Hana's POV
Nakakainis naman oh! Kakalipat ko lang ng unibersidad tapos lilipat nanaman?! 'Di ko maintindihan sila mommy at daddy, kung saan-saan lang ako tinatapon nang mga 'to. 'Di naman sila tulad ng ibang mga magulang diyan, sila, strikto at ikinakahiya ako. Halos buong araw ako nila sigawan sa mga kapalpakan ko.
'Di ko naman sinasadya ah?! Mas bilang ko pa nga mga palapak ko kaysa sa mga ginawa ko'ng tama. Ang problema kasi, yung mga tama'ng ginagawa ko 'di nila nakikita samantala yung hindi, para sila'ng si Flash sa sobrang bilis sa pag pansin don.
Nakapag-enroll na ako, expected na 'yon sa mga magulang ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng locker ko, nilalagay ang mga gamit para sa mga susunod na subjects. Ayaw ko kasi'ng mag dala ng mga bagay na nakakabigat, lalo na ang mga libro.
'Di naman lahat galing sa school ang mga libro'ng 'yon. Mahilig ako mag basa pero karamihan sa mga libro ay mga nobela.
3rd Year High school student ako pero yung pinag aaralan ko'ng unibersidad ay halo-halo na, may mga campus lang para hindi malito. Falkoff University. 'Di ko alam kung matatawa ako o maaawa sa pangalan neto'ng unibersidad na ito.
Sounds like Fuck off. Tsk, who does that?
Napabuntong-hininga na lamang ako at isinara na ang locker. 'Di ko na inilagay ang paborito ko'ng libro, maaga naman kasi ako pinapunta dito eh. Imagine, 9:00 yung klase ko pero pinapunta ako 6:30 palang?. Chaka.
Sa sobrang aga ng pag dating ko, kakaunti pa lang ang nandito. Kaya naman napag desisyonan ko'ng libutin muna ang campus na ikinabibilang ko. From Gymnasium, to our field. Huminto ako sa pag lalakad nang makatapat ko ang isang bench doon. Medyo nangangalay na rin paa ko, ang laki naman kasi ng campus na ito.
Inilabas ko ang paborito ko'ng libro tsaka nag basa hanggang alas siete. Medyo mahangin sa field kaya 'di ko maramdaman ang init ng araw sa balat ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa floor namin, marami na ang mga estudyante'ng nag si datingan kaya naiilang na ako.
Nilabanan ko ang pag ka ilang ko hanggang sa makarating ako sa silid namin. 'Di bababa ang nasa loob doon ng bente pero 'di rin tataas ng trenta, as I've said masyado pa'ng maaga. Nilabas ko ulit ang libro ko tsaka nag basa, pampalipas oras. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pag babasa, may isa'ng kamay na humampas sa armchair na nasa tabi ko.
Binalewala ko lang 'yon pero nang hampasin muli nito ay doon ko na binalingan kung sino ang hinayupak na nag iistorbo sa'kin.
Nagulat ako nang makita ko ang isa'ng napaka-gandang babae, sa likuran neto ay may dalawa pa.
Mga kasama siguro.
Bumalik lang ang ulirat ko nang matinag ko ang boses neto.
"Bago ka dito?" Maarteng sabi nito pero di ko nalang pinansin.
Nginitian ko siya ng matamis tsaka nilahad ang aking kamay.
"Yes po, hi I'm Hana!" Masigla ko'ng ani.
Nagmulat ang tatlo'ng babae sakin at tsaka nag katinginan, pag katapos ay bigla nalang sila tumawa ng nakakaloko. Nalilito ako at ipinakita ko 'yon sa kanila, binigyan naman nila ako nang nadidiri'ng tingin.
"Ugh, get your hands off of my face, it's dirty," Maarteng sabi nanaman tsaka tumikhim "May boyfriend ako at siya ang campus crush dito, syempre napaka gwapo nun" Ani na kumislap kislap pa ang mga mata at tumingala sa kisame na para ba'ng nasa isang pelikula kung nasaan nag de-day dream ang tao.
Psh.
"Okay? Bakit po?" Nag tatakang tanong ko.
"Duh? Gwapo siya at lahat ng babae dito nag kakagusto sa kaniya kaya ngayon palang wina-warningan na kita," Lumapit siya sa mukha ko "Wag na wag mo'ng aagawin sa'kin ang mahal ko kundi ako ang makakalaban mo".
