Dumiretso kami sa isang malaking hall. Naroon na lahat ng employees, stockholders, business partners, other reporters and i think these reporters came from a high company and the rest hindi ko na alam kung sino.
Malaki ang loob no'n. Inalalayan kaming dumiretso sa malaking table sa gitna. Nakipag-kamayan ako sa mga taong nakaupo din doon. They might be my parents biggest stockholders so i need to be polite.
Nagsa-salita ang isang lalaki sa harap pero hindi ako makapag-concentrate dahil kay Cleo. Hinahanap ko siya pero wala akong makitang Cleo sa buong hall.
"Nasaan na ba kasi siya?" Bulong ko.
Naagaw ang atensyon ko nung tumayo ang parents ko. Dumiretso sila sa harap at si Mommy ang humawak sa mic.
"Thank you for today. I didn't expect this everyone." Tawa nito.
"This is a very big event for us. Today we are very confident of our daughter's path of taking care the Vienza's Corporation. She's a responsible daughter and and a responsible woman, so i've already seen the future of Vienza on her own two hands. Hindi ko na pahahabain ito." Mom laughed. "We would like to welcome our daughter, Shantiell Leira Vienza." She smiled at me.
Nagpalakpakan ang mga tao. Tumayo ako at ngumiti sa lahat. Dumiretso ako sa harapan at ngumiti kay Mommy at Daddy. I hugged them both before taking the mic.
"Hello, everyone. Good Morning." I smiled. "Thank you for the warm welcome, i really really appreciated it." Nagpalakpakan sila. "You may think that because i'm the daughter of the owner of the Vienza Corporation, kailangan ko na agad sa itaas. Then you're wrong."
"Hindi pa lahat ay alam ko. And i'm very willing to start eveything. Gustuhin kong magsimula sa ibaba bago ako makakarating sa itaas. I also want to experienced all the employees hardship here. No special treatment. You can talk to me casually. I'm very open for everyone. For Vienza's Future. That's all, Thank you."
Tumatango-tango ang mga business partners nila Mommy sa baba na parang masaya sa sila sa naging saad ko, the same with my parents. My mother teared a bit. Tumawa ako at niyakap sila.
Bumaba kami at naupo ulit. Habang nangyayari ang event ay hindi ulit ako mapakali. Tumayo ako at nagpaalam. Dumiretso ako sa isang babae na may kausap sa bandang pinto at nagtanong.
"Hi." Bati ko sa isang employee. Nagulat naman siya at agad nag-bow.
"G-Good Morning po, Miss Shantiell."
I smiled. "No need to be nervous." I tapped her shoulder. "May i ask something?"
Tumango-tango siya. "O-Opo."
"Nasaan si Atty. Cleo Fernandez?"
Napamaang siya. "A-Ah.. si Atty. po ba?" Tumingin siya sa buong hall.
"I'm sorry i'm late." Rinig kong bulong ng lalaki.
"Hala, Attorney! Bakit ngayon ka pa? Kanina pa nagsisimula." Bulong nung nasa may banda ko.
Napatingin ako sa likod ko at nagtama ang paningin namin ni Cleo. Gulat siyang napatingin sa akin. Sa sobrang saya ko agad akong ngumiti at lalapit na sana para yakapin siya pero napatitig ako sa babaeng nasa tabi niya.
She stared at me with shocked eyes. Napakunot-noo naman ako at bumaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa balikat ni Cleo. Agad bumitaw si Cleo nung mapansin ang tinitingnan ko.
Who is she?
"Why are you here?" He asked and take a step.
Hilaw akong ngumiti. "Surprise."
Nung matapos ang event ay sumama ako kay Cleo papunta sa opisina niya dito sa kompanya. I rolled my eyes. Sino ba itong babaeng ito? I stared at her. Well, she dressed very well. She had this fashion type. Pero naiinis ako sa kanya. Kanina pa siya dikit nang dikit kay Cleo.
Umiling na lang ako at sumunod sa kanilang dalawa. Pumasok kami sa office ni Cleo. Naupo ako sa sofa at Inilapag ang bag sa gilid ko. I crossed my arms and legs at tinitigan silang dalawa.
"Why are you here?" Cleo asked while fixing his necktie.
"Me?" Turo ko sa sarili ko.
Tumawa siya at naupo sa swivel chair. "Sino pa ba?"
Plastik akong tumawa. "Akala ko siya ang tinatanong mo." Sabay turo sa babae. Kahit alam ko naman na ako talaga kausap niya.
"Oh." Tumingin siya sa babae at ngumiti siya dito. "She's Shantiell Leira Vienza, the heiress of Vienza."
