"MAY DALA ka bang cherry bomb Ate?" tanong ni Daisy kay Daffodil. "Pasasabugin ko na ang zombie na ito."
Umiling ang huli. "Huwag. Baka biglang mag-Michael Jackson zombie yan."
Signored her younger sisters. Si Daffodil, na limang taon ang ibinata sa kanya, si Daisy naman ay disi-syete na. Kagabi pa siya inaaasar ng mga ito. Naningkit na ang mga mata niya.
"Kapag hindi ka pa rin tumigil diyan, sasamain ka na talaga sa akin," banta niya.
"Wow, nakakatakot. Mukha na ngang zombie, nagbabanta pa," tawa ni Daisy.
Inis na dumampot siya ng isang throw pillow at ibinato iyon sa tatawa-tawang kapatid. "Isa ka pa!" sigaw niya rito. Marahas siyang napaahon mula sa pagkakaupo sa kanilang mahabang sofa. "Makaalis na nga! Lalo akong mababaliw sa inyong dalawa eh!"
"Ano na naman ang ginawa ninyo sa Ate ninyo?" nagtatakang bungad ng kanilang inang si Hyancinth nang pumasok ito sa kanilang sala.
"Iyang dalawang iyan, `Ma, ginugulo ako," nanunulis ang ngusong sumbong niya.
"Sumbungera!" nakalabing irap ni Daffodil. Nang-iinis na nginisihan niya ito. Siya kasi ang poborito ng kanilang ina. Siya ang madalas nitong kampihan, samantalang si Daffodil ay kakampi naman lagi ang kanilang ama. Si Daisy ay paborito ng parehong mga magulang nila.
"Halika ka dito Daffodil. Ano na naman ang ginawa mo sa Ate mo?"
Natatawang lumabas siya at iniwan ang nakayukong kapatid habang naipapasailalim sa panenermon ng kanilang ina. Ngunit agad ding nawala ang ngiti niya ng maalala kung bakit nagmumukha siyang zombie nang umagang iyon. Paano'y hindi siya nakatulog noong nagdaang gabi. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi. That jerk stole her first kiss.
She irately stomped her feet. Ang walanghiyang iyon! Nang napapikit siya ay hindi niya napigilan ang sariling balikan ang mga nangyari sa pagitan nila ni Thorn noong nagdaang gabi.
Parang may nalunok siyang fireworks na biglang sumabog palabas sa ulo niya nang sandaling magpang-abot ang kanilang mga labi. Isang hindi maipaliwanag na kilabot ang dahan-dahang gumapang sa katawan niya. Iyon ang unang beses na may labing nakadampi sa mga labi niya. Kaya hindi niya alam kung paano bang tugunin o tanggihan ang paggalaw at pagmamanipula ng ekspertong mga labing iyon sa ibabaw ng mga labi niya.
Her hands, which seemed to have a mind on its own, snaked around his sturdy nape, para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay mabubuwal siya. Kailangan niyang kumapit, nakakahilo kasi ang sensasyong hatid ng halik nito. Just right when she did that, napaungol ito at mas lalong nag-alab ang pananaliksik ng mapusok nitong mga labi.
A throaty moan escaped her lips. Nahindik siya sa kanyang sarili nang magkusang tumugon ang mga labi niya sa halik nito. What was she doing? Imbes na itulak ito palayo ay ine-enjoy niya pa ang mga halik nito! But damn, his kisses were ecstatic.
Everything seemed to have gotten smoothly between their conversing lips when suddenly, she felt his hand caressed her butt. Ang virgin niyang pwet! Iyon ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. He was kissing her for punishment, not for pleasure!
Kaya wala siyang karapatang magpatangay sa panunudyo nito. Without even thinking, nagawa niyang kagatin ang dila nito nang magsimula iyong galugadin ang loob ng bibig niya. Marahas siyang naitulak ni Thorn dahil sa ginawa niya. Sunud-sunod itong napamura.
Dali-dali siyang yumuko upang pulutin ang nahulog niyang susi, agad niyang binuksan ang kanyang mini-truck at pinaharurot iyon palayo sa nagmumurang lalaki.