Nakakatakot naman talaga siya kaya dali-dali akong tumango habang lumulunok. Ngumisi ito at umatras.
"Good," Pumitik pa sa ere ang babae "Let's go girls" Tsaka umalis.
Sinundan ko pa muna sila ng tingin bago humarap sa libro ko.
What The Hell?
Unang araw ko palang 'to pero mukhang marami ng eksena ang mangyayari sakin. Wag naman sana please, 'di ko kakayanin. Well, pisikalan kaya ko pero 'di ko talaga kaya manakit ng tao. Ba't naman kasi pumayag pa ako'ng mag aral ng Martial Arts tapos dance fighting?!.
Marahas akong umiling tsaka bumalik sa pag babasa. Habang lumilipas ang oras, dumadami na ang mga studyante sa loob ng silid namin. Sakto'ng alas otso kwarenta ay binalik ko na ang libro ko sa locker.
Maingat ko'ng nilagay ay aking libro. Akmang sisirahin ko ang pinto ng may mauna na doon. Nagulat at natulos ako sa aking tinatayuan, kaharap parin ang locker. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang babae kanina pero nang tingnan ko ng maigi ang kamay, sigurado ako'ng nag mumula na 'yon sa isang lalaki.
Dahan-dahan ako'ng humarap sa lalaki at kaagad natigilan nang makita ang isa'ng napaka-gwapong binata. May apat pa'ng nakabuntot sa kaniya, pasimple ko'ng sinulyapan ang hallway sa mag kabila pero wala nang tao. Tiningnan ko ang wrist watch ko.
8:47... Oh shit.
Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ang binata'ng matiim na nakatitig sakin. Sa sobrang lalim ng mga titig nito, para ba'ng nababasa neto ang laman ng isip ko. Napakurap-kurap ako.
*Gulp*
Lunok 'yan, 'wag kang ano.
Ang mala chokolate nito'ng mga mata ay nakatuon sa akin. Kinakabahan ako, hindi dahil sa binata kung 'di dahil mahuhuli ako sa una ko'ng subject. Pilit ko'ng nilalabanan ang mga titig ngunit nabigo ako. Pumailalim nalang ako ng tingin.
"A new nerd," Ani ng lalaki'ng nasa harap ko, nag si bungisngisan naman ang apat sa likuran "Ano'ng pangalan mo?".
"H-Hana po" Napapahiya at kinakabahan ko'ng sabi.
Grabe ang aura neto'ng isang 'to. Ramdam mo ang awtoridad sa pananalita, ramdam mo ang maangas niya'ng aura.
"Hana" Ani niya na para ba'ng may nakatago sa pangalan ko, naramdaman ko naman ang paglapit niya kaya mas lalo ako'ng mapasandal sa locker ko "Ang pangit ng pangalan mo" 'Yon ang ani tsaka umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Pakiramdam ko hindi ako nakahinga sa mga sandali'ng 'yon. Tiningnan ko pa ang lima at doon nila tinahak ang daan kung saan papunta ang silid ko.
Tatakbo nalang ako. Tama.
Hinanda ko ang sarili ko tsaka mabilis na tumakbo. Nang malampasan ko ang lima, doon ko binagalan ng kaunti ang pag takbo ko. Nang makarating ako sa harap ng pinto ng silid namin, sinilip ko pa muna ang bintana.
Nandoon na ang Lec namin pero nakaupo parin saka nag ce-cellphone. Mukhang hindi pa nag sta-start kaya naman doon nalang ako sa likuran dumaan. Pumunta ako sa upuan ko kanina, tsaka umupo. May katabi ako'ng babae sa kanan at lalaki sa kaliwa.
Hindi rin ako napansin ng Lec kaya hindi na ako nagpatinag pa'ng bago dito. Ayoko nang mag pakilala, nakakasawa. 'Di rin naman sila interesado malaman ang pangalan ko. So, no use. Gagamitin pa ata pangalan ko sa pang aasar. Nang mag simula na ay panay sulat ko sa mga importante'ng impormasyon. And pagkatapos, recitation.
"You," turo sa'kin ni Sir Flores "What is Taxonomy?".
Tumayo ako, nasa akin ang paningin ng lahat. Lalo na ang mga babae.
"Taxonomy deals with the study of identifying, grouping and naming organism according to their established natural relationship.".
