Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 1 - CHAPTER ONE

ROSE'S THORN PHR

🇵🇭EX_DE_CALIBRE
  • 24
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 68.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER ONE

PALINGON-LINGON si Rose habang binabagtas ang daan papasok sa Comida del Jardin—isa sa mga pinakasikat na hotel sa bayan nila, ang San Jose. Hindi niya pansin ang interesadong tingin ng mga tao sa kanya. Alam na niya ang epekto ng mukha niya sa ibang tao.

Hindi naman sa pagmamayabang ngunit marami ang nagagandahan sa kanya. Many said that she had the face of an angel or of a goddess. Her skin was as smooth as porcelain, and as white as snow. May lahi kasi silang kastila. Her grandfather was half-Spanish half-Filipino. She has long, shiny black hair. Hanggang bewang ang haba niyon at natural ang pagiging kulot.

Her eyelashes were thick and long and enticingly beautiful. Perpekto ang kurba ng mga kilay niya na kasing itim ng buhok niya. Matangos ang kanyang ilong na may mumunting pekas pa sa tuktok. Her cheeks were naturally pinkish, just like her full lips. And a sexy cleft chin went for a kill—iyon ang sinasabing pinaka-highlight ng napakaganda niyang mukha.

She had brown eyes, na namana niya sa kanyang ina na namana rin nito sa kanyang yumaong Lolo. Nagbabago ang kulay niyon depende sa emosyon niya. Her brown eyes always turned darker—almost black—whenever she's angry. Namumusyaw naman iyon at nagiging light brown sa tuwing natutuwa siya. Trade mark iyon ng pamilya nila. Lahat sila ay may ganoong klase ng mga mata, mula sa kanyang Mama hanggang sa dalawang kapatid niya.

Nang mapadako ang tingin niya sa hawak na isang bungkos ng mababango at mapupulang rosas ay kagyat siyang napangiti. Trade mark din ng pamilya nila ang mga bulaklak. They owned an old flowershop named Amor Eterno which meant Eternal Love in Spanish. Her grandfather originally owned it. Ayon sa kwento ng nanay niya ay iyon daw ang simbolo ng pagmamahalang wagas ng lolo't lola niya ilang taon na ang nakararaan.

Kamakailan lang naisalin sa pangalan niya ang flowershop na iyon. It was her dream came true dahil simula pa man noong bata siya ay mahal na mahal na niya ang negosyong iyon. Iyon ang naging regalo ng kanyang ina sa kanya noong 25th birthday niya. Nagtapos siya ng Business Administration dahil alam niyang balang-araw ay siya ang mamahala ng Amor Eterno.

Napalinga siya sa paligid. Nagkataong may kliyente siyang kakausapin sa kalapit na restaurant kaya siya na ang nagpresinta kay Nicanor, ang kanyang kasa-kasama sa flowershop, na magdeliver ng bulaklak na iyon. Nalukot ang kanyang ilong nang maalala ang kanilang costumer. Her costumer was a prick. Gusto nitong ideliver ang mga bulaklak sa eksaktong oras na itinakda nito. Ni ayaw nitong for pick-up na lang ang mga bulaklak sa front desk kagaya ng mga dating ginagawa ng mga suki nila sa hotel na iyon. Kung hindi lang talaga galanteng magbayad ang maarteng costumer niya, nunca siyang mapapapayag sa pag-iinarte nito.

Nakadagdag inis pa niya iyong pahabol ng kanyang kapatid na si Daisy bago siya umalis.

"Ate, it's your destiny to give those flowers to our customer. Malay mo, sa restaurant na iyon mo makikita ang man of your dreams."

Mas naniniwala pa siya sa kapangyarihan ng anting-anting kesa sa destiny na sinasabi ng kapatid niya. Her youngest sister was a trueblood fanatic of destiny. Lahat ng bagay, ayon dito, ay nakatakda na ayon sa tadhana. Kahit ang pagdedeliver niya ng bulaklak!

"Daisy, tantanan mo ako sa kaka-destiny mo, pwede? Hindi totoo ang destiny. Choice ko ang pumayag na ideliver ang bulaklak na ito. Kaya kung may makilala man akong prinsiper o kung sino mang Pontio Pilato, walang kinalaman ang destiny doon. It's my choice. Okay?"

"Bahala ka, pero alam kong lahat ng bagay sa mundo ay nakatadhanang mangyari."

