Chapter 2 - 제 2 화

"Hyun-Sik POV"

Hyun-Sik: Ma, may sasabihin pala po ako.

Mama: Ano yun nak?

Hyun-Sik: Natanggap pala ako sa pag part time work ko, dun sa Barbecue House.

Mama: Oh edi maganda, pero kailan ka ba mag uumpisa dun?

Hyun-Sik: Next week after ng exam ko po Ma.

Mama: Pero hindi ka ba mahihirapan dyan nak? Hindi ba makakasagabal yang part time work mo sa pag-aaral mo?

Hyun-Sik: Hindi naman po Ma, gusto ko din naman kasi gusto ko po makapag-ipon para sa Tuition ko kapag nag College na po ako.

Mama: Sabagay, pero... Alam na ba ni Seung-Ho yan? Alam mo naman yang best friend mo eh hindi papayag na mag part time ka dahil sagot naman nila yung pang College mo.

Hyun-Sik: Ma! Sasabihin ko naman po sa kanya, tsaka alam ko naman maiintindihan nya, tsaka nakakahiya na din kay Auntie Go na pati pang College eh sila pa ang sasagot.

"Biglang may kumatok sa pintuan"

Maid: Mrs. Lee? Pinapatawag po kayo ni Madam Go sa kwarto nya.

Mama: Ahh ehh? Oo sige susunod na ako, pakisabi na pupunta na ako.

Mama: Oh sige nak, kumain ka lang dyan ah.

Hyun-Sik: Sige po Ma.

"Lumabas na ng Kwarto kung saan sila nakatira"

"Nakasalubong ni Mrs. Lee si Seung-Ho na papunta sa Kwarto nila"

Seung-Ho: Ahh hello po, nandyan po ba si Hyun-Sik?

Mrs. Lee: Oo nandyan sya, kumakain, sige mauna na ako, kailangan pa ako ng Mama mo sa taas.

Seung-Ho: Ahh sige po.

-----

"Kumatok si Seung-Ho sa pintuan"

Tok! Tok! Tok!

Seung-Ho: Hyun-Sik!? Hyun-Sik?!

"Binuksan ni Seung-Ho ang pintuan, at pumasok na sa kwarto at na kita nyang wala sa lamesa si Hyun-Sik"

Seung-Ho: Bakit walang tao dito, Hyun-Sik na saan ka? Papaturo sana ako sa lesson nyo.

"May narinig si Seung-Ho na bumubuhos na tubig sa shower galing sa banyo"

Seung-Ho: Ahh mukhang na liligo siguro, Hyun-Sik antayin nalang kita dito.

Hyun-Sik: Hoy nandyan ka pala! Sandali lang ah, malapit na ako dito.

"Na tapos ng maligo si Hyun-Sik at lumabas na ng banyo ng naka pulupot ang towel sa ibabang katawan nya at naka topless ito"

"At na kita naman ito ni Seung-Ho at na tulala ito sa pagkakatitig sa katawan ni Hyun-Sik"

Seung-Ho mind: "Ahhh... Ang ganda ng katawan nya, a.. Aahh. Nakakabighani"

"Si Hyun-Sik ay biglang lumapit kay Seung-Ho"

"Biglang na pa atras si Seung-Ho at na mumula ang mga pisngi nya at na tauhan nung biglang kinutusan sya ni Hyun-Sik sa ulo"

Hyun-Sik: Hoy bat ka nakatitig naman masyado sa akin? Na mumula pa yang mukha mo, may sakit ka ba?

Seung-Ho: Ahhh... Ehhh.. Ano wala! Tang ina naman nito, masyadong mainit ata dito sa inyo.

"Sabay tumayo si Seung-Ho at binuksab ang bintana, at nakatalikod kay Hyun-Sik para pakalmahin ang sarili nya"

Hyun-Sik: Ok ka lang ba talaga? Haha ang weird mo ah.

Seung-Ho: Baliw! Mainit lang kasi dito, tsaka magbihis ka na nga muna! Tsaka turuan mo ako sa mga last lesson nyo!

Hyun-Sik: Oo na Master! sige, bihis muna ako, sige sandali lang ah.

"Rinig na rinig ni Seung-Ho ang malakas na pagtibok ng kanyang puso dahil sa nangyari"

Seung-Ho mind: "Aish! Tang ina ano ba naman itong nararamdaman ko? Ang weird"

"Tapos ng magbihis si Hyun-Sik at pumunta na ito sa lamesa kung na saan si Seung-Ho"

Hyun-Sik: Oh ano na? Let's start review na?

Seung-Ho: Sige, tsaka oo nga pala after natin dito pwede ba samahan mo ako sa convenience store?

Hyun-Sik: Hmm sige, pero ano ba bibilhin mo dun?

Seung-Ho: Bibili lang ako ng Soju natin tsaka snacks natin.

Hyun-Sik: Nice! Nagkusa ka din manlibre ulit haha, sasabihin ko sana na ikaw taya sa snacks mamaya eh.