Tumango-tango si Sir.
"Okay, what is your name dear?" Mahinahon niya'ng ani kaya naman napangiti ako.
Buti pa dito, mabait ang Professor.
"Hana Lee Perez, Sir" magalang na ani ko.
"Okay Hana, can you tell me who's the father of Taxonomy?".
"Carolus Linneus, Sir.".
Napangiti si Sir Flores tsaka pinagkrus ang nga braso.
"Magaling, and the father of Biology?".
Ang dami namang tanong neto.
"Aristotle, Sir".
Tumango-tango muli ang propesor at tsaka bumalik sa pag tatanong sa iba ko'ng mga kaklase. Nang maupo ako, bumalik ako sa pag susulat. Nasa kalagitnaan ako ng pag susulat nang marinig ko ang katabi ko'ng babae.
"Ang galing mo naman," Binalingan ko naman siya kaya mas lumawak ang ngiti nito "Ako nga pala si Cyrine Manzon" Pagpapakilala nito saka nilahad ang kamay.
Nginitian ko rin siya at masaya'ng tinaggap ang kamay. Kaagad ko naman 'yon binawi 'yon. Napangiwi siya pero kaagad naman 'yon nawala. Pinakatitigan ako ni Cyrine.
"Alam mo, hindi ka naman maganda pero bakit napaka attractive mo? No offense ah, parang unique ang ganda mo, hindi nakakasawa" Nakangiti'ng aniya.
"Talaga? Salamat, alam mo ba'ng ikaw palang ang nag sabi saking unique ang ganda ko?" Nakangising sabi ko.
Nag form naman na 'O' ang mga labi nito. Natawa ako sa kaniya.
"Talaga 'te?!" Gulat pa'ng sabi niya. Medyo napalakas ang sabi ni Cyrine kaya napalingon ang mga malapit samin.
"Ayy sorry" Si Cyrine.
"Oo nga, 'di ako mahilig mag sinungaling at mag lihim kaya naman totoo ang sinasabi ko".
"Yung ano 'te?" Biglang sulpot ng katabi ko'ng lalaki- mukhang bakla.
"Ako palang raw nakapag sabi sa kaniya'ng maganda siya" Sagot ni Cyrine.
"Ako nga pala si Wilson Rex Orchondra. Taray naman ni ate mo ghorl" Maarte na sabi ngunit biro ni Wilson sabay haplos ng buhok ko.
Natawa nanaman ako.
"Totoo".
"'Wag masyado'ng feeling 'te, yung babae kanina," Ani ni Wilson sabay turo ng pinto'ng nilabasan kanina ng tatlong babae "Campus crush rin 'yon at ang boyfriend niya'ng si Xam Evan ay isang campus crush rin".
Kumunot naman ang nuo ko.
"Oh eh ano ngayon? I have my own beauty" Maarte ko rin na sabi ngunit biro.
"Taray! Chaka mo ghorl" Mahina pa'ng tinampal ni Wilson ang braso ko.
Kami ni Cyrine ay mahinang natawa. Mabuti itong may mga kaibigan ako, para na rin may kasabay ako sa lahat. Nang matapos ang Lec namin ay kaagad na sumunod ang iba. Apat na Lec ang lumipas bago mag ring ang school bell, pinapahiwatig na Lunch na ng lahat. Tumayo kami saka nag ligpit ng mga gamit.
"Haaaaay" Usal ni Cyrine saka nag stretching pa, ganon narin si Wilson.
"Nakakatamad rin na umupo 'no?" Nakangisi ko'ng sabi.
"Sinabi mo pa 'te!" Si Wilson.
"Yes" Si Cyrine.
Lumabas na kami pag katapos mag ayos. Sumunod lang ako sa kanila, 'di ko pa kasi alam kung nasaan ang canteen dito. At pangalawa, sila lang ang kaibigan ko. Ilang liko pa ng kanto sa hallway at natanaw ko na ang malaking pinto na hula ko'ng papuntang canteen.
"Wilson, ano'ng gusto niyo'ng kainin ni Cy?" Tanong ko ng makahanap kami ng mauupoan.
"Nako! 'Wag mo na 'kong tawagin niyan! Masyadong lalaki eh hahaha Rex nalang. Libre ba 'yan o papaasahin mo kami?" May loko'ng ngising naka plastar sa labi.
"Samahan niyo 'ko, libre ko".
