"DEAR GANGSTER"
Ps: Melancholy Life
A Novel Written by Heavenknowsflo
Start Date : September 15, 2020
Chapter 1
Pang apat na stick ng sigarilyo ang patuloy na hinihithit ni LUCY. "Bro, talaga bang lalayasan mo na ang bahay niyo?" Pag tatanong ng kaibigan nitong si Azza. "He doesn't have a choice, kung hindi iwan ang impyerno nilang bahay." Sagot ni Phoenix at hawak ang drum stick ng kaibigan. "They are all fuckers. They keep on telling me shits! Sino hindi mauupos sakanila? I hate my Fucking Dad!" Galit na sinabi nito at initsa sa Bintana ang Bote ng Alak. Narinig nila ang pag kalat ng bubog sa labas at tahulan ng mga aso. "Fuck bro. Mahuhuli tayo sa CCTV." Natatawang suway ni Azza."Laking pasasalamat ko na wala akong kapatid." Natatawang sinabi ni Phoenix at tumango din si Azza. "Bro I told you, hindi mo naman kailangan mag renta dito. We're like Brothers, you can stay here, Besides Mom and Dad knows you." Saad ni Phoenix at uminom ng alak. Literally they are all Bad Boys at kung titignan sila mukha ngang gangster. Phoenix Carlos AKA Nic pinaka maayos ang pamilya sakanilang tatlo.
Siya ang umaampon sa dalawang kaibigan na si LUCY at AZZA sa tuwing pinapalayas at nag lalayas ang mga ito sa bahay nila. They came from a broken family, pero si Phoenix ang sinuwerte. May sariling bahay ang binata, dagdag pa dito ang sariling Talyer. "How about you Az? Baka gusto mo naring tumira dito? Para madali tayong makapag compose ng kanta." Pag aaya ni Phoenix. "No. not now. Inaasar ko pa ang Kabit ng tatay ko. I will fuck her konti nalang." Nakakalokong pag tawa nito. He is Azza Castro III. He's living with his father and step mother. His father is a Senior Citizen at ang step mother niya na twenty years lang ang agwat sakaniya. "Damn bro yayaman ka! Try mong i-upload 'yan sa mga porn sites." Pag susuggest ni Lucy at mukhang nag karoon ng kulay ang mundo pag dating sa kalokohan. "Son fucked his Step Mother." Pag tawa ni Lucy at akala mo'y lumulutang na sa langit. Nilakasan nila ang Speaker at akala mo na walang kapit bahay na nakapaligid sakanila. Ito na ang tinatawag nilang pag cover up sa mga problema sa sariling tahanan.
Kinabukasan...
Sabay sabay tumakbo ang tatlo, dahil sa malapit na silang malate. First day of school year at ito na ang huling taon nila sa pag aaral. Ultimate Repeater at Irregular students ang tatlo. Nag ka kila-kilala sila dahil sa pare- pareho ang hilig nila sa buhay. "Guess what?" Malanding pag sasalita ng isang estudyante sa loob ng eskwelahan. "What girl?" Pakikinig ng mga kasamahan nito."Kaklase lang naman natin ang Fallen Angels!" Kinikilig nitong sinabi at tumili pa ang isang kasama. Kalaunan nakita nilang hinihingal at pumasok sa likurang pintuan ang tatlo. Pinag titinginan sila as usual, Lalo ang mga bagong estudyante na kakalipat lamang dito. "Damn it! Hindi parin nagbago si Tanda!" Saad ni Lucy at padabog na umupo. Sa Ilang taon niyang paulit ulit sa Subject na ito, hindi na siya nasanay sa Guro nila sa subject na Logic. Palaging wala ang Guro kapag First day of Class.Walang ginawa ang tatlo kung hindi gumawa ng sariling mundo. Nag simulang manigarilyo ni Lucy sa loob ng Classroom at doon napatingin ang mga classmates nila sakanila. "Hey." Pag lapit ng babae nilang kaklase at agad namang pinansin ni Phoenix ang dalaga. "Look at this Guy gutom na naman sa laman." Bulong ni Lucy kay Azza.
