Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 5 - CHAPTER FIVE

Chapter 5 - CHAPTER FIVE

ILANG MINUTO na ring tumatakbo ang sasakyan ngunit nananatili pa rin siyang nakatulala. Napakurap siya at tila nagising mula sa pagkakahimbing nang makita ang kanyang mini-truck na nakasalubong nila sa daan. Nakita niya si Nicanor sa likod ng manibela niyon. Kumawala ang isang nakakabasag pinggang tili mula sa lalamunan niya na naging dahilan upang maapakan ni Thorn ang preno at mapasubsob siya sa dashboard ng sasakyan nito.

"What the hell? Balak mo bang sirain ang eardrums ko?" singhal nito sa kanya.

"Nicanor! Tulungan mo ako!" sigaw niya ngunit sa kamalasan eh nilagpasan lang siya ng damuho. Nangagagalaiting napabaling siya kay Thorn. "Rapist! Kidnapper! Walang puso! Hayop! Walang modo! Mangagantso! Holdaper! Snatcher! Manyak! Budoy!"

"W-what? B-budoy?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

"Huwag mo akong wina-what what diyan! Saan mo ako dadalhin, ha? Ano'ng gagawin mo sa akin? Siguro, balak mo akong pahirapan at i-salvage! Tapos, pagsasawaan mo itong katawan ko." She shuddered. "T-tapos…" Napalunok siya at naitakip ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. Napahintatakutang napatingin siya rito. "Tapos, itatapon mo ang katawan ko sa ilog pasig ng hubo't hubad para mas nakakaawa ako! Grabe, wala ka talagang puso."

"Sabihin mo nga sa akin, nagda-drugs ka ba?" galit ngunit amused nitong tanong kapagdaka. "Wow, ngayon lang ako nakakita ng babaeng mayroong kasing wild ng imaginations mo," palatak nito. "Hindi naman full moon ngayon pero nababaliw ka na. Malala na iyan."

Naningkit ang mga mata niya. "Stop the car!" she shrieked.

"Naka-stop na tayo kanina pa. Are you really taking drugs or something?"

She blushed. Leche! Wrong line. Napangiwi siya ngunit agad ding nakabawi nang muli na naman niyang umpisahang maggalit-galitan. Ang totoo kasi, mas lamang ang takot niya rito kesa sa galit niya. Why, she had no idea where the handsome devil planned to take her. Mabilis siyang umibis mula sa sasakyan. Nasa gilid na sila ng kalsada. Sumunod ito sa kanya.

"Abduction is a serious crime," she said while gritting her teeth.

"I can charge you for physical assault."

"Huh? Wala naman akong masamang ginawa sa `yo ah?" reklamo niya. Humalukipkip ito at inilabas ang dila nito. Nandidiring tinignan niya ito. "Really, I didn't know you're this childish. Dumidila ka pa talaga? Ganito ka ba makipag-away?"

Bigla itong namula dahil sa galit. "Look at my tongue!" muli nitong inilabas ang dila.

Pinakatitigan niya iyon, gaya ng gusto nitong gawin niya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. She saw a slight bruise on it. Of course she knew what really happened on his tongue.

"S-so what?" namumulang pagmamaang-maangan niya.

"Ano'ng so what? Alam mo bang nang dahil sa ginawa mo, hindi ako makakain ng maayos? At dahil din sa ginawa mo, I can't even kiss for a week!"

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. "I should've cut that damn thing into pieces! Gosh, dila na pala ngayon ang ginagamit sa paghalik.��

She's never seen such a jerk in her entire life. Kailangan pa ba talaga nitong ipangalandakan sa mukha niya na napaka-active ng "kiss-life" nito?

"Hindi mo pa ba nararanasan ang mahalikan sa dila?" he grinned.

"H-ha?" Naguluhan siya sa tinuran nito. Minsan talaga, naisip niyang ito ang baliw sa kanila eh. Kung anu-ano'ng pinagsasabi nito na off topic. "W-wala namang ganon!"

"Hindi pa nga," tawa nito, nang-iinsulto. "Dapat pala, iyon ang ginawa ko sa `yo, ano?"

"Ang kapal ha! For your information, sa lahat ng nakahalik sa akin, ikaw lang ang hindi pumasa sa standard ko!" pagsisinungaling niya. Nais niya lang itong asarin.

Napataas ang kilay nito. He crossed his arms in front of his broad chest and looked at her with a wide demonic grin. "Don't sound too cocky. We've already shared a kiss before, haven't we? And as far as I can remember, you didn't even know how to respond. Baka nga ako pa ang first kiss mo eh," mayabang na turan nito.

Nangni-nganing buhatin niya ang kotse nito at ihampas iyon sa napaka-kapal nitong mukha. She chose not to loose her temper, dahil kapag ipinakita niyang naiinis siya rito ay mas lalo lang itong matutuwang inisin siya.

"Pwede ba? Huwag mo akong patawanin. Hindi lang kasi ako nag-enjoy sa halik mo. Automatic pa naman itong lips ko. Kapag magaling iyong nanghahalik, gumaganti."

She smiled triumphantly when he glared at her. Pinanatili niya ang pag-aastang hindi apektado kahit pa nakita niyang naglakad ito palapit sa kanya. Sa halip na manginig sa takot ay matapang siyang humalukipkip at hinintay ang paglapit nito.

