Chapter 2 - W

W

It's the last week of November. Everyone's now looking forward welcoming the Christmas month. May iba na agad na bumibili ng mga damit nila pamporma. Yung iba naman gumagastos para sa mga ibibigay na regalo. Pero karamihan ay nagpapatugtog na ng mga kantahang pangpasko na napakalakas dahil talagang may gumagamit pa ng speakers.

While here I am, inside my room, silently waiting for his text. 

"Bianca, bumaba ka na nga muna dito!" And that was my mother's voice.

Weekend ngayon kaya nandito lang ako sa bahay nakatambay. Kaming dalawa lang ni Mommy ang naiwan dahil yung ate ko ay pumunta na ng SM para mamili ng kung ano-ano. Niyayaya pa nga ako kanina kaso tinatamad pa talaga ako.

Hindi namin kasama ngayong Christmas si Daddy at may kontrata pa siya sa ibang bansa. Sa susunod pa na taon ang uwi niya dito sa Pilipinas. 

"Ano yun, Mom?" I asked the moment I went down from the second floor.

May iniabot ito sa akin na mga pa-ilaw bago nagsalita, "Tulungan mo akong magkabit nitong Christmas tree na in-order niyo."

Napatingin ako sa kaniya ng kakaiba dahil sa sinabi niya. Binaba ko lang ang mga mata matapos niya akong salubungin ng nagtataasan mga kilay.

Hindi naman kami ang nag-order nito. Siya nga yung nagsabi na gusto niya daw magkaroon manlang ng design itong bahay namin sa Pasko. Ako lang talaga ang inuutusan niyang magkabit dahil wala itong alam kung paano iset up 'yon. Nanisi pa talaga.

I checked my phone one last time and sighed after knowing that my inbox was still empty. Wala pa rin talaga. Maybe, he's just busy doing something else.

"Kamusta na pala si Gabriel? Hindi na siya gaanong nadadalaw dito?"

Tignan mo 'tong si Mommy. Kung kailan pa talaga ako walang alam ay doon nagtatanong. Napatigil tuloy ako sa ginagawa at pinag-isipan kung paano ba yun sasagutin.

"He's fine, Mommy. I think busy lang sa ibang requirements namin sa school. Besides, hindi na kami tulad noon na walang ibang ginawa kundi ang maglaro lang dito."

Gabriel is my guy best friend. Yeah right, a friend.

Maski sa utak ko ay hindi ko napigilang hindi maging bitter tungkol doon. Kaibigan daw pero may gusto naman. Kalokohan.

"Sa susunod imbitahan mo kasi dito. Baka lagi mo pa ring inaaway kaya napapalayo ang loob sa'yo."

Hindi ko rin alam, Mom. Kahit naman hindi ko siya awayin ay talagang nararamdaman ko ang paglayo niya sa'kin. Naiintindihan ko namang may lalaki rin siyang kaibigan, pero pakiramdam ko kasi ay iniiwasan niya rin ako.

Nakaka-paranoid. I never told him about my feelings. Even my other friends don't know about this. They all think that we're really just friends and I think it was the safest way. Kung ngayon pa nga lang na wala akong sinasabi lumalayo na siya, paano pa kung umamin ako?

It's a matter of losing him after a confession or to just keep him and stay as his friend.

Nang umilaw ang phone ko sa table ay nagmamadaling kinuha ko iyon. Ang kaninang ngiti ay naglaho nang makitang hindi pala sa kaniya galing ang text.

Rina:

Hoy! Alam mo ba dumaan ako kanina sa coffee shop na malapit sa school. And, guess what?

Hindi ko sanang balak na makipag-tsismisan pa sa kaniya ngayon. Lalo na at may hinihintay akong ibang text at bukod doon, may ginagawa din.

Ako:

Oh? Ano yun? Kung tungkol yan sa kaaway mo, wala akong panahon.

Lagi lang namang bukambibig ng babaeng 'to yung dati niyang kaibigan na sinisiraan pala siya sa tuwing tatalikod niya. Isang taon na yata noong nangyari yun pero hindi pa rin makalimot ang isang 'to. Until now, tuloy pa rin ang mga rants niya sa akin sa mga nangyari.

Rina:

Tanga! Tungkol 'to sa kaibigan mo! Kay Gabriel! Totoo pala yung mga naririnig natin last week. Pinopormahan niya na yata talaga si Marimar. Magkasama sila kanina sa loob ng coffee shop at parang naghaharutan!

Magtitipa na dapat ako ng reply sa kaniya nang may dumating na isa pang mensahe. Sasabihin ko sana na baka mali lang ang nakita niya dahil ang alam ko ay may groupings sila Gab ngayon.

Si Marie (na tinawag niyang Marimar), ang babae galing sa kabilang section. Matalino iyon at medyo mahinhin kaya imposibleng pormahan ni Gabriel. Hindi naman ganun ang tipo niya. Insecure nga si Rina sa babaeng 'yan dahil para daw manika sa ganda at inaasar na lang na Marimar.

I opened her latest message and almost lost my breath because of it. She sent me a video with Gabriel and Marie talking to each other while laughing inside the shop.

Kahit nanginginig ang mga kamay ay pinilit ko pa ring magtext kay Rina.

Ako:

Baka hindi naman.

I closed my eyes as the tears started to fell down from my eyes. It's breaking me.

Rina:

Oh, edi sino 'yon? May kakambal ba yang si Gabriel?

Nabitawan ko ang ibang gamit na hawak at nanghihinang napaupo. Wala akong ibang nagawa kundi ang saluhin ang mga luha ko at pigilan ang sarili sa pag-iyak. Nanlalabo ang mga mata  ay nagtype ako ng text para kay Gabriel.

Ako:

Hindi mo naman sinabi. Kayo na pala ni Marie? Congrats.

Akala ko ba ay ayos lang sa'yo, Bianca? Na kahit makahanap siya ng iba basta ba sa huli ay maisalba mo ang pagkakaibigan niyong dalawa? Na ayos lang kahit may iba basta lang hindi ka mawawala sa tabi niya? At siya sa tabi mo.

Kaya ngayon, bakit ka nasasaktan? Bakit ka umiiyak para sa bagay na matagal mo ng tinanggap?

Hindi ko pala kaya. 

Gabriel:

Why? Is there any problem with that, Bianca?

Problem? I have, but I will not tell you anything. I won't let you know about this. Even if it's hurting me so bad. Even if you're hurting me so bad.