Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Chapter 4 - CHAPTER FOUR

ROSE HURRIEDLY ducked herself behind her precious flowers. Dumagundong ang tibok ng puso niya. Si Thorn ba talaga iyong nakita niya? She nervously peeked at the glass window to check if he was still there. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala na ito. She crinkled her nose. Bakit niya kailangang magtago? Wala naman siyang kasalanan dito ah!

"May problema ba?" untag ni Nicanor na kanina pa nagtataka sa inaakto niya.

Napailing siya. "W-wala. Magtrabaho na nga lang tayo," she dismissed.

"Oh, ano'ng nangyari? Tinotopak na naman ba si Ate?"

Naniningkit ang mga matang napatingin siya kay Daffodil na kapapasok lang sa shop. Kasunod nito si Daisy. "Wala ba kayong pasok?" sikmat niya.

"Ako wala," nakangising ani Daffodil. "Wala yung mga prof ko, may seminar."

"Ako meron," sagot naman ni Daisy.

"Oh, hetong baon mo." Inabutan niya si Daisy ng singkwenta pesos. "Huwag mo akong sisimangutan ng ganyan at baka samain ka sa akin," sikmat niya nang sumimangot si Daisy.

"Ate naman eh. Kulang ito," reklamo ng kanilang bunso kahit na lumuluwa na ang mga mata niya sa pagbabanta rito.

"Para sabihin ko sa `yo, noong ako pa ang nag-aaral eh—"

"—bente pesos lang ang baon ko! Ni hindi nga ako nagre-recess noon para makatulong kina Mama't Papa eh! Lalo na noong nagkasakit si Lolo," dueto ng dalawa kapatid niya.

"Ate, kabisado na namin iyang linya mo," ismid ni Daisy.

"Tsaka isa pa Ate, panahon pa ni kopong-kopong iyang kwento mo eh. Malaki-laki na kaya ang bente pesos noong kapanahunan mo. At noong maibalik ni Lolo ang dating sigla ng flowershop na ito, guminhawa na ang buhay natin, remember?" nag-roll eyes pa si Daffodil.

Not too long ago, Amor Eterno almost stopped operating. Noong magkasakit kasi ang Lola Camelia niya ay halos walang naging panahon ang kanyang Lolo Alejandro na patakbuhin ang flowershop. Matagal na nagkasakit ang kanyang Lola, kaya matagal ding napabayaan ang Amor Eterno. Inakala nila noon na hindi na muling makakabangon ang flowershop lalo na noong namatay ang kanyang Lola at naiwang may sakit ang kanyang Lolo Alejandro.

Ngunit makalipas ang tatlong buwan matapos mamatay ng kanyang Lola ay muling pinasigla ng kanyang Lolo ang flowershop bago ito bawian ng buhay. Bago ito pumanaw twenty years ago ay ibinilin nito sa kanila na huwag na huwag nilang hahayaang mawala ang flowershop. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Daisy na sambakol pa rin ang mukha.

"Dudukutin ko talaga iyang mata mo!" singhal niya. Kumuha siya ng isa pang singkwenta pesos at ibinigay iyon dito. "Ayan! Daming reklamo. Huwag na huwag akong makakakita ng kung anu-ano'ng Korean posters sa kwarto mo ah? Lalo na iyong mga EXO EXO na iyon! Kundi, malilintikan ka talaga!" banta niya. Paborito kasi nito ang nasabing Kpop group.

"Opo Ate," labas sa ilong na tango nito. "Sige, alis na po ako."

Nang makitang may balak sumuno ni Daffodil sa bunso nila ay agad niya itong sinita. "Oops oops oops! Saan ka pupunta?" nakapamewang na tanong niya.

"Ihahatid ko si bunso," Daffodil replied.

"Hindi. Dito ka lang. Samahan mo akong magbantay sa shop. Si Nicanor na ang bahalang maghatid sa kanya," utos niya. Padabog na naupo ito sa isa sa mga couch na naroon. Biglang tumunog ang telepono kaya hindi na niya nasita ang pagdabog na ginawa nito.

