NAKAUWI NA'T LAHAT si Rose ngunit tila hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang nangyari kanina. She still couldn't believe what had happened. Halos hindi siya makausap ng kanyang pamilya. She refused to talk to Thorn even when he tried to.
Naguguluhan siya. Masyadong mabigat sa kanya ang kanyang nalaman. Paano na sila ni Thorn? Paano na ang kanilang relasyon ngayong natuklasan nila ang hindi magandang nakaraan ng kani-kanilang pamilya? Nanghihinang napahawak siya sa kanyang ulo.
"A-ayos ka lang ba, Ate?"
She answered Daffodil's query with a heavy sigh. "Hindi ko na alam," matapat niyang sagot. "Naguguluhan ako."
Ginagap ni Daffodil ang kanyang kamay. "P-pwede ba naming malaman ni Daisy kung ano ang nangyari sa naging pagkikita ninyo ng Lola ni Kuya Thorn?"
Hindi niya magawang sumagot dahil tila may bumikig sa lalamunan niya. Sa tuwing naaalala niya ang ginawang pagtataboy ni Lola Pamela sa kanya kanina ay naninikip ang dibdib niya sa sakit. She could feel Lola Pamela's angst and hatred towards her—and her Lolo Alejandro. Masisisi ba niya ito gayong batid niya kung gaano itong nasaktan at naghirap simula noong iwanan ito ng kanyang Lolo?
"Nandito lang kami, Ate. Hindi ka namin iiwan at pababayaan," alo ni Daisy. Ginagap din nito ang isa pa niyang kamay. "Ilabas mo ang kung anumang bumabagabag sa iyo para makaramdam ka ng ginhawa. Handa kaming makinig."
Nang sabihin iyon ni Daisy ay hindi na niya napigilang mapahagulhol. She never expected such drama in meeting Lola Pamela. Akala niya ay normal na tao lang din naman ito, kagaya ng pamilya niya. Akala niya ay sa telenobela lamang nangyayari ang ganoong klase ng eksena, hindi pala. Now she was suffering because of what had happened fifty years ago!
"Get out of my sight! Huwag na huwag ka ng lalapit sa apo ko, kahit na kailan! Huwag na huwag ka ng magpapakita sa pamilya ko, kahit na kailan! Lalong lalo na sa harapan ko! You rot in hell, for all I care! Basta huwag na huwag mong maidamay damay ang apo ko sa buhay mo! Ipinapangako kong kahit na kailan ay hindi ko mapapayagang mapunta sa iyo si Thorn!"
Parang sirang plaka na paulit ulit pa ring tumatakbo sa isip niya ang mga katagang binitiwan ni Lola Pamela bago pa man siya tuluyang naigiya ni Thorn palabas ng mansiyon. Bawat kataga ay tila punyal na tumutusok sa puso niya. Damang dama niya ang galit nito sa yumao niyang Lolo at sa kanyang buong pamilya.
Kung ganon ito kagalit, paano na sila ni Thorn? Sa tuwing sumasagi sa isip niya na may hadlang na ang kanilang pagsasama ay lalong sumasama ang pakiramdam niya. Hindi niya kayang mawala si Thorn sa kanya. She loved him too much she'd die if she'd lose him.
"Tama na Ate, kung anuman iyang bumabagabag sa `yo, alam kong kaya mo iyan," alo ni Daffodil na noo'y napayakap na sa kanya.
"Ang sakit sakit kasi," wika niya sa paos at nanginginig na tinig.
Iyon ang eksenang naabutan ng mga magulang nila. Agad na kumunot ang noo ng kanyang inang si Hyacinth nang mabistahan ang kanyang miserableng anyo.
"Ano'ng nangyayari rito? Bakit ganyan ang hitsura ng ate ninyo?" tarantang untag nito bago halos patakbong dumalo sa kanila. Her mother cupped her swollen face. "Bakit ka umiiyak? May nangyari bang masama? Napaano ka anak?" sunud-sunod na tanong nito.
Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla nang dumagundong ang galit na galit na tinig ng kanyang ama. "Sinasabi ko na nga ba eh! Sasaktan ka lang ng walanghiyang lalaking iyon!"
"Si Thorn ba ang dahilan, anak?" mabalasik na ring tanong ng kanyang ina. "Kapag nakita ko ang lalaking iyon ay malalagot talaga siya sa akin! Ipapakulam ko siya!"
Kahit na ang sakit sakit ng dibdib niya ay nagawa niya pa ring ngumiti. Overacting talaga kahit kailan ang mga magulang niya. Subalit over din ang mga ito sa pagmamahal sa kanya. And she was so thankful to have that kind of family. Kahit na kailan ay hinding hindi niya pagsisisihan na napabilang siya sa pamilyang iyon.
But if she were to choose between her family and Thorn, who would she choose? Nanghihinang napayakap siya sa kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. She sobbed like a baby while her family just watched her pour her angst.
And when she was finally done with crying, she was able to say, "`Ma, buhay po ang Mela ni Lolo. S-siya ang lola ni Thorn. Galit pa rin siya kay Lolo kaya galit din siya sa akin."
