"DO YOU STILL LOVE HIM?"
Napangiti si Rose sa tanong na iyon ni Thorn. Nagsisimula na naman itong talakayin ang paksang iyon na sa tuwing sinasagot niya ay pinagmumulan ng mumunting away-mangingibig nilang dalawa. There has neven been a day that he forgot to ask her that question.
Mahigit isang linggo na rin silang "magkasintahan." Simula noong sinagot niya ito ay naging maayos naman ang pagsasama nila. Day by day, her feelings for him grew. Hindi niya maipaliwanag ngunit sa tuwing nakakasama niya ito ay tila lalong lumalalim ang anumang nararamdaman niya para rito. Hindi siya nagkamali nang sagutin niya ito.
Napatunayan niya kung gaano ito ka-sweet at kamaaalalahanin. He was the best boyfriend in the whole world. Lahat ng gusto niya ay sinusunod nito. Kahit mga pag-iinarte niya ay naiintindihan nito. Gusto niya rin ang pagiging protective nito, maging ang madalas nitong pagseselos sa tuwing napag-uusapan nila si Baileys.
"Ilang beses ko na iyang sinagot ah?" naiiling niyang sagot.
Napasimangot ito. "Eh bakit hindi mo masagot agad?"
Nanggigigil na pinisil niya ang mga pisngi nito. "Ang cute cute mo, alam mo ba iyon?"
"Kita mo nga, iniiba mo ang topic!" reklamo nito.
Niyakap niya ito ng mahigpit. "Ikakasal na siya bukas, Thorn. Ano ka ba?"
"Kung hindi ba siya ikakasal, ititigil mo ba'ng mahalin siya?"
Napangiti siya sa agarang pagbuo ng sagot ng isip niya sa katangungan nito. Kung marahil ay tinanong siya nito ng ganon dalawang linggo na ang nakalilipas, malamang na "hindi" ang maisasagot niya. But living as happy as she was now because Thorn was always by her side, she knew that her answer was different.
She loved Thorn now. Maaaring masabi ng ibang tao na napakabilis niyang makalimot dahil nagmahal siya agad ng iba, maaaring isip ng iba na hindi kapani-paniwala ngunit wala na siyang pakialam. All she cared about was the fact that she loved Thorn. At handa siyang gawin ang lahat mahalin din siya nito.
"Sapat ka na sa akin, Thorn. Ikaw at ang pag-aalaga mo. Iyang mga pagseselos mo, mga pangungulit mo, ang mga halik at yakap mo, mga jokes mong korni at mga banat mong baduy. Simula noong sinagot kita, sa iyo na umikot ang buong mundo ko," buong katapatang sagot niya.
Noon napangiti si Thorn. Gumanti ito ng yakap at tsaka siya hinalikan ng mariin sa ituktok ng kanyang ulo. "Hindi ko na yata kakayaning mabuhay kung wala ka sa piling ko."
"Alam mo ba, Thorn, pakiramdam ko ay matagal na kitang kilala?" bigla niyang nasabi.
"Talaga?"
Tumango siya. "Alam mo ba iyong pakiramdam na parang ang dami ko ng alam tungkol sa iyo kahit na hindi pa naman tayo ganoong magkakilala?"
"Iyong parang pamilyar sa iyo ang bawat halik at yakap ko?" nanunudyong tanong nito. She blushed but answered with another nod. Marahan nitong hinaplos ang buhok niya. "Nakapagtataka pero ako rin, Rose. Pakiramdam ko ay matagal na kitang nakasama. Alam mo ba'ng noong una kitang hinalikan ay halos hindi ako nakatulog?"
Natawa siya. "Ako rin kaya, inis na inis ako sa iyo noon, baka akala mo!"
"Iyon ang kauna-unahang halik na hindi nagpatulog sa akin."
Mabini niya itong kinurot sa tagiliran, dahilan para matawa at mapaigik ito ng sabay. "Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari sa atin dati ay hindi ko talaga maiwasang matawa. Sobra pala talaga tayong mag-away noon ano? Abot hanggang langit ang inis ko sa iyo noon. Tapos heto tayo ngayon, parang tuko na hindi na hals magawang mahiwalay sa isa't isa."
"Oo nga eh. Alam mo ba'ng ilang beses na kitang binalak na iwasan noon? Nakakatawa lang kasi kahit ano'ng pag-iwas ko ay lagi pa rin naman tayong nagkikita."
"Sa tingin mo ba ay pinalalaruan tayo ng tadhana?" bulong niya.