Dahil alam niyang hindi siya mananalo sa kapatid ay hinayaan na lamang niya ito. Tadhana? She smirked. Nangyayari ang mga bagay dahil iyon ang ginusto niyang mangyari. Nabu-bwisit siya dahil nagpresinta pa siyang magdeliver ng bulaklak. At siya, makikilala raw ang "man of her dreams" niya sa lugar na iyon? Daisy must be out of her mind.

May Baileys Ricaforte na siya, ang sinisinta niyang tunay. Ito ang lalaking mapapangasawa niya. Hinding hindi niya pwedeng ipagkatiwala sa tadhana ang kapalaran niya kay Baileys dahil alam niyang hindi niya ito makukuha kung tutunganga lang siya, kailangan niyang kumilos. Ang tahdana ay para lang sa mga taong tamad na wala ng gustong gawin kundi ang maghintay sa resulta ng isang bagay na hindi naman nila pinaghihirapan.

"Good morning ma'am. Welcome to Comida del Jardin," magalang na bati ng guard on duty sa kanya. "Have a nice day!" pinagbuksan siya nito ng pinto.

She smiled at him. Nang makapasok siya ay nilapitan siya ng usherete sa restaurant. "Excuse me, may nagpareserve ba dito na nagngangalang Mr. Sta Ana?" tanong niya rito.

"Ah…si Miss Sta Ana?" Tinignan nito ang hawak niyang bouquet. "Yes, she's waiting for you. Naroon siya sa pinakadulong table. She's the lady in red. Punta ka na lang daw doon."

Napanganga siya. Sinabi ba nitong isang "Miss" ang nag-order ng bulaklak na hawak niya? Akala niya ay isang prinsipe ang may balak magpropose! Nasabi kasi ni Nicanor na pang-wedding proposal ang boquet ng bulaklak kaya inakala niya agad na lalaki ang umorder. Bagamat nagimbal siya sa kanyang nalaman ay hindi niya iyon ipinahalata sa usherette.

She faked a smile. Nagpasalamat siya sa babae bago tinahak ang daan patungo sa table na itinuro nito. Ngunit kung inakala niyang kagimbal-gimbal na ang nalaman niya kanina ay di hamak na mas nagimbal pa siya dahil sa naabutan niyang eksena.

"Please Thorn, don't do this to me," sumamo ng babaeng nakapula habang umiiyak.

"Grabe, sa ganda niyang iyan, nagmamakaawa siya sa harap ng isang lalaki?" hindi makapaniwalang bulalas ng isip niya. She eyed the girl and shook her head vehemently.

Para itong live mannequin sa sobrang ganda. Sopistikada itong tingnan at mahahalatang galing sa isang buena pamilya base na rin sa kilos at pananalita nito. Pero halatang fake ang iyak nito, isang bagay na nakapagpataas ng kilay niya. She knew a fake actress when she saw one—at nang mga panahong iyon ay nakapapanood siya ng isang live but fake teledrama.

Nakatalikod sa kanya ang lalaking kausap ng nakapulang babae kaya hindi niya agad nabistahan ang hitsura nito. Siguro naman ay kasing gwapo ito ni Channing Tatum. Kung hindi ay baka bigla siyang maghara-kiri sa harap ng mga ito sa sobrang frustration. Tutol siya sa mga babaeng naghahabol sa mga lalaki kaya hindi niya matatanggap na masasaksihan niya ang pagkabigo ng isang mala-dyosang babae dahil sa pagtanggi ng isang alimango lang.

"You knew from the very start that what we have isn't like what you read in fairytales, Mica. Everything about us is just…nothing, right? Matagal mo namang alam na hindi ako papatali sa `yo. So why are you doing this to me?" yamot at tila napipikang sumbat ng lalaki.

Good gracious, the man's voice spoke bedroom acrobats and pulsating veins! It was the sexiest bedroom voice she's ever heard, well, not that she's heard any bedroom voice for real. Ngunit kahit ano'ng ikinaganda at ikina-sexy ng boses nito ay hindi niya pa rin napigilang mapailing sa isinagot nito. Ang sama naman kasi ng bibig nito eh.

Kung makapagsalita ito, parang walang ibang taong nakakarinig sa pagpapahiya nito sa babaeng costumer niya. Hindi siya nakuntento sa boses nitong may Christian Grey effect. Kailangan niya ring mabistahan ang hitsura nito para naman marasonan niya ang pagpapakatanga ng babaeng pekeng umiiyak sa harap ng maraming tao.

Nabuhay ang katawang tsismosa niya kaya pasimple siyang naglakad palapit sa mga ito at pumwesto sa anggulo kung saan makikita niya ang mukha ng lalaking may kakayahang bastedin ang tila isang dyosang kagaya ni Mica Sta Ana. He must be really gorgeous, kung hindi ay baka mabatukan niya ng hindi oras ang babaeng nagpi-feeling artista sa pag-iyak ng peke.

