"That's your date bakit mo pa ako isasama?" pinagtitinginan sila ng mga taxing nagdadaan habang nagtatalo sa ilalim sa poste ng traffic light. Isang minuto na sina Luke nakatayo doon pero mas nauna pa nga sa kanila tumawid ng lane ang nakatungkod na matanda sa bagal nilang kumikilos. "Clace, ano ka ba! Date mo yan hindi mo na ako kailangan isama sa concert."
"Lol. Hindi ko siya ka-date, Luke. Hang-out lang bilang magkakilala as friend kumbaga."
"Ipapakilala mo ko sa kaniya ganun tapos irereta?"
Pinitik ni Clace ang dibdib ni Luke, "at bakit ko naman gagawin yun? Paano naman kita irereta isang may pagka-weirdong babae," he whisper. "At teka, baka nakakalimot ka nung nagkaroon ka rin ng ka-date nagpasama ka din saakin tumangi ba ako? Para nga akong vip guard niyong dalawa eh."
Luke was being checkmate at napakamot sa likod ng leeg, "No choice na ako eh nakabili na ako ng ticket—"
"Pera ko naman yang ginamit mo," pitik niya ng pangalawang beses sa dibdib.
"Ano bang pangalan ng babaeng ka-date mo ngayon?" inaabangan ni Luke ang road sign to become red sa itaas kung kailan sila tatawid ng lane samantalang inaayos ang kaniyang collar.
"Sabing hindi ko nga siya ka-date."
"Ano ngang pangalan."
"Harleigh," Clace reply quickly. "Nagkakakilala kami sa pet store ni miss Bubby ayun type din pala niya mga cats so dun kami nagkausap."
Hinila ni Luke ang kaibigan papatawid ng kalsada pag-switch ng green light, "oh tapos? Ano naman ang pinag-uusapan ninyo?"
"Medyo uncanny nga eh—"
"Paano mo nasabing uncanny?"
Sasagutin na sana ni Clace ang kaniyang tanong kaso nagdadalawang-isip, "b-basta saamin na lang yun. Kung ano man napag-usapan namin dun sa store it's a secret."
"Hindi ka lang ba magbibigay saakin ng hint? Alam mo naman chismoso ako diba?"
Reaksyon ni Clace, "about supernaturals. Demons, angels, vampres ect."
"Weird nga yun."
Pagkatawid nila ng crossing, laksa-laksang mga tao ang sumasalubong kina Luke sa gate entrance, kadalasan ay mga naka-gothic suit at naka-black lipstick. Bumabagal kanilang paglalakad nang tumambad sa kanila ang logo ng band, naka-imprinta sa tarpaulin ang skeletal art ng cerberus kagat-kagat ang malaking buto. Madaming naka-long hair wearing a spikers in their arms at neck, mga moshers or headbangers. May nakita pang naka-punk si Clace sa bandang gilid ng venue hithit ang isang stick ng sigarilyo waiting for the concert to start.
They are both na hindi tipo ang ganitong heavy genre music pwera lang sa mga slow rocks love songs at napausbo lang talaga si Clace kay Harleigh. One night lang din naman. "The Cannibals!" hiyaw ng patayot na lalakeng may kadena sa katawan ewan kung anong trip sa buhay bakit nilagyan ng hard chain ang sariling damit. Nagsimulang i-scratch ang electric string sa may stage starting to sound up.
"Oh asan na yung ka-date mo ngayon huh?" ayaw siyang tantanan sa pangungulit ni Luke.
"I repeat she is not my date!" He empasize, "not my date!" Hinahanap ni Clace sa entrance ng venue ang naka-berdeng buhok sa crowd. "Kapag may nakitang naka-green ang buhok at may maraming mga freckles sa mukha, siya na yung hinahanap natin," he said. During the night, sila lang yatang dalawa ang naiiba ang sout kasi halos lahat ng mga mga heavy fans ay naka-fashion as what the performers are wearing.
Na-caught in the eye ni Luke sa labas ng entrance gate ng stadium ang mabalahibong aso na nakamasid sa kaniya with a yellowish eyes nakatutok ng mata sa mata. Abala si Clace sa paghahanap kay Harliegh samantalang si Luke ay nakikipagtitigan sa dambuhalang itim na aso. Lumabas pa mula sa green bushes ang isa pa nitong kasama na kasing laki rin niya, at pag-aakalang guard dog sa concert ay napakablit siya kay Clace. Hindi nagtagal, lumundag rin ang dalawang wolf getting to the bush.
