By: Penn Magnus
PART 1 ( LETTER)
Kakapasok ko palang ng gate ng makita ko ang classmate ko na si Irene na umiiyak.
She's one of those lovely girls na pinaglaruan ni Kian.
Kian is a great prankster. Kunware ay gusto niya ang isang babae at magpapakita ng motibo pero sa huli ay sasabihin niya lang na prank lang ang lahat after na ma-fall sakaniya.
Hindi siya nanghihinayang sa mga gifts o kahit ano pang effort na binibigay niya dahil ang tanging mahalaga sakaniya ay 'yong may naloko na naman siya. Kaya nga tinatawag siyang " The Great Manloloko" ng mga Gays sa school.
Bukod sa gwapo, mataas, at kilala sa school . Siya rin ay isa sa mga matatalinong estudyante sa School na ipinanlalaban sa ibang lugar kahit sa international competition dahil sa taas din ng IQ nito. Dahil dito ay mas maraming nag-aasam na maging kaibigan siya.
" Hey, Felly! " sigaw ni Venice 'di kalayuan sa aking kinaroroonan.
" Bakit? " tanong ko naman sakaniya.
Dali-dali naman itong tumakbo at nagsalita.
" Nako Gurl, hindi mo ba alam na may next target na naman si Kian? usap-usapan na kaya 'to sa buong campus," sambit nito.
" Wala naman akong pake," saad ko.
" There's more Prenny! may pakulo pa daw ito. Diba may locker tayo? Nasa locker daw nakalagay yung isang letter na nagsasabi na ' You're the next target," pagdaragdag nito.
" Alam mo, bakit ba ang dali mong maniwala sa mga usap-usapan? May gagawin pa ako at kailangan ko nang tapusin 'yon para naman may dagdag points ang grupo ko," pag papaalam ko sakaniya saka naglakad patungong locker para ilagay ang dalawang books para sa afternoon subjects.
Ilang hakbang nalang ay nasa locker na ako ng bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
" Kinakabahan ba ako?"
Bigla namang sumagi sa isip ko ang isang palaisipan.
" Bakit kaya gano'n si Kian?"
Kilala ko na si Kian since elementary at alam ko na rin ang background niya dahil naging magbestfriend kami kaso hindi ko nalang alam kung naalala niya pa ako after kong lumipat ng school nung Grade 3 kami.
Naalala ko kung gano kami ka-close at kung gaano siya kabait kahit hindi maimikin. Tuloy-tuloy ako sa pag-iisip ng bigla nalang akong napa ' aray!'
Nauntog na pala ako sa locker ko at kita ko naman na pinagtawanan pa ako ng ilang estudyante.
Dali-dali kong binuksan ang locker ko at inilagay ang dalawang libro. Aalis na sana ako nang mahalata ko na may naka-ipit na papel.
Kinuwa ko ito at nagulat sa nakita kong sulat.
" Whaa?!" sigaw ko sa isip ko.
" Totoo ba 'to?" sambit ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
To: Felly Klein Rodriguize
To Be Continued...