Nang magkaroon siya ng pagkakataong makalapit at makita ang hitsura ng lalaking tinawag ni Mica na Thorn ay awtomatiko siyang napasinghap. Literal na napigil niya ang kanyang paghinga lalo na noong napagmasdan niya ang mukhang taglay nito.

Ano'ng panama ni Alex Pettyfer sa well-toned body nito? Ano'ng panama ng charms ni Matt Bomer sa sex appeal nito? Walang kwenta ang pinagsamang ka-sexy-han nina Jason Statham at Robert Downey Jr. sa tikas at dangerously sexy lips na taglay nito. His cold and penetrating black eyes added to his oozing charms and sex appeal. Para lang siyang nagbabasa ng isang mamahaling magazine. Why, he looked like he just came out from cosmo.

"But I love you. Can't you get it? Mahal na kita. When you came into my life, I already knew that it's you whom I'd spend my life with. N-noong mabangga mo ako sa bar at matapunan ng whiskey, hindi mo ba alam ang ibig sabihin no'n, Thorn? It's destiny!"

Napasimangot siya sa isinagot ni Mica sa lalaking tinawag nitong Thorn. Isa rin pala itong baliw sa destiny eh. Kung naroon marahil si Daisy, sinamahan na nitong makibaka ang babaeng costumer nila sa pagpapaliwanag sa lalaki kung gaano kalakas ang powers ng destiny.

"Mica, it's not destiny," hindi makapaniwalang iling ni Thorn. "It's called strategy. Sinadya kong matapunan ka ng whiskey nang gabing iyon dahil unang tingin ko palang sa iyo ay alam ko ng magiging masaya ako kapag nakasama kita. We had some fun, right? Pero nawala na ang fun na sinasabi ko dahil sa paniniwala mo sa lintek na destiny na iyan!"

Marahan siyang napatango. Sa puntong iyon ay panig siya sa lalaki. Pareho silang hindi naniniwala sa tadhana, ibig sabihin ay katulad niya itong realistiko. Muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaki. Gwapo ito, mayaman, straight forward magsalita at mukhang may paninindigan. Kung wala lang siguro siyang Baileys, malamang na matipuhan niya ito.

"B-but I love you," Mica pleaded.

"All I wanted from you was fun. It's all I could give you too. I can't give you love, you know that. I c-can't accept it too." Napipikang napabuntong-hininga si Thorn.

Biglang natigil ang pagpapantasya niya sa lalaki nang biglang dumapo sa gawi niya ang matalim na tingin nito. She almost choked on her breath when those wintry eyes held hers. Hindi siya iyong tipo ng taong madaling sindakin. In fact, palaban siya at bibihira siyang nawawalan ng sasabihin o natitigilan sa harap ng ibang tao. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang nanigas dahil lang sa simpleng pagtitig nito sa kanya. At ang traydor niyang pisngi, nagawa pang magmaganda at mamula dahil sa titig nitong nakakamatay!

"And who the hell are you?" sikmat nito sa kanya, obviously irritated by her presence.

"I…a-ano, uh…d-delivery for Miss Sta. Ana," she stammered.

She cursed under her breath. Kelan pa siya nataranta nang ganon sa harap ng ibang tao? Sabagay, hindi naman yata tao ang nasa harap niya ngayon kundi isang anghel na ubod ng kakisigan at ubod ng bango. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang linisin ang agiw sa kanyang utak at natatarantang iniabot ang hawak na bungkos ng mga rosas sa noo'y umiiyak nang babae.

"Para sa akin ba iyan?" asik ng gwapong lalaki sa tumatangis na babae.

The miserable lady nodded. "P-please Thorn, honey, don't do this to me. I've p-prepared everything for you. F-for our engagement. Isn't this sweet?" Iminuwestra nito ang paligid nila. May mga dekorasyon sa paligid, mukhang pinaghandaan nga ang proposal. There was even a banner held by some of the hotel staffs. Naka-freeze nga lamang iyon dahil sa sagot ni Thorn.

Akmang aabutin ni Mica ang bungkos ng bulalak mula sa kanya nang bigla na lamang iyong hablutin ng namumula sa galit na si Thorn mula sa kaniya. Parehong nanlaki ang mga mata nila ni Mica sa ginawa nito. Napatitig siya sa bungkos ng mga rosas na mahigpit na hawak Thorn. Pinipigilan niya ang kanyang sariling hablutin iyon mula sa lalaki.