"Hello, good morning. Welcome to Amor Eterno," pagsagot niya sa tawag.

"Good morning Rose, this is Baileys," sagot ng swabeng boses mula sa kabilang linya.

Napatutop siya sa bibig at impit na napatili. Nagtatakang napatayo si Daffodil at napahangos sa tabi niya. Agad nitong nahulaan na si Baileys ang kausap niya sa telepono. Lagi naman kasing ganon ang reaksiyon niya sa tuwing nakakausap niya ang binata sa telepono.

Maging sina Daisy at Nicanor ay hindi pa agad umalis dahil may balak pang makitsismis ng dalawa. Kinakabahang nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago muling nagsalita.

"Y-yes, ano'ng maipaglilikod ko sa `yo?" kabadong tanong niya rito. Daffodil gave her a quirky look. She saw her sister roll her eyes again. Inis na sinipa niya ito sa paa. "Tumigil ka!"

"Ha? Tumigil ako?" gulat na tanong ni Baileys.

Napangiwi siya. "Ah…ay n-naku, hindi ikaw iyon. May makulit kasing costumer dito eh," nahihiyang palusot niya. "Pasensya ka na ah?"

"Okay lang. Anyway, napatawag nga pala ako para sana…"

Imbitahan akong kumain sa labas? Makipag-date? Kumain ng kwek kwek sa kanto? Waaah! This is it! "P-para?" excited na agaw niya sa sasabihin nito.

"Para sabihing may naiwan akong folder diyan. The yellow one. Iyong dala ko kanina?"

Kamuntik na siyang matumba sa narinig. Narinig niya ang pigil na pagtawa ni Daffodil sa tabi niya habang lumuluha na sa kakatawa sina Daisy at Nicanor matapos mag-high five. Pinagsamahang pagkapahiya at inis ang nagpapula sa mukha niya nang mga sandaling iyon.

"A-ah…ganon ba? Y-yeah, naiwan mo nga dito," aniya matapos tapunan ng tingin ang dilaw na folder na nasa tabi lang ng telepono.

"Great! Akala ko kung saan ko na naiwala. Can you hold it for me 'till I get it back?"

"O-oo naman! Don't worry, safe sa akin ito," excited niyang sagot. Her heart did a fist bump. Babalik ito sa shop! Makikita niya ulit ito!

"Thank you Rose. I always knew you're an angel."

"Ikaw talaga," kinikilig na aniya.

"Sige, babalikan ko na lang iyan. I'm on my way."

"S-sige. See you later. Mag-ingat ka na?" mahinhin niyang paalam. When she heard a click, she smiled. "I love you too. I super love you," anas niya.

Kinikilig na hinaplos haplos niya ang hawak na telepono. Kung hindi pa siguro inagaw ni Daffodil at ibinaba iyon at hindi pa siya magigising sa pangangarap ng dilat.

"Ano ba?" singhal niya.

"OA lang teh? Kung kiligin ka naman diyan para kang inayang magdate, duh!"

"Tumigil ka nga! Hambalusin kita ng tubo diyan eh. `Canor, ihanda ang pinakamaganda at pinakamabangong red rose natin. Iyon ang isasaboy mo sa pagbabalik ng iniirog ko."

"Iyong pinakamabaho at pinakamatinik ang kukunin ko," bubulong-bulong na ismid ni Nicanor. "Ako lang ang pwede mong paghandaan ng ganyan."

"Subukan mo lang at ng makatikim ka ng buhay na manok ng wala sa oras."

"Yuck, ang OA talaga ni Ate. Kinalaman naman daw ng buhay na manok sa banta mo?"

"Che! Lumayas na nga kayo rito! Babalik si Baileys ko, bawal ang istorbo!" Natatawang iniwan siya ng dalawa. "Makikita ninyo mamaya! Magkikiss kami. Torrid!" sigaw niya.

"Ewan ko sa iyo ate," tatawa-tawang iling ni Daffodil na naiwang kasama niya.

