Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 15 - CHAPTER FIFTEEN

Chapter 15 - CHAPTER FIFTEEN

IT WAS NO other day for Thorn. Kagaya ng mga nakaraang araw ay napakahungkag pa rin ng pakiramdam niya. Para bang may nawalang bahagi sa puso niya. Parang nawalan ng tanglaw ang araw sa buhay niya. It's been almost a week since he had talked to Rose.

Ilang araw na rin siyang iniiwasan ng dalaga. He clenched his fists. Noong una ay galit na galit siya kay Rose dahil sa ginawa nito. Naisip niya na kung trip nitong mag-inarte ay bahala na ito sa buhay nito. Wala naman siyang pakialam, diba? Besides, he was Rupert Thorn Contreras, hinahabol ng mga babae. One rejection wouldn't hurt him, right? Marami pa siyang makikilalang ibang babae na higit na mas maganda kay Rose, he told himself.

Until he felt emptiness crawl into his skin. Noong una ay in denial pa siya na namimiss niya si Rose. Ngunit habang tumatagal na hindi niya ito nakikita o nakakausap ay tila lalong tumitindi ang pagnanais niyang makita at makausap ang dalaga. He missed her damned much.

How the heck did that happen? Many times, he had put in his mind that she was not his type of woman. Na na-challenge lang siya rito kaya siya naging interesadong makilala ito.

That she was different. She was too loud for his ears. Masyado itong matapang at palaban, he wanted his woman to be submissive. Kahit ano'ng pag-iisip ang gawin niya ay napupunta pa rin siya sa iisang konklusyon—malayong magustuhan niya si Rose dahil ibang iba ito sa mga babaeng gusto niya at nagustuhan na niya. She was just not enough for him.

Napatingin siya sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang mesa. He wanted to call her. Ilang beses na ba niyang iniangat at ibinaba ang cellphone sa pagtatangka niyang tawagan ito? Nanghihinang napasabunot siya sa kanyang buhok.

How could he want someone he didn't like? Was that even possible?

"Hey dude! Ano'ng meron at parang mukhang Biyernes Santo ang mukha mo?"

He lazily turned his gaze on Baileys who just came inside his room. Naroon ito para sunduin siya. Sasamahan kasi siya nitong magpasukat para sa isusuot niyang tuxedo para sa nalalapit nitong kasal. Dalawang linggo na lang kasi ay ikakasal na ito.

Mabuti pa ito, masayang masaya na. malapit na nitong makuha ng tuluyan ang babaeng pinakamamahal nito. Habang siya ay hayun at nagmumukmok na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Minsan tuloy ay naiisip niyang baka kinakarma na siya sa lahat ng mga nagawa niyang pananakit sa mga babaeng iniwan niya noon.

"Sa tingin mo, bakit ako biglang iniiwasan ni Rose? She won't even want to talk to me," hindi niya napigilang itanong rito.

"So, lover's quarrel pala ang dahilan," pumalatak ito.

Kahit na malungkot ay nagawa niya pang mapangiti. Lovers? Kunwa'y napailing siya. "Paano kami magiging lovers kung hindi man lang niya magawang mag-take ng risk para subukan kung hanggang saan ang aabutin ng attraction namin sa isa't isa?"

Saglit itong natigilan at tsaka napatitig sa kanya. "Why would she need to take a risk?"

Napasimangot siya. "Syempre, para masubukan namin kung mauuwi sa love ang relasyon namin!" sagot niya.

"Just what exactly did you tell her, Thorn?" kunot-noong tanong nito.

He and Baileys had always been open with each other. Walang lihim sa kanilang dalawa. But as much as he wanted to tell Baileys everything, he couldn't. Lalo na't hindi man direkta, ay nakapagbitiw siya ng pangako kay Rose na hindi niya kailanman sasabihin kay Baileys ang lihim na pagsinta ng dalaga rito. Hindi niya rin maatim na aminin sa harap nito na may gusto si Rose dito samantalang siya ay nagawang tanggihan ni Rose!

"I j-just told her that we should try," ang tanging nasabi niya. He couldn't look Baileys in the eyes. Hindi kasi siya sanay na nagsisinungaling dito.

"Tell me the truth, bro. Do you love Rose?" seryosong tanong nito. Nang hindi agad siya nakasagot ay napabuntong-hininga ito. "Sa tingin ko ay may karapatang magdalawang-isip si Rose. Walang katiyakan ang ini-o-offer mo sa kanya. Maaarikayong masaktan."

"I d-don't want to hurt her," bigla niyang nasabi.