"Hindi ko hiniling na gawin mo ito," matigas na sagot ni Thorn. "Ni hindi sumagi sa isip ko na gagawin mo ang ganitong klase ng pagpapakababa sa harap ko. Kailanman ay hindi tayo mai-engage sa isa't isa dahil unang una, wala akong planong pakasalan ka. Pangalawa, I resent marriage and finally, I loathe cheap girls like you! Sino ka para ilagay ako sa alanganing sitwasyong kagaya nito? Ni hindi mo na inisip ang mararamdaman ko!"

"B-but Thorn, honey it's—"

"Let's just stop it, Mica!" walang pakundangang sigaw nito. Ni hindi nito alintana ang mga ulong biglang nagsilingunan sa gawi nila. Inis na inihagis nito ang mga bulaklak sa sahig. The roses lost some of its beautiful red petals on the floor. "Everything's over between us. Move on and forget about me. Huwag ka na ulit magpapakita pa sa akin. We're over."

Iyon lang at walang lingon-likod na naglakad palayo ang binata. Ni hindi nito tinapunan ng tingin iyong mga rosas na walang awa nitong ibinalibag sa malamig na tiled floor ng restaurant na kinaroroonan nila. While Mica cried harder beside her—she guessed that at that time, it was already for real—siya naman ay parang naitulos sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan.

Bakit bumibili ang mga tao ng bulaklak? Hindi ba't para ialay iyon sa mga taong mahal nila? At sa pagkakaalam niya ay kasiyahan ang nararamdaman ng mga taong nabibigyan ng mga bulaklak. Iyon ang isa sa mga visions ng flowshop nila—to spread love. Kaya talagang nawasak ang puso niya sa kanyang nasaksihan. Iyon ang kauna-unahang nakakita siya ng kalunus-lunos na kalagayan para sa mga pinakamamahal niyang bulaklak.

Ang mga rosas ko, ang mga pinakamamahal kong mga kaibigang bulaklak! Ang mga bulaklak na kay tagal niyang diniligan, inalagaan mula sa mga peste para lang gumanda. Napaluhod siya kung saan walang kalaban-labang bumagsak ang mga rosas niya sa sahig. Sa nanginginig na kamay ay pinulot ang mga rosas mula sa sahig.

Hindi ba nito alam kung gaano kahirap magdilig ng mga bulaklak? Kung ilang oras ang ginugol niya para lang kausapin ang mga itong tumubo ng maganda at maayos para mapasaya nito ang sinumang tatanggap rito? She clenched her fists. Her roses were made to make people happy and loved, not to be thrown on the floor just like a junk!

Hindi siya lumaking nakikipagsabunutan sa mga kaklase niya noong bata siya sa tuwing naninira ang mga ito ng bulaklak para lamang tumanga sa papaalis na lalaking walang awang sumira sa mga alaga niyang rosas! Agad na naghari ang galit niya para sa walang pusong lalaki na nagawang magpaiyak ng isang babae at itapon ang mga rosas niya sa mismong harapan niya.

"Hoy!" sigaw niya, making the people around them look at her, creating another scene. Sa pagkakataong iyon ay siya na ang bida at hindi na lang basta audience. Wala siyang paki!

"Are you talking to me?" nananantiyang anang lalaki na biglang napatigil sa paglalakad at napalingon sa kanya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang sa paa at pabalik.

His eyes narrowed and threw her an are-you-really-talking-to-me-or-you're-just-crazy-to-do-that-look. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay napalunok na siya at biglang nabahag ang buntot. Pero iba ang sitwasyon niya ngayon, not when her beloved roses were involved.

At that moment, she was seeing red. At wala siyang ibang gustong gawin kundi ang ihambalos din ang mukha nito sa sahig kagaya ng ginawa nito sa mga alaga niyang rosas.

Hindi niya alam kung saan niya nakuha iyong basong may lamang iced tea, malamang sa katabing mesa niya, ngunit nagawa niyang ibuhos ang laman ng basong iyon sa mukha ng lalaking nagtapon sa mga rosas niya sa sahig. Damn, ni hindi niya nga rin maalala kung paano siyang nakalapit rito gayong kanina pa ito naglalakad palabas ng restaurant. Feeling niya ay naging super saiyan siya sa sobrang bilis niyang kumilos. Lahat ay napasinghap sa ginawa niya.

"That is for making that girl cry."

Lumapit siya sa gulat na binata at malakas na sinapak ito sa mukha.

"And that's for destroying my roses in front of me," chin-up na deklara niya bago nagmartsa palabas. Ha! Served him right!