AMIRA'S POV
"This is the city's police! Put down all your weapons or we will shoot!"
"Heads down! Heads down!" sigaw ni linc habang tinatago ako sa likod niya. Hinawakan niya ang kamay ko at may kinuha sa ilalim ng cabinet.
"Kuya si amira?!?" tanong ni bestfriend.
"She's fine" sagot niya tsaka lumingon pa sa akin saglit "Think of yourselves! Jayson! Cj! Protect them!"
"WE RECEIVED A CALL AND WE FOUND IT HERE, SURRENDER YOURSELVES AND WE WILL SETTLE EVERYTHING! In 5, 4--" sumunod agad ako nang hilahin niya papunta sa likod ng bahay.
"Paano si bea??!" napatigil naman siya at tumingin kay bea.
"You know the place, right?" tumango si bea. Hindi ko alam anong tinutukoy nila pero sana naman hindi mapano ang bata sa tiyan niya!
Kinuha muna niya yung bag at pinuntahan ang patagong pinto. Napaayos ako ng tayo dahil sa pamilyar na boses.
"MY CHILD, IF YOU'RE IN THERE PLEASE SURRENDER YOURSELF TO THE POLICE, YOU HAVE TO PAY FOR EVERYTHING!!" t-tita. Napatingin ako kay ate kaya napatingin sa akin si linc.
"Let's go" lumabas na kami at sumunod naman agad yung iba. Lumiko si bestfriend sa ibang tulay at bigla na lang nawala.
*blagblag* binilisan namin ang paglalakad dahil sinisira na nila ang pinto.
"TIGIL!"
"Ahhh!!" hindi na kami nagdalawang isip na tumakbo at dumaan sa makipot na tulay.
*bang*
"Ahhh!"
"Jayson!" napatingin ako sa sahig dahil sa dugong tumutulo doon. Tinignan ko si jayson na nakahawak sa balikat niya.
Saan niya kami dadalhin??! Bigla siyang tumigil kaya tinignan ko lang siya.
"Doon kayo, cj dito kayo. You know where to find us" sabi niya habang tinuturo ang ibang daan ng tulay.
Tumango lang sila at naghiwalay agad. Tumingin pa siya sa akin saglit at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko tsaka tumakbo na sa hindi dinaanan ng iba.
"We shouldn't separate!" sigaw ko dahil lumalayo na kami.
"This is the easiest way to mislead them" hinawi namin ang mga nakasampay at pilit na humanap ng malalabasan.
"AMIRA! NASAAN KA?! I SAW YOU! I KNOW IT'S YOU!" agad akong tumigil sa pagtakbo at hinanap yun pero hindi ko makita. Malakas kong binawi ang kamay ko at nilibot ang piningin.
"Amira let's go!" sabi ni linc habang pilit akong hinihila.
"Bitawan mo ko! Kilala ko ang boses na yun!" binawi ko ulit ang kamay ko at tumalikod sa kanya.
"Whoever that is, let's go!! It's too dangerous!!" hinila na niya ako kaya tinulak ko siya at naiiyak na naman.
"Iwan mo na lang ako!! I will find that!!" sigaw ko sa kanya at maglalakad na sana palayo nang hilahin na naman niya ako pero ngayon sobrang higpit na ang pagkakahawak niya sa akin.
"Linc!! Bitawan mo sabi ako!!!"
"I won't let you go! I won't let go of this hand! We will go home together!!!" napalunok ako at sumunod na lang sa kanya dahil ayaw niya talaga akong bitawan.
"Hindi mo naiintindihan! Ayoko ngang sumama sayo!! At least I still care kaya kung ayaw niyong mahuli bitawan mo ako!!" nakita ko. Umiiyak din siya.
Nakarating kami sa masukal na gubat kaya tumigil kami saglit at hinarap ako ng mabuti sa kanya.
"If you really care. Alam mo mas masakit kung iiwan mo ako diba? Kaya hindi kita bibitawan! Sasama ka sa akin!" tumakbo ulit kami pero hindi ko inasahan na mapadpad kami sa matubig na bahagi. Lumulubog ang paa ko dahil sobrang lambot na ng lupa!
*bangbangbang* gulat kaming napalingon sa likod at nakita ang mga pulis.
"Let's go" tinulungan niya akong mapabilis sa paglalakad at hinila sa mga baging para magtago.
"Hanapin niyo sila!" napaatras ako ng konti nang makita silang dumaan sa harap namin.
"Shh" binitawan ko siya at tumingin lang sa labas. Tahimik lang kami dito kaya pinapakiramdaman ko na lang ang paligid.
