Chereads / HER REINCARNATION (Filipino) / Chapter 3 - KABANATA 2

Chapter 3 - KABANATA 2

[Alexandra Graciano]

MARAMING NAGSISILBI kay Alexandra Graciano sa umagang iyon.

Bilang anak sa pinakamayamang tao sa buong bayan, walang makakahindi sa kaniya. Lalo na at mayroon siyang angking ganda at talino. Nasa kaniya na ata ang lahat... "Pweeh! Ano bai tong lasa sa tsaa na ginawa mo? Walanghiya ka at pinainom mo ito sa akin!" Maliban nalang sa kagandahang asal.

Ibinuhos niya ang mainit na tsaa sa damit ng babaeng tagapag-silbi. Hindi pa siya nakontento at itinapon niya ang tasa sa sahig. Rinig na rinig sa labas ng kuwarto ang kaguluhan.

Sanay na ang mga taga-roon sa ganoong ingay kaya hindi na sila nangialam pa.

Lumabas na si Alexandra sa kuwarto niya na nakakunot ang noo. Pagkababa niya mula sa ikalawang palapag ng mansiyon ay wala na naman siyang nadatnang kapamilya kundi mga katulong lamang. Wala ang ama niya na ang siyang tanging natitirang kapamilya niya.

Pilit niyang pinapaalala sa sarili na maayos lang siya. Wala namang nakakaintindi sa nararamdaman niya.

Mula noong bata pa siya humihiling na sana may pagkakataon siyang makaramdam ng pagmamahal ng isang ama. Ngunit hindi ata dininig ng langit ang dasal niyang iyon dahil tumuntong nalang siya ng dise-otso ay nasa pera pa din ang atensyon ng kaniyang ama.

Lumaki siyang hindi ramdam ang mga tao sa paligid niya. Kahit nakangiti siya sa ibang mayamang mga kaedad ay hindi naman totoo ang ipinapakita niya.

Wala din siyang kinagisnang ina, kaya naging ganoon ang ugali niya sa paglipas ng panahon.---Sutil, kulang sa aruga at bruhilda.

Isang tao lang ata ang nakakatagal sa pag-uugali niya.

"Alexandra!" tawag ni Patriciana sa kaniya.

Nakaupo ito sa silid tanggapan ng mansiyon.

Sa totoo ay kay Patriciana lamang siya komportable. Kahit na minsanan lamang sila magkita ay naramdaman niyang totoo ito sa kaniya.

"Himala at nauwi ka dito sa San Pablo," walang kangiti-ngiting bungad niya sa kaibigan.

"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" nagtatampong ani nito.

"hindi na kailangan. Alam ko naming maayos ka lang." umupo siya sa kaharap nitong upuan.

Napansin ni Patriciana ang suot na panlabas ni Alexandra.

"Pupunta ka ba sa palengke o may pupuntahan kang kaibigan?"

"Hindi ako pupunta sa palengke at wala akong ibang kaibigan bukod sa iyo."

Paarteng hinawakan ni Patriciana ang dibdib niya. "Nakakataba naman ng puso ang sinabi mo... Osya , saan ka nga papatungo?"

"Basta..." untag niya.

Kanina pa niya gustong tanungin ang kaibigan kung bakit ito napadalaw.

Mukhang nabasa naman ni Patriciana ang gusto niyang itanong kaya't sinimulan nitong ikuwento ang nangyari sa kaniya sa Europa.

"Talaga ba't totoo yang sinasabi mong gwapo at mestizong lalaki na may lahing pinoy o baka kathang-isip mo lang?" pambabara niya sa kaibigan.

"Totoo talaga! At Alfredo Mevilla ang pangalan niya!" anunsiyo nito.

Nagkuwentuhan sila ng ilang oras at kalauna'y umalis na si Patriciana.

Nagpatuloy na si Alexandra sa plano niyang pagbisita sa libingan ng ina niya na malapit sa palayan na pag-aari nila.

Habang naglalakad ay may nakatagpo siyang mga trabahador at mga katulong. Mabato din ang kaniyang dinaanan at matirik naman ang araw, kaya todo ang pagpapawis niya.

Sa daan patungo sa libingan ng namayapang ina ay may mga bulaklak na nakatanim sa isang abandonadong bakuran. Pumitas siya nang iilang tangkay doon at inayos. Matagumpay niya iyong nagawa pero biglang may nangahas na saktan siya.