"Werewolves?" tarantang kinakabit ang balikat ni Clace. "What the hell! Namamalik-mata lang ba ako?"
"Oh bakit?"
"Kasi yung mga aso—"
Umeksina si Harliegh. "Evening guys!" a girly sound behind kay Luke ang nagsalita. "Kanina ko pa kayo nakikita dun," nguso siya lugar kung saan siya nakabili ng chips sa vendor. "Nagsisimula na ang concert sa loob—Ay Hello? Friend mo?"
"Yes." Clace is trying to introduce her kay Luke subali't makikitang natataranta ang mga kinikilos nito at 'di mapakili ang mga mata sa kakatingin. Hindi rin siya kumikibo at balisa.
"Okay lang ba siya para kasing—" concern ni Harliegh sa kaniya.
"Huwag mo ng intindihin yan. Hindi naman siya ganyan kanina." Tinulak siya ng bahagya. "Pssstt hoy!"
Hindi maka-move on si Luke sa nakita niya kanina at palingat-lingat sa gilid ng venue kung saan niya sila nahagip ng kaniyang paningin. "M-may nakita kasi ako doon kanina sa bushes. Napaka-eerie. Sa tingnan ko mga werewolves siguro." Nagiging unnatural ang surface ng kaniyang katawan, nanlalamig, kinikilabotan. "Hindi ako nagkakamali kitang-kita ko ang mga yun—"
But Harliegh remain silent as usual. "Fuck this crap! Sina Ariella at Kisser ulit hanggang dito ba naman sa concert?" Calming herself infront kina Clace. "Mga bwesit tong mga werewolf na to!"
"Anong pinagsasabi mong—gutom ka ba?," wika ni Clace. "Guni-guni mo lang yun Luke. Pumasok na tayo—"
"Oo nga." Hila ni Harleigh sa kaniya.
"Malinaw pa mga mata ko nuh. At hindi rin yun guni-guni."
Kinumpol ni Harleigh ang chips pagkaubos nitong kainin like a three point shooter, nai-shot niya ng sakto sa trashcan pagkahagis. Madilim pa sa gabi ang una nilang napasokan na hallway at doon, umalingawngaw na kaagad ang sigawan mula sa unahan. Parang truck ng pison si Harleigh, binabanga ang mga nagbabagal-bagal maglakad at nagmamadaling makarating sa stadium wereas nagsimula ng mag-ingay ang microphone. At paglabas nila sa madilim na pasilyo, nasa timing ang kanilang pagpasok ng magbagsakan na stage ang mga high pitches notes.
"Nakalimutan kong magdala ng headphone tangina!" napatakip ng kaliwang tainga si Clace sa tindi ng ingay at mga nagwawalang mga headbangers. "Make it stop! Fuck!"
Si Harleigh ay nakikisigaw rin sa pagitan nina Clace at Luke na parang siya lang yata nag-eenjoy sa kanilang tatlo. "Are you enjoying?"
"Hindi—" reklamo ni Clace.
"What?"
Sabay bawi niya ng kaniyang salita. "Nag-eenjoy din naman ng kaunti."
Tumindi pa ang pagwawala ng mga fans nung magrelease ng usok ang stage at nagpapabuga ng apoy. Nahihilo si Clace sa mga halo-halong ingay pati mga ilaw sa loob ng stadium na patay-sindi. Si Luke naman ay umiikot ang paningin at gustong-gusto lumabas pero bilang pakikisama kay Harleigh, minabuting takpan na lang yung dumudugo niyang dulot ng ingay. "This is fucking hell!"
Imbes mag-enjoy si Harleigh sa pagkakataong to ay umiistorbo sa kaniya ang papasin na magkakambal, nililibak siya malapit sa kanilang kinatatayuan. Pilitin man niyang ituon ang atensyon sa performance ng mga iniidolo niyang banda ay tawa at halakhak ni Kisser ang maririnig. From innocent, she become even more serious at this time. Nagbabalak pa ang magkapatid na lapitan si Harleigh kaya inunahan na niya ito ng lapit. Nag-excuse muna siya kay Clace at Luke so that she can confront easily.
"Kahit saan ako magpunta naaamoy talaga ako ng mga mababahong lobo." Nakipagmalditahan siya kina Ariella, nakataas kaliwang kilay. Ang mga werewolves, sinanay nila ang mga sarili to chase some of the cambions kahit noon pa man nung dumadami na sila sa upper world. Through their human flesh and demon blood, naniniwala silang umeepekto rin sa kanila ang pagbagal ng pagtanda ng mga cambions kumpara sa mga tao.