Seung-Ho: Syempre naman! Pero maunang malasing mamaya eh sya manlilibre sa Lunch bukas sa school! Ano game!?

Hyun-Sik: Tss! Haha ako pa talaga hinamon mo? Haha GAME!!

"At nag umpisa na sila magreview ng mga lesson"

"3hrs ang nakalipas ng pagrereview nila, hindi nila na papansin na nagkakalapit paunti unti ang kanilang mga kamay, at sa tulutang nagkadikit na nga ito, at parehas silang nakaramdam ng kuryente sa pagkakadikit ng kamay nila"

Hyun-Sik: Aish! Hoy! Ano yun?! Bakit may kuryente akong naramdaman sa kamay mo?!

Seung-Ho: Oh bakit ako?! Eh sayo nanggaling yung kuryente?

Hyun-Sik: Wala ka bang tinatago sa kamay mo na kakakuryente?!

Seung-Ho: Wala syempre! Baliw!

Hyun-Sik: Haist sige stop na muna natin itong pagrereview, oh ano? Labas na tayo~? Gutom na ako hahaha!

Seung-Ho: Buti naman na isipan mong mag pahinga na tayo haha sige kunin ko muna sa kwarto ko yung coat ko, malamig na sa labas eh, magkakaroon daw ng snow mamaya.

Hyun-Sik: Snow? Aga naman, haha pero wala akong balita eh bihira lang ako manood ng TV.

Seung-Ho: Mag ayus kana dyan haha kita nalang tayo sa parking lot.

----

"Hyun-Sik POV"

Hyun-Sik: hmmm? Na saan ba yung coat ko~? Hindi ko mahanap... Itext ko nalang nga si Seung-Ho at manghihiram ako.

"To: Seung-Ho

Nandyan ka pa ba sa taas? Sa kwarto mo? Pahiram ng Coat mo? Hindi ko mahanap yung akin eh hehe!

Laundry ko nalang pagbalik ko sayo hehe salamat!"

Hyun-Sik: Sana nasa taas pa sya, haist nakakahiya manghiram! Bat kasi hindi ko makita coat ko, alam kong nandito lang sa drawer ko eh.

"Nagreply na si Seung-Ho sa text ni Hyun-Sik"

"From: Seung-Ho

Oo nandito pa ako sa kwarto ko.

Wala ka bang coat na extra dyan? Sige pahiramin ko extrang coat ko dito, tsaka wag mo na ipa-laundry ayus lang sa akin hehe!

Antayin mo nalang ako dyan sa ibaba."

Hyun-Sik: Ayun nice! Haist makapag ayus na nga.

"Seung-Ho POV"

Seung-Ho: Hmmm? Ano kayang Coat ipapahiram ko sa kanya? Ahh! Ito nalang, para same color black hehe.

"Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Seung-Ho"

Maid: Master Go? Nandyan po ba kayo~? Pinapatawag po kayo ni Madam Go sa Living room.

Seung-Ho: Hah!? Ehh!? Oo sandali lang! Pakisabi pupunta na ako.

Maid: Sige po Master Go.

Seung-Ho mind: "Aish! Ano na naman kaya sasabihin nya? Tungkol na naman siguro sa fix marriage o arrange marriage na yan, tsk!"

"Hyun-Sik POV"

"Dahil medyo na iinip na sya sa paghihintay kay Seung-Ho, sya ay pumunta sa living room at na kita sya ni Madam Go"

Madam Go: Oh Hyun-Sik pupuntahan mo ba si Seung-Ho?

Hyun-Sik: Ahh? Hehe opo.

Madam Go: Hmm... May pupuntahan ba kayo?

Hyun-Sik: Opo Auntie eh.

"At nakita nilang dalawa si Seung-Ho na pababa sa hagdanan"

-----

Madam Go: Oh Seung-Ho bakit ang tagal mo~? May gusto sana akong pag-usapan.

Seung-Ho: Ano na naman po ba pag-uusapan? Tungkol na naman ba yan sa Fix marriage na yan~? 🙄

Madam Go: Yes, why?

Seung-Ho: What I've said last time na ayoko at hindi pa ako handa sa ganyang bagay ok?!!

Madam Go: It's either agree or not, kailangan mo magpakasal sa kanya, our family have agreement na ipapakasal kayo pagkatungtong nyo ng College.

Seung-Ho: Alam mo Mom?! Kung wala kang sasabihing maganda, wag nyo akong kakausapin, dahil sarili nyo lang iniisip nyo!

"Biglang nag walk out nalang si Seung-Ho at na iwan silang dalawa ni Hyun-Sik at Madam Go sa Living Room"

Madam Go: Aish! Bastardong bata! *Whispering*

Hyun-Sik: Ahh Auntie sige po, mauna na po ako.