"Do you like her?"

"Of course, I do!" agaran niyang sagot.

Baileys smiled. "Sa tingin mo ba ay may pag-asang maging love ang like na iyan?"

Nalukot ang ilong niya."How would I know? H-hindi ko pa naman nararanasang magmahal. I mean, it's really hard to say anything right now."

"Let me rephrase my question. Is she worth taking the risk?"

"Hell yeah," he answered, almost breathless.

"Then let her know about it."

"Hindi pa ba sapat na inalok ko siya para malaman niyang she's worth the risk?"

"Alam mo pare, ang mga babae ay laging naghahanap ng katibayan. Words are useless, they want proofs. They want action rather than just words. Unless you'd tell it to them, they wouldn't know it. I must know. Pinahirapan din ako ni Misha noon dahil sa kamanhidan ko."

"She doesn't want to talk to me," nanghihinang anas niya.

"Then make her want to talk to you. Kailan ba sumuko si Thorn?" amused na iling nito. "Always remember that love has so many sides. Maraming klase ng pag-ibig, maraming depinisyon. At tayo lamang ang maaaring maapagbigay ng pangalan rito. You don't have to think about it, for love is not just a word, it is something felt. Pahalagahan mo ang nararamdaman mo ngayon dahil ang "kaunting" emosyon mo ngayon ay maaari pang lumaki."

"Love is always inside our hearts—nakatago lang at naghihintay na mabuksan ng isang taong nakalaan para sa atin. So when you finally find that special person, please don't let her go, no matter what happens. Dahil ang pag-ibig ay ipinaglalaban, hindi kailanman pinagsisisihan."

Natahimik siya at biglang napaisip sa mga salitang binitwan nito. Kusang pumasok si Rose sa kanyang isip. Baileys was right. If she was worth the risk, then she must be someone special. Napangiti siya. Who knows? Baka ang risk na handa niyang gawin ay hindi lang basta isang sugal kundi isang lottery game—kung saan walang hanggang kasiyahan ang grand prize.

Kasiyahang kasama ang babaeng matagal nang hinihintay ng puso niya.

MALUNGKOT na napangalumbaba si Rose habang nakadungaw sa salaming dingding ng kaniyang flowershop. Isang mapait na ngiti ang pumunit sa knyang mga labi. Isang lingo na rin pala niyang iniiwasan si Thorn. Huminga siya ng malalim bago nagpasyang tumayo upang abalahin ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Ayaw niyang masayang na naman ang buong araw niya dahil sa kaiisip Thorn at sag a kung ano kaya ang maaaring nangyari sa kanila kung sakaling pumayag siya sa proposal nito? Ipinagpapasalamat na lang niya na hindi naman ipinagtataka ng kanyang pamilya ang pananamlay niya. Marahil ay iniisip ng mga ito na iyon ay dahil sa naging pagkabigo niya kay Baileys. Kung alam lang ng mga ito na isang "'tinik" ang tunay na dahilan ng kalungkutan niya.

Napatigil siya sa pagninilay nang biglang bumukas ang pinto. Sa kanyang paglingon ay tila huminto ang kanyang oras nang masilayan ang napakagwapong lalaking titg na titig rin sa kanya. Pakiramdam niya ay sampung taon niyang hindi nakita si Thorn.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" halos nauutal na wika niya ang makahuma siya.

"Wala man lang good afternoon?" pormal na sagot nito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ng tingin nitog hindi nito halos maialis sa kabuuan niya. Marahan itong naglakad palapit sa kanya.

"G-good afternoon," parang baliw na naibulalas niya sa sobrang pagkataranta.

When she heard his husky chuckle, all her defenses crumbled insde her. Sobrang namiss niyang marinig ang boses, lalo na ang pagtawa nitong walang kasing-seksi.

"Kuusta ka na?" mayamaya'y untag nito.

Bigla siyang napaiwas ng tingin.. "Nagpunta ka ba rito para lang itanong iyan?"

Hindi niya alam kung bakit tila may kalangkap na paghihinanakit ang tanong niyang iyon. Siguro ay dahil naiinis pa rin siya kasi ni minsan ay hindi man lang siya nito nagawang tawagan simula nang tanggihan niya ito. Oo, aminado siyang iniiwasan niyangmakita o makausap ito pero ni minsan ay hindi man lang nito naisip na gumawa ng paraan para lang makausap talaga siya. Alam naman nito kung saan siya nakatira, hindi ba?

"Paano kung sabihin ko sa'yong nagpunta ako rito kasi gusto kitang makausap?"

