________________
Isa sa mga ayaw ko sa lahat maging mabait, sawa na ko diyan, sawa na kong magparaya, lagi na lang eh, laging ako ang nadedehado sa tuwing nagpaparaya ako kaya ngayon ako naman ang aayaw, let's see kung ano ang feeling.
Ako nga pala si Ren, Lance Ren Markus, a total gay pero hindi obvious, hindi naman ako discreet, ayoko lang talaga magcross dress or make-up. Si mama ang unang naka-alam na 'Im Gay mga five years ago, anyway, 19 na pala ako, and sinabi niya rin ito sa papa ko, natakot nga ako na baka, suntukin, maloblob sa tub na may tubig o mapalayas gaya nang ginagawa nang ibang parents sa mga anak nilang nag-out as gay pero ni isang pananakit walang ginawa ang mga parents ko, sabi pa nga nila 'ok lang daw, tanggap nila ako, wag lang daw ako magpapa-chug-chug-ah-ah kasi this days daw talamak na ang mga biktima ni tita AIDA' kaya eto ako ngayon still virgin and fresh #fliphair.
I'm a second year college, still working on my future sa isang private University sa Manila, EUP or simply Elite University of the Philippines. Yes it's for elites only and also yes, I'm an elite. Well my father is one of the business aristocrat in the Phil.
And isa ako sa mga student writers sa school, on a pen name Azuka, yes, all of the writers sa club na sinalihan ko use pen names kasi mostly sa mga sinusulat namin sa school paper namin ay mga constructive criticisms na tumutuligsa sa mga mischiefs and wrong leaderships ng mga tao in or out of school, hindi lang naman President ng Pilipinas or president ng school or student pres, or student leaders or terror prof, or feeler rich kids and feeling maganda at gwapo ang laging laman ng private school paper syempre pati na rin ang mga bad boys and girls and gays and lesbies pati Bullies ang tinitira namin. Baka naman iisipin niyong Komunista kami, gosh this is just a form of expressing our selves on several public matters and this is just a hobby of mine.
I'm here at the school garden, sa secret hide-out namin with my fellow student writers.
"Ok, our deadline is on next month and Master need it right away, kailangan ng matapos ang mga assigned assignments niyo next week kasi meron na naman tayong upcoming event na kailangan ding gawan ng report" – Agent 1
Sabi ni Agent 1, I mean Joshua, Joshua Williams, Agent 1 kasi ang pen name niya, isang fil-am, obviously Papa niya ang Amerikano.
Gwapo si Josh, nung first meet-up nga namin na-love at first sight ako sa kanya. Matangkad siya nasa 5'9 ang height obvious ang pagiging half-blood niya pero later-on naging real friend ko na lang siya, alam rin niya na 'Im gay at Ok lang naman daw sa kanya, wag lang daw akong mafall sa kaniya kasi no chance daw, in fact na broken ako nung time na yun at halos isang buwan din akong hindi dumalo ng group meetings, pero pinuntahan niya ko sa classroom at sinabing pumunta daw ako ng school garden ng lunch time, pumunta din naman ako, walang tao nun sa Hide-out kaya kina-usap niya 'ko kung bakit ako umaabsent ng isang buwan, ang sabi ko naman focus kasi ako sa studies ko, malapit na kasi nun ang exam, kaya yun ang naging reason ko, sabi naman niya, "ok pero kailangan mong habulin ang mga unfinished reports mo, nagtambakan na sa table mo eh, hahaha". Gosh feeling lang na hindi affected #fliphair.
Isa kasi ako sa first member ng SWG(Secret Writers Group) lima lang kami nun, kasama si Josh, first year kasi kami ng ginawa ni master ang SWG, puro bias at pabor daw kasi sa admin ang "REAL school paper" kaya tinatag niya ang SWG. Kami lang nun ang first year and the rest ay puro graduating students, kaya babad kami nun sa trainings at pagtuturo ng mga seniors namin, serious things daw kasi ang haharapin namin.
Minsan ng na-ban ang TRUTH publication (The Real Undeniable TrutH) utos ng admin pero nung nagkaroon ng conference together with the teachers, students, admin, and parents, naibalik ang TRUTH publication. Kaya we are legal pero kailangan pa rin ng pen names para sa security namin, sa laki ba naman ng school namin at mahal ng tuition.
