Chereads / BLACKLIST: QUEEN IN DISGUISED / Chapter 11 - CHAPTER 11

Chapter 11 - CHAPTER 11

CHAPTER 11: SORRY?

Lady Lyn Pov

I'ved just receive a message from Zieke about what happened to Bree- Black. And I'm now on my way to the hospital to check her condition.

I parked the car then get the fruits I bought for her. I'd check my wrist watch before heading to a nurse station. Its already 9:00 pm. I give a simple smile and greeted the nurse before asking for Bree Santillan's room.

"Excuse me...May I know where I could find Bree Santillan's room? I'm her friend by the way."

"Nasa room 302 po sya,third floor po."

Isang tipid ulit na ngiti ang binigay ko sa nurse bago tinungo ang elevator. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago bumukas ang elevator. Pagbukas nito ay agad na akong pumasok at pinindot ang third floor.

'Ting'

Dala ang prutas na binili ko ay seryoso akong lumabas sa elevator at hinanap ang room 302 na room ni Bree. Marahas kong pinihit ang seradura ng pinto ng makita ko ito. Nilapag ko ang dalang prutas sa lamesa sa gilid ng hospital bed. Nilingon ko si Zieke na nakayuko't natutulog habang hawak ang kamay ni Bree. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ay tumikhim. Kusot-kusot ang mga mata ay inangat ni Zieke ang paningin ng marinig ang matunog kong buntong hininga at tikhim. Napatayo sya ng maayos at sumeryoso ng makita ako na nakatingin sa kanya. Isang pilit na ngiti ang ginawad nya sa akin na tinanguan ko lang bilang sagot.

"Kamusta sya?" Nilipat ko ang paningin kay Bree at agad ring binalik sa kanya ng marinig ko syang bumuntong hininga.

"Conscious na sya. Wala namang natamaan na ugat o kahit na ano pa. Okay na daw sya. Mga ilang minuto mula ngayon ay pwede na syang magising."

"Mabuti kung ganon. Sino pala ang may gawa nito. May lead ka ba or ebidensya? Andon ka diba?"

"Oo andon nga ako. Isang lalaking nakahoddie ang may gawa ng pagpalipad ng dagger papunta sa akin. Pero base sa nakalap ko kanina sa mga estudyante, kay Bree dapat ang dagger na yon kaya lang nailagan nya kaya napunta sa deriksyon ko. Paglingon ko ayun na malapit na sa akin pero agad akong nayakap ni Bree kaya sya ang natamaan..."

"...palagay ko ay God Hand ang may gawa nito. Sila ang kasalukuyang mission ni Bree. Palagay ko ay nalaman na nila na pinapapanggap natin si Black bilang Bree."

Seryosong bumaling ako kay Zieke pero sa halip na sagutin sya ay binaling ko ang tingin kay Black- Bree. Napakunot ang noo ko ng may makitang parang punit na plastic or rubber. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa hispital bed ni Black- Bree at tinaas ang kamay para haplusin ang bahagi na iyon pero hindi  pa man nakakalapat ang kamay ko ay may humawak na dito- si Black-Bree. Gising na sya. May nagtatanong na mga matang bumaling ako sa kanya.

"Ano to Black?"

Muli kong pinagmasdan ang bahagi na iyon.

"Im sorry."

Kunot-noo akong bumaling sa kanya.

'What the hell is the meaning of that sorry?'