"Kaya mo ba? Mahal dito mga pagkain eh akala mo Jollibee kinakainan" Nag aalala'ng ani ni Cyrine.
Kinuha ko ang wallet ko sa bag tsaka ipinakita sa kanila.
"Okay na ba ang 50,000?".
Ilang segundo pa'ng gulat na tumitig sa'kin si Cyrine at Rex bago mag salita.
"Ang inaasahan ko'ng tanong mo kung kasya na ba ang 1,000 kasi Oo pero sumobra naman ata" Si Rex.
Malakas ako'ng tumawa.
"'Di naman 'to lahat sa Lunch ko 'no, bibili pa ako ng mga libro sa National Bookstore, mahilig ako mag basa" May masuyong ngiti ko'ng sabi.
"Sige na nga, tara" Yaya ni Cyrine.
"Psh! Gutom ka lang eh!" Singhal ni Rex.
Nagtawanan lang kami hanggang sa makabili ng aming Lunch. Akala ko mag kakaiba ang gusto namin pero sumunod ng order ang dalawa sa 'kin. Simpleng Hotdog, Egg sandwich sa main course at sa dessert naman ay chocolate cake and for drinks same kami'ng gatas ang pinili.
Minsan lang ako mag softdrinks at juice, kapag nasa mod uminom eh di iinom. Habang kumakain, nag kwe-kwentuhan kami ngunit nangibabaw bigla ang tilian, hiyawan ng mga estudyante sa loob ng Canteen. Kumunot ang nuo ko.
Ano ba ang nangyayari?
Tiningnan ko pa muna sila Cyrine na patuloy lang ang pag kain na para ba'ng walang paki-alam sa kapaligiran. Nilibot ko ang tingin ko sa mga estudyante'ng nag tilian, at lahat sila nakatingin sa likuran ko. Nasa gitnang side kami ng daanan. Gets mo?
CANTEEN
______________ _____________
D |
A |
A |
N |
*Cyrine* | A |
______ | N |
_____|*Rex*| |
*Ako* | |
_____________ | |____________
ENTRANCE
A/N: Sa mga gumagamit ng Laptop, Mac Book, Computer or whatever man niyan basta hindi cellphone. Mukhang malilito kayo sa impormasyong 'yan, kasi cellphone gamit ko niyan pag edit. Hope you understand. Thank you! okay continue na, jusko.
Oh 'yan! Ganiyan nga!. As I was saying, lahat sila nakatingin sa likuran ko kaya naman na curious ako kung ano ba ang nakita ng mga ito upang magtili ng napakalakas. Kunot ang nuo na sinundan ko ang tingin ng mga ito. Natigilan ko ng makita ko ang babae kanina tsaka ang lalaking kaharap ko sa hallway kanina.
Panay kaway ng babae. Ang kaliwa'ng braso ay nakasabit at nakapulupot sa kanang braso ng lalaki. Ang binata naman, 'di naman kumakaway ngunit panay ngisi. Sa likuran nila ang dalawang babae at apat na lalaki na para ba'ng mga buntot.
Kaagad ako'ng nag iwas ng tingin, ayoko na mapansin nila ako. Unang araw palang eh. Tumingin ulit ako kila Cy at Rex na patuloy parin na kumakain. Nag dadalawa ako ng isip kung iiwan ko nalang sila dito, hindi ko kasi talaga matagalan ang presensiya ng dalawang 'yon.
Mag papaalam nalang ako na pupunta ako ng restroom.
'Yon ang pumasok na ideya sa isipan ko. Maiintindihan naman nila ako. Kaya yun ang ginawa ko, nag paalam ako tsaka kumuripas ng takbo papuntang restroom, wala akong paki-alam kung napansin nila ako basta nag focus lang ako sa pag takbo hanggang sa marating ko ang restroom.
Iniwan ko ang bag ko kila Cy, pero syempre hindi ko iniwan ang wallet ko. Ang tanga ko naman ata kung iiwan ko sa kanila. Hindi naman sa walang tiwala, meron naman pero nag iingat lang ako. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang itsura ko.
"Unique raw yung ganda ko? Pff, unique nga mala Ursula naman" Natawa ako sa sarili ko.
