"Bakit ba palagi mo na lang akong sinasalungat at pinipigilan? Hindi pa nga tayo mag-asawa, inaander de saya mo na ako. Paano pa kaya kung magkasama na tayo sa iisang bahay? Mas mabuti pa kung hindi na tayo umabot doon."
Muling umalingawngaw sa isipan ni April ang mga binitawang salita ng kasintahan nang sila'y minsang nagkaroon ng away. Apat na araw na ang nakalipas subalit wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol kay Bryan. Nababahala siya dahil hindi nito ugaling lumiban sa klase.
Habang nakaupo sa bench sa labas ng Physics Lab, nilulunod ni April ang sarili sa mga samu't saring kaisipang may kaugnayan sa kanilang dalawa ni Bryan na nagpapasidhi ng bigat sa kaniyang dibdib. Sa kaniyang pagmumuni-muni, hindi niya namalayang dumating ang kasintahan. Nakatingin lang si Bryan sa kaniya habang siya'y nakatungo at nakatitig sa sahig na parang may pinapanood.
Tinapik ni Bryan ang balikat ni April sabay sambit ng pangalan ng huli na siyang nakapagpaigtad rito subalit agad itong napalitan ng pagliwanag ng mga mata ni April nang makita ang minamahal. Tumayo siya at niyakap nang mahigpit ang kasintahan sabay sabing, "Sorry."
Puno ng pagtataka ang mukha ni Bryan sa ikinilos ng kasintahan. "Bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ni Bryan habang nakayakap kay April.
"Dahil palagi kitang sinasalungat at pinipigilan," sagot naman ni April habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Bryan.
"Ano bang pinagsasabi mo?" muling tanong ni Bryan na bakas sa mukha na siya'y naguguluhan.
"Hindi mo—" Hindi naituloy ni April ang kaniyang sinasabi dahil may biglang umeksena.
"Ano 'yan? Bati na kayo?" bungad agad na panunukso ni Ervin kasama si Gerald na kararating pa lamang. Napahiwalay ang dalawa sa kanilang yakapan at napaharap sa mga kaibigan.
"Bati? Hindi naman kami nag-away." Napakunot ang noo nilang tatlo nang marinig iyon mula kay Bryan.
Tumingin si April sa kaniya at nagtaka kung bakit hindi maalala ng kasintahan ang nangyari. "Wala ka bang naaalala sa mga nangyari noong biyernes?" tanong ni April.
"Biyernes? Umuwi tayo nang maaga pagkatapos kumain. Na-snatch 'yung phone ko that day kaya hindi ako nakatawag at naka-chat sa'yo at sa group chat. Nagkaroon ako ng lagnat noong sabado at kahapon lang ako naka-recover. Hindi ako pumasok kahapon kasi sinabi ng doktor pero huwag kayong mag-alala, okay na ako," wika ni Bryan. Hinarap niya si April at hinawakan ng dalawa niyang maiinit na palad ang magkabilang pisngi nito. "Huwag ka nang mabahala. You're overthinking. Left those negative thoughts behind." Nakatingin si Bryan sa mga mata ng kasintahan habang sinambit ang mga iyon. Ngumiti siya bago nagsalita sa isipan ni April. "Mahal na mahal na mahal kita with all of the carbons I have."
Napapangiti na lang si April sa mga sinabi ni Bryan. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nasa kaniyang pisngi. Napasinghap at napapikit siya nang may nakitang pangyayari.
Nakatayo si Dr. Dayagbil sa harap ni Bryan sa gitna ng lobby habang nakapatong ang kanang kamay sa balikat ng huli. May mga sinabi ang presidente bago umalis si Bryan.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Bryan nang dumilat si April na nakakunot ang noo. Ilang sandaling hindi nagsalita si April kaya muling binanggit ni Bryan ang pangalan nito na siyang nakapagpabalik nito sa ulirat. "Okay ka lang?" Tango at ngiti lang ang sagot ni April.
"Punta muna tayo ng canteen, Gerald. Nakakaumay kasi 'yung eksenang pinapanood natin," yaya ni Ervin sabay hila sa kaibigan.
+ + + + +
Habang abala ang iba sa kani-kanilang mga ginagawa sa loob ng Physics Lab, lumapit si April kina Ervin at Gerald na magkatabing nakaupo at may ginagawa sa kani-kanilang mga laptop.
"Gerald, I need your help," pabulong na wika ni April.
Huminto si Gerald sa ginagawa at binigyang-pansin ang kaibigan. "What kind of help?"
"Can you check the CCTV footage last Friday sa lobby ng admin building after Bryan left us?" bulong muli ni April.
"Sure!" Ilang sandali lamang ay nasa screen na ng laptop ni Gerald ang nais ni April. Napatingin na rin sa Ervin dito.
