Shiela's POV
Ennnnnkkkkk....
"Ok class see you tomorrow"... At isa isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko... Inayos ko muna ang mga gamit ko sa bag at tinungo ang daan papuntang library.. Dahil sandamakmak na assignment nanaman ang ibinigay sa amin plus may research pang kailangan tapusin... Sabi ko pa naman madali lang ang senior high school... Sa sobrang dali eto ako ngayon stress na stress...
Hinanap ko agad ang mga kailangan kong libro para sa mga assignment ko... Hindi kopa masyadong kabisado ang library na ito dahil ngayon lang ako nakapasok dito... Ginagawa kasi ang kabilang library na kung saan ay lagi kong tambayan dati... "asan naba ang mga libro sa chemistry arrggg" reklamo ko sa sarili dahil mas malaki ang library na ito kesa sa dati kong pinagtatambayan...
Habang patuloy ako sa paghahanap ng mga kailangan kong libro ay may isang bagay ang biglang nakapukaw ng atensyon ko... Nasa pinaka dulong row ako ngayon ng shelf at may isang libro dito na mukhang napakaluma at may nakausling puting papel rito... Kinuha ko naman ang papel na nakaipit dito at sinuri ito...
Wala akong maintindihan sa mga nakasulat rito... Pwera nalang sa numerong alam kong oras ang ibig sabihin nito...
Itinabi kona muna ito at inipit sa isa sa mga notebook ko at pinagpatuloy ko na ang pagsasagot sa mga assignment at paggawa ng research ko...
.
.
.
Chineck ko ang oras sa phone ko at matatapos na ang lunch break namin kaya napagpasiyahan kong ituloy nalang ito mamayang hapon... Isa pa ay gutom narin ako...
Tinungo ko ang daang papuntang canteen para bumili kahit tinapay manlang... Hindi na ako makakakain ng kanin dahil oras na at masungit ang susunod na prof. namin...
"Isa nga pong burger with cheese" order ko sa ale at ibinigay ang bayad rito... Hindi naman nagtagal at nailuto naman ito agad... kakuha ng binili kong burger ay may nakita akong pamilyar na tao at nagiisa itong nakaupo sa dulo ng canteen... Natawa naman ako dito dahil nakabusangot ang mukha nito na para bang binagsakan ng langit at lupa... Nakaisip tuloy ako ng kalokohan at dahan dahang pumunta sa likod nito...
"KIAAAAAAANNNN" sigaw ko sa tenga nito pero hindi man lang siya nagulat at tinignan niya lang ako ng masama...
"wag kangang maingay, yan talagang bunganga mo parang nakalunok ng mikropono" saka niya ulit isinubsob ang mukha niya sa mga kamay niyang nakapatong sa lamesa...
"hala to... Anong problema mo woy? Siguro broken ka no?" pangloloko kopa dito... Itinaas naman niya ang ulo niya para tignan ako...
"paano ako mabobroken eh wala naman akong pakealam sa love love nayan" tama naman siya... Si Kian kasi ay puro aral ng aral ng aral ang iniisip kung baga sa madaling salita "NERD"... buti nga hindi ako inienglish netong kaibigan kong ito kung hindi baka araw araw dinudugo ang ilong ko...
"so ano ngang problema mo?" tanong ko rito kahit alam kong hindi niya sasabihin kung ano mang problemang meron siya... May naalala naman ako at agad na kinalkal ang bag ko... "Kian kian diba mahilig ka sa mga codes? Kanina kasi may nakita akong papel sa library na may mga nakasulat na kung ano ano" tsaka ko pinakita sakanya ang papel na nakita ko...
"lumaki naman ang mga mata nito na para bang nakakita ang isang bata ng bagong laruan" si Kian kasi ay mahilig siyang magbasa ng mga mystery story simula nung junior high pa kami... At naaalala kopanga noon na ayaw na ayaw niyang nagpapaistorbo lalo na kapag nagbabasa siya... Minsan konang sinubukang basahin ang mga binabasa niya pero dahil straight english ang mga ito at napakakahaba ay 'di ko na naisipang tapusin...
"ako na bahala dito balitaan kita mamaya" hangang hanga parin ang reaksyon nya sa papel... "bye bye" tyaka niya inayos ang kanyang salamin at tumayo na.. Tumingin naman ako sa cellphone ko... may klase panga pala kami...
"hoy Kian sabay na tayo" tyaka ako sumunod sakanya... "Sa tingin mo ano kayang meron sa papel nayan? Ano kaya.." tanong ko sakanya...
"mamaya natin malalaman yan sa ngayon klase muna natin ang intindihin natin" putol niya sa akin at binilisan ang paglalakad dahil late na talaga kami...
.
.
.
Nakakabagot ang huling subject namin ngayong hapon... Inaaantok ako pero kahit gusto ko matulog ay hindi ko magawa dahil sa sobrang pagkaistrikto ni Mrs. Ladda... Kinalabit ko naman si Kian pero tinignan niya lang ako at tinuloy ang pagsusulat nito... Kinalabit ko uli siya at sa oras na ito ay galit na itong tumingin sakin...
"ano baaa... Dinedecode kotong binigay mo sakin" pabulong nitong sabi sakin... Siya namang kinatuwa ko...
