Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Amanda's Cry

🇵🇭maria_basa
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.5k
Views
Synopsis
Maganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya sa isang tao na babaero? Sasaya kaya sya? Is this the last time we will see Amanda's Cry?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Ordinaryong araw para sa isang broken hearted na tulad ko.

Iiyak lang magdamag at hihiling na sana bukas ay ayos na ako, pero hindi pa rin.

I'm Amanda Arden, 20 years old, HRM student. Captain ako ng cheering squad sa school namin. Sabi nga nila almost "Perfect Girlfriend" na daw ako dahil maganda, sexy, at mabait.

Kung ganun, bakit walang nagtatagal sa akin?

Napa-isip ako. Yun lang ba ang habol nila sa akin? Alam nyo na siguro kung ano yun.

Yung ang bagay na hindi ko ibibigay kaagad sa isang tao. Lalo na't hindi ako sigurado. I will treasure that.

Ang tahimik ng paglalakad ko ng tumama ako sa isang bagay.

"Ouch!" Napaupo ako sa lapag. Aray! Ang sakit ng pwet ko!

"S-Sorry!"

Napatingin ako sa bumangga sa sakin. A-Ang gwapo nya. Nakangiti sya sa akin?

"Miss. Kulay pink." Sabi nya sabay ngiti ng malawak.

Ano daw? Pink? Pinagsasabi nya? Natingin sya sa ..

"Bastos!" Agad kong tinakpan ang palda ko.

"Haha! Ikaw naman kasi. Mag short ka naman." Sabi nya habang nagpipigil ng tawa.

"Bastos!!" Tanging sigaw ko. Nakakainis!

"Mauna na ako ah?" At ayun na nga, nagtatakbo na sya.

Hindi manlang ako tinulungan makatayo. Ano kaya ang pangalan nya?

Nalaman ko na ang pangalan nya. James Nijal, kaibigan nya pala si Stan at nalaman ko rin kay Alex na babaero daw yun.

Naglalakad lang ako pauwi sa bahay, malapit lang naman.

"Amanda!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"B-Bakit?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wait-- Paano nya nalaman ang pangalan ko?

"Ihahatid na kita sa inyo."

"H-Ha? Wag na. Malapit lang naman bahay ko."

"Sige na. Pumayag ka na." Tapos nagsmile pa sya. Makakatanggi pa ba ako?

"Sige na nga, James." Napangiti na rin ako.

Tahimik lang kami habang naglalakad. Bakit ganun? Kinakabahan ako.

"Free ka ba bukas?" Tanong nya.

"Wala naman akong gagawin. Bakit?" Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Good. Magbabar kasi kami ng mga friends ko. Gusto mong sumama?"

"Ahh.. Ano.."

"I'll take that as a yes."

"Ha? Baka--"

"Susunduin kita ng 7pm sa bahay nyo." Lah! Dire-diretso sya.

"A-Ano." Napalingon ako sa paligid. Nandito na pala kami sa bahay.

"See you tomorrow." Sabi nya at sumipol ng malakas. Maya-maya may dumating na kotse at sumakay sya doon.

"Bye." Wala sa sariling napakaway ako sa kanya.