Noong unang panahon may isang babaeng nagngangalang Maria, siya ay kilala na mahiyain ngunit ubod ng ganda kaya naman maraming nabibighani sa kaniya. Isang umaga may lalaking nagngangalang Michael, isang makisig, matalino at mabait, galing siya sa maynila at siya'y inutusan ng kanyang amo na pumunta sa bulkang Taal upang doon ay kumalap ng impormasyon tungkol sa sinasabing diwata ng mga
taga-baryo Maglaun. May mga nakita siyang tao na nagkukumpulan na tila ba'y may nakitang kung anong bagay. Lumapit doon si Michael para tingnan kung ano ang nangyayari doon, nakita niya na may isang lalaking naging bato...
Manang Berta: Baka kagagawan ito ni Maria dahil ayaw niyang nagagambala siya.
Manong Isko: Sa tingin ko nga rin dahil dati habang naglalakad ako ay may nakita akong isang babaeng maganda tapos bigla niyang ginawang bato ang isang bagay kaya maaari siya rin ang may gawa niyan.
Dumating ang Punong Barangay ng baryo Maglaun...
Punong Barangay: hindi ako makapaniwala na nangyari ito.
Lalo pang nagsulputan ang iba pang
taga-baryo Maglaun, matapos mabilis na kumalat sa baryo ang nangyari. Ilang minuto ang lumipas, isang matanda ang dumaan at may mga iwinika.
Lolo Jan: 'wag na kayong umakyat sa Bulkang Taal dahil kapag nagambala ninyo si diwatang Maria baka parusahan kayo niya kaya magiingat kayo!!!
At doon na nga natapos ang isang hapon na may bumabagabag sa isipan ng mga
taga-baryo Maglaun.
Isang araw nagtanong-tanong ulit si Michael tungkol sa sinasabing diwata hanggang nakausap niya si lolo Jan. Kilala si lolo Jan sa pagiging isang researcher no'ng araw...
Lolo Jan: Maraming beses ko nang nasilayan si Maria, siya ay lubhang mahiyain ngunit siya'y napakaganda siya'y mahiwaga at aaminin ko rin na ako'y minsan nang umibig sa kanya ngunit bawal dahil ayun sa kautusan nila ay bawal sila umibig sa mga mortal.
Michael: bakit po naninirahan si Maria sa Bulkang Taal, may pamilya po ba siya?
Lolo Jan: alam mo eho minsan ko nang nakausap si Maria, nagkwento siya tungkol sa buhay niya, nawika niya ang tungkol sa kanyang buhay at hindi pa man nagsisimula ay tumatangis na si siya pero itinuloy niya pa rin ang pagkwento wika niya'y, " kinulong ako rito ng aking mga magulang para mapagtanto ko na dapat ay hindi na ako pumunta sa mga tao dahil noon ay nakikipagusap at nakikipagkaibigan ako sa mga tao kaya pinagbawalan nila ako at isinumpa na hanggat 'di ako makatagpo ng taong magmamahal ng totoo at ipaglalaban ako ay 'di rin ako makakalaya sa pagkakakulong sa bulkan na'to". Kaya ayun sinusumpa niya rin ang mga taong pumupunta sa bulkang Taal dahil gusto niya rin na maranasan ng mga tao ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Michael: ganoon po pala ang nangyari sa kanya.
Lolo Jan: oo, ganoon ang nangyari sa diwatang naninirahan sa Bulkang Taal.
Isang umaga nanaman ang dumaan at biglang nagkaroon ng mga realisasyon si Michael.
Michael: tingin ko ay kulang pa ang aking nasaliksik tungkol kay diwatang maria.
Hapon na ng biglang tumawag ang boss niya.
Ano: Michael, kumusta na ba ang pinapagawa ko sa'yo?
Michael: tingin ko po kulang pa ang aking nasaliksik tungkol sa diwatang sinasabi nila.
Amo: ikaw ba sa palagay mo totoo ba siya? Naniniwala ka ba sa sinasabi nila na mayroong diwata na naninirahan sa Bulkang Taal?
Michael: sa tingin ko po ay kwentong bayan po ito o usap-usapan ng mga tao rito hindi po ako naniniwala.
Amo: ganoon ba ako kasi base sa mga nasaliksik mo alam ko na kwento lang ito pero hindi naman masamang paniwalaan na mayroon nga talagang diwata diyan.
Isang araw habang naglalakad siya sa bahagi ng bulkan ay may nakita siyang isang babae, maganda kaya naman ay naisip niya na baka iyon na nga si Maria na pinaniniwalaang diwata. Nasaksihan niya mismo ang kapangyarin ni Maria kaya naman ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone para makuhanan ng litrato ang diwata.
