsubok sa buhay,wag papatalo sa buhay na puno ng problema dahil kung ikaw ay papatalo sa buhay na maraming pagsubok ikaw ay babagsak tulad ng pagbagsak ng mga puno,ikaw ay masasaktan tulad ng pagiyak ng mga namatayan sa mga bagyong sinubukan ang katatagan ng mga tao na lumaban para kanilang buhay lalo na sa ating bansang pilipinas.