"What's that?" usisa ni Ervin.
"I saw Dr. Dayagbil when I touched Bryan this morning and I have a strange feeling about it," saad ni April.
"Tingnan niyo," sabi ni Gerald na tinutukoy ang nasa screen ng kaniyang laptop.
Makikita sa video na naglalakad si Bryan sa lobby ng administration building na walang katao-tao. Bigla na lamang itong huminto at hindi gumalaw sa kinatatayuan. Ilang sandali ang lumipas ay dumating si Dr. Dayagbil. Ipinatong niya sa balikat ni Bryan ang kaniyang kamay. Hindi nagtagal, muling naglakad si Bryan at iniwan si Dr. Dayagbil.
"Pareho ba tayo ng naiisip?" tanong ni Ervin sa dalawa.
"Parang may kinalaman si Dr. Dayagbil sa pagkawala ng alaala ni Bryan," saad ni Gerald.
"When I saw that scene when I touched Bryan, parang may sinasabi si Dr. Dayagbil sa kaniya but I am not sure kung ano pero mukhang inuutusan niya si Bryan," hinuha ni April habang nakakunot ang noo dulot ng malalim na pag-iisip.
"Nang bumalik sina Aries at Athena kahapon mula sa canteen, hindi nila naalalang dito tayo sa Physics Lab nakatambay," hawak-babang wika ni Ervin. Nakuha ni Gerald ang tinutukoy ng kaibigan kaya gamit ang kaniyang unlocked ability, hinanap niya ang mga CCTV footage kung saan nakuhaan sina Aries at Athena nang papunta silang canteen kahapon.
"Ito na," sambit ni Gerald nang matapos siya sa paghahanap. Napatingin naman ang dalawa sa naka-play na video.
Sa iba't ibang kuha ng CCTV sa mga dinaanan ng dalawa, makikitang naglalakad sina Aries at Athena palabas ng Science building. Dumaan sila sa SM Hall bago narating ang BNU quadrangle. Huminto sila nang may isang estudyanteng babae ang lumapit sa kanila at yumakap kay Athena pero agad silang nagpatuloy sa paglalakad nang umalis na ito. Pagkarating ng canteen ay dumiretso si Aries sa pagbili ng maiinom at makakain habang si Athena ay parang naghahanap ng bakanteng mesa.
Sa sumunod naman na kuha, nakaharap ito sa labas ng canteen at ilang sandali pa lamang ay makikitang lumabas na silang dalawa at naglakad sa gitna ng BNU quadrangle. Bigla silang huminto at umiba ng direksiyon—patungo na sila sa direksiyon ng administration building. Sa kuha ng CCTV sa pasilyo ng gusali, matuwid na naglalakad ang dalawa at sila'y papunta sa opisina ni Dr. Dayagbil. Binuksan ni Aries ang pintuan at unang pumasok si Athena. Dumating naman si Dr. Dayagbil at pumasok na rin ng silid. Hindi nagtagal ay lumabas nang muli ang dalawa.
"Pareho lang ang nangyari kay Bryan at sa kanilang dalawa. Pero paano 'yun nagawa ni Dr. Dayagbil? May unlocked ability rin ba siya tulad natin?" duda ni Gerald.
"Maybe and erasing memories is her unlocked ability just like Romeo minus the musical instruments," saad ni Ervin habang nakahalumbaba sa mesa.
"I think it's not just erasing someone's memories—there's more—but… I don't know." Bumagsak ang mga balikat ni April at nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.
"What should we do now?" tanong ni Gerald. Ilang sandali silang natahimik bago may sumagot.
"Bring back their memories," seryosong wika ni Ervin.
"How?" Walang maisip si Gerald na paraan para maibalik ang alaala ng tatlo.
Tumayo si Ervin at sinabing, "Napanood ko 'to sa mga pelikula. Follow me and bring your laptop—but we'll let them know first." Nagpunta siya sa harapan at sumunod naman ang dalawa. Pumwesto siya sa gilid ng mesa at tumikhim bago nagsalita. "Guys, may I have your attention." Huminto ang kaniyang mga kaibigan sa mga ginagawa at napatingin sa kaniya. Ipinasada niya ang kaniyang tingin sa mga nakaupong mga kaibigan. "Nasaan si Sophia?"
"The usual," maikling sagot ni Bruce na nakaupo sa gitnang harapan ng silid.
"Good," saad ni Ervin at ngumiti. Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy. "Alam ko na sumuko na kayo at desisyon niyo 'yun pero kung wala kayo ay hindi ko kayang magtagumpay. Isa pa, may pagbabago sa sitwasyon. Hartly is alive and he is willing to help us." Habang ang iba'y nagulat sa narinig, bakas naman sa mukha nina Aries, Bryan at Athena na sila'y naguguluhan.