Batid niyang wala sa kanilang dalawa ang naniniwala sa tadhana. She never belived in destiny. Ngunit noon iyon, noong hindi niya pa nakilala si Thorn. Ngayong kapiling na niya ang binata ay tila naniniwala na nga rin siya sa kapangyarihan ng tadhana.
"You believe in destiny now?" nananantiyang tanong nito.
"Malapit na nga yata. Eh ikaw?" balik-tanong niya.
"Simula noong nakilala kita, naniwala na ako. Nakatadhanang makilala kita, Rose. At naniniwala rin ako na tadhana ang nagbibigkis sa ating dalawa ngayon."
Kinikilig na napahigpit ang yakap niya rito. "Ang cheesy cheesy mo talaga!"
Natawa ito. "Simula nang makilala kita ay marami nang nagbago sa akin. Kasalanan mo kung bakit cheesy at baduy na ako."
"`Di bale, gwapo ka pa rin naman," hagikhk niya.
"Kaya nga huwag na huwag mo na akong pakakawalan kundi ay magsisisi ka. Ikaw rin, habulin pa naman ako ng mga chicks," biro nito.
"Yabang ah!" kunwa'y ismid niya.
"Siya nga pala, darating ang Lola ko bukas galing sa New York. Mag-a-attend siya sa kasal ni Baileys sa susunod na araw. Gusto sana kitang ipakilala sa kanya, ayos lang ba?"
"I-ipapakilala mo ako?" natitigilang untag niya.
"Ayaw mo ba?"
She didn't know what to say. Nakaka-overwhelm naman yata ang nais nitong gawin. If he was willing to introduce her to his family, ibig bang sabihin nun ay seryoso ito sa kanya?
"A-ayokong isipin mo na nira-rush kita. I j-just want you to know that I am taking our relationship seriously. This would be the first time that I am introducing someone special to my grandmother. P-pero kung ayaw mo ay ayos lang naman."
"H-hindi naman sa ayaw ko," nahihiya niyang sagot. "Natatakot lang ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan? P-paano kung…"
"Hanggang ngayon ba ay nega ka pa ring mag-isip? We have risked our hearts with this kind of relationship, Rose. We have to risk everything to make this work now."
Napaisip siya. Tama naman ito. Hindi nga ba't naipangako niya rin sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para lang magtagal ang pagsasama nila?
"Handa rin naman akong magpunta sa bahay ninyo para pormal na ipaaalam sa pamilya mo ang tungkol sa namamagitan sa atin ngayon. I want us to bhave a formal relationship. Nais kong magsimula tayo ng tama. Lalo't alam kong konserbatibo ang iyong mga magulang."
Ito na ang pinakasweet at pinakagentleman na lalaking nakilala niya. Sa tuwina ay laging kapakanan niya ang inuuna nito. Paano niya itong hindi magagawang mahalin?
"S-sigurad ka ba sa sinasabi mo?" paninigurado niya.
"Oo naman. Kahit na ngayon mismo ay handa akong magpunta sa bahay ninyo para lang ipakilala sa iyong pamilya ang aking sarili."
"Hindi ka natatakot na baka ayawan ka nila?" biro niya.
Bigla itong napakalas sa pagkakayakap sa kanya. Mayamaya'y napatitig ito sa kanya. "Sa t-tingin mo ba ay hindi nila ako magugustuhan?"
"Ewan ko. Alam ng dalawang kapatid ko ang lahat ng mga ginawa mo sa akin noon kaya hindi ko tiyak kung magugustuhan ka nila agad. Hindi ka pa naman kilala ng mga magulang ko kaya hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakita ka nila."
Napalunok ito. "Ano'ng pwede kong gawin para magustuhan nila ako?"
"Just be yourself. Tsaka ano ka ba? Hindi naman porke ayaw nila sa iyo, kung sakali mang may violent reaksiyon sila sa iyo, eh ilalayo na nila ako sa iyo, diba? Para naman tayong nasa telenobela kapag ganon," tawa niya. Mayamaya'y napaseryoso siya. "Paano nga kaya kung tumutol ang mga pamilya natin sa relasyon nating dalawa, ano?" bigla niyang naitanong.
Sa gulat niya ay bigla siya nitong hinablot at muling niyakap—mas mahigpit kesa kanina. "Gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa akin. Ipaglalaban ko ang kung anumang meron tayo. Pangako ko iyan sa iyo," bulong nito.
Sapat na ang mga katagang binitiwan nito upang mapangiti siya. Handa rin siyang ipaglaban ito kung sakali. Maghalo man ang balat sa tinalupan, hinding hindi niya isusuko ang lalaking ipinaramdam sa kanya kung gaano kasaya ang pag-ibig.