Obviously we use pen names even sa group meeting kasi nga everything we did is confidential. Every group meetings suot namin ang kanya kanyang maskara na full face para mas maitago ang aming identity. Si Master naman ay ang adviser ng SWG na siya ring creator, manager and main benefactor ng grupo pero ni minsan di pa siya nag-appear sa hide-out. Si Josh lang ang nakaka-alam ng mukha at pangalan ni Master. Kahit na magkasabay kami ni Josh hindi pa rin kami pinagkikita ni Master kasi ako raw ang na-assign sa field works tas si Josh daw ang sa public appearances ng publication, public appearances in a way na pag merong mga reports, comments and suggestions sa e-mail account niya lahat pumupunta, bago niya i-spread ang information sa amin.
"Ok dismiss" – agent 1
Nagsimula na kaming magtayuan at yung iba naman ay nagsilabasan na.
"Uhm, Azuka wag ka munang lumabas may pag-uusapan pa tayo." – tawag ni Josh sa akin.
OM, mukha atang papagalitan na naman ako neto, hindi ko pa kasi natatapos ang report sa last school event eh, pero akala ko sa Friday pa ang deadline.
Nakalabas na ang lahat at ang naiwan na lang sa loob ay si Josh tsaka isang newbie na may glasses. Nakilala ko siyang newbie kasi wala pa siyang badge sa collar niya.
Lumapit na ko sa kinatatayuan nilang dalawa.
"Ah Azuka, eto nga pala si Antonio 101 second year din, transferee" – Josh
Antonio 101 ? real name akala ko dapat pen name ang gamitin
"pen name niya ay Antonio 101, Lucas Madrigal ang tunay niyang pangalan" dagdag ni Josh
Ah kaya naman pala.
Inilabas naman ni Lucas ang kamay niya para makipagkamay sa akin, inabot ko naman at nakipag-kamay sa kaniya
"Hi, Azuka nga pala" perks of being a vice president? Kilala mo ang real names and faces ng mga members and bagong salta sa grupo while yours still concealed.
"Siya yung associate editor ng publication natin" sabi ni Josh.
"Ah, Hi po" ang ganda ng boses niya, so deep and manly, gwapo naman siya matangkad, syempre mas matangkad siya sa akin, mga nasa 6'0 siguro siya, mas matangkad pa kasi siya kay Josh eh, para akong langgam kung katabi ko tong dalawang to, 5'4 lang kasi ako. T_T
"Ok ngayon na magkakilala na kayo, Azuka, pwede bang ikaw ang magturo kay Lucas or Antonio 101, binigyan na kasi ako ng instructions ni Master na gawin daw na field writer si Antonio, magaling daw siya dun eh" – dagdag pa ni Josh.
"O-ok," – sabi ko na lang, wala rin naman akong magagawa eh.
"Lahat ng rules ang regulations ng publication ay nasa rule book na 'Antonio' at kung may tanong ka, si Azuka na lang ang tanungin mo alam naman niya ang mga rules dito eh,"
Pagkatapos nun, lumabas na ako, humabol naman si Lucas, habang naglalakad na kami, may kinuhang maliit na notebook at ballpen si Lucas at nagsimula ng magsulat,
"Uh Lucas pagnasa labas na tayo ng Hide-out wag mong ipahalata na nagsusulat ka, ayaw nating mayrong makahalata sa mga ginagawa natin"
"A-ah, sorry po, di na po mau-ulit" sabi ni Lucas habang ibinabalik ang notebook at ballpen sa bag niya.
"Anyway eto ang class time schedule ko and my phone number, are you free at 9:00 to 10:30, yan vacant ko sa morning eh, tsaka sa 12:00 to 1:30 vacant ko rin?" – sabi ko in an intense way para mukhang bossy #fliphair.
"Vacant ako ng 8:30 to 10:00, tsaka meron din akong lunch break, tsaka 1:00 pm to 5:00 pm ang klase ko." – sabi niya na parang hindi manlang tinablan ng pagiging bossy ko.
"So, I'll be observing you from far away, at 9:00 sharp dapat nasa school park ka na on 1st seat of the 3rd row on the left wing of the grand stand, I'll text you what you're going to do, and then sa hapon bago mag-uwian dun sa hide-out, I'll tell you what's the problem on your investigation"
"Remember to bring your notebook and pen... Again 9:00 am sharp." – me, still trying to sound bossy #fliphair.
He chuckled and said "O-ok" – Gosh hindi ba effective ang pagiging bossy ko? #fail
-----