Kaharian na nababalutan ng yelo, kulay puti ang kulay na makikita mula sa labas hanggang sa loob, at pagpasok pa lang sa loob ng kaharian ng Oichi ay kapan-pansin na ang malaking hagdan sa magkabilaang bahagi ng apat na sulok na iyon, may mga alitaptap sa taas na iyon at nagsisilbing mga ilaw. Akala mo ay isang malaking Chandelier ang nakalagay sa itaas ng kisame pero iyon ay mga alitaptap lamang.
Ang kaharian na ito ay nakatayo sa himpapawid.
Sa apat na sulok ng pagsasawa ng mga plano nandoon ang hari at ang lima na Prinsipe.
Pantay ang kanilang mga tangkad at iba-iba ang kanilang mga tingkad at pangangatawan
"Mahal na hari." nagbigay respeto ang apat na prinsipe sa kanilang hari.
Sinuko ni Zephyr ang kanyang kapatid na si third na tahimik lamang nakayuko.
"Mahal na hari hindi namin sinasadya ang nangyari." Hinging paumahanhin ng bunso sa limang prinsipe na si Zephyr.
"Hindi mo puwedeng atakihin ang mga werewolves ng basta-basta second. Dahil ikaw ay mahahatulan ng isang kaparusahan. Hindi ganyan ang isang prinsipe at hindi iyan gawain ng isang itinakdang mag hari sa isang kaharian." Gustong iikot ni Zephyr ang kanyang mga mata dahil paulit-ulit lang ang sinasabi ng kanyang ama.
Napabuga siya ng hangin dahil sa nababagot na siya at dahilan iyon para magkaroon ng hangin sa loob ng kwarto. Siniko siya ni fifth dahil sa hangin ng kanyang idinulot, ipinagkaloob siya ng isang kapangyarihan na gentle breeze.
"Ikaw ang nakakatanda ngunit hinayaan mong mangyari iyon." baling ng hari kay third.
Sinugod ng mga ito ang mga werewolves sa kanilang lugar kasama ang mga warrior vampires, nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawa.
"Pasensya na ama at hindi na mauulit."
Third is the spy master.
"Ama." Kinuha ni Razar ang atensyon ng hari "Maraming bampira ang bigla-bigla na lang namamatay." imporma nito.
"Nabalitaan ko nga iyan." Sagot ng Hari.
"Walang nangyaring digmaan at, personal na pumunta ako sa warrior battle at nanghihina ang ating mga kawal."
"Ikaw kasi kasalanan mo ito." bulong ni Zephyr sa kanyang kapatid na si Azriel and he glared at him. "Kung hindi ka sumama at inayos mo hindi ito malalaman ni ama." paninisi nito.
"At maraming napuruhan na mga bampira dahil sa pagtangay ni fifth sa mga ito." patuloy ni Razar.
"Nakagat pa ako ng isang wolf dahil sa'yo, akala ko ba ikaw ang spy master? Bakit ang bobo mo mag spy? Dapat hindi na lang ikaw ang sinama ko." bulong pa nito.
"Pupunta ako sa lugar ng mga werewolves para humingi ng paumanhin sa nangyari at huwag sana ito ang dahilan upang magkaroon ng away sa pagitan natin." Razar
"Pero nakita mo yung isang werewolf? Ang astig ng kapangyarihan nila. Kaso mas malakas tayo dahil marami tayong napatay sa kanila." humagikgik ito. Tahimik lang si Azriel at walang ekspresyon ang kanyang mukha.
"Maraming namatay sa mga werewolf at mga nasaktan." tumigil si Razar sa pagsasalita nang marinig ang malakas na bulong ng kapatid.
Sa likod ni Razar ay may isang nakakatakot at matalim na espada na nakasukbit.
"Diba Kern? Tayo na ang magaling na bampira sa buong history." Pagmamalaki ni Zephyr at napalakas ang pagkakasabi niya dahil sa pagkagalak.
"Sa susunod hindi na ikaw ang isasama ko kapag pupunta ako sa lugar ng mga centaurs." Sabi nito kay Azriel at nakatingin na lahat sa kanya.
"Pero kapag nangailangan ko sa pag e-espiya isasama kita." Ngumiti ito ng malaki.
Zephyr is about to brag again when Razar sharply asks him. "Hindi ka pa ba tapos fifth?" matalim na tanong nito. Malalim din ang boses nito.
"Hindi pa" kinamot nito ang ulo. "Pero sige tapos na ako. Bakit? Napano ikaw?" Inosenteng tanong nito.
"Do you want me to cut your tongue?" He sharply asked.
