Rev's POV
Napapailing ako habang naglalakad kami pauwi sa mansion ng Lola ni Lhaiel. Nakatitig kasi si Yan kila Ajay at Rain habang nagkakaladyaan ang mga ito. Ilang beses na ngang muntikang madapa si Yan dahil sa kakatingin sa dalawa. Nauuna sila Lhaiel at Arcie, kasunod sila Ajay at Rain. Kami ni Yan ang nahuhuli sa paglalakad. Nagpaiwan ang lola ni Lhaiel doon sa kuta ng mga siraulong babae dahil tumawag pa ito ng chopper upang buhatin ang sports car niya. Napailing ako dahil sa kawirduhan ng pamilya nila.
Nabalik kay Yan ang atensyon ko ng makitang nakasimangot ito at halatang hindi natutuwa sa ginagawa ng dalawa.
"What's with the face?" tanong ko ng hindi na makatiis dahil sa ikinikilos niya. Lumingon siya sa akin bago umismid.
"Look at those two idiots," sagot niya sabay baling muli sa dalawa na panay parin ang kaladyaan.
"Parang ewan,"
Napatawa ako ng mahina dahil mukha siyang batang inagawan ng kalaro.
"Nagseselos ka ba?" natatawang biro ko.
"What? Ako?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"Hell no! They can do whatever they want. I don't care,"
Napakunot noo ako ng bigla nitong bilisan ang paglalakad. Halos patakbo na nga ang ginagawa nitong pagkilos.
"Hoy, inaway mo na naman si Yan," sita sa akin ni Ajay bago tulinan din ang paglalakad upang habulin si Yan.
I don't understand what was happening.
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad. This entire vacation was something.
~~
Yan's POV
Selos? Ako?
"Rev was out of his mind," sambit ko sa sarili habang naglalakad. Bakit naman ako magseselos?
They can be close as much as they want. As if I care?
They're just making my eyes hurt. Nothing more.
"I don't care," sambit ko bago mapailing.
"Sino ba ang kausap mo?" nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.
Nagtatakang mukha ni Ajay ang tumambad sa paningin ko nang ako ay lumingon. Napasimangot ako nang makita siya. Bakit hindi si Rain ang tanungin niya?
"Mind your own business," sagot ko sa kanya bago ipagpatuloy ang paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa mansion ay hindi niya ako nilubayan. Kahit nasa byahe ay panay parin ang tanong niya.
So suddenly I became interesting?
~~
Lhaiel's POV
Nang makarating sa bahay ay sa kwarto ko ako nagtungo upang mamahinga. That vacation drained me well. Kaya naman pagkahigang-pagkahiga ko ay nakatulog ako agad.
Halos papadilim na nang ako ay magising. Tinatamad akong bumangon kaya naman nag-surf nalang ako sa internet. Nakita ko ang mga post nila Rev at Ajay sa Instagram. Napailing ako dahil pati sa post ay puro sila kautuan. Habang nag-i-scroll ay napadpad ako sa post ni Hannah. Her gorgeous photos, her perfect smile, and her lips that used to be mine. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Pilitin ko mang ialis lahat sa isipan ko, babalik at babalik parin.
Those memories keep haunting me. It's scary. Maybe I will be forever haunted.
Napabuntong hininga ako bago tumayo at magtungo sa banyo. Maybe a quick shower can ease the pain. Nang matapos at nang makapagbihis ay napagdesisyonan kong magtungo sa resto upang kamustahin kung ano na ang lagay nito dahil ilang araw din kaming nawala.
Nadatnan kong naglalaro ng billiard sila Ajay at Rev habang si Yan ay tahimik lamang na nakaupo sa sofa.
"Asan ang iba?," tanong ko bago kumuha ng lata ng beer sa ref.
Hindi ko na hinintay pa na makasagot sila, at nagdiretso na sa rooftop.
Nang makarating doon ay nagtungo ako sa part ng rooftop na nagsisilbing workplace ko kapag nagpipinta. Naroon ang mga paintings ko na natatakpan ng mga puting tela.
Lumapit ako sa pinakamalaking canvas at tinanggal ang puting telang nakatakip dito.
"It's been a long time," I said sourly. I traced her face with my fingers. The way I used to do it. I look into her eyes, with love and longing. Tanging sa painting ko na lamang siya mahahawakan at matitigan. Tanging sa painting ko na lamang siya makikitang nakangiti.
"I still don't understand why you do this to me,"
And just like paintings, her memories will be forever intact and preserved in my mind.
Napabuntong hininga ako bago humigop sa dalang inumin. Ilang sandali ko pang tinitigan ang painting bago ibalik ang telang nakatakip dito. Inubos ko ang laman na beer ng latang hawak ko bago magbukas pa ng isa.
I think, getting myself drunk was the only way to forget all about the pain.
~~
Yan's POV
I was looking in Ajay's direction while he was playing billiards with Rev. He was smiling and laughing when Rev said something stupid.
I don't get it. Hindi naman nakakatawa ang sinasabi ni Rev pero tawa siya ng tawa. Napaismid ako bago sila alisan ng tingin. Wala akong mapapala kung sila lamang ang pagtutuunan ko ng pansin.