"talaga ba hehehe sorry sige na tapusin mo nayan hehehe" pag talaga seryoso itong si Kian sa ginagawa ay 'di man lang maistorbo... "so anong sabi dyan sa papel?" sa halip na sagutin ako ay tinakpan niya lang ang kaliwang tenga niya... Damot naman neto haysss hinayaan konalang muna si Kian dahil baka talaga magalit na ito sakin kapag ginulo kopa... Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa itinuturo ni Mrs. Ladda...
.
.
.
"Goodbye class" hayss buti natapos narin si Mrs. Ladda sa pagtuturo... Tinignan ko naman si Kian at seryoso parin itong nakaduko sa lamesa niya...
Kaya naman inayos ko muna ang gamit ko at lumapit dito...
"musta tapos kanaba sa pagdedecode mo?" tanong ko sakanya habang tinitignan ko ang mga scratch na nasa lamesa niya... Tumingin naman si Kian sakin at may pagtataka ang reaksyo nito...
"may alam kabang nangyare sa building B. 3 years ago?" tanong nito sakin kaya napaisip ako... 3 years ago ay junior high pa lang kami noon... At sa kabilang campus pa kami nagaaral ni Kian... Kaya umiling lang ako rito at siya namang pagkamot nito sa ulo niya...
"Shiela" tawag sa akin ng isa naming kaklase... Nilingin ko naman ito "hindi paba kayo uuwi?" umiling lang ako sakanya at ngumiti "kung ganon mauuna na siguro kami sa inyo" at winagayway niya ang kamay niya bilang pagpapaalam... Kami nalang pala ni Kian ang naiwan sa room...
"so anong balak mo ngayon?" tanong ko sakanya at kinuha ang isa sa mga scratch niya at binasa ko ito... Hindi ko masyadong pinagaksayahan ng oras ang mga salita na naririto at mas binigyang pansin ko ang phone number... "Kian kasama ba ito sa mga code?" ipinakita ko sakanya ang papel at tumango ito...
"Iniisip korin kanina yan pero hindi natin alam kung sino ang nagmamay-ari kaya gusto ko muna sanang alamin kung anong nangyare 3 years ago" iniligpit na niya ang mga scratch sa lamesa niya at tumayo na... kukunin niya rin sana ang hawak kong scratch pero naiilag ko ito sa mga kamay niya...
"paano kung tawagan natin ngayon itong numero? Wala namang mawawala at malalaman pa natin kung sinong may-ari nito kung makakausap natin diba?" Suggestion ko sakanya at wala siyang nagawa kundi mapabugtong hininga...
Nagsimula na itong maglakad papalabas ng room kaya nagmadali akong kunin ang bag ko at sumunod sakanya... Kahit kailan talaga lagi akong iniiwan netong kulot nato... Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at inilabas ito para kontakin ang numero...
Itinype ko ang numero at sinimulan na itong tawagan... Nag riring ito pero walang sumasagot... Sinubukan kong tawagan ulit pero wala talagang sumasagot mula sa kabilang linya...
"as what I expect" sabi lang ni Kian at binilisan ang paglalakad nito... Na dissapoint naman ako dahil akala ko ay ang phone number na ang sagot para malaman namin kung ano bang meron sa papel na iyon...
Malapit ng magdilim at nasa may kanto na kami ng dorm namin... Nasa kanan ang dorm ng mga babae at nasa daan sa kaliwa naman ang sa lalaki...
"paano bayan Kian bukas nalang ulit... Huwag mona masyadong isipin yan... Papel lang naman yan" sabi ko nalang sakanya dahil kilala ko si Kian... Hindi siya titigil hanggat hindi niya nalalaman ang buong kwento...
Kumaway nako sakanya at tatalikod na sana ako nang biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya agad agad ko itong inilabas mula sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag... Lumapit naman si Kian sa akin para tignan rin kung sino ang tumatawag... Nagkatinginan naman kami ni Kian dahil ito ang numeromg sinusubukan kong tawagan kani-kanina lang...
Kinuha sa kamay ko ni Kian ang cellphone at sinagot ito... Pinindot niya ang loud speaker para marinig naming pareho ang nasa kabilang linya... Katahimikan ang bumalot sa lugar at masasabi kong mga tunog ng dibdib namin at malalalim na paghinga ang maririnig...
"Hello?" paumpisa ni Kian rito at naghintay kami ng kung anong isasagot ng nasa kabilang linya...
=Hahahahahahaha= tawa lamang ang naging tugon ng nasa kabilang linya na lalong nagpakaba sa akin sa mga oras na ito... Bakit ngaba ako kinakabahan ay simpleng call lang naman ito mula sa kung sino...
Magsasalita na ulit sana si Kian pero bigla na lamang siyang pinatayan ng nasa kabilang linya... Tumingin naman sakin si Kian ng may pagkabanas at magkasalubong ang kilay... Inilahad niya ang kamay niya para ibalik sa akin ang cellphone ko pero muli itong tumunog kaya naman binawi niya agad ang kamay niya ata tinignan ito...
Isang message ang ipinadala naman ngayon ng may-ari ng numerong iyon... Ibinalik sa akin ni Kian ang cellphone ko para buksan ito dahil may password pa ito bago mabuksan... Kabukas na kabukas ko ng cellphone ay binasa namin agad ito...
(I want to play more😈)
......Yosh......
Hello poo... Thank you po sa pagbabasa hehehehe sana po ay subaybayan nyo hanggang duloo.. Nanghihingi napo agad ako ng tawad kung 'di man po ako ganun kagaling magsulat... Pero gagawin kopo ang best ko para po mapaganda ito...
-ma(th)kata