July 27, 2020
Dear Diaro,
Hello, Diaro ko. Diaro ang itatawag ko sayo dahil wala naman akong bebe at hindi naman alam ng crushie ko na gusto ko siya, ikaw na lang ang bebe ko hihi. Ikaw pa rin ang bibi ko. Ang bibi k- hay nako napakanta pa nga ang gagang tulad ko. Hoy! alam mo ba kanina napaka- pabibo ng kaklase ko. Dinaig niya pa nga si Jobee eh. Inaagaw ba naman yung crushie kong author kaya ayun, may ginawa ako sa kanya kanina ehe.
"Oy, Irizh!" Tawag sakin ng kaklase kong si Gora. Panis ka parang dora ang name niya. Nawawalang kapatid kasi talaga ng kaklase kong si gora ang barbie na si Dora. Kung hindi barbie si Dorabells sa inyo, untog niyo ulo niyo sa pader para happy na ang lola ng taon.
"Luh? Makatawag 'to sa first name ko. Close tayo gourl?" Tumawa naman ang gaga.
" Joke lang. Ano kasi.. nag-update na ba yung kuya mong author?" Saad niya na kinikilig-kilig pa.
Ihagis ko kaya 'to sa board? Kabwiset ang pagiging maharot nitong si gaga. Kala mo naman papatulan siya ni Zionus tsk
"Excuse me! Hindi ko siya Kuya at saka bat ka ba sakin nagtatanong? Ako ba nagsusulat? Ako ba 'ha?"
"Magkapatid naman turingan niyo kaya syempre sayo nalang ako magtatanong hihi." Sa sobrang landi niya ay tuluyan ko na siyang hinagis sa pader kaya dumugo ang ulo niya at dagliang namatay pero bigla akong sinampal ng mahaderang boba dahil charot lang pala yung magikerang imagination ko na gagawin sa kanya.
"Isa pang sabi mo na kuya ko siya,
Ihahagis kita sa pader." Tinignan ko pa siya ng masama pero ngumiti lang ng nakakaloko ang walang hiya.
"Hoy! Taena mo mukha kang manyak na nakadroga." Natatawa kong sabi habang lumalayo sa kanya. Palapit kasi ng palapit si Gora kaya yun sa sobrang gigil ko ay tuluyan ko na siyang ini-untog sa lamesa kaya hinimatay ang boba.
Bigla namang dumating ang aming guro kaya nagsi-upuan na kami sa kanya-kanyang upuan. Tinanong niya pa kung bakit nakatulog sa sahig ang kaklase ko pero sinagot lang namin siya ng "Hindi po namin alam."
Habang nagkaklase si Mr. Kwadermo na may kasing puti ng saging ng laguna ang kulay pero pinagkaitan ng buhok ay nakatingin lang ako sa bintana, Diaro. Tinatamad kasi ako mag-aral lalo na pag math ang subject, kaya puro titig lang sa bintana ang ginagawa ko. Nagulat naman ako ng bigla akong tinawag ni Sir at pinatayo para magsagot sa board. Taena naman, Diaro. Anong masasagot ko dun 'e nasobrahan ako sa kahinaan sa math. Ikakamatay ko ata kung makasagot ako ng isang math equation.
Tumayo na lang ako at biglang sumayaw ng boom bayag ng blackpenk pero bigla akong binato ng chalk deretso sa mala dora kong peslakels ng teacher kong pinagkaitan ng bunot este buhok kaya bumalik ako sa ulirat mula sa magikerang imagination ko. Ano bang nangyayari sa kin, Diaro para akong sinasapian ng mga sampung deymens dyan. Bigla ko tuloy gustong kumanta ng kanta ng Imagine Dragons na Demons.
I'm a bad liar~~ bad liar~~
Teka.. Teka di ba Bad liar title nun? Mali pala yung lyrics na kinakanta ng brainchickles ko, Diaro.
"Ms. Aldiano!" Sigaw ng Teacher kong panot.
"Yes, Serchikles?" Nagpuppy eyes pa ang mala-dora kong mga eyes.
" Ano ba sa tingin mong ginagawa mo?!"
"Nakikipag-usap sa teacher kong panot." Bigla namang nag-init ang ulo ni Serchikles kaya binato niya naman ako ng tambo pero dahil dakilang ilagerist ako ay natamaan sa mukha ang kakagising lang na si Gora. Ayun, sapol sa mukha ang gaga. Edi ang ending nakatulog na naman siya.
Tumingin naman ulit ako kay Mr. Kwadermo na mukhang batang nagpipigil ng tae sa putla. Nginisian ko lang siya kaya ang ending...
"Ms. Aldiano! Get out!" Itinaas ko naman ang isa kong kamay at biglang iniwagayway. Namula naman lalo ang panot kong teacher kaya muntikan na naman niya akong mabato' na sumalpok ulit sa mukha ni Gorabells.
Kinuha ko na lang ang bag ko' at bago lumabas nang room ay sumayaw muna ako ng swalla na mas lalong nagpagalit kay Serchikles.
Ang girlalou na napalabas ng room,
Rileigh
________
Hindi ko alam kung nakakatuwa ang mga laman ng akdang ito ngunit sana ay magustuhan niyo. Gusto ko lang ipaalala na ang mga ugali ng karakter sa akdang ito ay hindi kaugali sa totoong buhay ng may-akda. Maraming Salamat sa pagbabasa <3