Chereads / FIRST GLANCE / Chapter 2 - PROLOGUE:

Chapter 2 - PROLOGUE:

Hershey's POV

"Ghourl, where na u?" iritableng tanong ni Candice sa telepono. Napabungtong-hininga ako sa kabilang linya. Nakapila pa kasi ako dito sa loob ng 'Infinitea Milktea Store' na nakapwesto sa harap ng Arellano University. Hindi ko alam kung bakit atat si Candice eh hindi pa naman ako late.

"Teka lang dzai, ang dami pa kayang nakapila" sagot ko at umirap sa kawalan.

"Just hurry up, I want may milktea na e" maarte nitong sabi. Agad kong ibinaba ang cellphone ko at pumunta na sa counter para umorder.

"Uhm, isa nga pong Okinawa milktea, yung large po, 100% sugar and pearls" sunod sunod na banggit ko. Nakuha naman ni ateng nasa counter yun at isinulat dun sa cup ko.

"Name po?" Tanong niya. Bago pa ako sumagot ay biglang umingay sa loob ng store. Nakuha nito ang buong atensyon ng mga taong nasa loob. Isang gwapong lalaki ang pumasok sa store.

"waaahhhh"

"shems, ang gwapo"

"lah, ang gwapo naman ni kyah"

"Miss, anong pong pangalan?" Bumalik ang diwa ko ng magsimula ulit si ateng nasa counter.

Sumulyap ulit ako doon sa lalaking pumasok at nagulat ako ng papunta siya sa direksyong ko. Di ko alam pero bigla akong nagpanic at tumabi sa gilid.

"Ma'am, name po?" Pag- ulit ni ateng nasa counter.

"Ahm, Candice po" natatarantang sagot ko. Maya maya pa ay may naramdaman ako sa likod ko. Nang lumingon ako ay nasa likod ko na yung guy. Gwapo sheyt!

35minutes later...

"Why did you took so long?" Maarteng tanong no Candice ng salubungin niya ako sa entrance ng Main building nitong Arellano. Nakapameywang pa ang tanqa.

"Ang dami kasing tao sa loob ng store" walang ganang sagot. Iniabot ko sa kanya yung milktea at kinuha ang cellphone ko. Mag iinstagram muna ako, 30 minutes pa bago magstart ang 1st sub.

Ako si Hershey Lulo, 17 years old and Grade 12 Senior high. Nag-aaral ako sa Arellano University Pasig and at the same time nagp-part time job bilang 'kanang kamay' kuno ni Candice Montales na isa sa mga classmate ko. Wala na akong mama at ang papa ko naman ay may ibang pamilya na. Only child lang ako at dahil doon, kailangan kong kumayod para makakuha ng sariling pera kahit na sinusustentuhan ako ng papa ko.

"Myghad, you're stalking MJ Daet again?" Napabalikwas ako ng magsalita si Candice habang nakatingin sa phone ko. Inilayo ko ng onti sa kanya ang phone ko at sinamaan siya ng tingin.

"Eh ano naman?" mataray na tanong ko. Tiningnan ko ulit sa huling pagkakataon ang post ng crush kong si MJ Daet sa insta bago iback at patayin na ng tuluyan ang phone ko.

"Ay, taray ka ghourl?" napapantastikuhang sambit ni Candice. Inirapan ko lang siya. Tumawa lang siya ng marahan. "Anyway, alam mo na ba yung balita?" Pabulong na tanong nito. Napatingin ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Ano?" pabalik na tanong ko sa kanya. Lumapit pa siya sa akin.Minsan nakakainis din talaga tong babaeng 'to eh, dami pang dada ayaw nalang sabihin agad.

"Dito daw mag aaral yung anak ng artista. Di ko knows kung sinong artista but I heard na yung Daddy non is a CEO ng famous shoe brand" conyo nitong chika. Napairap ulit ako. Minsan talaga nakakapagtaka 'tong tenga ni Candice, kung ano anong narirnig na chika. Mayamang chismosa. Tsk.

____________________________________________

Author's Note: There are some typographical and grammatical errors in this story. Feel free to correct me hihi.

Hi guys! This is my first time writing in this app. Please, be aware on how I wrote my story. hihi.

Luvlots

-Mareng Mari