The Secret Identity Of Mr. President

🇵🇭MorenangCebuana
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Genevieve Pantio's P.O.V.

The smell of the bar still sucks as I walk inside the bar. Ang osok at ang ibat-ibang ilaw ang nakapag libang sa mga taong andito.

May ibang nagsasaya habang kasama ang barkada meron ding nag sesenti sa may stool bar and of course hindi mawawala ang halos nakahubad na kung maglampungan sa isang tabi.

Typical situation sa isang bar.

Sa tanang buhay ko, sa bar nako lumaki. Dito na ako namulat sa katotohanan tungkol sa mundo. Dito na rin ako nagka-isip. Nag tratrabaho rin si mama dito noon, bago pa siya kunin ng panginoon. Kaya mostly sa mga taong pumupunta dito kilala ko. Alam ko na rin ang pasikot-sikot dito.

At ngayong malaki na ako at wala na si Mama para mag-alaga sa akin. Nag apply ako bilang waitress kahit part time lang. Para may pantos-tos ako sa pang araw-araw na kailangan ko at para maitaguyod ang sarili ko sa pag-aaral.

Aba gusto ko ring maka pagtapos ano. May pangarap rin ako. At isa sa daan patungo sa aking pangarap ay ang pag pasok ko sa Lincoln University bukas. Unang araw sa pasukan bukas. Fourth year college na ako sa kursong BS Customs Administration. Plano kung tapusin ang College life ko sa pampublikong paaralan nalang sana total dito narin naman ako nagsimula, kaso mas maganda at maraming opportunity kung dun ako sa Lincoln Univeristy. Pribado ang paaralan pero isa ako sa inalokan nila ng scholarship kaya hindi na ako nagdalawang isip at tinangap ang alok nila. Tutal wala naman akong babayaran dahil scholar ako. Ang kailangan ko lang gawin, mag fit in. Mga anak mayayaman ang mga tao roon. Hindi sanay sa hirap ng buhay. Sana lang ay maka pag adjust kaagad ako.

"Geni!!!" Napalingon kaagad ako ng makitang tinatawag na ako ni Lhea.

"Faster Geni!!! Dahil baka kainin ka ng buhay ng nag aapoy sa galit na si Sir Raffy." Dag dag niya pa na kaagad namang nakapag taranta sa akin. Eto lang ang trabahong pwedeng pasokan nang isang kagaya kung mahirap at nag-aaral pa. Kaya hindi pwedeng masesante ako.

"Late na talaga ako. Sige balik kana dun at baka madamay ka pa. Mag bibihis lang ako saglit." Sagot ko sa kaibigan ko at kaagad na nagpalit nang damit.

Bar ang pinagtratrabahuan ko pero desente naman ang damit naming mga waitress. Polo shirt at itim na slacks ang uniporme namin at hindi yung maiikling damit na nagkulang sa tela.

"Bilisan mo ahh" Dagdag pa niya.

"Oo. Lalabas na rin ako." Sagot ko at nagpatuloy na sa pagbibihis. Dahil paniguradong uusok na naman ang ilong ng boss ko.

Napa irap ang boss ko ng makita niya akong kakalabas sa quaters ng mga employee.

"Mag o-overtime ka ngayon Geni dahil isang oras kang late!" Sabi ng boss ko habang namamaypay para pakalmahin ang sarili niya.

"Yes sir.. este Maam." At mula sa pag taas ng dalawang kilay ay umirap na naman ito at nag lakad pa balik sa opisina niya.

Tama kayo ng narinig hindi lalaki ang boss ko kundi binanabae. Lalaking may pusong babae. In short bakla! Sa umaga siya si Sir. Raffy sa gabi si Maam Ruffa.

Kanina pa ko nag lilinis sa mga pinag inuman ng mga ma agang umuwi. At nangangalay na ang mga kamay ko. Pagod na rin ako dahil buong araw kung nilakad ang mga kailangan kung ayusin upang makapasok na ako bukas.

Pero g lang ang pagod, marami kayang gwapo. Free titig. Ang kaso nga lang, karamihan sa mga gwapong andito, si bataan lang ang plano. Hindi ang buong puso mo. Kaya wag na wag kayong magpapadala sa mga gago.

Gawain ko na talagang obserbahan ang mga taong nasa paligid ko. At sakto ngang lumapat ang mga mata ko sa isang lalaking bagong dating. Naramdaman niya sigurong naka titig ako sa kaniya kaya napunta ang kulay chokolate niyang mata sa gawi ko. Hindi ko mapigilang hindi kiligin ng ngumiti sya. Pakshet ang gwapo ngumiti. May dimple pa at ang puti ng ngipin. Ang sarap sampalin ng sarili ko. Halatang kinikilig ako. Nakakahiya.

Naghanap kaagad siya ng bakanteng mauupuan ng makita niyang may isang couch na walang naka upo sa may lounge area ay kaagad rin siyang kampanteng umupo dun.

