Chereads / University Idol meets Ms. Talented / Chapter 2 - SU's Showcase of Talents

Chapter 2 - SU's Showcase of Talents

Selene POV

"Kyaaaaaaaaaaaaah! Nandito na si Kyle OmO!" Take note, hindi ako yang sumigaw kundi ang pinsan kong nag pasama sa akin dito.

Kasalukuyan akong nandito sa tapat ng Star University. Ayon sa chismis daw na nasagap nitong lukaret kong pinsan ay may gagawin daw na show case of talents sa harap ng SU. Mag tatanghali palang pero sobrang init na. Bilib din ako sa mga tao dito, walang pake sa init.

Sa totoo lang ay pangarap ko makapasok sa SU pero dahil sa kapos kami sa pera ay di pede. Umaabot lang naman kasi sa 100k pataas ang tuition doon.

Tahimik lang ako habang nasa katabi ko si pinsan ko, siya si Pauline. Kasalukuyang hinahanda na ang stage para sa showcase of talents. Nakapasok na din sa back stage si Kyle daw ba yon? Kaya kumalma na ulit ang tao.

"Umuwi nalang kaya ako Pau? May gagawin pa kasi ako. Kailangan ko pang mag handa para sa part time work ko." Pag dadahilan ko pero ang totoo ay banas na banas na ako dahil sa init.

"Dito ka lang, di mo ko maloloko. Tinanong ko kay tita kanina kung may gagawin ka mamaya pero sabi niya wala." Aish si mama talaga.

Wala na akong nagawa kaya tumingin nalang ako sa stage.

Sakto namang lumabas na yung MC, pano ko nalaman? May dala siyang parang pa square na papel, yung dala lagi ng mga MC sa mga show? basta ganon.

"Thank you for your patients. We will now begin the first Showcase of talents held by the talented students of Star University! This the first time that they will do something like this. First look at the screen located at the right side of the stage." Panimula ng MC. Nag pause muna ito lumingon sa parang big screen na nasa kanang part ng stage kaya napatingin din kame don.

Biglang may nag play na video. Isa isang lumabas ang mga picture ng mga groups na sa tingin ko ay mag peperform. Madami ako namumukhaan na group dahil ang iba sa kanila ay nakapag debut na as an artist.

Sa huling pic ay lumabas ang picture nung Kyle kaya biglang nag wala ulit ang mga tao dito. Sabagay gwapo naman kase talaga haha.

"So Lets start! The Grooves, show them what you've got!" Pag kasabi niya non ay lumbas na ang unang grupo.

Natapos na mag perform ang lahat ng grupo at ang masasabi ko lang, ASTIG! Lahat sila magagaling. May nag sayaw, kumanta, may nag paint at iba pa. Mas lalo ko tuloy gustong makapag aral sa SU.

"And now for the main event of this showcase. Lets give it up for, KYLE VERGARA!!" Sigaw ng MC kasabay ng tilian ng mga kasama kong nanunuod. Dahil sa hype ay naki sigaw na din ako HAHAHA.

Biglang may lumabas na usok na sumakop sa buong stage. Natahimik naman ang mga kasama kong nanunuod at syempre ako din haha.

[NP - Perfect Stranger by Jonas Blue]

'You were looking at me like you wanted to stay

When I saw you yesterday

I'm not wasting your time, I'm not playing no games

I see you

Who knows the secret tomorrow will hold?

We don't really need to know

'Cause you're here with me now, I don't want you to go

You're here with me now, I don't want you to go'

Woah! Ang ganda ng boses niya! Nakakadala at masarap sa tenga. Yung tipong parang gusto mong wag na siyang tumigil kumanta, dagdag mo pa yung ngiti niya.

'Maybe we're perfect strangers

Maybe it's not forever

Maybe intellect will change us

Maybe we'll stay together

Maybe we'll walk away

Maybe we'll realize

We're only human

Maybe we don't need no reason'

On this part ay tumayo siya sa inuupan niya kanina na nasa bandang gitna ng stage at nag lakad lakad habang nakikipag eye contact sa aming mga naunuod.

'Maybe we're perfect strangers

Maybe it's not forever

Maybe intellect will change us

Maybe we'll stay together

Maybe we'll walk away

Maybe we'll realize

We're only human

Maybe we don't need no reason'

why

Come on, come on, come on now

Maybe we don't need no reason

Why

Come on, come on, come on now

Napasabay kame sa pag talon dahil sa beat at sa boses niya. Nakaka dala talaga. Buo na desisyon ko. Gagawin ko lahat makapasok lang sa SU.

Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa sa living room namin habang nag brobrowse sa fb ko. Natapos yung showcase kanina at talagang sulit ang init.

Scroll lang ako ng scroll hanggang sa may lumitaw na post sa nf ko about sa SU kaya dali dali ko tong binasa.

"Star University successfully finished the showcase of talents. So many good feedbacks from the audience made Star University to come up with a once in a lifetime decision.

Star University decided to held a public audition for talented people to earn full time scholarship at the University. This will include accomodation, food and other necessities. As long as the requirement grade for the scholarship can be sustained by the Scholar student, he/she can enjoy the scholarship until he/she graduates. For other info... blah blah blah" Pag kabasa ko dito.

Waaaaah! Dininig yata ni Lord yung kagustuhan kong makapag aral sa SU!

Dali dali akong umakyat sa 2nd floor ng bahay namin para punatahan si Mama sa kwarto niya.

"Maaaa! Goodnews! May public auditon na magaganap para sa scholarship sa Star University!"

"Grabe ka naman makasigaw, kala ko kung ano na." Sabi ni mama pag pasok ko

"Kasi naman po ma, may public audition meaning may pag asa ako makapasok! Tapos full scholarship pa, as in sagot na nila lahat." sabi ko.

"Talaga ba nak? Sige mag audition ka riyan. Alam ko namang pangarap mong makapasok diyan. Suportado ka namin." Sabi pa ni mama saka yumakap sakin.

Kailangan ko na siguro mag handa!

Kailangan ko ng mag isip ng gagawin ko sa audition!

After 2 hours.

"Aaaaaaaaaah! Nakakainis walang pumapasok sa isip kooooo." Sigaw ko. Inabot na ako ng 2 oras at sobrang dami ng naka kalat na papel para sa 'plano' ko dahil di ako maka pili kung ano gagawin.

Napatigil ako ng pag mamaktol ng may narinig akong bumukas na pinto sa taas.

"Nak, matulog ka na. Bukas mo na ituloy yan." Sabi ni mama mula sa taas.

Niligpit ko nalang lahat ng mga kalat ko saka pumunta ng kwarto.

Sana bukas ay may maisip na ako para makapag handa na.

Tutulog na sana ako ng maalala kong di ko pa pala alam kung kailan ang audition kaya dali dali akong bumaba sa kama para lumapit sa study table ko kung saan nakapatong ang laptop.

Binuksan ko ang fb ko saka clinick yung link na naka attach don sa post ng SU.

Di naman nag tagal ay dinala ako nito sa official site ng SU.

Hinanap ko don ang announcement about sa Audition at saka clinick.

"Hmmm, date, date, date, date." Bulong ko habang hinahanap yung date kung kelan.

After 10 minutes.

"Ayun!" Sigaw ko pag kakita ko.

"May 15?" Tanong ko sa sarili ko.

Teka nga, May 15? Dali dali kong tinignan ang date na nasa lower right side ng laptop ko at nakitang May 10 na.

AAAAAAAAAAAAH! 5 days nalang pala bago ang audition!

~~~~~~~~~~~~~~~~