Marahas siyang napalingon rito. "A-ano'ng sinabi mo?"

"I am here to make you listen. Gusto kitang pilitin na tanggapin ang inaalok ko sa iyo."

Dumagundong sa kaba ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Dapat ba siyang matuwa kasi mukhang wala itong balak na tigilan siya o dapat ba siyang mainis at matakot kasi alam niyang kaunting pilit na lang nito ay bibigay na talaga siya?

"P-pero alam mo na ang sagot ko," wika niya bago muling nag-iwas ng tingin.

"Gagawin ko ang lahat para lang magbago ang isip mo," seryosong saad nito.

"Why?" medyo frustrated niyang tanong.

"Kasi ayokong mawala ka sa buhay ko. I am telling you that you are worth taking the risk, Rose. Handa akong sumugal para lang makasama kita. Alam kong hindi kapani-paniwala pero nagkaroon ka na ng malalim na pitak sa puso ko. I d-don't know anything about love but I am willing to discover the meaning of love with you. Kung anuman ang maaaring kahintnan ng gagawin natin ay handa ko iyong tanggapin, makasama lang kita."

Sa isang iglap ay napuno ng galak at isang kakaibang emosyon ang buong puso niya. Para bang iyong buong panahong iginugol niya sa pagmumukmok sa loob ng mahigit isang linggo ay nawala dahil lang sa mga sinabi nito. She held her chest. It felt like exploding.

"P-pero paano kung…"

"Hind natin malalaman ang sagot sa mga paano mo kung hindi natin susubukan. Please Rose, say yes. My life without you felt like hell. I missed you so damned much. Hindi ba ako worth it sa pagsugal mo? I am putting everything I have just to be with you. Can't you do that with me too? Handa naman akong gawin ang lahat para magwork ang relasyong handa kong buuin kasama ka eh," pagsusumamo nito.

"B-but do you love me?" hindi niya napigilang itanong. She saw fear in his eyes that it almost wanted to shut her eyes so she wouldn't see it. Ang tanga niya talaga magtanong minsan.

"I want to discover what love is…" bulong nito na nakapagpatigil sa kanya. Hinuli nito ang mailap niyang mga mata. "…with you."

He was too much to handle. Parang baliw nang nagra-rock 'n roll ang puso niya sa loob ng dibdib niya. How could she resist someone like him?

"Hindi mo ba ako pwedeng samahang tuklasin kung kaya ko nga bang magmahal maliban sa sarili at sa pamilya ko?" tila batang pag-uungot nito.

"P-pero…"

"Pareho tayong takot, alam ko. Pero hindi pa ba sapat isipin na maaari tayong sumaya sa piling ng isa't isa? Mabubura ng kasiyahang iyon ang lahat ng takot natin, Rose."

She was starting to smile. Desidido talaga itong mapapayag siya.

"Isa pa, hindi mo ba naiisip na rosas ka, tinik ako. Hindi ba't bagay tayo?"

Tuluyan na siyang napangiti sa huling banat nito. "Pasalamat ka, cute ang huling banat mo," natatawang iling niya. Siya naman ang humuli sa mga mata nito. "Minsan ko lang itong sasabihin sa iyo kaya makinig ka. Pumapayag na ako pero ito ang tandaan mo, sa oras na saktan mo ako ay hinding hindi mo na ako ulit makikita pa."

"J-just like that, pumapayag ka na?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

Nakangiting tumango siya. "Yes, just like that." She wound her arms around his neck and gave him a quick peck on the lips. Isang kapangahasang noon lamang niya nagawa sa tanang buhay niya. But hell yeah, he was worth taking the risk of being a brave woman.

Tinumbasan nito ang kapangahasan niya ng mas mapangahas na hakbang. He caught her lips and deepend their kiss. Ah, sa halik palang nito ay kotang kota na siya sa kasiyahan. Paano pa kaya kung mas naging maayos na ang lahat sa kanila?

Tama na sa kanya ang ginawa nitong pag-amin sa mga kinatatakutan nito. He may not love her yet but he was right, he was worth the risk. Kung magtapos man sila sa alaala ng bawat isa, handa niyang tanggapin iyon. For once in her life, she knew that she had to be brave.

Sabi nila, ang pag-ibig daw ay parang sugal—maaari kang matalo, maaari ka ring manalo. Pero nakalimutan yata ng iba na ang sugal ay may pinag-aaralan ding estratehiya para manalo ka sa laro. Iyon ang handa niyang pag-aralan para mapanatili si Thorn sa tabi niya.

For she was willing to discover what love is too…with him.