Isa iyong itim na pusa.

Hindi naman siya takot doon kaya wala din siyang pakealam kung masaktan ito. Pinatid at tinapakan niya ang kawawang nilalang at iniwan na nagiiyak sa sakit.

Pagkarating niya sa libingan ng ina, makikita niya ang nagtataasang damo sa paligid nito. Matagal-tagal na simula noong huli niyang pag dalaw. Pinabayaan na ng tuluyan ng kaniyang ama ang puntod ng dating asawa.

Ang dahilan, ay hindi niya alam. Wala naman siyang pagkakataong maitanong ang tungkol sa ina niya.

Nakokonsensiya tuloy siya sapagkat hindi niya nagawang alagaan ang tanging ala-ala ng ina.

"Ina pasensiya na at ngayon lamang ako nakadalaw. Babawi po ako sa susunod. Mag-uutos ako ng tagapag-alaga sa lugar na ito kung kakailanganin," saad niya at inilagay ang mga bulaklak sa ibabaw ng puntod.

Umupo siya sa damuhan.

Katahimikan ang naghari pagkatapos nun.

Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano iyong gawing salita.

Huminga siya ng malalim at binalik-tanaw ang nangyari sa nakaraan.

"Ina, ano po ba ang pakiramdam kapag nandito ka pa at nabubuhay? Siguro masaya ako ngayon?" saglit siyang tumawa at nagsalita.

"Ina, gusto kong pakisamahan ng Mabuti ang nakapaligid sa akin pero 'di ko magawa dahil sa oras na sinusubukan ko, palagi namang palpak." Naalala niya yung panahon na tumulong siya sa pagluluto pero muntik nang masunog ang buong kusina. Pagkatapos nun, siya ang inakusahan. Ang totoo naman talagang nangyari ay yung isang batang katulong ang totoong nag-sunog nun.

"Miss na kita ina kahit hindi pa kita Nakita."

Nilabanan niya ang luhang gustong kumawala sa mga mata.

Ang tanging hiling niya sa mga oras na iyon ay ang makatagpo ng taong totoong nakakaintindi sa kaniya.

[Stray cat point of view] PRESENT

SHE WAS enjoying a fresh bath in the pool of water she found at the backdoor of a restaurant in a hotel.

Finding food was her first objective but, when she saw the tempting pool, she allowed herself to indulge in the coolness of its beauty.

As she sensed someone walking in her direction, she immediately jumped off and balanced herself on the railings that are found in the next building.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa mapadpad sa isang fastfood restaurant. Gutom at pagod na siya sa mga oras na ginugol niya sa paghahanap ng makakain.

Lady luck is not currently on her side today, perhaps every day.

Walang niisa man lang ang lumapit na tao at bigyan siya ng pagkain.

She has no choice but, to voyage again.

'Gutom na ako!' the poor black cat thought.

Many people kept on kicking her away. They always say that she's the epitome of bad luck.

Maybe that's true. No one loves her. No one gives her any good attention. People are always cruel to her existence.

"Malas! Malas! Shoo!" a guard kicked her making her stumble backward.

Napunta siya sa isang madilim na lugar. sinubukan niyang tumayo pero hindi niya kinaya. Her right foot is broken.

'Masakit!' "Meoooooooow!"she cried.

'Bakit ang sama nila sakin? Wala naman akong ginawang masama!' "Meoooooooooooow!" she wistfully complained.

'wala na bang nagmamahal sa akin?' "Meoooooooow?" she helplessly meowed and sat on the cold dark place.

Amidst the darkness, she saw a ball of light nearby. She wanted to move closer but, she's disabled. Pero mukhang ang liwanag na mismo ang lumalapit sa kaniya. Then she saw a fine-looking man-- her saviour. Her salvation. she thought.

'Kailangan kong magpa-cute,' she mused.

The man stretched his arms to her and carried her out of the dark place. She stared back into his Brown cold eyes.

"Thomas! Thomas!" the woman with her savior nudges him.

Has she found a home already? She's hoping!

Pagkatapos ng sandaling iyon ay natagpuan niya ang sarili na nasa loob ng bahay ng kaniyang savior.

if this is a dream, she hopes that she would never wake up.

~*~

End of Kabanata 2

story to be continued

Thanks for reading