"ATE ATE ATE…"

"Ano ba? Busy ako. Hindi mo ba nakikitang nag-aayos ako ng mga bulaklak?" hindi lumilingong saway niya kay Daffodil. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng isang boquet ng daffodils na order ng isa sa mga suki ng shop nila.

"Eh kasi Ate…"

"Ano ba?" napipikang napalingon siya sa kapatid.

Ngunit gayon na lamang ang pagkatulala niya nang makita ang lalaking nakatunghay sa kanya mula sa entrada ng pintuan ng flowershop. Naibuka niya ang kanyang bunganga upang isara lamang dahil hindi siya makaapuhap ng pwede niyang sabihin.

"Kanina ko pa gustong sabihin na may naghahanap sa `yo, Ate."

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" bulalas niya nang makahuma siya.

"Ganyan ba kayo tumanggap ng costumer dito?" swabe nitong tanong. Ni hindi man lang yata ito apektado sa muling pagkikita nila, samantalang siya ay halos manginig na sa kaba.

Kabadong napatingin siya kay Daffodil. Kagabi pa siya kinukulit nito kung sino ang dahilan ng buong araw niyang pagkabadtrip kahapon. Ano kayang magiging reaksyon nito sa oras na malaman nitong ang lalaking kaharap nila ngayon ay ang dahilan?

"D-daffodil, asikasuhin mo ang costumer natin," utos niya sa kapatid bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang flower arrangement.

"So hostile. I wonder why Baileys always bragged about this small flowershop. Ni hindi nga marunong mag-estima ng costumer ang mga tao rito."

Nagtatakang napalingon ulit siya kay Thorn. "K-kilala mo si Baileys?"

Please say no, her mind silently prayed. Sana ay hindi nito kakilala si Baileys. Sana wala itong kahit na anumang koneksiyon sa lalaking pinakamamahal niya.

"He is my bestfriend," ngisi nito. "At naparito ako para kunin ang naiwan niyang folder."

Napaawang ang labi niya. Hindi niya naiwasang makadama ng pagkadismaya nang malaman na hindi si Baileys ang mismong bumalik sa shop nila. Andaming pwedeng maging bestfriend ni Baileys, si Thorn pa talaga? Anak nga naman siya ng kamalasan oh!

"Sana sinabi mo agad para naibigay ko na." Naglakad siya patungo sa counter at kinuha ang folder na kanina pa niya inihanda. "Oh, heto." Iniabot niya iyon rito. "Makakaalis ka na."

"Alam mo ba kung bakit ako nagpresintang kunin ito para kay Baileys?" Napatigil siya sa paglalakad at muling napalingon rito. "Dahil gusto kong maningil," mapanganib na turan nito.

Natatarantang napalingon siya kay Daffodil na nang mga oras na iyon ay nakakunot na ang noo habang mataman silang pinapanood. Damn! Bakit kasi si Nicanor pa ang inutusan niyang maghatid kay Daisy? He would've been helpful to her, lalo na sa mga ganoong pagkakataon. Hindi kasi nito hinahayaang may ibang lalaking lumalapit sa kanya ng basta basta.

"A-ano ba'ng sinasabi mo?" pagmama-ang maangan niya. She cautiously stepped back.

"Don't play innocent." Tumalim ang tingin nito.

"D-daffodil…" nanghihinang tawag niya sa kanyang kapatid.

Ngunit bago pa man makalapit sa kanya ang kapatid ay mabilis ng hinablot ni Thorn ang kamay niya at hinila siya palabas ng shop. Napasigaw sila ni Daffodil dahil sa kabiglaan.

"Bitiwan mo ang Ate ko!" natatarantang sigaw ni Daffodil.

"Don't worry, ibabalik ko din siya kapag bayad na siya sa utang niya sa akin."

"Ha?" natulala ang kapatid niya dahil sa isinagot ni Thorn, samantalang siya ay hindi pa rin halos makapagsalita dahil sa sobrang pagkabigla. Kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang magpatianod sa ginawang pagpapasakay sa kanya ni Thorn sa loob ng magara nitong sportscar.