Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 17 - CHAPTER SEVENTEEN

Chapter 17 - CHAPTER SEVENTEEN

NAGING maayos naman ang pakikitungo ng pamilya ni Rose kay Thorn nang dalhin niya ang binata sa kanilang bahay kaninang umaga. Well, medyo kilala na rin naman kasi ng buong pamilya niya si Thorn dahil simula noong naging sila ay malimit na niya itong naikukwento, lalo na sa kanyang mga kapatid.

Botong boto na nga sina Daffodil at Daisy kay Thorn eh. Saksi din naman kasi ang dalawa sa magagandang ipinapakita ni Thorn sa kanya. Kaya kahit na hindi halos umiimik ang daddy nila nang ipinakilala niya si Thorn ay alam niyang katulong niya ang kanyang mga kapatid sa pagbi-build up kay Thorn magustuhan lang ito ng kanilang ama.

Her mom, on the other hand, was so worried. Iniisip kasi nitong baka masaktan lang siya. Well, normal lang naman siguro ang naging reaksiyon ng mga magulang niya. Ngunit ang hindi normal ay ang pagtibok ng puso niya habang hiihintay niya ang pagbaba ng Lola ni Thorn mula sa kwarto nito. Naroon sila sa Isla Mi Amante. Doon muna kasi lumalagi ang abuela ni Thorn habang hinihintay ang araw ng kasal ni Baileys.

"kinakabahan ako," bulong niya kay Thorn.

Bilang pagsagot ay ginagap ng binata ang nanlalamig niyang kamay. Napangiti siya. Parang kanina lang ay siya ang nagsasabi at gumagawa niyon kay Thorn noong ito naman ang humarap sa kanyang pamilya. She held onto his hand so tight, na para bang ayaw na niyang bumitiw. Pakiramdam niya kasi ay hihimatayin na siya sa sobrang kaba.

"Huwag kang mag-alala. She will like you. Sa ganda at sa bait mo ba namang iyan?"

"Bolero," namumulang ingos niya kay Thorn.

"Pakiss nga," ungot nito.

Lalo siyang namula. "Hoy ah, baka maabutan tayo ng Lola mo. Nakakahiya sa kanya."

"Eh ano naman? Para kiss lang eh."

"Pagkatapos na lang niya akong kaliskisan, tsaka kita ikikiss," ngisi niya.

Natawa ito. "Five minutes?"

"Ano ka? Ang haba nun ah! Baka hindi na tayo makahinga kasi malulunod na tayo."

"Don't worry, magaling akong lumangoy," ngisi nito. "Five minutes, walang pahingang halik mamaya," pilyong pagbabanta nito na lalong nagpapula sa mukha niya.

Pareho silang natawa sa kapilyuhan nito. Hobby ng bruho niyang boyfriend ang paghalik sa kanya kaya sanay na siya sa tuwing tinutukso siya nito ng ganon. Nasa ganoon silang sitwasyon nang may biglang tumikhim. Pareho silang napalingon sa pinanggalingan ng pagtikhim. Tumambad sa kanila ang nakangiting si Exodus Briar.

Sa tabi nito ay isang babae na bagamat halatang may edad na ay punong puno pa rin ng kariktan. The old woman was pure sophistication and upper crust. Mula sa buhok nitong manipis at kulot, sa balat nitong halos kasingputi ng labanos at sa ilong nitong kasingtaas ng Eiffel Tower hanggang sa mga suot nitong mga alahas na halatang hindi biro ang halaga.

"G-good afternoon po, m-ma'am," natatarantang bati niya.

One sophisticated eyebrow arched that answered her greeting. Natigilan siya. Hindi siya gutso ng lola ni Thorn! Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Thorn.

"Lola," nagbabantang wika ni Thorn mayamaya.

"Good afternoon. Have a seat," pormal na sagot ng matanda. Nauna na itong naupo sa isang malapad na sofa na tila ba pag-aari nito ang lugar na kinaroroonan nila.