"Hurry up jayson!!" nakita ko sa hindi kalayuan sina nat na nahihirapang alalayan si jayson na duguan. Agad akong pinigilan ni linc bago pa ako makalabas.
"Shhhh" nakita kong mabilis silang dumapa nang may mga lalakeng nakacivilian ang tumatakbo papunta sa direksyon nila. They aren't wearing police's uniform. I cannot just trust anyone here!!
"NASAAN NA SILA?!!!" galit na tanong nung isa. Naalarma ako dahil papalapit na sila sa amin.
"MAGHIWALAY TAYO BAGO MAUNAHAN NG MGA PULIS!! HINDI PA NAKAKALAYO ANG MGA YUN!!" parang tumigil ang hininga ko habang tinitignan sila sa harap namin. Hindi nila kami mapapansin dahil madilim dito at madaming baging ang nakaharang.
Sinigurado muna naming nawala na sila kaya nung bitawan ako ni linc ay tumakbo agad ako papunta kina nat. Tinignan ko si jayson DAHIL sobrang sama ng lagay niya.
"Ate--ate nakita namin kung saan yung iba pero hindi na namin nagawang puntahan dahil may humahabol pa sa amin"
"Ilayo natin siya dito" sabi ko kay linc. Lumapit siya at nilagay ang braso ni jayson sa balikat niya kaya pumunta din ako sa tabi para tulungan siyang alalayan.
"Nat, lead us the way" naglalakad na kami ngayon kaya nagaalala akong tumingin kay jayson.
"Ahhg l-leave me here, isama niyo siya palayo dito" mahinang sabi niya.
"No, we will heal you kailangan mong madala sa hospital" sabi ko. Medyo malayo na ang nalakad namin hanggang sa marating namin ang isang kapatagan.
Nakita agad namin sila sa isang pasunugan ng mga niyog. Nandun si bestfriend kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Amira!/kuya!/nat!" sinalubong nila kami at agad na pumalit si cj sa akin.
"May tama din si zaira" sabi niya habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni linc.
Pumasok na kami sa loob at bumungad si ate zaira na nakaupong nakahawak sa hita niya.
"Find something to use for them!" utos ni linc kaya gumalaw na si bea kasama si nat. Nakatayo lang ako dito habang tinitignan silang ginagamot yung dalawa.
"M-mahahanap nila tayo dito" nanghihinang sabi ni jayson.
"Walang makakakita sa atin" sabi ni cj habang ginagamot si jayson.
Dinaanan ko ng tingin si linc na tinutulungan si ate. Tumingin pa siya sa akin saglit pero hindi ko na lang pinansin at nagkunwaring nakatuon ang pansin kay jayson sa gilid nila.
"Amira? Are you fine? Do you need something?" tumalikod lang ako at sinundan sina bea.
***
Gabi na at nakatayo lang ako habang nakasandal sa kahoyan. Nagiisip ako. Pinapakiramdaman ang sarili.
Tinignan ko siya na kanina pa nakabantay sa akin. Yung tipong kahit isang segundo lang hindi niya inalis ang tingin. Gabi na kaya nagpailaw sila ng lampara na nakita lang din nina bea.
"Gagaling din to ng mabilis" sabi ni bea matapos icheck si jayson.
Yumuko ako nang maglakad si linc papunta sa akin habang tinatanggal ang nakasapaw niyang damit. Tumabi siya at ilalagay sana sa akin pero tinabig ko agad ang kamay niya at umusog ng konti palayo.
"Do you need something? You're hungry? Are you hurt?"
"You're the one who gave me pain linc" hinayaan ko lang siyang hawiin ang buhok at lumingon sa ibang direksyon.
"I know. You've been standing here, let's rest?" gulat kaming lumingon sa labas dahil sa ilaw na pumapasok dito sa loob.
"THIS IS CITY'S POLICE, WE WARN YOU TO PUT ALL YOUR WEAPON AND SURRENDER. THIS IS FOR THE LAST TIME OR WE WILL SHOOT. YOU ARE SURROUNDED!" agad kaming lumapit sa ibang mga kasama at takot na tumingin sa labas.
"K-kuya nahanap nila tayo" mahinang sabi ni bestfriend. Lumunok lang ako at tumingin sa labas.
"RELEASE THE VICTIM! AMIRA SMITH!"
"W-what should we do?" tanong ni nat.
"Tumakbo na kayo, ako na bahala dito" napatingin kami kay jayson na nakaupo sa gilid habang nakahawak sa balikat niya.
"Hindi pwede" sabi ni bea.
