Chereads / Death's Shadow (TAGLISH) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2: Kei Delvin Synivia

"Ang cheesy naman no'n. Akala mo namang nanggaling si Thalia sa ibang lugar at kauuwi lang dito." Umirap si Blaze at umiling-iling.

"Para naman mafeel niya na welcome siya! Wala sigurong nang-welcome sa'yo nung ikaw pumunta dito." Sumbat naman ni Rai.

Umirap si Blaze at hindi pinansin si Rai, "Room 62D1 'yung headquarters natin ha. Baka maligaw kayo. Mauna na kayo, may kukuhanin lang akong libro sa library," bumaling sa'min ni Blaze sa kalagitnaan ng paglalakad namin. "Wala pa naman siguro ang adviser natin do'n. Typically, lagi silang late kaya ako na nagsasabi."

Bago kami lumabas ng arena, sinabihan kami ni Instructor Zeah na kada squad ay may sariling headquarters. Sa isang class, naka-divide 'yon by unit at may apat na members, minsan naman lima, depende kung sa'n malalalagay.

"E bibili lang akong inumin sa cafeteria," sabi rin ni Rai. "May gusto ka ba, Thalia? Bilisan mo, manlilibre si Aqua," dagdag pa niya.

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Aqua na tumigin kay Rai, "Huh?"

"It's alright. I'll go ahead first," I said. "What's the number again?"

"Room 62D1, sa third floor sa pinakadulo ng hallway," sagot ni Rai. Tumango nalang ako bago kami naghiwalay ng daan. The number of our headquarters is also the name of our squad.

Tuluyan na akong naiwan mag-isa at naunang pumunta sa headquarters namin. Mabagal lang akong naglakad para maging pamilyardo sa lugar.

My footsteps echoed the quiet hallway. Halos walang katao-tao dito sa sobrang tahimik. My eyes squinted when I reached the middle part of the hallway where the sunrays pierced through the glass windows. Lumiere is definitely the Kingdom of Light. Everything around here is just so bright and.. lively.

I stopped when I reached the door with 62D1 attached on the left side of the wall, just before the door. I placed my thumb finger and the scanner and waited for the door to open.

"You're 46 seconds late," a cold voice welcomed me as soon as I walked in.

My eyes searched where did that voice came from and it landed on a man wearing an opposite color of our uniform. His coat was black with white linings on the collar and cuff, gold chains were attached on the buttons. A pair of dark orbs menacingly pierced my soul, as if they were swallowing me alive. His aura screamed danger and it gave chills down to my spine.

Is he going to be our adviser?

He looked very young for an adviser and he was wearing a similar uniform. He can't be, right?

"S-sorry, sir," I apologized. "I'll inform my squadmates-"

"Who are you?" He cut me off.

I gulped, "I'm Thalia, Black Magic user, Sir."

"Wait... did I get the wrong room?" He looked down and whispered under his breath.

Nakahinga ako ng maluwag nang maalis na ang tingin niya sa'kin. He had messy hair, kaonti nalang ay matatakpan na no'n ang mapupungay niyang mata. Nakasandal siya sa dulo ng lamesa na sumusuporta sa bigat niya.

"What's your name again?" He asked.

"Thalia."

"What's this room number?"

"Room 62D1."

"Thalia wala pa ba ad-" napatigil ang bagong pasok na  si Rai sa pagsasalita nang makita rin ang lalaking nakasanadal sa lamesa.

Agad akong nilapitan ni Rai habang nanlalaki ang mata, hindi siya mapakali. Ilang beses pa siyang pumikit at pinunasan ang mata habang nakatingin sa lalaki.

"He's the captain of the Bloodunit. See that diamond pin on his breast pocket? 'Yan ang patunay na parte siya ng Bloodunit." He gulped.

Binulungan lang ako ni Rai at napatingin din ang mata ko sa tinutukoy niya. Kumikinang ang pin na nakakakabit sa kaniya, gaya ng sabi ni Rai, mukhang gawa 'yon sa totoong diamond. Sinubukan kong basahin ang pin niya pero hindi ko makita ang ang pangalan niya dahil malayo siya.

Sabay kaming napatingin sa sumunod na pumasok na si Aqua, dumako lang saglit ang tingin niya sa lalaki at para bang wala itong pakielam.