Nagtatagis ang bagang na napamulagat siya. Kapag nakita niya ang lalaking iyon, babalatan niya talaga ito ng buhay, puputulan ng dila at wawasa `kin ang kamay! Imbes na pag-aksayahan ng panahong i-murder sa isip niya si Thorn ay napagpasyahan niyang tumungo na lamang sa kanilang maliit na flowershop. Kanugnog lamang iyon ng kanilang abang tahanan. Isang maluwang na hardin ang namamagitan sa bahay nila at sa shop.
"Good morning princess!" masiglang bati ni Nicanor nang makita siya nito.
Nasa labas ito ng shop, abalang nagwawalis sa kanilang bakuran. Errand boy, bantay at delivery boy nila ito sa flowershop. Kapitbahay at kababata niya rin ito. Ito ang humalili sa dating trabaho ng ama nito noong nabubuhay pa ang kanyang Lolo Alejandro. Matagal na itong nagpahayag ng pagkagusto sa kanya ngunit hanggang kaibigan lamang ang tingin niya rito.
"Walang good sa morning ko,��� irap niya, sabay pasok sa loob.
"Ngumiti ka naman sa akin. Pampabuenas lang," habol nito sa kanya hanggang sa loob ng shop. "Para sa pinakamagandang rosas sa buong mundo." Inabutan siya nito ng isang puting rosas na batid niyang kinuha lang nito mula sa kanilang mga paninda.
"Ibalik mo iyan kung ayaw mong ibawas ko iyan sa sahod mo."
"Handa akong bayaran ito tanggapin mo lang ang iniluluhog kong pag-ibig sa `yo."
"Nicanor naman! Huwag ka ng sumali sa mga taong sumisira sa araw ko, pwede?" naiiritang angil niya rito. May mga araw na natutuwa siya sa panunudyo nito ngunit may mga araw ding hindi kaya ng aburido niyang utak ang kakulitan nito.
Bago pa man ito masagot ay tumunog na ang wind chime sa kanilang shop, hudyat na may pumasok kaya kahit paano'y nabasag ang katahimikan at malamig na atmospera sa pagitan nila. Agad na dumagundong ang puso niya nang makilala ang lalaking pumasok.
It was Baileys Ricaforte, her ultimate crush since time immemorial. Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Ang tanging lalaking nakakapagpawala ng bad mood niya at ang tanging lalaking itinitibok ng puso niya. Naging kaklase niya ito noong nasa elementary pa siya. Napakabait nito, walang kaartehan sa katawan kahit na anak ito ng isa sa mga pinakamayamang tao sa lugar nila. His family was the second most powerful family in their place.
"Good morning Rose!" nakangiting bati nito sa kanya.
Her heart did a somersault from exhilarating joy. Namiss niyang titigan ang maamo nitong mukha at malanghap ang napakabango nitong buhok na may kahabaan. Kailan kaya niya magagawang haplusin ang buhok nitong mas maganda pa sa buhok niya?
"G-good morning," nahihiyang bati niya rito.
"You look pale. Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos kagabi ah?" puna nito.
It has always been like that, pinagpapawisan siya at halos panawan siya ng ulirat sa tuwing nakakaharap niya ang kagwapuhan nito. Maarteng hinawi niya ang kanyang bangs at binigyan ito ng pang-toothpaste commercial na ngiti, with matching pasimpleng beautiful eyes. Sa loob ng halos labindalawang taon ay hindi siya kinulang sa pagpapakita ng motibo na gusto niya ito kaso ay hindi naman nito napapansin ang pagpapa-cute niya rito.
Sa buwan buwang pag-uwi nito sa San Jose mula nang magpasya itong manirahan sa Maynila ay hindi nito nakaligtaang dumaan sa flowershop nila kaya naman hindi mamatay-matay ang munting pag-asa sa puso niya na may gusto rin ito sa kanya.
Why else would he go there and buy flowers? Marami namang bulaklak sa Maynila, kaya bakit sa kanila pa ito bumibili? Sa tuwing naiisip niya ang tanong na iyon ay may iisang sagot siya—he liked her too. Siguro ay naghihintay lang ito ng tamang panahon para mag-confess ng undying love nito sa kanya. Well, handa naman siyang maghintay.
"Binangungot kasi ako eh," sagot niya.
"Ang landi mo!" narinig niyang bulong ni Nicanor sa tabi niya.