"LISTEN, WE ARE HERE TO FIX EVERYTHING. AMIRA I KNOW YOU ARE THERE!--WHOEVER KIDNAPPED HER PLEASE SURRENDER MY CHILD"
"Cj, help him up" sabi ni linc at inayos ang mga gamit.
"THIS WILL BE THE LAST CHANCE 5.4.3"
"I will go" walang pagdadalawang isip na sabi ko. Mabilis naman akong hinawakan ni linc sa braso at humarap kay jayson.
"I think I should tel--"
"Listen! They are around us, we can't escape" pagputol ko dahil walang pumansin. LALO NA SIYA!
"Z, face them, we will help you find your lawyer to correct your case"
"No L!! Just let her!!"
*bangbang*
"AHHHH!!" nagtago agad ako malayo sa kanila dahil pinaulanan na nila kami ng bala. Tinignan ko siya na gulat lang na nakatingin sa akin.
"Hey surrender yourself!! You are more criminal than me!" sigaw ni ate kaya tatakbo na sana si linc papunta sa akin nang may nagpaputok na naman.
*bangbangbang* napaupo ako sa lupa at takot na tinignan sila sa kabila.
"S-stay there!! Stay there! Don't move!!" sigaw niya kaya tinignan ko lang siya.
"Make sure to bring him to the hospital" pagtukoy ko kay jayson.
"I can do it myself, you can still run" umiling ako at tumingin ulit sa kanya. Mabilis akong gumapang kung saan ang envelop na pinanggalingan ng sulat ni ace.
"I said stop!!! You will not move unless I told you so!--amira! If you want to give them the papers, just throw it and stay here!!" galit na sigaw niya pero hindi ako nagpatinag.
"I don't want to ruin everything after kidnapping me. Nathalie we should go---"
"I'm sorry!! I'll find a way out here so we can talk and correct this!!" napayuko na lang siya habang hinihila nina bea at cj pabalik. Pinagdikit pa niya ang mga palad.
"What you did was wrong. From the start your intention was wrong"
"I know I know! That's why I am so sorry!! Put me in the jail but don't leave me!!!"
"Ayokong kayo naman ang makulong dahil sa akin pero kina papá at kuya?" tinignan ko si ate kaya napatigil siya "Y-you have to pay"
"Ayokoooo!!" napatigil kami dahil mas lumakas pa ang ilaw hudyat na nabuksan nila ang malaking pinto dito. Dahan dahan akong tumayo habang nakataas ang dalawang kamay.
"LADY!! STOP!!" tumigil ako sa harap nila at napapapikit na lang dahil sa ilaw. Hindi ako gumalaw at nanginginig lang na nakakuyom ang kamao "Confirm, it's miss amira smith!"
"Mommy!" biglang tumakbo si nathalie kaya sa kanya na naman natuon ang pansin ng mga pulis.
"Nathalie?!!!" gulat na tawag ni tita. Pinatay na yung ilaw kaya naaaninag ko na silang lahat. Napatingin ako sa lalakeng bumaba ng chopper habang nasa akin ang tingin. Ace.
"Mom!!" mabilis na kinuha si nathalie ng mga pulis at dinala kay tita. Hinila na ako ng ibang pulis palapit sa kanila kaya nilapitan agad ako ni ace.
"Tell them to leave this place, please" mahinang pakiusap ko sa kanya.
"Why my amir?" kinuha niya ang hawak ko tsaka binigay sa kasama at niyakap ako ng mahigpit.
"J-just leave them--for me please? But ate zai still need to pay" lumayo siya ng konti para hawakan ako sa pisngi.
"Leave the area, we got her" sabi niya sa mga pulis. May nagabot sa kanya ng kumot kaya agad niyang binalot sa akin.
"What?? Ace we can't do that!!! Zaira is still there!!" galit na sigaw ni tita. Hindi niya muna pinansin si tita at tumango lang sa mga pulis.
"Move!" umatras na sila kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Amira is my concern here. We will retreat for now and we will talk again later for some confidentiality" inalalayan na niya akong sumakay sa chopper kaya napalingon ako sa direksyon ni linc nang lumabas siya doon.
"AMIRA!" pinigilan siya nina cj. Napalunok akong tinignan siyang lumuhod habang dinadamayan ni bestfriend. Tama yan bestfriend---damayan mo muna siya.
"Ace let's go" tumango na siya kaya pinalipad na ang chopper. Napakagat ako sa labi at sumiksik pa kay ace kaya pinahiga niya ako sa balikat niya.
Hindi ko siya kayang tignan.