Palakas ng palakas ang panginginig ng mga tuhod niya habang patalim ng patalim ang tingin ng matandang babae sa kanya. Exodus Briar was quiet beside the old woman. Mukhang tinatantiya nito ang sitwasyon. Si Thorn naman ay halatang nagsisimula na ring mainis dahil sa ipinapakita ng lola nito sa kanya. Butterflies started flying inside her stomach. She felt sick.

Hindi na nga naging maayos ang pagtanggap ng mga magulang niya kay Thorn ay mukhang hindi rin pabor sa kanya ang lola ni Thorn sa kanya. Mali bang masyado silang naging maaga at sineryoso agad ang kanilang relasyon? Ayaw niyang mapasukan ng pagdududa at agam-agam ang kanyang isip ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

"So, ikaw pala ang sinasabi ni Rupert Thorn," simula ng matanda. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Ikaw pala ang dahilan kung bakit ayaw ng bumalik ng apo ko sa New York," puno ng talim na dagdag nito. "Are you even aware that my grandson has the best life back in New York? Nandoon ang buhay niya. Nandoon ang pinakamagandang buhay na maaari niyang matamasa. But because of you, ayaw na niyang makuha ang buhay na dapat sa kanya!"

"Lola!" galit na sawata ni Thorn sa abuela nito. "This is not the kind of introduction Rose deserves. How can you be so rude?"

"She doesn't deserve you!" galit na sigaw ng lola ni Thorn.

When the old woman stared at her, all she saw was resentment and fury in her eyes. Na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa niya rito. She cringed at what she saw in the old woman's eyes. Pakiramdam niya ay kaya siya nitong patayin at ibaon sa ilalim ng lupa nang hindi man lang nako-konsiyensya. Hindi niya maintindihan ang inaakto nito.

"What's wrong with you?" mayamaya'y tanong ni Exodus Briar sa lola nito. "You were never like this, 'La. Ano'ng nangyayari at…"

Nang mapatigil sa pagsasalita si Exodus Briar ay napatingin sila ni Thorn dito. Silang tatlo ay awtomatikong naestatwa nang makita nilang nanginginig sa galit ang matandang babae habang hilam ng luha ang mga mata nito. She was eye-killing her!

"Who are you?" mabalasik na sigaw nito sa kanya. Nang hindi siya makasagot ay bigla itong napatayo at tsaka siya dinuro. "I can't believe this!"

"L-lola…" halos magkapanabay na anas ng kambal.

Siya naman ay lalong naitulos sa kanyang kinauupuan. Ni hindi niya magawang magreact sa inasal ng lola ni Thorn. Hindi niya naiintindihan. Bakit ganon na lang ito umasta sa kanya?

"I hate you Alejandro! I hate this place, I hate that face and I hate everything in my life!" sunud-sunod na sigaw ng matanda. The old woman went hysterical. Nataranta ang kambal dahil sa nangyari. Dinaluhan ni Exodus Briar ang lola nito.

"Lola Pam? What's wrong? What's going on?" takot na takot na untag ni Exodus Briar.

She felt sick. Natakot siya hindi dahil sa inakto ng matanda kundi dahil sa pangalang nabanggit nito kanina habang nagsisisigaw ito. Alejandro, nawika nito. Pangalan iyon ng kanyang yumaong lolo. Napahawak siya sa kanyang dibdib.

"N-nabanggit ninyo ang pangalang Alejandro," anas niya sa nanginginig na boses. "B-bakit ninyo ho kilala ang…" Napalunok siya. "…ang lolo ko?"

"L-lolo mo si Alejandro? Ang hayop na iyon?" sigaw ng matanda.

"Kayo ho si Mela?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Thorn's eyes widened too. Noon lamang rumehistro sa isip niya ang implikasyon ng mga bagay na natuklasan niya. Lola ni Thorn si Mela, ang babaeng totoong minahal ng kanyang Lolo! Habang Lolo naman niya ang lalaking dumurog sa puso ng Lola ni Thorn na naging dahilan kung bakit kinamuhian ng halos buong pamilya ni Thorn ang tunay na pag-ibig!

Ano'ng klaseng paglalaro ng tadhana ang nagaganap sa kanila?