Tumango naman ang babae at ngumiti sa akin. "Attorney Yohanne Trix Diaz." Sabay lahad sa kamay niya. Tiningnan ko iyon at tinanggap pero agad ko din binawi ang kamay ko.
Attorney din pala siya.
"Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Yohanne at ngitian ako bago umalis. Napangiti ako dahil wala na siya kaya lumapit ako kay Cleo at niyakap siya. Napa-atras naman siya.
"I missed you." Wika ko.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. "Missed you too." Sabay gulo sa buhok ko.
"Pumunta ka ba dito dahil nami-miss mo 'ko?" Tanong niya nung bumitaw ako. Napakunot-noo naman ako.
"Hindi mo pa ba alam?" I asked.
"About what?" He asked.
Napakurap ako. "Magta-trabaho na ako dito. I'm starting next day.
Nagulat siya. Magsasalita na sana siya pero pinutol ko siya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan niya. Saang planeta ba siya napadpad at hindi niya alam ang dahilan kung bakit ako nandito?
"And obviously, i'm all over the news and articles. Hindi mo nakita?"
Umiling siya. "N-No, i'm sorry. Si Yohanne kasi ang may hawak sa phone ko."
Mas lalo akong nasaktan. What's with that girl? Girlfriend niya ba iyon? Umiling ako. Hindi. Hindi niya girlfriend iyon. Imposible. He's too busy with his job. Wala siyang oras sa ganoon.
"Nevermind." Bulong ko. "It's almost 5 PM. Let's have dinner." Sabay ngiti ko.
Napaiwas siya. "Uh.. may pupuntahan kasi kami ni Yohanne—"
"Okay. Whatever." Iling ako at kinuha ang bag ko para umalis. Tinawag niya pa ako pero diretso ang lakad ko. Naiiyak ako! I saw Yohanne standing near the elevator. Nung makita niya ako ay dumiretso siya sa banda ko.
"Aalis ka—"
Hindi niya natuloy nung binangga ko ang balikat niya. Inis kong pinindot ang elevator at pumasok. Pinahid ko ang luha ko. Nakakainis! Hindi ko alam bakit ko nararamdaman. I immediately called my bodyguard.
"Prepare the car."
Nang makarating ako sa lobby ay pinag-titingnan ako ng mga tao. May ibang bumati pa sa akin, may iba ding nag bulong-bulungan. Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy ang lakad ko papalabas.
Nakita ko kaagad ang bodyguard sa labas kasama ang sasakyan. Dumiretso ako sa banda nila at lumapit sa driver seat.
"Ma'am." Pigil ni Franco.
"Iwan niyo ako." Kalmado kong paki-usap ngunit hindi sila umalis sa tabi ko. Galit kong hinampas ang pinto ng sasakyan.
"Aalis kayo o sisentahin ko kayo?"
Agad silang umatras kaya mabilis kong binuksan ang pinto at pinaharurot ito. Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito pero napadpad ako sa isang bar na malapit lang sa kompanya namin.
Bumaba ako dala ang wallet ko. Since maikli naman ang suot ko ay madali akong nakapasok. Dumiretso ako sa counter at humingi ng vodka sa bartender. Ibinigay niya naman iyon at agad ko iyon ininom.
"Bigyan mo pa ako."
Nag-aalinlangan pa siya nung una pero nagsimula din siyang magsalin ulit. Tiningnan ko ang kabuuan nung bar at dumapo ang paningin ko sa katabi ko. Napatitig ako sa kanya nung makita ko ang mukha niya.
Clean hair cut, thick eyebrows, thick eyelashes, perfect jaw and reddish lips. Nilalaro niya ang shot glass niya dahilan para mas lalo siyang gumwapo. Napaka-gwapo niya! Inikot ko ang inuupuan ko paharap sa kanya. I don't want to flirt but i want soemone to talk with.
"Hi!" I approach him.
Tiningnan niya ako pero agad din niya binalik ang paningin sa shot glass niya. Napanganga ako. Did he just ignored me?
"Hey! I'm talking to you!" Pasigaw kong sabi dahil malakas ang music sa buong bar. Pero hindi niya pa din ako pinansin kaya napairap na lang ako. Gwapo sana kaso snob. Hmp. Not my type.
Kinuha ko ang vodka at nilunok ulit iyon. Napapikit ulit ako sa tapang no'n. Ang init sa lalamunan! Nakakaramdam na ako ng hilo sa ulo ko pero humingi ulit ako ng panibagong shot.
7 PM na at kanina pa ako inom nang inom dito at nasa tabi ko pa rin itong lalaking gwapo pero snob. Napairap ako. Aalis na sana ako nung makita ko ang dalawang taong kakapasok pa lang sa bar.
It's Cleo and Yohanne.