Lumipas ang mga oras na nawala sa isip ko yung lalaki dahil naging busy rin ako sa paglilinis. Madilim rin ang part ng lounge area kaya hindi ko talaga natutuonan ng pansin.

Pero ng natapos ako at nagkaroon ng bakanteng oras para maghintay. Ay kaagad ko namang tiningnan sya sa may lounge part at nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko.

Tila natulos ang mga dila ko makitang hindi na siya nag-iisa. May kasama na siya. Tama kayo ng narinig may kasama siya hindi lang isa kundi tatlong babae na tila sya ang Diyos na kanilang sinasamba.

Yung dalawa nasa magkabilang gilid niya, kahalikan ang nasa kaliwa at hinahalikan ang kaniyang leeg nong nasa kanan. At yung pangatlo andun naka luhod at pinapaligaya siya.

Normal na ang ganitong eksena dito. Hindi naman ganoon ka high end ang bar na to hindi rin naman pipityogin. Yung tipong tama lang. Na kahit anong gawin mo diyan, normal lang basta walang pakealaman.

Per nakakapanghinayang. Akala ko pa naman isa siya sa mga matitino na nagpupunta dito na trip lang ay uminom. Siya ibang klase.

At sa ikalawang pagkakataon nadapuan na naman ako ng tingin ng mga mata niyang kulay tsokolate. Kaagad siyang nag smirk at kaagad ring lumiyad na halatang sarap na sarap siya sa nangyayari sa kaniya.

Naiinis ako sa sarili ko dapat pandirian ko siya pero bakit may ibang parte ng isipan kung gustong e walang bahala ang nakikita ko. Na tila gusto kong makilala ang pagkatao sa likod ng nakikita ko ngayon.

"Earth to Geni!" Kaagad akong napadako kay Lhea ng pinitik niya ang tungki ng ilong ko. At kaagad dinapuan ng tingin ang tinitingnan ko at napasinghap siya.

"Gwapo ano. Napansin ko yan nung pumasok, kaso gago pala." Saad nito at ibalik ang atensyon sa kaniya.

"Table 3 raw sabi ni Sir Raffy." Saad nito at kaagad na umalis para mag serve sa ibang table.

Kaagad ko namang nilinisan ang kalat ng table 3.

Pagatapos kong linisan ay kaagad akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina at sinilip kaagad ang gawi ni Manwhore. Yung lalaking gago.

Pero hindi ko na siya mahanap. Wala na siya ruon pero andun pa naman ang mga chix niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nga may umubo sa likuran ko at saktong pagharap ko ay tila tumigil ang mundo ng nakitang naka tayo na siya ngayon kaharap ko.

Pero may nahagilap akong lalaki. Kanina pa siya andun sa may round table at may mga naka palibot na babae. Di lang nakapalibot yung isa andun na sa harapan niya, yung isa naman kahalikan niya at makikita mong yung ibang babaeng kasama niya gustong pumalit dun sa dalawang nag papasarap.

Pero tila kaagad rin akong bumalik sa realidad ng marinig ko ang mga katagang isang malaking gago pala ang katauhan sa gwapong mukha nito.

"Wanna be the 4th girl on my table?"

Saad nito na nagpakulo ng dugo niya. At hindi nga niya napigilan ang sarili niya at nasampal niya ito.

Kaagad na napalitan ng galit ang naka ngiting mukha niya.

"Gago!" Saad ko at kaagad siyang tinalikuran.

Sa inis ko sa manwhore na yun ay umalis kaagad ako sa bar.

At dinala ako ng mga paa ko sa lumang playground malapit sa bar. Kaagad akong napa upo sa swing.

"Gago yun kala mo naman kung sino. Gwapo nga gago naman." Nabulalas ko sa kawalan.

Ang pinaka ayaw ko ay yung binabastos ako. Akala niya hindi ko sya papatulan. Hindi porket babae ako mahina na ako. Uupakan ko talaga yung gagong yun pag nagkita kami ulit.

Napabalik ako sa realidad ng mag vibrate ang cellphone ko. At kaagad nanalaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang tumatawag.

Patay.

Kailangan kung mag-isip ng dahilan kung bakit ako nawala dahil baka trabaho ko pa ang mawala.

"Hello Maam" saad ko na may boses na lungkot ng sinagot ko ang tawag ng boss ko. Kaagad ko naman itong ilinayo sa tenga ko at malapit ko pang matapon ng sumigaw ba naman, "GENIVIEVE! ASAN KA?"

Wag magpapadala Genivieve. Dapat proceed tayo sa acting.

"Maam kasi. Nabastos na naman ako kanina. Ang sakit sakit lang po, dahil babae ako tas ang dali dali lang po sa kanilang bastosin ako. Wala naman akong ginagawa..." at hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sinabat na niya ako.

"Oh sya sya. Wag mokong dramahan. Alam mong ayaw ko sa drama. Ipahinga mo nalang yang sarili mo. May mga walang hiya lang talaga sa mundo." Saad nito.