Binuksan ko na lamang ang cellphone at doon na lamang naglaro ngunit hindi din ako mapakali dahil tawa at halakhak lang ni Ajay ang tanging naririnig ko.
"Yan, halika sumali ka sa amin," aya nito maya-maya sa akin.
So I'm not invisible after all??
Nilingon ko sila bago tumayo.
"So annoying," wika ko bago lumakad at magtungo sa rooftop upang magpahangin. Naabutan ko doon si Lhaiel na mag-isang umiinom. Napailing ako dahil ang lungkot na naman niya.
"Hey," sambit ko nang makalapit sa kanya.
Inabutan niya ako agad ng beer. Kinuha ko iyon at binuksan. Sumimsim lamang ako ng kaunti bago muling magsalita.
"Are you okay?," tanong ko.
"I'm fine," sagot niya na dinugtungan ng isang malalim na buntong hininga.
Malamang ay si Hannah na naman ang laman ng isip niya.
"I know it's hard,but don't let it ruin you," sabi ko bago muling sumimsim ng hawak na alak.
I turned my gaze to the view in front of me. From here,we can see the city lights. It's a beautiful sight but I know,it can't ease the sadness inside Lhaiel's heart.
"Everything is a mess," sambit niya maya-maya.
"You were there when she left me, she left my whole world ruined,"
Hindi na ako nakakibo pa. Hindi din naman kasi ganoon lang kadali ang lumimot lalo na at maraming masasayang ala-ala. I just stood there, listening to every word he said. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya.
We just stayed there and drank the night away.
~~
Alleya's POV
Hindi ko na-enjoy ang dalawang araw na pananatili namin ni Tita sa probinsya nila. Naiinis kasi ako sa pinsan ko na walang ginawa kundi ang magparinig sa akin ng mga bagay na tungkol kay Alex. Kaya ng tumawag sa akin ang assistant ko tungkol sa boutique ay nagpaalam na ako kay Tita at sa mga kamag-anak namin na mauuna na dahil may kailangan akong asikasuhin. Nagprisinta naman si Tito Mel na ihahatid si Tita kaya sinakyan ko na ang kotse.
Halos ilang oras din ang itinagal ng byahe at nang makarating ako ay sa boutique na ako magdiretso. Pasado alas dos na akong nakarating sa boutique. Naabutan ko roon ang assistant ko na nag-aayos ng mga materyales at tela na kadarating lamang. Wala namang emergency, kaya hindi naman sana ako obligadong umuwi. Ginawa ko na lamang itong paraan para makauwi na dahil sa maldita kong pinsan.
Napapailing ako habang naalala ang mga kamalditahan niya. Tinulungan ko na lamang na mag-ayos ng mga materyales ang assistant ko bago ako umuwi upang makapagpahinga. Sa labas na lamang ako kumain dahil tinamad na akong magluto. Wala naman akong kasama. Nang makarating sa bahay ay nagdiretso ako sa banyo upang maligo at nang matapos ay tinawagan si Rica upang ipaalam dito na nakauwi na ako. Pagkatapos naming mag-usap ay nagpatuyo lang ako ng buhok at humiga na din. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog at alas singko na nagising kinabukasan.
Habang nagkakape ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Tita, sinabi niyang kinabukasan pa raw siya maihahatid. Pagkatapos naming mag-usap ay napagpasiyahan kong ilabas ang aso ko na kakukuha ko lang din kahapon sa assistant ko. Siya kasi ang kinausap ko na mag-pet sitting.
Nagtungo ako sa pinaka malapit na park at dinala ko din ang sketchbook ko dahil baka makagawa na naman ako ng panibagong design. Nang nakarating ay inilakad ko muna ang aso ko bago umupo sa isang bench at ilabas ang sketchbook. Habang nag-i-sketch ay biglang sumagi sa isipan ko si Lhaiel. Nagulat pa ako at natandaan ko pa ang pangalan niya. Usually kasi ay mahina ako sa pagsasaulo ng mga pangalan. Lalo na at kakikilala ko pa lamang.
Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari sa resort. Yung gabing isinigaw namin sa dagat lahat ng aming mga hinanakit. Automatic na nag-init ang pisngi ko ng maalala ang nangyari noong nagcamping kami malapit sa cliff. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at hinalikan ko siya. Napailing ako upang alisin sa utak ang tagpong iyon. Nang magbaba ako ng tingin ay nagulat pa ako dahil hindi ko alam na iba na pala ang na-i-sketch ko. Mukha ito ni Lhaiel. Napangiti ako at nagpasiyang ituloy na lang ito. Nang matapos ay napatawa ako, satisfied with my work.
Inilapag ko sa inuupuang bench ang sketchbook at tumingin sa mga taong nasa paligid. They are minding their businesses. Ang iba ay naglalakad,nag-ja-jogging, at karamihan sa kanila ay pawang magkakasintahan.
Napasimangot ako. Nakakainggit. Gusto ko din kasing sumaya at maging kontento sa piling ng taong mahal ko at mahal din ako. 'Yung taong hindi ako wanna at ipagpapalit sa kung sino lang.
Dear no one, whoever you are, I'll wait until fate gives us our turn.
***