Inis na siniko niya ito at palihim na inirapan. "Tumigil ka!" ganting-bulong niya bago hinarap si Baileys. "Pasensya ka na kay `Canor, palabiro masyado," disimuladong tawa niya.
Napangiti si Baileys sa palusot niya. Marahan nitong ibinaba ang hawak na folder sa ibabaw ng counter. "Pasensya ka na, sa kamamadali ko ay pati ito nadala ko," pagak nitong tawa. "So, tungkol saan naman iyong bangungot mo?" amused nitong tanong.
Kagyat siyang napasimangot nang maalala si Thorn. "Tungkol sa isang manyak na halimaw na ang sarap ipakain kay Dracula," ismid niya.
Si Dracula ang pinakamamahal na alagang aso niya. Isa iyong Danish Broholmer na regalo pa sa kanya ng kanyang daddy noong 18th birthday niya. He was her bestfriend.
"Mukhang bangungot nga iyon," natatawang sang-ayon ni Baileys.
His laugh was like music to her ears. Palihim niyang pinagmasdan ang kanyang pinakamamahal na si Baileys. Lalo itong gumagandang lalaki kapag tumatawa ito. Smiling face kasi ito, kahit hindi tumatawa ay para itong laging nakangiti. Mukha itong angel, sobrang bait ng mukha. Parang hindi ito marunong gumawa ng kasalanan. And he was very gentle in everything.
Mayamaya ay binalingan ni Baileys si Nicanor na nanghahaba na ang nguso sa likuran niya. "Gaya ng dati, Nicanor," ngiti nito sa kasama niya.
Isang marahang tango lang ang isinagot ni Nicanor kay Baileys na hindi itinago ang pagseselos sa binata. Lumabas ito mula sa counter at inihanda ang bouquet ng tulips na madalas orderin ni Baileys sa flowershop nila tuwing dumadaan ito sa kanila bago ito umuwi ng Manila.
"Oh," halos padarag na abot ni Nicanor sa bulaklak kay Baileys.
Naiiling na inabot ni Baileys ang bouquet mula kay Nicanor. Mayamaya ay binalingan siya nito. "Sige, alis muna ako. Dadaan na lang ulit ako kapag bibili ako ng bulaklak."
"A-aalis ka na agad?" malungkot niyang tanong rito.
Natigilan ito. "E-eh kasi, may kasama ako sa labas. Sumama kasi sa pag-uwi ko rito sa San Jose ang kaibigan ko mula sa Maynila. Actually, galing pa siya sa New York. Kaya naisin ko mang magtagal ay hindi ko magagawa. Isa pa ay nagmamadali rin kami," paliwanag nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang marahang tumango at bigyan ito ng isang pilit na ngiti. Nakakahiya naman kasi rito kung pipigilan niya itong umalis.
"S-sige. Mag-ingat ka," malungkot niyang wika.
Ngumiti ito. "Salamat," he said. Nakatalikod na ito at nagsimulang maglakad palabas nang bigla itong natigilan at tsaka napalingon sa kanya. "By the way, you look beautiful with that yellow dress. Mas lalo kang pumuti," kindat nito bago tuluyang lumabas ng shop.
Tila naeengkantong napahawak siya sa suot na damit. Then her shaking hands went to her face—mainit ang magkabilang pisngi niya. God, she was blushing! Napatili siya sa sobrang kilig. Iyon ang kauna-unahang pinuri nito ang kaputian niya. Napatakbo siya sa glass window ng kanyang shop at sinilip pang muli ang noo'y papaalis nang lalaki. Sa huling pagkakataon man lang ay makita niya ito. Tiyak niya kasing next month pa ulit ito makakabalik ng shop.
Ngunit sa halip na kilig ay iba ang nadama niya sa kanyang nakita—shock, frustration and anger filled her heart. Dahil imbes na ang killer smile ni Baileys ang nakita niya ay ang nakakunot-noo at nakabusangot na mukha ni Thorn ang bumalandra sa kanya.
At sa pinakamalas-malasan pa ay huli na nang maisipan niyang magtago dahil mula sa malinaw na glasswindow ay kitang-kita niya ang pagkagulat na bumalatay sa mukha nito nang magtama ang parehong nanlalaking mga mata nila.
Si Thorn kaya ang sinasabi ni Baileys na kaibigan nito?