Zephyr looked at his sword in his back, kumikinang iyon sa talim. Napalunok siya sa at tumingin sa mukha ng kapatid sabay iling. Tila may namuong pawis sa kanyang noo kahit hindi naman sila pinagpapawisan. Hindi naman kasi siya bibiruin ng nakakatandang kapatid.
"If the werewolves attack us, you will be a dead ass." napalunok siya sa talim at lalim ng boses nito. Humawak siya sa laylayan ng damit ni Azriel.
"Zephyr, hindi ka nag-iisip sa ginawa mo." Sermon ng ama. "Maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin iyon at away sa pagitan ng mga werewolves."
Nananahimik kasi ang mga ito nang bigla siyang sumugod sa teritoryo kasama si Azriel.
Kern is about to use his power to get out of his place nang pigilan siya ni Kavan. Naiinip na siya at hindi naman siya kailangan sa kwartong ito at saka hindi naman siya interesado at walang pake.
"Kapag sinugod tayo ng mga werewolves edi humingi tayo ng tulong do'n sa nilalang na makapangyarihan dito" kamot batok na sabi ni zephyr.
"Bakit nakita mo na ba ang nilalang na iyon para humingi ka ng tulong?" tanong ng kanyang ama na nakatingin na ngayon sa labas ng bintana at dinig na dinig ang huni ng mga nagsasayang mga ibon.
Humaba ang nguso ni Zephr, wala talaga siyang kakampi sa dami ng mga kapatid niya. "Bakit ako lang sinisisi kasama ko din naman si Azriel." bulong niya.
"Hindi pa pero malakas ako at alam ko na alam na niya din ang ginawa ko." Pagmamalaki niya.
Alam ng lahat na may kakaiba at malakas na nilalang silang kasama ayun sa propesiya, wala pang nakakita dito at walang may alam kung anong klaseng nilalang ito at kung anong tawag.
"Hindi natin alam kung kaaway siya o kakampi, huwag kang basta-basta gumagawa ng hakbang fifth. Ang kaharian ang magbabayad sa mga gagawin mong kapalpakan." Kavan advised his brother.
"Teka! Bakit sakin lahat?! Kasali din naman si third ah, siya nga 'yung nag epsiya sa mga werewolfs, tapos kung hindi sa'min hindi niyo malalaman kung saan ang tagpuan nila. At least kapag nag- away away tayo alam natin kung saan sila magtatago." ngumiti ito ng malaki na tila isang malaking ideya at tulong ang naisip niya.
Razar get his sword at napatingin lahat doon? "Itutukom mo iyang bibig mo puputulin ko iyang dila mo?!" lumitaw ang mga pangil nito at nag-iba ang kulay ng mga mata, from green to bloody red.
Zephyr hug Azriel arm and zip his mouth.
"Kern nakita kita kanina na nilabas mo ang kapangyarihan mo." Sabi ng Hari.
Binalik na ni Razar ang kanyang armas sa pwesto nito.
Kern again.
Hindi ito sumagot kaya iniba ng hari ang usapan at hinarap ang mga prinsipe na nakatayo. "Mula ngayon hindi kayo puwedeng lumabas, baka bigla na lang tayong atakihin ng mga werewolves at wala ang isa sa inyo. Mag eensayo kayo sa warrior battle upang makapag handa sakaling sugurin tayo ng mga werewolfs. Kern, ikaw ang pumunta sa lugar ng mga werewolf upang personal na humingi ng paumanhin sa nangyari." Utos ng kanyang ama.
"Masusunod mahal na hari." Bakit tayong mga bampira, bakit tayo mag eensayo?" Zephyr
"Bakit iyang lakas at bilis mong tumakbo mahihigitin at malalabanan mo ba ang mga werewolves?" Kavan said. "Iyang pangil mo nga walang silbi kapag inatake ka ng mga werewolves" mababangis at mas mabilis tumakbo ang mga ito sa kanila. Walang-wala ang mga bampira kapag inatake sila ng mga werewolves, sa laki at lakas ng mga ito, talo na sila. Buti na lang ay pinagkalooban sila ng kapangyarihan, sila na ang upgraded vampires.
"Hindi pero malakas ako, marami nga akong napatay sa kanila." pilit nito.
"Ang laki ng ulo mo pero ang liit ng nasa isip mo." sabi nito.
"Hindi mo kakayanin ang hundreds of werewolves na susugod sa'yo." Azriel.
Ngumuso si Zephyr dahil wala talagang kakampi sa kanya.
Wala na ang hari sa lugar na iyon mabilis na iyong umalis at iniwan silang nagtatalo.