"What are you doing here?" Naupo si Aqua. Hindi namin alam kung sino ang tinutukoy niya. Nagtatataka akong tumingin kay Rai na wala ring alam sa nangyayari.

Walang sumagot kay Aqua. Bigla namang naglakad palapit sa'min ang lalaki at dinaanan kami. Kinuha ko ang chansa na 'yon para masulyapan ang pangalan niya.

Kei Delvin Synivia

SS-rank

My mouth gaped in surprise.

Such rank exists?!

My eyes followed his retreating back. Hindi naalis ang mata ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala.

Napabuga ng hangin si Rai nang maka-alis ang lalaki kanina. "Kakatakot," sabi pa niya.

Maya-maya dumating na rin si Blaze at mabilis na nagkwento si Rai kay Blaze.

I saw how Blaze's eyes sparkled when she listened to Rai's story-telling even though it was a brief moment. Akala mong isang libro na ang kwinento ni Rai dahil may matching actions pa siya sa pagkwento.

Napatigil sa pakikinig si Blaze at humarap sa'kin.

"Do you know Bloodunit?" Blaze asked me out of nowhere. "Tago ang profile nila pero dahil magaling ako, may alam ako tungkol sa kanila."

Hindi ako nagsalita at hinintay si Blaze, "Blood unit composes of 5 members. Their Captain named Kei Synivia, 'yung sinasabi ni Rai na nakita niyo kanina. The Vice-captain, Scarlette Estovia. The twins named, Mika and Miko Westford and their last member named, Niccolo Dizon. They directly work for the King and they live in the palace."

"Wow, very useful naman nyan. Kahit sino naman sa Academy kilala sila," basag ni Rai kay Blaze.

"Hoy, bihira lang kaya sila makita. Ang swerte niyo nga, e. Sana ako rin! Dalawang beses ko palang sila nakikita sa tanang buhay kong nag-aral dito. Tsaka names lang nila ang kadalasang alam 'no! Ako kasama apilido," proud na sabi ni Blaze.

"Paniguradong kilala na ni Thalia ang Bloodunit. Kilala naman sila sa buong kaharian." Wika ni Rai.

"Oo na bakit ba ang epal mo?" Inis na tanong ni Blaze pero tinawanan lang siya ni Rai.

"Alam mo kung sino ang may alam tungkol sa Blood unit?" Nang-iintrigang tanong ni Rai. "Eto o," he pointed Aqua using his mouth.

Mukhang naramdaman 'yon ni Aqua kaya binigyan niya si Rai ng matalim na titig. Umiwas naman ng tingin si Rai at umaktong walang alam.

Nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Aqua at bakas dito ang inis. Halos malukot na ang mukha niya sa sobrang dikit ang kilay. Synivia... Aqua Synivia at Kei Synivia... konektado ba sila? I'm not sure if Rai pointed Aqua out of nothing.

"Anong kinuha mo sa library?" Rai started a coversation with Blaze when the air felt akward, "Ay eto nga pala. Binili ka namin," binigay sa'kin ni Rai ang isang inumin na naka-can. Ngumiti nalang ako bilang pasasalamat.

"Books about Tenebrae," hininaan ni Blaze ang sagot niya para hindi siya gano'ng marinig. "Pero wala akong makita do'n. Bantay-sarado naman 'yung restricted area."

Binuksan ko ang inuming binigay sa'kin ni Rai at uminom habang nakikinig kay Blaze.

Nanlaki ang mata ni Rai, "You're so dead if they catch you."

"Kaya nga hindi ako nagpapahuli 'di ba?" Umirap naman si Blaze.

"Why are you curious about Tenebrae?" Nacurious na tanong ko.

It's a taboo to seek information about Tenebrae. Once you get caught, you will be beheaded. No trials. That's very risky... what made her do it?

"I feel like there's a lot more to know about Tenebrae. It's been thousand years since both Kingdoms became mortal enemies and two wars already happened. The second war hundred years ago was a nightmare but the first war had no histories, right? Bakit tinatago inpormasyon tugnkol sa nangyaring unang digmaan?" Ani Blaze.