Pinaka babaero sakanilang tatlo. Siguradong i-uuwi nito ang babae mamayang pag tapos ng klase. Sinalpak lamang ni Lucy ang Headset at hinayaan ang dalawa niyang kaibigan na nakikipag kwentuhan sa mga kababaihan na lumalapit sakanila. Sa kabilang dako."Ms. Capa, Mauuna na po ako, oras narin po kasi." Pag papaalam ng dalaga sa Guidance at Psychology teacher nito. "Hija, huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa'yo ha?" Pag hawak nito sa buhok niya at napangiti ang dalaga. "Susubukan ko po." Sagot nito.
"Amira subukan mo, walang masama kung makipag kaibigan ka sa mga kaklase mo." Pag payo nito sakaniya. Tumango nalamang si Amira at tumuloy na lumabas ng Office.
Amara Miranda o mas kilala bilang AMIRA,bansag ito ng kaniyang guro at nag sisilbing Doctor niya
(Pinag samang pangalan niya ang AM at MIRA)
Everyone calls her PSYCHO and WEIRD LADY, bukod sa wala siyang kaibigan at tanging si Ms. Capa ang lagi nitong tinatakbuhan sa tuwing binubully siya ng kaniyang mga kaklase. A twenty year old lady, tahimik, seryoso, at Anti social type of Lady. Walang kumakaibigan sakaniya, dahil sa siya ang kusang lumalayo.Takot siyang makipag usap sa iba't ibang tao. Ayaw na ayaw niya, dahil alam niyang lahat ng mga ito ay hindi totoo. Naniniwala siyang iilan nalamang ang totoo sa mundo ang dapat mong pag katiwalaan. Mas gusto niya ang tahimik na lugar kung kaya't madalas siyang matagpuan sa Comfort room sa Rooftop ng School o sa Guidance Office. Alaga siya ni Ms. Capa at malapit ang loob nito sakaniya, bukod sa nakitaan niya ang dalaga ng ibang talento. Hindi man siya magaling makipag usap sa ibang tao pero kayang kaya niyang i-express ang sarili sa pamamagitan ng Pag susulat at lumikha ng mga Imahe. Pag pasok niya sa loob ng silid aralan, doon niya nakita ang maiingay niyang mga kaklase. Unang araw, lahat akala mo ay naka kawala na sa kural ng baboy. U-upo siya sa Dulo at doon nakita niya ang lalaki na kinuha ang puwesto niya.
Minabuti niyang kumuha ng upuan at mas idinikit niya sa bintana sa likurang parte ng silid aralan. Nagulantang si Lucy habang pinag mamasdan ang babaeng numero unong pinag titripan ng mga Engineering students. Ngayon lamang niya naging kaklase ang dalaga at ngayon na nag karoon siya ng pagkakataon na bigyan ito ng pansin.Pinag mamasdan lamang niya ang ginagawa nito at doon lumapit siya. "What?" Pag tatanong niya dito dahil akala mo'y nakakita ng multo ang babae.
Natatakpan ng Bangs ang kaniyang mukha at tanging nakikita lamang na maayos ni Lucy, ang labi nitong manipis at kulay pula. "Go on, I'll just watch you." Saad ni Lucy at nginitian niya ito at humithit pa ng sigarilyo. Nagulat siyang tumayo ito at tumakbo papalabas ng classroom. "She's weird." Bulong niya at halos malunok niya ang sigarilyo dahil lumapit ang Guard sakaniya. "Lucifer Ikaw na naman!" Suway sakaniya ng OIC Guard ng School. "Sumama ka sa akin." Saad nito at pinag titinginan siya ng mga kaklase. Natatawa lamang si Lucy at dalawa nitong kaibigan.Matigas na ang mukha ni Lucy sa mga ganitong bagay, hindi naman siya makuhang i-kick out dahil kaibigan ng kaniyang Ama ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan. Narating nila ang Guidance office /OSA at ngayon na mukha siyang good boy na nakaupo sa labas. "Mr. Cuenca come inside." Saad ni Ms. Capa.
