Chereads / Class of Sins / Chapter 2 - Chapter 1: Meet the Class-A

Chapter 2 - Chapter 1: Meet the Class-A

"Mag t-tatlong araw na simula nung enrollment hija bakit ngayon mo pa naisipang mag enroll?"

Kaya lang naman ako lumipat sa marangyang school na to ay dahil nilipat ng distino si mama sa pinagtratrabahoan niya at nakita nung manager nila na medyo masipag ako mag aral kaya ginawa niya akong scholar.

Sasagot palang sana ako pero dumating na kami sa classroom na papasokan ko.

Class 4-A

Naks nakachamba pa ako, sabi nila gifted class daw dito eh. Tahimik na klase ang bumungad saamin ng teacher na kasama ko kanina parang inaabangan pa nilang dumating ang teacher, sabagay ano nga bang maasahan mo sa section A edi mga estudyanteng mababait.

"Everyone listen up we have here two transfered students i hope you'll get along"

Dalawa pala kami transferee edi ayos lang akala ko magiging loner naman ako this school year eh.

I raised my hand to call the teacher's attention "Ma'am? Hindi po ba ako magpapakilala"

Tinigil naman niya ang pagsusulat sa board una kong napansin kanina sa board ay ang nakasulat na I will find you red chalk ang ginamit kaya kapansin pansin talaga kung papasok ka palang ng room.

"Yes...okay introduce yourself miss"

Humarap ako sa klase at yung facial expression nila ang seryoso masyado ganito ba talaga sa private schools? Akala ko pa naman kapag transferred student babatohin ka ng papel sa harapan habang nag i-introduce.

"Good morning I'm Iyana but you can call me Iya for short thank you" hindi sila sumagot kaya umupo na ako kung saan ako dapat uupo.

May pangalan na nakapaskil sa bawat upuan kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin ang akin.

Nagsimula na ang ang klase at hindi man lang nagsasalita ang katabi ko na may malaking eye glasses sa mata at makapal na libro, he maybe the nerd type in this class i mean they are all nerd of course, it's an A class what should I expect.

"That's all for today" the discussion ended pero may biglang pumasok sa classroom.

"GOODMORNING!" She was wearing an all black garments even her make up is black.

I should call her blackie

"Miss Antonio you are 59 minutes late in my class" Kahit medyo naiirita na ang mukha ni Miss ay di pa din mawala yung coolness niya.

Blackie popped her bubble gum out, walang modo ah.

"Correction Miss Tessa i am 2 minutes early in my second class and another correction Mrs. Solomon na ako"

Narinig ko ang pagmura ng katabi kong nerd at ang pagtawag niya kay blackie ng 'stupid' mahina man pero rinig na rinig sa pwesto ko.

Nilibot ni blackie ang paningin niya bago pumunta sa kanyang upuan which is sa likod ng upuan ni nerd nakipag high five muna siya sa katabi niyang lalaki na feeling ko yung badboy type ng classroom.

Ship ko na ata sila eh bagay sila for real lang parehong may bad aura.

Umalis na si Miss Tessa ng classroom pero wala man lang tumulong sa kanyang ihatid ang gamit niya medyo nababaguhan pa ako dito ah.

"May bago tayong classmate?" Narinig ko ang bulungan nila likod si blackie at yung kasama niyang badboy

"Oo cute sana kaso parang masungit"

Biglang uminit ang dugo sa paraan ng pagkakasabi niya hindi naman ako masungit ah!

"Excuse me lang ha FYI! hindi ako masungit"

Bigla silang tumigil sa pagchichismisan at hinarap nila akong dalawa ng nakataas ang kilay yung lalaking na may bandana sa ulo ay biglang tumawa ng pagkalakas lakas kaya napunta ang lahat ng attention saamin—buti nalang walang teacher.

"Miss FYI din pero wag ka naman mag assume hindi naman ikaw yung pinag uusapan namin eh PFT-" sa sobrang lakas niyang tumawa parang di na siya makahinga eh sana mabilaukan ka piste!

"What i mean is yung lalaking transferee na masungit" hindi pa din mawala yung nakakalokong ngiti niya. kairita

"Eww bro no homo" nandidiring sabi ni blackie

"Tf! I just want to clarify something to someone masyadong assuming"

Binatukan ni blackie yung lalaking badboy

"Gogo ka talaga kian hindi ganyan makipag usap sa isang binibini" Hinarap ako ni blackie with her pleasing face ang ganda niya pala sa malapitan kahit ang itim ng aura niya.

