"Guys una na ako." pagpapaalam ko.
"Don't you want to bond with us?" maarteng saad ni Zarina.
"Sorry but I have to go, I have so many stuffs to do at home. Ahmm..maybe next time?"
"Go on honey we don't need you here. By the way thanks for doing a great job to our research."
"Wait what? Did you used me? Karina?" halos manginig ang kalamnan ko sa narinig ko.
"Oh poor dear." nagtawanan silang tatlo.
Tumakbo ako palabas sa bahay nila Karina saktong bumagsak ang malakas na ulan. Halos hindi ko na makita ang daanan sa sobrang lakas ng ulan at sinamahan pa ng mga luha ko.
Hindi ko narinig ang busina kaya sinigawan ako ng driver. "Magpapakamatay kaba? Lumayas ka sa daan. Napaka perwisyo mo." sigaw nito sa akin.
Tinahak ko ang malamig at madilim na daanan, nagulantang ako dahil may babae akong nakita at mukhang naabutan din ng ulan.
Nahimatay ito kaya tumakbo ako upang lapitan. Pero hindi ko napansing may paparating palang sasakyan at nabunggo ako nito.
Nanlalabo ang aking mga mata pero kita ko ang babaeng nahimatay kanina na masiglang nakatayo at nakangisi sa akin bago ako bawian ng malay.
Nagising ako sa boses ni Tita Stella. "Napaka perwisyo! Wala na nga tayong panggastos sa pang araw -araw dadagdag pa ito? Punyetang buhay naman oh!" Sigaw niya.
"Ina..kamusta pakiramdam mo?" napansin ako ni kuya Franco dahil siya ang pinaka malapit sa akin.
"Oh gising kana pala Ina! Isipin mo kung paano mo babayaran itong bill dito sa hospital ha?!" sarkastikong saad ni tita Stella.
"Ma naman! Pwede bang pag pahingain muna natim si Ina? Na desgrasya yung tao oh.." suway ni kuya Franco.
"Anong-" naputol ang sasabihin nito dahil pumasok ang nurse.
"Ahm excuse me po. Wag na po kayong mag alala sa bill niya. Bayad na po." singit ng nurse.
"Ay mabuti kung ganoon!" sabat ni tita.
"S-sino po ang nagbayad?" utal kong saad.
"Hindi po pinasasabi kung sino eh.."
"Mag pasalamat ka na lang Ina! Dami mo pang tanong.!" natahimik ako sa sinabi ni tita.
"Mag pahinga ka nalang muna. Hayaan mo muna si mama." sinunod ko ang sinabi ni kuya Franco.
Bigla akong nakatulog at sumulpot muli ang babaeng nakita ko sa daan sa panaginip ko. "Sino ka?" tanong ko.
"You will know me soon darling." nakangisi niyang saad.
"Diba nahimatay ka kanina? Paano ka nakatayo bigla?" kunot noo kong tanong.
"You don't know? Anak ka ba talaga niya?" parang iritadong bulong niya.
"Sino?"
Hindi ko nakilala ang tatay ko simula ng ipanganak ako. At ang nanay ko naman ay basta nalang akong iniwan kina tita Stella, nalaman ko ito lahat dahil sinabi sa akin ni kuya Franco kaya desidido akong hanapin sila.
Pero mukha at pangalan lang ng nanay ko ang alam ko. Ni isang detalye sa tatay ko ay wala akong alam.
"Aisshh..si Master na ang bahala sayo."
"Sinong Master?"
Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti at napansin kong may tatoo sila sa leeg niya na isang ahas saka siya lumisan, at saka ako nagising.
Sino ang tinutukoy niya? Anak ako nino? Yung Master ba?