"Kapag ngumuso ako, kamukha ko si Donald Duck. Kapag tumatawa naman, kamukha ko si Pennywise. Kapag umiiyak ako, wala ako'ng kamukha kasi kahit na umiyak ang iba, magaganda at gwapo pa rin eh ako," Turo ko pa sa sarili ko habang nakatingin sa repleksiyon ko "'Wag mo nalang subukan ang paiyakin ako baka sa huli matakot ka at pag sisisihan mo".
Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa sink bago ulit mag salita. Muli ko'ng inangat ang aking tingin sa salamin. Nag aksyon pa ako na para ba'ng nagulat.
"Tingnan mo na, pati ako nagugulat sa sarili ko'ng itsura," Napabuntong-hininga nanaman ako "Ba't naman kasi ang pangit ko?".
"Buti alam mo".
Nangibabaw ang isang baritonong boses ng lalaki. Natigilan, natulos sa kinatatayuan, at malalaki ang mata'ng itinuon ko ang tingin sa pinto ng restroom. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko, bumilis ang tibok ng puso ko, 'wag ka'ng ano kinakabahan lang ako.
Ando'n nanaman ang matiim na pag titig sa'kin ng binata. Napapahiya'ng bumaba ako ng tingin. Pakiramdam ko ay wala na ako'ng takas- well, pwede naman ako'ng tumakbo pero bakit 'di ko kaya? Pero kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasundan.
Ba't naman kasi sa public restroom pa ako tumuloy?!
Gusto ko'ng kutusan ang sarili ko. Pero itong restroom ang pinakamalapit eh. Tsaka 'di ko naman kasalanan, kung meron man sisihin dito ang binata 'yon. Kasalanan ko ba kung bakit pumasok ang lalaki'ng 'yan?!. Huhuhu 'yan tuloy, naabutan pa'ko. Waaaaaaah!!!!!. Gusto ko'ng mag wala! Gusto ko'ng iligtas ako ng mga kaibigan ko!.
Ilang segundo ang lumipas, matahimik, walang nag salita at nasa ibaba parin ako nakatingin. Mag sasalita na sana ako nang marinig ko ang tiles ng floor sa restroom na tumunog, ini-angat ko ang paningin at laking gulat nang makita ko ang pag lakad nito patungo sa'kin. Nanigas ang buong katawan ko.
Lumakad siya hanggang sa makatabi ko siya.
Grabe ang kaba ko! Kailangan ko na talagang umalis baka mag taka yung dalawa'ng 'yon! Tutal nasa tabi ko na siya, wala nang naka harang sa pinto ng restroom.
Nakahinga ako ng maluwag sa naisip ko. Para ba'ng binitawan ko ang isang napakabigat na bagay? Ramdam mo yun? Syempre, ganito ka kapag and'yan si crush eh. Oh ilag. Muli ko'ng sinulyapan ang ginagawa ni Xam, nag huhugas ng kamay. Napatitig ako doon sa kaniya.
"Naghuhugas ka rin pala ng kamay bago kumain?" Wala sa sariling naitanong ko 'yon.
Tumigil ito at saka may naiirita'ng tingin na tiningnan ako. Gusto ko nang makaalis! 'Di naman kailangan laging may naiinis, naiirita, nandidiri silang tingnan ako. Kung ayaw nila tingnan ako mukha ko, oh eh 'di 'wag nilang tingnan.
"Lahat nalang ba pinapaki-alaman mo?" Irita'ng singhal sakin.
"Ang sungit mo naman, nakikipag-kaibigan lang naman eh".
Seriously?! What The Fuck Hana?! You need to stop! Umalis ka na dito kundi pepektusan ka niyan! Kamukha pa naman niya si Jin ng Tekken huhuhu.
"Well ako hindi, so get lost Bunny" Ani pa niya bago nag patuloy sa ginagawa.
A-ano raw? Ako? B-bunny? Ang cuuuuuute!
"Cute ang bunny".
"What?!".
"Cute ang mga bunny kaya para mo naring sinabi na cute ako" Taas-nuong sabi ko na may bahid ng kayabangan ang tono ng pananalita ko.
"Pangit na nga, assuming pa. How worse could you get?" Bumuntong-hininga pa ito baka pumunta sa hand dryer.
"Ang sungit ni Doggy".
"The Heck you said?!" Binalingan ako na may naiinis na talaga sa itsura.
"Nothing, bye!" 'Yon at kumuripas ako ng takbo papalabas.
Hmm, doggy. Haha Nice.
Toffee | S.E.