"Hi sissy." A silly smile kay Kisser. "I'm glad nagkita tayo dito sa concert biruin mo what a coincidence diba?" nakaakbay pa kaniyang kapatid sa balikat, gutom na gutom minamasdan si Harleigh.
"Sinusundan niyo ba ako?" direct na tanong niya. "Sinasadya mo bang sundan—"
Pinutol agad ni Ariella ang salita ni Harliegh. "No. Hindi ka namin sinusundan nagkataon lang na same tayo ng pinuntahan na okasyon malas mo nga lang wala kang kasamang mga cambions." Werewolves can smell demon bloods at lumalakas kanilang urge upang lumapa.
"Sayang pa naman yung type ko dun sa unahan gwapo pa sana kaso nakakaumay ng kainin gusto ko maiba naman. Bakit pa kami maghahanap ng komplikadong laman kung sariwa ang kausap harap namin ngayon." Halakhak nina Kisser at Arriella.
"Boyfriend mo yung naka-salamin?," Ariella is pointing fingers kay Clace. ���Cute siya pero nerd nga lang pero okay na rin kainin."
"He's not my boyfriend." Nangigigil niyang sagot.
"Weeeh! Kwento mo sa pagong sissy. Aminin mo na kasi sige na." Sinasadya nilang inisin si Harleigh. "How can you tell when a turkey is all ready for a date?
"—I hate riddles!"
"Dressed."
Kisser is sniffing. "Sissy parang nakakaamoy ako ng sicarii sa palibot." Sniffing in the second time, "malapit lang siya saatin nanonood siya ng Darkfall Cannibals. Few meters away."
Akala ni Harleigh binubully o inuuto lang siya ng mga werewolves. "Kung totoo mang may sicarii dito sa concert 'di ako magdadalawang-isip patayin siya isasama ko na pati kayo."
"Wait. Naaamoy ko parang sila," turo ni Kisser kay Clace.
Hindi sineryuso ni Harleigh kanilang bintang bagkus tinitimpi nalang niya ang magkakambal gawin ang gusto nilang sabihin. "Friend ko siya at hindi mangyayaring sinasabi niyo kay Clace." Tanggol niya sa lalake.
"Clace? I think masarap kagat-kagatin ang mga buto niya sa leeg—"
Bumunot ng razor si Harleigh sa likod ng kaniyang leather jacket kung saan nakatago ang armas, tinutukan silang dalawa. Nagtutulakan sina Ariella paurong to avoid the sharpness of the blade at hindi nagtangkang kumilos ng masama. Nagsidatingan naman kaagad kanilang mga maskuladong werewolves boyfriends sout ang black bench t-shirt nanlilisik mga tingin against sa kaniya. Swiftly, nagtago sila sa kani-kanilang likod paawa effect.
"We'll see you later, Harleigh," deride smile ng isa sa mga lalakeng naka-ying yang ang hair cut sa ulo, inakbayan si Kisser at hinalikan sa noo.
"Sino kaya kausap ng ka-date mo?" tanong ni Luke.
"B-baka kakilala niya or friends or pinsan maybe?" inaayos ang paglagay ng kaniyang dagger sa scabbard na nakatiwangwang sa brown belt. "Bakit ba ako tinatanong mo?"
"Just asking lang dude."
Sinilid ni Harliegh ang chakram sa kaniyang long sleeve walking steadily papunta kina Clace. Hindi pa nasiyahan ang mga lalakeng who threated her at marahas siyang tinitigan hanggang nakarating na sila sa kabilang parte ng stadium. "Hello I'm back." Nakaw-tingin parin kay Harleigh ang mga boyfriends ng magkapatid.
"Sinong kausap mo dun?"
"Strangers."
"Sure ka para kasing ang close niyong mag-usap kanina habag tinitingnan ko kayong tatlo dun." Hinila-hila mo Clace ang laylayan ng kaniyang jacket para takpan ang punyal sa baywang. "Maaaring magkakilala kayo in some ways."
Napapiyok nalang si Harleigh sa kaniyang itinatanong kung papaano yun malulusotan. "What should I say?" Ang paraan na lamang niyang lumusot ay ilihis ang pag-uusap nila. "Parang nawawalan na ako ng ganang manood ng concert." Kaniyang hinawakan ang braso ni Clace, "bibili muna ako ng chips sa labas hintayin mo lang ako dito." Tiningnan si Luke, "samahan mo na rin ako kung okay lang?"