"Pagpasensiyahan mo 'tong ugok na to ha may hang over lang"

Hindi ko maiwasang di mapangiti sa kanya ang cute niya pala parang reverse barbie doll.

Nang lumingon ako sa direksiyon ni badboy ay nagtama ang mga mata namin sa di malamang dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

He smirked and i rolled my eyes to cover up my embarrassment.

Langya! Bakit ko ba to nararamdaman,

Natapos na ang second class and finally recess na, sanay na akong walang kaibigan dahil sa old school ko wala din nag a-approach sakin. For I don't know reason

Pumunta ako sa cafeteria at umorder sandwich at juice lang naman ang laman ng tray ko kaya di gaano mabigat, Wala nga akong kaibigan kaya sa field nalang siguro ako kakain for sure may tumatambay naman siguro ngayon doon

Medyo nahihiya ako kaya yuko-yuko akong lumalakad papuntang exit door pero sa kasamaang palad may natapunan ako ng juice.

"What the fuck!" Hindi ko na ininda pa ang pagmumura ng kung sino mang natapunan ko ng juice shet ang juice ko!!! Ang mahal nun eh! Sana inipon ko na lang yung pinambili ko nun.

May panyo ako sa bag kaya kinuha ko nalang yun para ipamunas sa damit nung natapunan ko kanina pero kumalat lang yun sa uniform niya. Napaigtad ako sa sobrang hapdi ng buhok ko hindi ko namalayang sinasabunutan pala ako nung babaeng natapunan ko kanina.

"You cannot even afford my uniform tapos tatapunan mo lang ito look what you've done! You bitch"

Pinikit ko nalang ang mga mata ko inintay sa sampal niya pero wala akong hapding naramdaman.

I opened my eyes and to my surprise i saw blackie holding the girl's hand

"Bitawan mo nga ako sasha wag kang makialam dito!" Napatigil ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa at pinanood kami na para bang may nagaganap na theatro.

"Apologize to her, Jehanne" mahina man pero madiin niyang pagkakasabi.

Nawala na yung jolly aura ni blackie napalitan na ito ng dangerous aura.

"Why would I! Siya yung tumapon saakin ng juice why would i apologize to her!" Ang matinis na boses niya lang ang maririnig sa buong cafeteria, so jehanne pala name niya nakita ko din siya kanina sa Class A eh.

I never thought that someone with this attitude is qualified to Class-A.

May kinuha si blackie sa bulsa niya itim na handkerchief tinapon niya ito sa mukha ni jehanne "Yes Jehanne you're savage,"

Nilapit ni blackie ang mukha niya kay jehanne at binulungan ito "–a wild animal" hindi nakatakas saakin ang kaniyang pagsinghap.

Lumingon si blackie sa direksiyon ko at hindi ko alam ang gagawin kaya yinuko ko nalang ang ulo ko but she held my hand and guide me to the exit door akala ko iiwan niya lang ako sa labas pero sinama niya ako sa isang maliit na kubo.

And to my surprise (again) nandito ang mga classmates ko kanina including badboy and the nerd one.

Palagi nalang akong nagugulat ngayong araw

"What's up sasha" si badboy na agad napatigil dahil dumako ang paningin niya saakin.

"Oh ba't ka nagdala ka ng duwende dito?" Amba namumuro na saakin 'tong lalaking to ah pero imbis na pumatol sa kanya naupo nalang ako sa tabi ni blackie sa kanilang lahat kay blackie ako comfortable ewan ko din kung bakit eh.

"Pagpasensiyahan mo na si kian, May crush sayo yun" pakiramdam ko sinadya talagang lakasan ni blackie yung boses niya para alaskahin si kian eh

Napadako ang tingin ko kay nerd na as usual tahimik pa din pati sa katabi niyang babae na ang bait ng itsura parang church girl ata sa haba ng buhok at mas mahaba ang sleeves ng blouse niya pati ang skirt kaysa saamin.

"Iya sorry nga pala sa panghihila ko sayo kanina ha masyado lang akong napikon kay jehanne ewan ko ba sa babaeng yun masyadong palaaway" Biglang nawala ang galit ko kay jehanne dahil sa sinabi ni blackie, her gentle expression and the way she spoke to me.

"Ayos lang yun, if you don't mind blackie pero ano ang real name mo?"

Nabalot ang kubo ng katihimikan pero sa nakalipas na segundo ay dumadagundong na tawa ni badboy naman ang maririnig.

"TANG*NA BLACKIE ANO KA ASO?"

