Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 21 - CHAPTER TWENTY ONE

Chapter 21 - CHAPTER TWENTY ONE

"OKAY LANG AKO."

It was an answer Rose has been telling to her family whenever they checked on her. It's a lie she's been forcing herself to believe for the past weeks. Kaya dapat lang siguro talagang iyon ang ipagsabi niya para mas lalo niyang mapilit ang kanyang sariling paniwalaan ang kasinungalingang iyon. Malay ba niya kung bigla iyong magkatotoo, diba?

BULLCRAP. Alam niyang hindi iyon mangyayari, o kung mangyari man ay matatagalan pa bago siya tuluyang makakapag-move on sa ginawa ni Thorn sa kanya. That brute left her hanging on a cliff with a small thread on her hands, forcing her flesh to be cut open while waiting for him to go back and save her. Double bullcrap. Who was she fooling?

Kung talagang may balak na bumalik si Thorn, eh di sana ay noon pa nito iyon ginawa, diba? Hindi pa ba sapat ang dalawang linggong pagpapakatanga niya at paghihintay sa pagbabalik nito? She clenched her fists. Why wouldn't her heart listen to her brain?

Sa loob ng dalawang linggo ay wala na siyang ginawa kundi ang gawin lahat ng trabaho sa loob ng flower shop at bahay nila. Kahit ano'ng trabaho, pinapatos niya. She wanted to busy herself from doing anything just to forget him. Sa tuwing nagkakaroon kasi siya ng panahong makapagpahinga ay sumisingit din sa utak niya ang damuhong si Thorn.

She couldn't forget him. Kahit ano'ng galit niya rito ay nagagawa pa rin niyang mamiss ito—his smile, his kisses, his laugh, his smirk—every damned thing about him. Malapit na niyang malagpasan sa katangahan si Mr. Bean. Mabuti sana kung kagaya nito ay pwede ring mapagtawanan ang katangahan niya. Pity her, nakakakulo ng dugo ang kagagahan niya.

Wala nang ginawa ang pamilya niya kundi ang mag-alala sa kanya dahil sa pagmamaltrato niya sa kanyang sarili. She was looking like an anorexic zombie now. She couldn't laugh like the way she used to, she couldn't throw a simple joke or banter. She couldn't find the old Rose everybody has been yearning to see again. All because of her damned broken heart. Thanks to Thorn and his disappearing act.

"Let it go, let it go…"

Napasulyap siya kay Daisy nang bigla itong napakanta ng pamosong theme song pelikulang Frozen. Kung hindi lang siguro siya nag-e-emote, malamang ay sinabayan niya pa ito sa pagkanta o `di kaya'y nabatukan ang nakababatang kapatid dahil sa halatang pagpaparinig nito sa kanya. Kaso, ni ang ngumiti ng pilit ay hindi niya magawa.

She felt so useless. So pathetic. Pakiramdam niya ay nahulog siya sa isang balon na bukod sa wala na ngang lamang tubig ay wala pang palaka, kulisap, lamok o kahit na langaw sa loob. She was alone in that dark and torturous hole. She couldn't find the light. She couldn't breathe. Ngunit imbes na mag-isip ng paraan para makalabas siya roon ay mas pinili niyang maupo at umiyak—habang naghihintay sa pagbabalik ni Thorn. Umaasang may dala itong tali na handa nitong ihulog sa kinaroroonan niya para mahila siya nito pabalik sa taas.

She must be crazy. Madalas ay kung anu-ano ang naglalaro sa isip niya sa tuwing iniisip niya ang dahilan kung bakit biglang nawala ang binata sa tabi niya. Siraulo kasi ang Thorn na iyon, bigla na lang nawala na parang bula. She deserved a closure, didn't she? Hindi ba nito naisip na dahil sa biglaang pagkawala nito ay patuloy pa rin siyang aasa sa pagbabalik nito?

Mas masakit at mas mahirap ang maiwan na hindi mo alam ang dahilan kesa ang masabihan ng, "hindi na kita mahal" o `di kaya ay mahuli ang jowa mong may kasiping na iba. At least, sa nabanggit niyang dalawang insidente ay alam na niya ang sagot sa tanong na, "babalik pa ba siya?" Hindi na siya aasa pa. Kaso, sa sitwasyon niya ngayon ay may kapal ng apog pa siyang umasa. Sa balon na kinaroroonan niya ay naiisip niya na, "may butas pa."

"Pero hindi ka naman mukhang okay, Ate," nailing na puna ni Daffodil.

Napatigil sa pagkanta si Daisy at napatitig din ito sa kanya. She tried to smile, ngunit nang mapangiwi ang mga kapatid niya ay batid niyang isang karumaldumal na ngiti ang naiukit sa mga labi niya. She sighed. "H-hindi naman kasi ganoon kadali iyon," anas niya.

"Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin, Ate?" tila naiirita nang wika ni Daffodil.

"Ang tanga ko, ano?" malungkot niyang wika. Her sisters sighed heavily, as if feeling her deep remorse. Nagpangalumbaba siya sa kanyang mesa at napatitig sa pintuan ng shop, umaasa na namang biglang magkaroon ng himala't bumulaga sa kanyang harapan si Thorn, may hawak na isang sakong chocolate at isang truck ng bulaklak, humihingi ng tawad sa kanya.

"Oo Ate, isa kang dakilang tanga. Dapat sa iyo, ginagarote sa plaza at ipinapatayuan ng monumento eh," ismid ni Daffodil. Napatango naman si Daisy sa tinuran ng kapatid nila.

"Paano kung biglang dumating si Thorn ngayon, ano kaya ang gagawin ko?" bigla niyang naitanong, hindi pinansin ang pagpapasaring ng dalawa sa kanya.

"Baka magtatatalon ka sa tuwa," tila nandidiring iling ni Daffodil.

"O kaya, maglalambitin ka sa leeg ni Kuya Thorn at susubasubin mo siya ng halik," natatawang wika ni Daisy. "Kadiri to death!"

Napangiti siya, sa pagkakataong yaon ay tunay na ngiti na ang namutawi sa mga labi niya. She was daydreaming, that's why. May kasamang kilig at pag-asa ang ngiti niyang iyon.

"Hindi ah," sagot niya. "Aawayin ko siya. Tatanungin ko siya na para ako'ng abogadong nasa gitna ng court room. Palalayasin ko siya kasi ang tagal tagal niyang bumalik."

"Kalokohan!" magkapanabay na bulalas ng dalawa.

"Eh bakit mo gagawin iyon kung ganitong sabik na sabik ka ng makita siya?" hindi makapaniwalang turan ni Daffodil.

"Syempre, magpapakipot muna ako. Ano ako, bale? Pagkatapos niya akong iwan, basta na lang ako babalik sa kanya? Dapat paghirapan na muna niya ang matamis kong "oo" `no!"

Napaawang ang mga labi ng dalawa sa isinagot niya. Mayamaya'y napailing ang mga ito. Tumayo siya habang mabining tumatawa. Ang hiwaga ng paged-daydream niya ay may magandang naidudulot sa kanya. O kaya ay baka tuluyan na siyang nabaliw.

Tinalikuran niya ang dalawa upang magtungo sa isang life-sized mirror na nasa kaliwang bahagi ng shop. Kampanteng inayos niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Isa iyon sa mga pinaghahandaan niya—ang kanyang ganda at alindog sa oras na muli silang magkita ni Thorn. Hindi siya papayag na magmukha siyang yagit sa harap nito. She has to stay beautiful, para naman makaramdam ng panghihinayang ang binata dahil nagawa siya nitong iwan.

"Ate…" tawag ni Daffodil sa kanya.

Hindi niya ito nilingon, bagkus ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aayos. Buhok naman niya ang pinagdiskitahan niyang ayusin. "Oh bakit?" tanong niya rito.

"N-nandito si Kuya Thorn," anas ni Daffodil.

Pagak siyang natawa. "Oh talaga? Bakit daw siya nandito?"

"Babalikan ka raw niya!" gasped Daisy.

She heard her sister's infamous squeak, yet, she wasn't impressed at her acting skills. Sanay na siyang dinadramahan siya ng dalawa ng ganoon. Ilang beses na siyang inasar ng mga ito na nandoon daw si Thorn at hinahanap siya. Ngayon pa ba siya magpapaloko sa mga ito?

"May dala ba siyang isang sakong chocolate at isang truck ng bulaklak?" biro niya. "Kung wala, pakisabi umalis na siya. Hindi ko siya kailangan."

"Wala akong dala eh. Pero kung talagang gusto mo ng chocolate at bulaklak, handa akong tabunan ka ng sampung truck ng bulaklak at isang daang sako ng chocolate, kausapin mo lang ako. Huwag mo lang akong paalisin at sabihang hindi mo na ako kailangan."

She instantly froze when she heard that familiar raspy voice behind her. Unti-unting nanginig ang buong katawan niya, ang ngiti niya'y biglang naglaho. She has been practicing her reaction whenever Thorn came back to her ngunit bakit tila lumipad sa kawalan ang lahat ng "dialogue" na inihanda niya para sa pagkikita nilang iyon?

She slowly turned around. Agad na namilog ang mga mata niya nang matantong hindi lang isang aparisyon ang narinig niyang nagsalita. He was there, in flesh, looking like a demi-god, staring back at her with that cutie-patootie puppy eyes he always had whenever he wanted to appease her anger. Napalunok siya. "T-thorn?" anas niya.