"Yumuko si Hyun-Sik at umalis na ito at sinundan si Seung-Ho"

-----

Seung-Ho: Manong driver, pahanda yung kotse, may pupuntahan kami ni Hyun-Sik.

Manong Driver: Masusunod Master Go.

Hyun-Sik: Huy! Kalmahan mo lang, tatanda ka agad nyan haha!

Seung-Ho: Pano ako kakalma, ako na stress sa pinag gagawa nila, lagi nalang nila ipinipilit yung gusto nila.

Hyun-Sik: Aish! Haha! Bilhin nalang natin yung snack, at mag inuman nalang tayo! Haha para kumalma ka haha!

Seung-Ho: Oo na oo na! Haha!

"Sabay inakbayan ni Hyun-Sik si Seung-Ho para i-cheer up nya si Seung-Ho dahil sa pagkainis nito kay Madam Go."

-----

"Nakauwi na galing Convenience Store ang dalawa, at sila ay nag iinuman ngayon sa bahay na kwarto nila Hyun-Sik at na ubos na nila ang 8 na bote ng Soju at parehas na silang lasing na lasing"

Seung-Ho: Haha gago! Panget mo talaga kapag nalalasing haha para kang raccoon, pwede kana isabit sa puno hahaha! Hik!

Hyun-Sik: At least poging raccoon hahaha hik!

Seung-Ho: wooh! Kapal ng mukha hahaha! Baka ako mas pogi sa ating dalawa haha!

Hyun-Sik: Zzzzzzzzzzzz!

"Hindi namamalayan ni Seung-Ho na nakatulog na si Hyun-Sik dahil sa kalasingan"

Seung-Ho: Haha! Defeat! Kaw taya sa lunch natin bukas haha hik!

"Tinitigan ni Seung-Ho ang natutulog na si Hyun-Sik at tinuro turo ng daliri nya ang pisngi ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Mukhang tulog na haha!

"Dahil sa kalasingan, si Seung-Ho ay biglang nakaramdam ng init sa kanyang mukha at tinitigan nya ng matagal si Hyun-Sik, at dahil sa nararamdaman nyang hindi nya maintindihan eh lumakas na naman ang tibok ng puso nito habang nakatitig sa mukha ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Ano ba itong nararamdaman ko para sayo? Na guguluhan ako...

Seung-Ho: Haha buti nalang tulog ka, at hindi mo ako na ririnig haha!

"Unti unting lumapit si Seung-Ho sa mukha ni Hyun-Sik, halos magkadikit na ang kanilang mga labi, at na dadama na ni Seung-Ho ang mabangong amoy alak na hiniga ni Hyun-Sik na mas lalong nag pa-akit sa kanya para lapitan nya ng husto ang mukha nya.

Halos 2 sentimetro nalang ang lapit ng mga labi nila sa isat isa ng biglang umayos ng pagkakaupo si Hyun-Sik galing sa pagkakayuko ng sarili nya sa lamesa"

Hyun-Sik: Ughhh!

Seung-Ho: Ahhh! Gising ka pala!

Hyun-Sik: Ughhhh!

Seung-Ho: Huh? So tulog ka parin kahit bigla kang umayos ng pagkaka-upo? Haha ang weird mo haha!

Seung-Ho mind: "Shit! Ano ba itong ginagawa ko sa kay Hyun-Sik, arghhh! Lasing lang ako! Lasing lang ako!"

Seung-Ho: Halika na dun sa kwarto mo, dun na tayo matulog.

Hyun-Sik: Ughhhh!

"Binuhat ni Seung-Ho si Hyun-Sik papunta sa kwarto nito at inihiga na nya ito sa kama, at inayos nya pagkakahiga nito.

At na gulat si Seung-Ho nung biglang hinila sya ni Hyun-Sik sa kama at napahiga na din si Seung-Ho dahil dito at niyakap sya ni Hyun-Sik pero sya ay tulog parin"

"Namula ng husto ang mukha ni Seung-Ho sa pagkakayakap ni Hyun-Sik sa kanya.

Mas lumakas pa ng lumakas ang tibok ng Puso ni Seung-Ho habang magkayakap sila ngayon sa kama.

At tuluyan ng nakatulog si Seung-Ho sa tabi ni Hyun-Sik."

"HINDI KO ALAM ITONG NA RARAMDAMAN KO PARA SA KANYA, ANG ALAM KO LANG MAGAAN SA PAKIRAMDAM TUWING NA KAKASAMA KO SI HYUN-SIK, GUSTO KONG LUBUSIN ANG MGA GABING ITO NA YAKAP NAMIN ANG ISAT-ISA, BASTA~! HINDI KO TALAGA MAINTINDIHAN ITONG NARARAMDAMAN KO, NA BABALIW AKO, LAGING MALAKAS PAGTIBOK NG PUSO KO TUWING NANDYAN SIYA, PERO MALING MALI ITONG NARARAMDAMAN KO PARA SA KANYA.

-Seung-Ho"

End of Episode 2