Masaya ang araw na'to. Ganito pala yung feeling na ikakasal ka na. Kabado ako, oo pero nangingibabaw ang saya. Tumatalon ang puso ko habang iniisip na ikakasal na ko.
Nauna na ang mga flower girl, sunod na ay ako na ang maglalakad. Katabi ko ang mga magulang ko. Buti nga'y sinuportahan nila ko, na kahit papaano ay pumayag sila na ikasal ako sa lalaking pinakamamahal ko.
Lumakad na ko sa altar dala ang kabado kong puso. Nanginginig ako aamin ko, pero para narin akong maiiyak sa tuwa. Tuwa na ngayon ko lang naranasan sa tanang buhay ko. Nang makalakad na ko sa harap ng altar, sa harap ng Diyos, nakita ko sa gilid ang taong pinakamamahal ko.
Ngumiti ako sakaniya. Buti ay umabot kami sa ganito. Hindi ko inakala na ganito ang magiging takbo ng buhay ko. Lumakad na kami sa ginta ng pari.
"Una, nais kong magsimula sa pamamagitan ng pagsalubong sa lahat at ang pag-papasalamat sa bawat isa sa inyo sa kadahilanan na narito kayo sa pinakamasayang araw. Hindi aksidente na ang bawat isa sa inyo ay naririto ngayon, at ang bawat isa ay inanyayahan na makasama dito dahil ikaw ay kumakatawan sa isang taong mahalaga sa indibidwal na buhay ng ikakasal." ani ng Pari.
Marami pang sinabi ang pari pero napunta na din kami sa parte ng pagbibigay ng Vows sa isa't isa. Siya ang unang nagbigay. Napakamabulaklak ng salita na sinabi niya sakin. Tumalon ang puso ko sa narinig ko. Ako na ang magbibigay ng Vow kaya huminga ako ng malalim at pumikit.
"Kaya ko' to" bulong ko sa sarili ko. Idinilat ko na ang mata ko at iba na ang bumungad sakin. Kwarto ko na ito, at nakahiga pa rin ako. So panaginip lang lahat ng iyon. Bumukas ang pinto at iniluwa non si Ahm. Ang matalik kong kaibigan. Nagkunwari akong tulog.
"Gumising ka na diyan, On" sabi ni Ahm at tinapik ako. Kunware ay hindi ko siya narinig at nakaramdam ako ng pagkutos sa aking ulo.
"Sige magkunwari ka pang tulog ka para malate na tayo" ani ni Ahm. Idinilat ko na ang mata ko at pinitik ko rin siya.
"Ito na po boss." sabi ko at naligo na. Nagbihis na rin ako ng uniform. Umalis na kami sa apartment na tinitirhan namin. Ito ang unang araw namin sa UST. Freshmen. Yan ang tawag samin.
Sumakay kami ng jeep papasok, at nakarating na din naman agad kami. Sa gate pa lang, namangha na ko. Bagong kapaligiran ito para sakin. Pumasok na kami sa loob na lalong nagpamangha sakin. Tan Yan Kee building ang unang bumungad samin, naglakad pa kami at nakarating kami sa Main Building.
"Oh paano ba yan, On. Una na ko." paalam ni Ahm sakin at kumaway na siya paalis. Ngumiti ako at sinimulan ang paglalakad. Hindi ko pa alam kung nasan ang faculty ko.
Maraming tao sa labas, siguro winewelcome nila ang mga Freshman na tulad ko. Pero hindi kami winelcome ni Ahm. Baka may event lang?
Nagpatuloy ako sa paghanap. Malaki nga ang UST. Hinanap ko pa ng hinanap ang faculty ko, pero nagulat ako dahil may natapakan akong bilog. Aalis na dapat ako dun ng bigla akong hatakin ng mga estudyante.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako! Saan niyo ba ko dadalhin?" tanong ko sakanila. Tatlo silang humahatak sakin. Patuloy sila sa paghatak sakin ng bigla kaming makarating sa isang kwarto. May nakapaskil doon na "Jail Booth".