"M-magalit ang ka-date mo—"
"Hindi kami magka-date." Nagsabayang sumagot sina Harleigh at Clace.
"Okay sorry."
Patakbong lumalabas sina Luke sa hallway ng stadium at naiwan siyang mag-isang nakamukmok. Habang tumatagal ng tumatagal ang concert, the crowd gone wild dinaig pa ang party sa club sa tindi ng ingay at sinasabayan pa ng walang sawang palakpakan. Two minutes had pass, hindi pa dumadating sina Luke galing bumili ng chips 'though checking his watch, magte-three minutes na hindi pa nakabalik. Clace was counting every seconds subali't kahit anong gawin man niyang paglilibang ay naiinip siyang hintayin sina Luke. "Nasaan na ba kasi sila?" Nakailang beses na siyang nag-check ng relo, nguni't walang bumalik na Harliegh at Luke. So, he decided to go out hemself to seek for them at 'di rin naman niya alam saan naka-locate ang vendor na nagtitinda ng crackers.
Lumiko si Clace pakanan not minding those group couples dating beside at tinahak ang makitid na daanan sa pag-aakala'y makakadaan siya papuntang kabilang eskinita nguni't humarang sa kaniya sa magkabilang gusali ang mataas na pader, napapalibutan ng mga abandonadong kagamitan at basura. Isang tahol ng malaking aso ang umalingawngaw. Expecting, it's an ordinary dog dahil matataboy lang naman niya ito. But nung humarap siya, ay he was astonish ng isang umuungal na lobong nanlilisik mga mata papalapit thrilling him.
"Matagal pa ba yan?" umaangal na si Luke sa kakatayo nila sa tagal ilagay ang mga crackers. "Malamang inip na yun si Clace sa loob sa kakahintay natin."
"Malapit na to kunting timpi na lang okay? Arrgggh! Pakibilisan naman manong ang pagbabalot antagal! Basta malapit na yan, Luke—" Paparating sa kanila si Ariella at dalawang kasama na lalakeng mga naka-shorts. Yung isa sa kaliwa ay may pagkakulot ang buhok sout ang pentagram necklace at nakatiklop mga daliri sa kamay ready for what he has said while ago. "Excuse me, I'll be back."
"At saan ka pupunta miss?" tawag ni Luke sa kaniya habang papalayo sa vendor.
Harleigh need to secure him against sa mga werewolves. "Hantayin mo lang mabalot ang mga crackers," at naglaho sa madilim na eskinita.
Kaniyang kinuha ang dalawang chakram blade habang papunta sa eskinitang walang tao. Para doon, walang interruption o disturbo sa kanilang paghaharap. Sa ilalim ng dilaw na poste huminto si Harleigh waiting for Ariella to show-up where she is patiently waiting but there is nobody has shown there except her. Lumitaw mula sa dilim ang black hair wolf nakaupo having a peculiar yellow eyes kung makatingin ay nakakakilabot. "Alam kong ikaw yan Ariella."
"Blood. We want blood from a cambion." In Harleigh's back, lumitaw ang dalawang lalakeng pawisan changing their forms on how they turn into huge werewolf. Wooooooof! and then they howl.
Sumagupa si Ariella papatakbong pasila kay Harleigh. Pagtalon niya sa kaniya, ay sinalo siya ng talim ng chakram sa bahaging leeg at isang hagupit na sipa ang sumalubong sa kaniyang mukha. Sa lakas ng hambalos, tumilapon ang lobo back-flip sa bakal ng poste at nangingisay-ngisay. Sumunod siyang inakate ng dalawang mas malaki pang bahagya kaysa nauna, pinalilibutan si Harliegh and they corner her. Nakikipag-angasan siya ng titig sa isang wolf turning her eyes into blazing fire using witch power to break his bones through her sight. Sa isang hawi ng kaniyang braso, ay sumunod tumilapon ang isa niyang kasama. Malas nga lang niya, sa kanal siya bumagsak. Partida, masakit pa ang kaniyang balikat dahil sa natamong sugat na naganap sa club.
Nangahas pang bumangon si Ariella onrush trying to striking her. Bumawi siya ng kalmot kay Harleigh but flexible siyang kumilos compare to the werewolves at hindi makagat-kagat o madaplisan man lang ang kaniyang balat. Nagtulong-tulong na silang tatlong lapain si Harleigh nguni't wala ni isa sa kanila ang makakayang mapatay ang cambion. "Yan lang ba kaya niyo poor dog." Pagmamayabang niya sa kanila nung masugatan niya ang boyfriend ni Kisser.