Napabuntong hininga nalamang si Ms. Capa, bukod sa suki ng Guidance Office ang mag kakaibigan. Pero halos si Lucy ang napapatawag dahil wala itong pakialam at kung saan saan niya gustong manigarilyo. "Lucy Hijo, First day of Class unang una ka sa Record book ko sa Guidance." muling pag buntong hininga nito. "Ma'am hindi pa ba sila nasanay na lagi akong naninigarilyo?" Pilosopong sagot nito. "Hijo, alam mong bawal ang naninigarilyo sa school. Isa pa, ayoko naman na makarating ito sa Papa mo." Maamo nitong sinabi. "I'm sorry" Halata sa mga mata ni Lucy ang kalungkutan. "May problema na naman ba sa bahay niyo?" Pag tatanong nito. "Always Ma'am, can I stay here? Ayokong pumasok." Pag buntong hininga nito at tinaas ang paa sakabilang upuan. "Kung sa akin okay lang, pero hindi pwede dahil kapag nakita ka na naman ng mga Guard huhulihin ka. Remember no loitering around kapag Class hours." Sobrang strikto sa paaralan nila dahil mga Pari at Madre ang nag mamay-ari nito. "Your Hair too, mahaba na baka hindi ka na papasukin." Muli nitong suway sakaniya. "Ma'am I can't cut my Hair." Pag iling niya at nginitian ang Guro.
"Lucy paano ka magiging Pyschologist sa future kung ganiyan ka? Sarili mo lang ang iniisip mo." Saad nito. "Mabuti ng isipin ko ang sarili ko, kaysa isipin ko ang mga walang kwentang tao na nag bibigay ng rason sa akin para tuluyan kong talikuran ang mundo." Saad nito at tumayo."I'll go now. Sana hindi mo nalang sabihin kay Dad." Saad nito at lumabas. Napatingin siya sa Relos niya at kinuha ang kapirasong papel sakaniyang bulsa. Nakita niya ang schedule para sa susunod niyang klase. Wala siya sa mood at doon palakad lakad lamang sa labas. Napansin niya ang mga Estudyante na tinitignan siya dahil kitang kita siya sa Glass Window. "Hanep, it's 12 noon pero may klase pa?" Asar na sinabi nito."LUCIFER" napalingon siya at hinabol ng Guard. Muli na naman siyang nakita nito na palakad lakad habang naninigarilyo. Tumakbo si Lucy at hindi maiwasan na tumawa dahil ang bagal tumakbo ng guwardya. Patuloy lamang siya sa pag takbo paakyat hanggang sa narating niya ang Girls Comfort room sa rooftop."FUCK!" Halos atakihin si Lucy ng makita ang dalagang kausap niya kanina.
Ayaw na ayaw niyang nagugulat dahil pakiramdam niya lalabas na ang puso niya kapag naramdaman niya ang ganitong pakiramdam. Halos tumulo na ang Toothpaste habang nakanganga si Amira na nakatingin kay Lucy. Namilog ang mga mata ni Amira at nag simulang sumigaw. Walang Choice si Lucy kung hindi takpan ang bibig nito dahil sa mahuhuli siya ng mga Guard."What's the matter with you?!" Bulong ni Lucy sakaniya at nag pupumiglas parin ang dalaga ngunit masyadong maliit ang babae para makakawala sa mga bisig niya. "Ssh!" Pikon na pag bawal niya dito. Ilang sandali naramdaman niya ang matalim nitong ngipin na kumagat sa kamay niya. "FUCK! OUCH!" Sigaw ni Lucy at nakita niyang tatakasan siya nito pero hinablot niya ang kamay nito. "I said keep quiet" Nanigas sa kinatatayuan ang babae dahil nag seryoso ang mukha ni Lucy sakaniya.
"Dito ko narinig 'yong ingay." Nag tatago lamang ang dalawa sa loob ng Comfort room at hinihintay nilang umalis ang mga guard. "Si Lucy at ngayon babae naman, napaka tigas ng ulo ng mga kabataan ngayon!" Narinig nilang reklamo ng Guard. "Halika na bumaba na tayo." Muli nilang narinig ang isa pang kasama. Ilang segundong natahimik at doon nais sanang kamutin ni Lucy ang ilong niya nang makita ang kamay na may toothpaste. Napapikit siya at nandiri dahil napunta lahat sa kamay niya ang dumi mula sa bibig ng Babae. Pag tayo niya, hinugasan niya ang kamay at doon napansin na hindi gumagalaw ang kasama. Muli niyang nilingon at kinuha ang panyo sa bulsa niya. "Punasan mo 'yang bibig mo nag kalat ang toothpaste sa mukha at uniform mo." Pag abot nito pero hindi siya pinansin ni Amira. "Come on." Masungit nitong sinabi at siya na mismo ang nag punas sa bibig nito. Yumuko si Amira at ayaw ipakita ang sarili. Napabuntong hininga si Lucy at iniwan nalang siya sa loob ng banyo.