"Acting brave, huh? Tingnan natin kung gaano ka katapang."

"B-bakit, ano'ng gagawin mo, ha?"

"Gusto kong malaman kung gaano katotoo ang sinabi mo." Just like in a slow dance, he lowered his face onto hers. Awtomatiko siyang napasinghap at napaatras. She heard his bantering chuckle. "You suddenly got cold feet?"

Kahit ano'ng tapang ang meron sa dibdib niya ay hindi niya magawang tapatan ang tapang na meron ito. Of course, she couldn't risk her lips…again! Napalunok siya nang makita ang labi nito. Damn, she saw that sexy mole on the left side of his lips again. Tuluyan na siyang nanginig nang makita ang pag-angat ng maliit na nunal na iyon, hudyat ng pagtaas ng sulok ng labi nito, making his face look more devilishly handsome with his grin on.

"T-teka…" itinaas niya ang dalawang kamay at iniharang iyon sa dibdib nito.

"Ano'ng teka?" nanunudyong anito, leaning his face closer to hers.

"N-nasa kalsada tayo."

"So?"

"A-ano'ng so? Alam mo bang ilang bahay lang ang layo ng bahay namin dito?"

"Another so?"

"Kapag nakita ka ng daddy ko, patay ka."

"Baka ikaw ang patay," nakakalokong ngisi nito.

Right. Siya nga ang patay. Tiyak na papatayin siya ng daddy niya sa oras na makita nitong nasa gilid siya ng kalsada at nasa ganoong klase ng posisyon kasama ang isang lalaki. Her father was conservative, very conservative.

Napalinga siya sa paligid. Salamat naman at walang gaanong tao sa bahaging iyon. Magkakalayo rin ang mga bahay doon kaya tiyak na ligtas na siya sa pangtsi-tsismis ng mga kapitbahay nila kung sakaling may makakita man sa kanila. She has to think of a way to get away from him. Hindi niya hahayaang ituloy nito ang binabalak. Think Rose, think!

"A-ano ba kasing problema mo? Ano'ng binabalak mo sa akin?"

"I told you, maniningil ako sa `yo." Umayos ito ng tayo at napahalukipkip sa harap niya.

"S-sa paano namang paraan, aber?" When something familiar sparked in his eyes, she automatically glared at him. Napangisi naman ito. "Huwag ka ng magtangkang ulitin iyon!"

Lalong lumawak ang ngisi nito. "Is that wishful thinking?" nakaliliyong untag nito. Pinaglandas nito ang tingin nito sa kabuuan niya. His eyes seemed to have that special power to make her shiver as if he just touched her. "Pinag-iisipan ko pa kung paano eh," he finally said.

Muling naningkit ang mga mata niya. Gamit ang kanyang mabilis na mga mata ay binistahan niya ang malinis na kalsada. Kung tatakbo kaya siya pabalik sa shop, tiyak na hahabulin siya nito. May kotse rin itong dala. Makatakbo man siya, madali na lang siya nitong mahahabol. But she has to take the risk, kung talagang gusto niyang makatakas.

When she looked at him, his eyes held the same challenge he gave her when they were at the parking lot yesterday. Mukhang may ideya ito sa balak niyang gawin. Pikit matang pumihit siya patalikod at nag-akmang tatakbo palayo rito. Ngunit gaya ng inaasahan niya, he didn't let her run away for the second time. Kasingbilis ng ginawa niyang pagpihit ang mga kamay nitong agad na humawak sa bewang niya. He effortlessly hugged her from behind and kept her still. Unable to ran away, she frustratingly turned around to face him.

But it was too late for her to realize that it was a wrong move. Dahil hindi niya natantiya ang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Their noses were almost touching, and with only one wrong move, their lips could touch in an instant. Napako ang tingin niya sa nagbabagang mga mata nito. Looking at him that close in the eyes made her feel crazy inside. Hindi niya alam na posible palang makaramdam ng takot at sensasyon ng sabay.

"I told you, hinding-hindi na ulit kita pakakawalan," he muttered huskily.

She blinked. Her confusion made her feel more afraid. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganoon na lamang kalakas ang pagdagundong ng tibok ng puso niya habang tinititigan ito. Hindi niya rin alam kung paano siya magre-react sa pagkakalapit nilang iyon. Her confuision made her brain freeze and malfunction. Without properly thinking, she hurriedly wound her arms around his sturdy shoulders. She caught him off guard. He instantly felt tense upon her bold act.

"I'm sorry, pero ito lang ang paraang alam ko para makatakas sa `yo," bulong niya.

Pagkasabi niyon ay walang babalang ibinaon niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at malapad nitong balikat. Kasunod niyon ay ang malakas na pagsigaw nito at ang patulak na pagbitaw nito mula sa pagkakahawak sa kanya.

Sunud-sunod itong napamura. Mabilis pa sa alas-kwatrong iniwan niya ang lalaki at patakbong tinungo ang daan pabalik sa shop nila. Kung maaabutan siya nito, bahala na! Basta, kailangan niyang makagawa ng paraan para makawala rito.

Habang tumatakbo ay hindi niya naiwasang mapahawak sa kanyang bibig. Bigla niyang naalala ang alagang si Dracula. Malapit na siyang maging katulad ng alagang aso, na kung saan-saan at kung sinu-sino na lang ang kinakagat. His shoulder would be fine, right?

Wala naman siyang rabies!