"Masyado mo naman atang sineseryoso ang mga digmaan. Alam naman nating natapos na ang pag-aaway ng dalawang kaharian noong huling digmaan. Two hundred years na rin ang nakakalipas pero hindi naman na nagkaroon ng sunod na digmaan," ani Rai.

Napatigil kami sa pag-uusap dahil sa pagbukas ng pinto at pumasok ang isang babae. Napatayo ang lahat sa gulat bukod sa'kin dahil naguguluhan pa ako. Tumayo nalang din ako. Sabay-sabay na yumuko ang tatlo at ginaya ko nalang din sila.

It was the Headmistress, 'yung nagsalita kanina sa briefing hall. Walang pinagbago ang mga mata niyang malamig.

"Drop the formalities. I'm here as your advisor, not as the Headmistress," may ipinatong siyang kung ano sa table sa gitna. A hologram behind her appeared kung sa'n nakalagay ang pangalan niya. "I'm Diagon Lavina."

Mabilis din nag-iba ang nakalagay sa hologram pagkatapos ng ilang segundo. The hologram showed a picture of a flower. A violet flower.

"Conduct a research and bring me an example of Poison flower within 140 hours. Failing is not an exemption. You can report to the office after doing so," walang hinto-hintong sabi niya. It looked like the flower displayed on the hologram is what she's talking about.

"Any questions? None? Then, meeting dismissed," she turned her back and left the room. Ni hindi man lang kami binigyan ng oras para makapagtanong.

Nakita ko pa ang pagtaas-baba ng lalamunan ni Blaze, halatang pinipigilan ang hininga niya.

Sabay na napabuga ng hininga si Blaze at Rai nang lumabas na ang Headmistress. Hindi ko sila masisisi. Para kaming naging pipe sa presensya ng Headmistress.

First day and we already had a research. I didn't expect to really live like a normal student here.

"Bakit si Headmistress pa?!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Blaze.

"Worst year," bulong ni Rai.

"We're given 6 days to find poison flower," Aqua talked. "They grow those kind of flowers in the Palace's garden."

"Huh? E hindi ba bawal naman tayo do'n?" Blaze frowned.

"Baka nakakalimutan mo. Kapatid 'yan ng Captain ng Blood unit," Taas-noong banggit ni Rai habang nakatingin kay Aqua.

"Shut up, will you?" Aqua glared at Rai, making him shut his mouth.

"Saklap naman ng unang araw na'to." Malungkot na wika ni Blaze.

Pinag-usapan nila ang gagawin dahil wala pa nga akong masyadong alam. Nagpresinta si Aqua na siya na ang kukuha ng bulaklak at kami naman ang mag-aayos ng report. Ang kailangan daw nakasulat do'n ay kung ano ang magiging advantage at disadvantage nung bulaklak. Unang beses kong gagawa no'n kaya tinuruan ako ni Blaze.

Pagkatapos naming makapag-usap, naghiwalay na kami ng daan at nagtungo ako sa susunod na klase. Si Rai lang ang kasama ko ngayon dahil siya ang ka-schedule ko. History class and Element class lang ang hindi ko kasama si Aqua at Blaze. The rest, silang tatlo na ang kasama ko. Sumama nalang ako kay Rai dahil wala naman akong ibang sasamahan.

"Here we go again with history na pilit binabalikan," bored na wika ni Rai nang makapasok at maupo kami sa classroom. Lahat nang gamit dito ay naka-base na ngayon sa hologram. Siguro, kaya lang sila nagtatago ng libro para may pagkukuhanan ng information.

"Goodmorning class. I am Instructor Zach Zakan and I will be your history teacher for the whole year," the students didn't seem to care about his introduction at mukhang wala rin naman siyang paki kung pinapakinggan namin siya.

Hindi na niya pinatagal at nagsimula siyang magturo, "The Kingdom of Light is divided into three sections. The Palace Grounds, the Noble Grounds, and the Common grounds. Each grounds are protected with barrier by using the King's magic. The Necklace of Life is passed down to every King which is the main source of light magic. It cannot be destroyed since it's been blessed by the Gods. It is the center or the heart of Lumiere—" hindi na ako nakinig dahil alam ko na ang mga bagay na 'yon.

