Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My First Love by:Mj

Lovemj0624
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19.6k
Views
Synopsis
Isang babaeng nangarap makita ang iniidolong artista. Subalit gaya ng kanyang buhay pag-ibig ay mailap ito para sa kanya. Hanggang sa dumating ang kanyang hindi inaasahang tao sa kanyang nakaraan. Ang akala niyang nakalimot na sa kanya. Si Cedrick ang kanyang childhood sweethearts. Maging maganda kaya ang kalalabasan ng muli nilang pagkikita o katulad lang din ito ng kanyang idolo na kay hirap abutin?. Ano kaya ang mangyayari sa buhay pag-ibig ng ating bidang si Lorraine Balmaceda? **** Ang lahat ng nakapaloob po dito ay base lamang sa aking imahinasyon at ginawa ko ring inspirasyon ang isa sa artistang koreano na si Rowoon. Na katulad ni Lorraine ang nangarap din akong makita ang aking mga idolo. Maraming salamat.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Rowoon...Rowoon...sandali...ROWOOON!

"Ate..ate gising...ATE LORRAINE GISING!"

"ROWOON!" Bigla siyang nagising sa isang malakas na sigaw ng kapatid.

Ng mahimasmasan siya sa kanyang biglaang paggising ay nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na nakatayo sa tabi ng kanyang kama. Naka cross-arm pa ito na animo'y nanay na handang manermon dahil tanghali na namang siyang gumising.

"ATE ano ba kanina pa kita ginigising. Binabangungot ka ata! Rowoon ka ng rowoon diyan eh!" Bumangon ka na nga!" Iritang saad nito sa kapatid.

Tiningnan niya ito ng matalim at sabay bumangon.

"Ikaw!" Sabay kurot nito sa tagiliran ng kapatid. Napa-aray naman ito sa sakit.

"Ate ano ba,bakit ka nangungurot?." Sabay layo nito na hawak hawak pa ang nasaktang tagiliran.

"Dahil sayo hindi ko naabutan ang asawa ko yan tuloy nawala siya!" Akma sana niyang babatuhin ng unan ang kapatid ng biglang pumasok ang kanilang nakakatandang kapatid na si Sean

"Oh! Ano yan Lorraine? Nagbabangayan na naman kayo , ang aga-aga eh para kayong aso't pusa.!" Sermon na saaad nito sa magkapatid "bumaba na nga kayo at mag-aalmusal na may trabaho pa ako" saad nito. Napailing na lang ang kanyang kapatid sa asal nilang dalawa.

Sumunod naman agad si Lily sa kapatid at naiwang siyang naiinis dahil naudlot na naman ang kanilang pagkikita ng kanyang asawa.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng kama. Ini-on niya ito at tumambad sa kanya ang larawan ng kanyang napaka-gwapo at maamong mukha ng k asawa.

"Napakagwapo talaga ng asawa ko.Hmm. Kailan kaya kita makikita?" Saad nito sa sarili.

Luminga-linga siya sa loob ng kanyang silid. Ngumiti siya ng bahagya ng makita niya ang mga larawan na nakapaskil sa mga dingding ng kanyang kwarto.

Ang larawan ng kanyang minamahal na asawa. ( si Rowoon. Isang artistang Koreano. Mula ng mapanood niya ito sa palabas na "Extraordinary You" ay nahumaling agad siya rito. Kaya, simula noon ay nag-ipon na siya ng mga poster at idinikit sa dingding ng kanyang silid.

Biglang bumalik ang kanyang wisyo ng marinig niya ang sigaw ng kanyang kuya na nasa kusina.

"ANO BA LORRAINE- KAKAIN KA BA O IPAPAKAIN KO LAHAT NG LITRATO MO DIYAN SA DINGDING". galit na sigaw nito sa kanya

"Oo na pO..Pababa na." Sagot nito" ang o.a parang hindi siya inlove! Haay wala bang makakaintindi sa akin sa bahay na ito?" Saad niya sa kanyang sarili.

Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang kama ay agad na siyang bumaba at baka sugurin na siya ng kanyang kuya na daig pa ang may regla. Baka madamay pa ang kanyang minamahal na asawa.

Dumiritso agad siya sa kusina.

"Haay naku ate salamat naman at bumaba ka na, kanina pa kami naghihintay sayo." Saad ng kapatid

" So? Dala-dala ko ba ang kaldero at mga plato sa kwarto ko?" Pabalang na sagot nito

" Ano ba kakain ba tayo o kukuha ako ng kutsilyo para magpatayan na lang kayong dalawa!"

Natahimik ang dalawa sa sinabing iyon ng kanilang kuya dahil alam nilang galit na talaga ito dahil sa inis sa kanilang dalawa.

Tahimik na natapos ang agahang iyon. Wala ng nagtanka pang magsalita dahil kung meron ay alam na nila ang mangyayari. Puputok na ang bulkan at iyon ang kanilang kuya.

At dahil sabado ngayon--day-off niya, kaya may oras siyang ayusin ang kanyang maliit na hardin sa kanilang bakuran.

Pasado alas-syiete y medya na. Aalis na ang kanyang kuya papuntang trabaho.