"Paano?" magkahalong gulat at manghang tanong ni Melody.
"Mahabang kwento pero sasabihan namin kayo pagkatapos nitong isa pa nating problema," sagot ni April. Naguluhan si Melody sa kung anong tinutukoy ni April kaya siya'y napakunot ng noo.
"Wait! Who's Hartly?" Hindi na nakayanan pa ni Athena na magtanong dahil siya'y labis na ring naguguluhan sa mga pinag-usapan ng mga kaibigan.
"Oo nga. Sino ba 'yan?" dagdag ni Aries. Hindi nagtanong si Bryan at naghintay lang na may sumagot mula sa kanilang tatlo sa harapan.
"Naapektuhan na ba talaga ng chloroform ang mga utak niyo?" singhal na tanong ni Melody sa dalawa.
"It ain't chloroform. Dr. Dayagbil did it," saad ni Ervin. Hindi makapaniwala ang kanilang mga kaibigan sa narinig habang ang tatlo ay mas lalong naguguluhan. "Gerald, show them."
Binuksan ni Gerald ang kaniyang laptop at ipinakita ang mga video na kanilang pinanood kanina. Kinuha niya rin ang laptop ni Ervin at pinalapit ang tatlo nilang kaibigan na hindi pa rin alam ang mga nangyayari. Gamit ang dalawang laptop, ipinakita ni Gerald ang mga naganap—isa para kay Bryan at ang isa ay kina Aries at Athena.
Hindi nagtagal ay biglang sumigaw si Bryan na ikinagulat nila. Lalapit na sana si April dito subalit pinigilan siya ni Ervin at ganoon din ang mga nagnais na dumalo kay Bryan. "Pabayaan na muna natin siya." Patuloy pa rin sa panonood sina Aries at Athena kahit na ang iba ay nawala na sa pokus. Napasapo si Bryan sa kaniyang ulo at napaluhod sa sahig. Makalipas ang ilang sandali ay dahan-dahan siyang tumayo at humihingal. Nang ngumiti siya sa kanila ay hindi napigilan ni April na lumapit sa kasintahan at yumakap.
"I'm sorry," bulong ni Bryan kay April.
"Guys, I think we're not yet over," pagkuha ni Vince sa atensiyon nilang nakatingin lang sa nagyayakapang April at Bryan. Hindi nila namalayang bumalik na sina Aries at Athena sa kinauupuan. Napalingon ang lahat sa direksiyon ng dalawa.
"What?! Are you expecting us to scream like Bryan?" mataray na tanong ni Athena.
"Wala pa rin ba kayong naaalala?" usisa ni April.
"Wala naman akong nararamdamang pagbabago, eh," wika ni Aries.
"Bakit hindi gumana sa kanila?" bulong ni Ervin kay Gerald.
"Baka may iba ka pang napanood na pelikula diyan," pabulong ding saad ni Gerald pero lumingu-lingo lang si Ervin.
"Hindi niyo ba naaalala nang pumunta tayo sa sublevel 3 ng admin building?" tanong ni Vincent.
"Hindi," maikling sagot ni Aries.
"Sinira mo pa nga 'yung pader at pinto, Aries," wika naman ni Sheina.
Nag-isip nang mabuti si Aries subalit, "Hindi pa rin, eh."
"Athena, may nabasag kang reagent bottle na may lamang chloroform kaya nahimatay kayo ni Aries," pagpapaalala naman ni Romeo.
Napatitig sa kawalan si Athena nang marinig ang mga tinuran ni Romeo ngunit, "Hindi ko maalala."
Napasapo na lang sa noo si Romeo dahil akala niya'y maaalala na ni Athena. Nag-isip pa sila ng mga pwedeng makatulong habang pinipilit pa rin ng dalawa na alalahanin ang mga pangyayaring binanggit ng mga kaibigan. Hindi nagtagal ay nagsalita si Ervin. "Serum CPH4-1028."
Pagkasabing iyon ni Ervin ay napalingon sina Aries at Athena subalit parang nakatingin sila sa kawalan. Napahawak si Athena sa kaniyang ulo habang napasubsob si Aries sa ibabaw ng mesa. Makalipas ang ilang sandali ay huminto sila at unti-unting humarap sa mga kaibigang bakas ang pagkabahala.
Dahan-dahang idinampi ni Aries ang isang daliri malapit sa isang butas ng kaniyang ilong. Marahan niya rin itong tinanggal at tiningnan—may pulang likido, may dugo. Nag-igting ang kaniyang panga at makikita sa kaniyang mata ang galit. "Walang hiyang Dayagbil!"