Nanahimik ang buong sala ng bahay nila. Then her mom hugged her, tighter this time. "Isang trahedya ang nangyari noong magmahalan sina Papa at Tita Mela. Nawa'y hindi mangyari iyon sa inyo ni Thorn. Anuman ang mangyari anak, nandito lang kami sa likod mo bilang kapamilya mo. Ang lahat ng nangyayari ay nakasulat na sa libro ng tadhana."
Just like that, she cried again…harder.
NAKAKUYOM ang mga palad ni Thorn habang pinagmamasdan ang kanyang Lola Pamela na mahimbing nang natutulog sa kama nito. Nang mga sandaling iyon ay naging mapayapa na ang hitsura nito. Mariin siyang napapikit nang bumalik sa kanyang balintataw ang naging hitsura nito kanina habang itinataboy nito si Rose palayo.
His grandmother has suffered a lot when Rose' grandfather left her. Naikuwento na niya ang lahat ng iyon kay Rose noon. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang dalaga ay lalong naninikip ng dibdib niya. Ayaw niyang pati ito ay mahirapan sa sitwasyon nila. Pasakit ng pasakit ang ulo niya sa tuwing sinusubukan niyang mag-isip ng paraan kung paano niya lulutasin ang problema niya sa kanyang abuela. Paano kung hindi nito magustuhan si Rose habangbuhay?
"Hayaan muna natin siyang magpahinga."
Marahan siyang napalingon kay Exodus Briar. Nakatayo ito sa may pintuan habang mataman siyang pinagmamasdan. Napatango siya. "Sa tingin ko ay tama ka."
"Ikaw rin ay kailangan ng magpahinga. You look like hell, bro."
Tahimik siyang sumunod sa paglabas nito. Humantong sila sa sala kung saan naghisterikal kanina ang kanilang abuela. Napabuntong-hininga siya nang maalala ang nangyari kanina. Nanghihinang napaupo siya sa sofa. Awtomatikong uangat ang kanan niyang kamay patungo sa kanyang ulo. Napapikit na rin siya. He was too tired and disoriented.
"Are you okay?" marahang tanong ng kambal niya.
Without opening his eyes, he groaned. "I wish I were."
"Alam mo bang hindi na ako masyadong nagulat sa naging reaksiyon ni Lola Pam kanina nang makita niya si Rose?"
Dahil sa sinabi ni Exodus Briar ay napamulat siya ng mga mata. "What?"
"Habang nasa eroplano kami kahapon ay ipinakita sa akin ni Lola Pamela ang larawan ng lalaking isinusumpa niya. I saw Alejandro. When I saw him, alam ko na agad na pamilyar ang mukha niya sa akin. I just couldn't place where I saw that face. Hanggang sa muli kong makita si Rose kanina. Damn, bro, she looked like the girl version of Alejandro."
"Kaya siguro natrigger ang galit ni Lola Pam sa Alejandro na iyon. Lahat ng galit na kinimkim niya ay kusang lumabas nang makita niya si Rose. Hindi ko lang nakinita na magiging ganoon siya karahas kay Rose. I'm sorry bro, I should've told you earlier para nakapaghanda ka pa sana," hingi nito ng paumanhin.
Marahan niyang ibinaba ang kanyang kamay. "It's okay, bro. Kahit naman siguro nalaman ko agad, hindi ko pa rin alam kung ano ang pwede kong gawin. Tell me, ano na ngayon ang dapat kong gawin para hindi na magalit si Lola Pam kay Rose?" desperadong tanong niya.
Umiling si Exodus Briar. "I don't know."
"If only Baileys were here," nasambit niya. Sa kanilang tatlo kasi ay mas magaling magbigay ng payo ang isang iyon. Kasama nito si Misha at abalang kumukuha ng panghuling shots ng pre-nuptials photos ng mga ito sa kabilang isla. Bukas na kasi ang kasal nito.
"Paano kung paghiwalayin kayo ni Lola Pam?"
Exodus Briar voiced out what he exactly had in mind. Kanina pa nga rin niya iyon pinag-iisipan. Just the thought of it made him sick. Hindi niya kayang mawala sa kanya si Rose ngunit hindi niya rin kayang mawala sa kanya ang kanya abuela. Pareho niyang mahal ang dalawa.
"Do I really have to choose between them?" he asked, breathless, lifeless.
Hindi na sumagot ang kapatid niya. Exodus Briar tapped him on the shoulders and then shrugged. "Malaki ka na, bro. Nandito ka na sa punto ng buhay mo kung saan kailangan mo ng pumili ng tamang daan patungo sa kaligayahan mo. You only have one choice to make, Rupert. So you have to choose what you think is best for you. Goodluck, bro."
Nang umalis ito ay naiwan siyang hindi makapag-isip ng matino. God, did he really have to choose between the two? Parang hirap naman yata nun. He had to think of something. Kailangang magawan niya ng paraan upang mapaliwanagan ang kanyang Lola Pamela sa tunay na nangyari sa Lolo Alejandro ni Rose noon. Baka kapag nalaman nito ang totoong nangyari ay magawa na nitong tanggapin si Rose. Ngunit paano?