"Oh! Kayong dalawa umayos kayo ha! Baka pagdating ko baha na rito ng dugo dahil sainyo." Sarkastikong saad nito sa dalawa

"Kuya ang o.a mo, hindi naman kami mga utak kriminal no saka ni kami bata!" Sagot ni Lorraine habang naghuhugas ng pinagkainan.

"Naninigurado lang ako! At ikaw Lily huwag kang pasaway ha! Hindi kana bata kinse anyos kana."

"Opo kuya... alam ko po " magalang na sagot nito

"Oh! Sige aalis na ako"

"Okay ingat kuya..pasalubong ahh!" Saad ng dalawa.

Nagtinginan lang ang dalawa.

Pagkatapos maghugas ay agad na dumeritso si Lorraine sa kanyang hardin upang maglinis at magtanim muli ng halaman-- ito na kasi ang kanyang pinagkakaabalahan tuwing sabado habang si Lily naman ay naglilinis ng bahay.

Ganito ang kanilang ginagawa sa tuwing wala silang pasok.

Tatlo silang magkakapatid si Sean Lorenz Cruz Balmaceda ang kanyang panganay na kapatid , bente sais at nagtatrabaho bilang manager sa isang restaurant at ang kanyang bunsong kapatid na si Lily Faith Cruz Balmaceda--kinse anyos. At kasalukuyang nag-aaral sa isa sa sikat na paaralan sa kanilang lugar. Grade-9 na ito. At siya naman ay nagtatrabaho bilang isang sekretarya sa paaralan kung saan nag-aaral si Lily.

Maagang namatay ang kanilang magulang, kaya hindi naging madali ang kanilang buhay. Subalit dahil sa tulong ng kanilang tiyahin na kapatid ng kanilang ama, ay kinupkop sila at nakapag-aral ng kolehiyo.

Mabuti na lamang at mabait ito, siguro dahil na rin sa wala pa itong asawa noon kaya itinuring silang parang tunay na mga anak.

Ngayon masaya na ito sa piling ng kanyang pamilya. May anak na rin ito. Minsan ay binibisita nila ito kung wala silang pasok sa trabaho.

Matapos ang kanyang paghahardin ay pumasok na rin siya. Naghugas muna siya ng kamay.

Nakita niya rin ang kanyang kapatid. Kasalukuyang itong nag-aaral.

Ngumiti siya ng bahagya ng makita niya ito.

Kahit lagi silang nagbabangayan ay nagkakasundo pa rin sila. May time lang talagang para silang aso't pusa dahil sa pang-aasar nito sa kanya dahil sa patay na patay siya sa artistang Koreano na si Rowoon. Talaga naman kasing napakagwapo nito at magaling pang kumanta at isa pang kinaiinisan nito sa kanya ay ang pagtawag niyang asawa.

Nagsimula ang pagkahumaling nito noong namatay ang kanilang magulang limang taon na ang nakakaraan,labing siyam siya noon at hanggang ngayon na bente-kwatro na siya ay nahuhumaling pa rin siya sa artistang iyon.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman nila dahil sabay na namatay ang kanilang mga magulang.

Maliban sa pag-aaral ay nanonood rin siya ng k-drama at doon na niya nakilala si Rowoon na gumanap na Haru sa EXTRAORDINARY-YOU. Ito ang naging pampalipas oras niya tuwing nalulungkot siya kaya lahat ng litrato ni Rowoon ang pinaprint niya at idinikit niya sa dingding ng kanyang kwarto.

Subalit hindi naging madali ang lahat may mga oras pa rin na naalala niya ang kanilang ina at ama. At mas lalong naawa siya sa kanyang bunsong kapatid dahil sampung taon gulang pa lang ito noong mamatay ang kanilang mga magulang. At siya ay labing-siyam na taong gulang pa lamang.

Kaya minsan kahit nakukurot at nababatukan niya nito ay humihingi agad siya ng tawad. Dahil mahal na mahal niya ito.

Dumeritso na siya sa kanyang kwarto matapos masigurong maayos na ang lahat.

Tiningnan niya ang kanyang orasan.

Pasado alas-dyes na ng umaga. Malapit na namang magtanghalian.

"Kay bilis talaga ng oras - pero ang asawa ko hindi ko pa rin nakikita

Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa lamesa na katabi ng kanyang kama,kinuha niya rin ang kanyang earphone at pumunta sa play music. Pinatugtug niya ang ost ng k-dramang ExtraOrdinary- you na kinanta mismo ni Rowoon na pinamagatang

"FIRST LOVE" sinasabayan niya pa ito sa pagkanta. Halos masaulo na niya amg lyrics nito dahil sa araw-araw na niya itong pinapatugtog.

Nakatulog si Lorraine ng mga oras na iyon.

Hindi niya alam kung ilang oras siya nakatulog, nagising lang siya ng may biglang kumatok sa kanyang pinto.

Agad niya itong pinagbuksan, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya kung sino ang nasa harap ng kanyang pintuan.

Halos hindi siya makapagsalita ng makita niya ito.

End of chapter 1❤

-Hi everyone👋 I hope you enjoy my story. Thank you in advance❤😊

#newbie

#Bb.Aries