"Swerte mo ngayon sissy. Don't worry hindi pa tayo tapos babalikan ka pa namin," Ariella is changing back his human form.
"I'll wait."
"Eeeeezzz!!" Inuunat naman ni Clace ang kaliwang braso habang inaabot ang sica weapon malapit sa kaniyang kinababagsakang semento. Nakabara sa bunganga ng lobo ang isang bakal upang 'di ito makakagat, hawak-hawak ang tubo sa pinakagitna pushing her away. Gumagapang ang mabahong laway mula sa mga pangil ng wolf papunta sa kamay at braso ni Clace kahit nandidiri, lakas-loob pa rin niyang ayaw bitawan yung bakal. Inches from his fingers halos abot na niya ang patalim, nakakahawak na siya sa dulo ng sheath ng dagger at nang biglang may umalulong ng malakas. Napabitaw ang lobo sa nakasungalngal na tubo, bahagyang umatras. Ngalit na ngalit pagkahol.
Clace was shaking even tapos na ang kagimbal-gimbal na pangyayari, shooking his head dahil hindi makapaniwalang he encounter that kind of a wolf. Bumalik siya sa entrance gate ng stadium at isinilid muli ang armas sa scabbard reminiscing of what Carol's word nung sila ay nasa kotse. At pagkabaon ng talim sa case, ay padating naman si Harleigh with Luke acting like normal kunwaring walang nangyari. Pinunasan ang isang pawis sa pisngi.
"Sorry natagalan kami ni Luke ambagal kasi ni manong balutin ang crackers," pakunwaring sambit ni Harleigh na para bang wala ring nangyari sa kaniya holding a chips sabay subo sa bibig.
"Oh dude are you okay?" binuksan ni Luke ang chips at kumain.
"O-Oo naman. B-bakit mo nasabi?" lunok niya ng laway habang nauutal-utal. "Hindi ba ako okay sa palagay mo?"
"Pinagpawisan ka kasi dude—"
"Mainit sa loob ng concert napagpasyahan kong lumabas na lang. Boring wala kayo dun." Alibay ni Clace.
"Bakit ba umalis ka kanina?" tanong naman niya kay Harleigh kahit puno ang bibig ay nguya ng nguya ng pagkain.
Hindi din pahuhuli pagdating sa pag-aalibay si Harleigh, "meron lang akong ichineck doon. I-It's nothing." Walang kalasa-lasa sa kaniyang dila ang fish cracker na paborito pa naman sana kainin at kulang na lang ay iluwa ito. Podsibleng naiiba kaniyang mood. "Mas mabuti pang bumalik na tayo sa loob hindi pa tapos ang concert ng The Cannibals." But suddenly, kumikirot ang kaniyang sugat sa may kaliwang dibdib kung saan siya natamaan ng palaso marahil sa lakas ng hawi niya kay Ariella. Nararamdaman ni Harleigh na tila tinik na bumabaon sa sugat ang kirot at di nakayanang mabitawan ang chips. "Guys? Mauna na ako sainyo huh? See ya' next time babawi ako sainyo. For now I have to go first." Hindi niya namalayang nalaglag na pala galing sa kaniyang dibdib ang kinaiingatan niyang kwentas, bumigay ang locker at muntikang mahulog ang beads sa drainage.
"May problema or emergency ba?"
"—None. Sorry for being rude this night nakakahiya naman ako pa mismo ang nag-imbita but I will make it up next time." Napahawak siya ng mahigpit sa sugat nagmamadaling papaalis ng concert.
"A-anong problema niya, Clace?" napatigil ng kain si Luke.
"I-I don't know."
Yumuko si Luke at pinulot ang kwentas. "Nahulog yung gamit ni Harleigh," idinulot kay Clace. "Do you see that, there is something strange sa kaniya. Totoo nga yung sinabi mo kanina na ano weird siya—"
"Ano yung hinahawakan niya sa kaniyang dibdib?" hiniram sa kamay ni Luke ang napulot niyang kwentas kay Harleigh. "Hindi naman siya magkikilos ng ganyan kung wala siyang tinatago diba?" touching the cerulean stone that shape of an oval.
"I agree. What's on your mind?"
"I have no idea."
"Likewise."
"She extremely mysterious for me honestly." Nagsasalita si Clace while tutok kaniyang atensyon sa pendant seeing those tail of a Leviathan na nakaikot. Nagniningning o kumikintab ang cerulean pagka naitapat ang bato sa isang liwanag o ilaw illuminating similar of a sapphirine-blue color.