There are also two types of magic in this world. Magic Powers and Elemental Powers. Magic Powers are powers that can be chanted without needing a sword. Iba 'yon sa Gladiators kaya mas mahirap 'yon aralin. Dawalang bagay lang ang makakapag-bigay ng Magic Powers at 'yon ay ang Necklace of Life na hawak nga hari at Ring of Death na nasa kamay naman ng reyna. 'Yon ang dalawang bagay na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan para makontrol ang kaharian.

"Isang rason kung bakit madaling nakakapasok ang Tenebrans sa Common Grounds ay masyado nang malaki ang kaharian para masakop ang kabuuan nito kaya mahina ang barrier sa dulo ng kaharian," pagtatapos ni Instructor Zach.

"Then why is the King doing nothing about it? I heard it somewhere but Tenebrans are already entering the boundaries and killings started at Enchanted City," one student raised her hand.

My brows immediately furrowed. Killings? What killings? The other kingdom is making their move and I don't know anything about it? Did the Queen ordered it? I doubt that. Wala akong narinig na gano'ng balita bago ako umalis.

"Sa'n mo narinig 'yan?" Biglang sumeryoso ang itsura ni Instructor Zach.

Parang natakot naman 'yung estudyante dahil dahan-dahan niya pang ibinaba ang kamay at umiwas ng tingin.

Nagsimula na magbulungan ang ibang estudyante dahil sa narinig. Pati si Rai na katabi ko, na-curious.

"Killings?" Nagtatakang tanong ni Rai sa tabi ko.

Maski ako ay naguluhan.

"Quiet!" Napatahimik nalang kami nang hampasin ni Instructor Zach ang lamesa sa harap at matalim kaming tinignan. "Don't get mislead by fake informations. The King is doing his best to protect the Kingdom," hinanap ng mata niya ang estudyanteng nasalita, "Kyla Brown, see me after class. That's all," lumabas siya ng classroom dala ang gamit niya.

Nakita ko nalang ang pagyuko ng ulo nung Kyla, nakatulala sa kung saan. Gusto ko siyang tanungin kung sa'n niya nakuha 'yon. She just said something that would make everyone panick. Hindi na ako nagtaka kung bakit kakausapin siya mamaya.

We were summoned by the Headmistress kaya pumunta kami sa headquarters. Naupo kami sa paghihintay sa Headmistress dahil mukhang nauna kami.

"Totoo ba 'yung mga pagpatay sa Enchanted City, Aqua?" Hindi napigilang matanong ni Rai. Bigla namang napatingin sa kaniya si Aqua at nakuha ang atensyon nito.

"Yes." He simply answered.

Nahati ang labi ni Rai at 'di makapaniwalang sumandal sa couch. "Ikaw kasi Blaze, e. Pinag-usapan natin 'yung digmaan."

"Bakit ako?!" Singhal ni Blaze. "Teka nga, 'wag mo kami i-fake news Rai ha, sinasabi ko sa'yo."

"Mukha ba akong nagsisinungaling kahit sumang-ayon na nga si Aqua? Isa pa, may nagsabi lang kanina nyan sa History class namin. Nagulat na nga lang kami." Paliwanag ni Rai.

"Pa'no 'yung gulat? Tingin nga. Demonstrate mo," humagikhik si Blaze.

"I heard my brother talking about it with his squadron." Aqua stated.

"Bloodunit... right?" I asked.

"Yep." Blaze said, popping the 'p'. "Sila ang unang nakakaalam ng mga reports bago 'yon ibigay sa hari. Sa pagkakaalam ko lang ha. Tama ba ako, Aqua?" Baling ni Blaze kay Aqua.

"Why are you asking me?" Aqua said in an irritated tone.

"Syempre ikaw kapatid," umirap naman si Blaze.

"So... you think your brother knows about Tenebrans on the Common Grounds?" Tanong ko pa.

"Do I need to repeat myself?" Aqua lazily asked, implying that he wasn't in the mood to explain. Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago nagsalita. "The barrier on the common grounds is weak. It is normal for Tenebrans to enter the common grounds."

"Then how about the killings?" Nakisali na rin si Rai.

"If the prophecy starts to act up, a war might happen." Aqua said in a serious tone.