"Hindi ka makakaalis diyan ng tatlong oras" sabi nung isa sakanila. Kumunot ang noo ko. Dahil ba sa natapakan ko kaya ako hinuli nila.
"Teka hindi naman tama yan, ano bang kasalanan ko sainyo?" tanong ko ng pagalit. Tumingin sila saakin, imbis na sila ang magsalita, nakarinig ako ng salita sa gilid.
"Sus. Ang hina naman nito. Tatlong oras lang naman dito pare" sabi nung lalaki. May katangkaran ito, at singkit ang mga mata. Maputi ito kung tutuusin, at kulay grat ang buhok. Kumunot ang noo ko sa tinuran niya.
"Diyan na nga kayo, tse" sabi nung nagkulong sakin dito at isinarado niya na ang kwartong ito. Tinignan ko ng masama ang lalaking naiwan kasama ko. Nagbabasa ito ng komiks sa gilid.
Umupo ako ng maayos at hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Kunot lang ang noo ko habang tinitignan siya. Bakit nga ba ko tumitingin sa lalaking ito? Parang tanga kasi yung dahilan niya na tatlong oras lang dito. Sa tatlong oras na iyon, marami na kong magagawa. At dito, mauubos lang ang oras ko.
"Ganiyan ka ba talaga makatingin? Parang nilalamon ako ng buo ng mata mo eh. Di ako kumportable sa tingin mo. " sabi nung lalaki. Gago ka kasi Pare.
"Alam mo, kasi para kang gago sa sinabi mo kanina. Tatlong oras lang? Tas ako mahina?" pagalit kong tanong sakaniya.
"Ayaw mo ba nun pare, tatlong oras kang chill lang. Tsaka mahina ka naman talaga, hindi mo matagalan yung tatlong oras na wala kang ginagawa" turan niya at nagbasa ulit ng komiks. Argh!! Ginagalit ako ng lalaking ito. Nagulat ako dahil binato niya sakin ang komiks niya.
"Oh ayan magbasa ka, hindi yung nakatitig ka sakin. Bakla ka ba?" tanong niya. Nagpuyos ako sa galit. Tumayo ako, at ibinalik sa kaniya ang komiks na binato niya.
"Sabi nila kapag hindi ka daw sumagot, ibig sabihin nun ay hindi ka kumokontra. So bakla ka nga? Kaya pala hindi ako kumportable sayo" pang-aasar niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa ibang gawi. Siniyasat ko ang kwarto na pinagkulungan saamin.
Maliit ito na kwarto, puno ng papeles. Baka stock room ito? Dahil tatlong oras nga akong walang gagawin, nagdesisyon akong matulog. Ginamit ko ang bag ko upang unanan.
Naidlip na ako, at di ko na namalayan na lumipas na pala ang tatlong oras. Nilingon ko ang lalaking nambibwiset sakin ngunit wala na ito. Baka lumabas na ang gago. Nakarinig ako ng ingay sa labas. Inayos ko ang sarili ko, at binuksan na nila ang pinto. Kinuha ko ang bag ko, at nakita ko sa labas si Ahm. Nakangisi ito at parang tinatawanan pa ang nangyari sakin.
"Nalingat lang ako, napunta ka ng Jail Booth pare" sabi niya at tumawa. Kinutusan ko siya at nauna ng maglakad. Ganito kaming magkaibigan, laging nag-aasaran, nag-sasakitan.
"Alam ko na kung saan ang faculty niyo. Tara na, late ka na ng dalawang subject" sabi niya at naglakad kami. Nag-usap kami kung kamusta ang araw niya at paano niya nalaman na napunta akong Jail Booth.
Lumakad pa kami at di ko na namalayan na nandito na kami sa Faculty ko. Nakasulat sa labas ng room ang Interior Designing.
"Susunduin kita ulit mamaya. Maglunch nalang tayo ng sabay." sabi ni Ahm sakin. Tumango ako, at umalis na siya sa harap ko. Binuksan ko na ang pinto at pumasok na ko sa loob ng faculty namin.
- To Be Continued -