Mission accomplish. Basta itong topic na to at drama acting talagang nadadala ang boss ko. Ewan ko ba kung sadyang bobo ba sya oh talagang may puso parin ito sa kabila ng katarayan nito.

Pero hindi naman ako nagsinungaling sa part na binastos ako. Di ko lang talaga sinali na sinampal ko yung gago.

"Salamat maam" sagot ko na may pahikbihikbi pa na kaagad naman niyang pinatay ang linya.

Ang mahala ngayon makakapagpahinga na ako para bukas.

Ka agad akong napa balikwas sa kama ng tumunog ang alarm clock ko. Alas 5 na pala. Kelangan ko ng mag handa. May pasok pa ko.

"Oy bigla kanalang umalis ka gabi ah." Kakatapos ko lang maligo ng pumasok si Lhea sa kwarto namin.

Na alala ko tuloy ang manwhore na gago. Na kaagad naka pag iba ng templa ng umaga ko.

"May gago lang akong naturuan ng leksyon." Saad ko.

Dapat hindi ko iniisip ang kumag na yun dahil masisira lang ang araw ko. Dapat good vibes lang.

"Naturuan ba?" Tanong niya.

"Aba malay ko. Bahala siya basta gago siya." Saad ko at nagbihis na.

"G ba?" Tanong ko kay Lhea kung aprobado ba ang suot ko sa bagong paaralan ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hangang paa at umiling.

"Badoy Gen." Saad nito at umiiling pa.

"Eh ito na nga yata ang pinaka desenteng damit ko." Saad ko.

Hindi naman masama ang suot ko ah. Plain na tshirt, faded na pantalon at sneakers kung ilang siglo na ang pinagdaanan. Umalis si Lhea at pumunta sa kwarto niya pero kaagad ring bumalik na may daladalang mga damit at sapatos.

"Here ito ang suotin mo ngayon." Saad niya at inabot sa akin ang isang kulay beige trouser shorts na hindi naman maikli yung tama lang para pormal akong tingnan. At isang white na one shoulder top. Kasama na rin ang white shoes at bag na kukay puti pero yung strap niya is chain na kulay gold.

Savior ko talaga si Lhea. Mayaman yan na nag layas na naging kaibigan ko dahil naging katrabaho ko sa Bar kaya heto kami ngayon, nasa iisang bubong para kumayod. Ako para maiahon ang sarili sa kahirapa. Siya para raw patunayan sa tatay niyang kaya niyang mabuhay kahit wala ang sustento nito.

Kaagad na ring akong nagbihis at bumalik para patingnan sa kaniya at nag approve sign pa ang gaga.

"Thank you talaga Lhe, savior talaga kita." Saad ko atsaka nag handa na para umalis.

"Manong baba po." Sabi ko at ka agad na bumaba sa diyep.

Naka harap ako ngayon sa isang napakalaking Gate ng magsi-pasukan ang mga estudyanteng bumaba sa kanilang mga hatid na auto.

Ang gara talaga ng paaralang eto. Di ako nababagay rito ngunit mas marami ang oporunidad kung dito ako mag aaral.

Pagpasok ko palang makikita na ka agad na mayayaman talaga ang mga nag aaral rito.

"Welcome back freshies, sophomores, juniors and seniors!"

"Whooooo!!!"

Na agaw ang pansin ko sa may stage na maraming kumpol ng estudyante ang naka palibot. Mainly mga babae ang nakapalibot rito.

"Excuse me Ms. pa harang-harang ka." Sabi ng babae at ka agad akong binang-gaan at nag mamadaling tumakbo para makalapit sa stage. Biglang nag strum yung gitara nong nasa stage kaya na curious na rin ako kung anong meron.

"Oh, there she goes again"

At biglang nagtilian ang mga babae ng nagsimulang kumata yung lalaki sa stage.

"Every morning it's the same"

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kung lumapit sa kumpol ng tao.

"You walk on by my house"

Ang ganda ng boses. Nakakahumaling at swabeng swabe.

"I wanna call out your name"

Hindi ako nakontento sa paglapit. Parang may naguudyok talaga sa mga paa kung mas lumapit pa.

"I wanna tell you how beautiful you are"

At dahil sa kakapilit kong maka usad ay nakalapit rin ako sa unahan at kaagad nag tama ang mga mata namin...

"from where I'm standing"

Tila nagulat siya ng makita ako. Pero hindi iyon naging hadlang para magpatuloy siya sa pagkanta.

Bakit ba siya andito?

Bakit ba kailangan pang mag krus ng mga landas namin?

"I keep craving, craving, you don't know it but it's true

Can't get my mouth to say the words they wanna say to you"

Hindi ko na pinatagal pa ang eye to eye contact namin at kaagad na akong umalis.

Hindi parin ako makapaniwala. Yung gagong lalaking sinampal ko kagabi. Isang lugar nalang ang ginagalawan namin.