Michael: totoo pala ito hindi pala ito kathang isip.
Doon niya na napagtanto na totoo pala na may diwata sa bulkang Taal. Hindi niya alam na nakikita na pala siya ni Maria kaya ang ginawa ni Maria ay ikinulong siya nito.
Maria: ano'ng ginagawa mo sa aking tahanan?
Michael: wala, wala napadaan lang ako pasensiya na kung nagambala kita kung iyong pahihintulutan ay gusto ko na sanang makauwi sa'min nagmamakaawa ako sa'yo diwatang Maria?
Maria: At sino ka para palayain kita? Pareparehas kayong mga lalaki mga walang tapang para ibigin ako yung iba sinasabi "iibigin kita pero bigyan mo ako ng salapi", mayroon namang isa na " iibigin kita pero ibibigay mo muna ang gusto ko", mga pareparehas kayong lahat mga manloloko 'di niyo inisip na may masasaktan kayo inisip niyo lang ang mga sarili ninyo pano naman ako na walang magulang walang nagmamahal sino nalang ang makikinig sa nararamdaman at ang magmamalasakit sa isang tulad ko!!???
Michael: ako ang makikinig sa'yo.
Dahil mabilis lamang mapa-ibig ang diwata ay madali siyang napasamo ni Michael.
Pumayag naman ang diwata at roon na nga kweninto ang tungkol sa buhay niya.
Michael: ganoon pala ang nangyari sa buhay mo grabe naman bawal ka palang umibig noon pero ngayon ay gagamitin mo na iyon para makalaya ka rito.
Maria: oo, ganoon na nga, ang dami ko nang napagdaanan na hindi alam ng mga tao at ng aking mga magulang alam mo ba...mahirap, napakahirap ng nag-iisa walang kasama, walang kausap kaya nalulungkot ako at nagagalit, at ang galit na iyon ay aking ipinaparamdam sa mga taong aakyat at mangiistorbo sa akin.
Michael: kaya pala ngayon alam ko na pasensya na ulit sa aking ginawa kanina.
Doon na nga nagsimula ang pag-iibigan Ng dalawa. Araw-araw ay umaakyat si Michael sa Bulkan upang makausap si Maria. Naguusap sila tungkol naman sa buhay ni Michael.
Michael: ako lang mag-isa sa buhay dahil wala na ang aking mga magulang at wala rin akong kapatid kaya nagtratrabaho ako ng maigi para mabuhay ko ang aking sarili.
At doon na nga nakilala pa nila ang isa't isa...
Hapon noon at umakyat ulit si Michael sa bulkang Taal at napagmasdan niya si Maria na umiiyak.
Michael: bakit ka umiiyak Maria?
Maria: pumunta rito ang aking magulang kung hindi pa raw ako makakita ng taong magmamahal sa akin ay hindi na ako makalalabas dito sa bulkang Taal.
iyak ng iyak parin si maria...
Michael: kung may magagawa lang sana ako pero alam mo noong una kitang masilayan ay nabighani ako sa iyong taglay na kagandahan...
Nabuhayan ng loob si Maria ngunit patuloy pa rin ang kaniyang pagtangis...
Lumipas ang ilang linggo at umakyat ulit si Michael sa bulkan at siya'y umamin na sa kaniyang tunay na nararamdaman sa diwata.
Michael: mahal kita at hindi kita papaasahin at sasaktan kaya sana ako nalang ang mahalin mo pangako hindi kita sasaktan mamahalin kita ng totoo't lubusan.
Maria: handa mo bang iwanan ang iyong buhay sa siyudad at trabaho para sa akin?
Michael: oo, handa ako!
At doon na nga lumabas ang mga magulang ni Maria.
Inang Reyna: binabati kita anak dahil napagtagumpayan mo ang pagsubok sa'yo.
Ngunit isang araw ay nagising na lamang si Maria, wala na roon si Michael at may nakita siyang isang liham na gawa ng taong mahal niya nakasulat doon ay "pasensiya ka na mahal ko mahal kita pero ayaw kong iwan ang aking trabaho at patawad dahil may iba na akong mahal." galit na galit si Maria kaya pinasabog niya ang bulkang Taal.
Maria: magdusa kayo tulad ng pagdudusa ko!!!!!!!
At doon na nga sumabog ang bulkan galit na galit rin ito...nabalitaan na lang ni Maria na wala na sii Michael, namatay na raw siya dahil natabunan daw ito ng abo. Iyak nang iyak si Maria dahil akala niya ay si Michael na ang taong magmamahal sa kanya ng may katotohanan at kabuluhan.