Sa totoo lang gusto ko ng sampalin ang lalaking to kanina pa nang-eepal eh.

"Tumahimik ka nga ingudngod ko yang nguso mo diyan eh wag mo akong maduro duro ha wala akong utang sayo" Kinamot ni blackie ang ilong niya bago nagsalita ulit.

"I'm Sasha at yung lalaking yun—HOY GAGO TUMAHIMIK KA NGA!" Tinapon niya kay badboy ang sandwich niya sayang naman ang mahal pa naman ng mga tinda dito sa school.

"Siya si Kian ang gara ng pangalan pero mukhang pulubi" this time si badboy—kian naman ang nagtapon ng sandwich kay Sasha.

"Anong connect nun blackie! Dapat kay king mo sabihin yan"

'tsk parang mga bata' It was nerd I heard him mumble but the two didn't stop for what they are doing.

"King" huh ano bang sinasabi ng lalaking to?

"I'm King" oh so nagpapakilala pala siya. I faced the church girl masyado siyang mahinhin kabaliktaran yata sila ni sasha sa galawan at pormahan eh.

"Hi iya I'm Elle nice meeting you" natapos na kami sa pagpapakilala and time to eat na ay oo nga pala natapon yung pagkain ko kanina.

"Share nalang tayo Iya" Akala ko share talaga yung ibibigay niya pero mas malaki yung kanya eh wala naman akong rights mag reklamo ako na nga lang binibigyan.

Masaya kami nagke-kwentuhan nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang maliit na babae and a tall guy masyadong jolly ang babae just like sasha pero ang una kong napansin sa kasama niya ay ang eyebags at messy hair parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Hello Everyone!" She sat down in front of me the table format is like.

Me.      Sasha.      Kian.     Elle.  

_____________________________

Table

——————————–––––––

Jollygirl.      King.    Eyebags boy.

"Bakit late kayo?" Elle the Church girl ask the jolly girl ano ba yan kung ano anong nickname nalang binibigay ko sa mga tao.

"Couple matters hihihi" i haven't been into any relationship before pero alam ko kung ano ang couple matters duh! Open minded kaya ako.

So does it mean that Mr. Eyebags and jolly girl ay mag boyfriend eh parang ang bata pa naman ni jolly girl eh. But we're in the same class so it means 17 or 16 na siya siguro nga baby face lang.

"Oh! May bago pala tayo hi I'm yuki~" i accepted her hand ayaw ko naman maging rude isa pa she seems fine to me.

"And that boy over there is my boyfriend" tinuro niya ang lalaking eyebags na mukhang bumalik na sa katinuan.

"Miggy Delos Santos" He smiled weakly, naka drugs ba itong lalaking ito?

Mukhang masaya naman si Yuki pero yung boyfriend niya mukhang depressed.

Natapos na kami sa pagkain when the bell rang so we decided to go to our rooms together pero sabi ni Yuki may pupuntahan lang daw sila Miggy.

Nakarating na kami sa room and i saw jehanne at ang nakakamatay niyang tingin.

Wala ako sa mood makipag away kasi ang saya ko ngayon may bago akong mga kaibigan kahit may kaaway ako at least may kaibigan.

Out of curiosity i ask sasha about Mrs. Solomon thingy.

"Sash, sino ba yung sinasabi mong Mrs. Solomon kanina kasal ka na ba? But you're still 17 and that's illegal right?" In my peripheral vision i saw King stopped for what he was reading.

"Hindi pa ako kasal, ikakasal pa lang depends kung papayag siya pero kung hindi siya papayag edi pilitin diba Mylabs?"

Sasha hugged King from behind but king didn't say anything he just averted his gaze.

I gasped hardly, seriously? What's the thing between this two? So ship sank na ba? Ship ko naman sila ni Kian dahil parehong may topak.

Lumipat muna ako sa upuan ni Kian total wala pa naman siya gusto ko lang makipag chika kay Sasha.

"Soooo~ are the two of you in a relationship?" Her smile vanished but later comes she smiled widely.

"Hindi pa! Pero malapit na." Hindi ko na siya kinulit pa ganun naman siguro diba masakit isipin na hindi magkakagusto yung taong gusto mo.

Makalipas ang tatlumpong minuto at kumpleto na kami sa classroom ang teacher nalang ang kulang i haven't met this teacher but as far as i know he's a he.

Half of the class we're sleeping ngunit isang matinis na sigaw ang nagpagising saaming lahat.

"AHHHHHHHHHHHH"