So, You Are That Assistant Su

🇵🇭She_Losa
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1

NAG-AAYOS na ng gamit ang doktorang si Amara nang mahagip ng mata ang dalawang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Sa paglagay ng stethoscope sa bag ay nagsalita ito.

"Assistant Su, may iniwan ka ba sa mesa ko?"

Napahinto sa pagkagat ng mamon ang naka-sitting pretty na dalaga.

"Uh, meron, movie ticket, action. Napanalunan ko 'yan sa isang shopping online app. Valid for three days... baka gusto mo."

Napangiti ang amo. "Gusto ko sana pero wala naman akong kasama."

"Ako, Doktora... kung okay lang sa 'yo."

Saglit na nagtama ang tingin nila at pagkatapos natawa.

"Let's go, then."

At heto nga, nasa loob sila ng sinehan. Nagpapapak ng popcorn. Pinapanood ang walang humpay na barilan. Walang bedscene pero mainit ang pakiramdam ni Suzette ng mga sandaling iyon. Nakaupo sa kanan niya si Amara at ang pagkakalapit nilang iyon ay naghahatid ng libo-libong boltahe sa katauhan niya. Nagitla pa nga siya nang magdikit ang mga kamay nila.

Hindi niya kayang sumulyap. Napasipsip na lang siya ng softdrinks na nasa cup. Nang dadamputin na niya ang popcorn sabay pa sila kaya napalinga na siya. Nakangiti ang doktora. Nakiinom ito sa hawak niya at nang ma-realize ay agad nag-init ang pisngi niya. Kinabig pa siya nito ay binulungan sa tainga.

"Wala nang lasa ang soda."

Napaayos na siya ng upo at pasimpleng uminom.

Okay pa naman. Matamis pa, ang gusto niyang sanang isatinig.

Natapos na ang palabas at mayamaya pa nakihalo na sila sa mga taong papaalis doon. Siya na ang nagtapon ng pinagkainan.

Ilang saglit din bago niya napagtantong wala ang amo sa tabi niya. Palinga-linga tuloy siya hanggang matanaw itong nasa isang tabi at kumukuha ng tubig sa isang water dispenser doon. Nalaglag pa ang panga niya nang makatatlo itong baso. Panay rin ang paypay ng gamit ang kaliwa nitong kamay.

Umalis din si Amara sa kinatatayuan at lumiko ito sa comfort room na pambabae. Dito na siya sumunod dahil baka magkasalisihan pa sila.

Pagkapasok niya ay nakita itong nakaharap sa salamin. Inaayos ang make-up tapos ngumiti. Humawak sa labi at saglit natulala.

"Binibiro ko lang siya pero uminom pa rin siya. Kung alam mo lang, Su."

Napatakip siya ng bibig sa naulinigan. Iniisip siya nito. Lalo lang siyang nagkaroon ng lakas ng loob lumapit.

"A-anong dapat kong malaman?" nanunukso niyang tanong.

Nataranta naman ang babae at nabitiwan pa ang hawak na lipstick. Hindi malaman kung haharap ba o tatalikod.

"Kanina ka pa? Narinig mo? I mean, hindi kita type, okay? Assistant kita at..." anitong hindi maituloy-tuloy dahil napunta ang atensiyon sa pagpulot ng nalaglag sa sahig doon.

Pinanood lang iyon ni Suzette hanggang sa mailagay na nito iyon sa bag. Nang hindi na niya matiis, mabilis ang naging pagkilos niya para makorner ang hinahangaan saka walang sabi-sabing hinalikan ito sa labi.

"W-Wait!" Si Amara ang pumutol niyon. Hinihingal. Humawak pa sa magkabilang balikat ni Suzette at nakayukong nagsalita.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

"Bakit? Kasi gusto kita," walang gatol na pag-amin.

Napaangat na ng tingin si Amara. "Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Hindi na tayo babalik sa dati niyan."

"Okay lang. Puwede mo akong tanggalin sa trabaho. Ang gusto ko lang ngayon ay malaman mong gusto kita, Dra. Amara."

Dumistansiya ang doktora. Tumalikod. Nagtakip ng tainga.

"Huwag! Hindi puwede. Mauna ka nang umuwi. Kalmahin mo ang sarili mo. Bukas o makalawa siguradong makakalimutan mo rin ang tungkol dito."

"Pero..."

"Go home. Now!"

Umalis na nga siya. Nag-isip-isip. Kung masyado ba siyang mabilis? Kung saan siya mali? Matagal-tagal din siyang nagpigil ng damdamin at ngayong nasabi na niya mas magaan na. Ang problema nga lang, nalilito siya. Iniisip siya ni Amara pero nang gumawa na siya ng first move, ayaw na.

"Ah! 'Yong first kiss ko!" aniyang napangiti nang biglang sumagi ang eksenang iyon sa isipan. Napadila siya sa labi. Lasang strawberry.

Kinabukasan...

Tinanghali ng gising si Suzette pero excited pa rin siyang pumasok. Pakanta-kanta pa siyang umalis ng bahay. Nagbago lang ang mood niya nang makitang bukas na ang klinika, ang animal clini ng amo niyang si Amara. Pero agad na nagtaka nang mapunang may mga kalalakihang naglalabas ng gamit galing doon. Pati signage binakbak ng mga ito.

"W-wait, manong... ano pong nangyayari? Saan ninyo dadalhin 'yan? Alam ba ni Doktora?"

Tumingin ang mga itong tila nagtataka.

"Sorry, miss... hindi namin kilala ang tinutukoy mo. Nautusan lang kami dito."

Napakalikot siya ng selpon at pagkatapos kinontak ang numerong nakita sa signage.

Cannot be reached.

Napatakbo na siya pabalik ng bahay. Kinatok niya ang katabing pintuan ng tinutuluyan ng amo.

Walang nagbubukas.

Dinagundong na siya ng kaba. Hindi niya akalaing mauuwi sa ganito ang pagtatapat niya. Natakot ba sa kanya ang doktora? Grabe ang pambabasted nito sa kanya at ang masama pa jobless ang kinalabasan niya. Napasandal siya sa pintuan doon.

Saan siya ngayon maghahagilap ng pera? Ang suweldo para sa ngayong buwan ay hindi na mangyayari pa. Para siyang maiiyak na ewan.

Ang sakit ng dibdib niya. Double kill. Ang lupit talaga!

Sasabihin ba niya sa kapatid ang tungkol dito? Hindi niya alam. Humakbang na siya para pumuntang bangko. Iche-check niya ang laman ng atm card niya.

Availabe balance: 25,251.30

Nakahinga siya nang maluwag. Mukhang makaka-survive pa siya sa loob nang dalawa o tatlong buwan. Sana. Ililihim muna niya sa nakababatang kapatid na si Soto ang tungkol dito habang hindi pa siya nakakahanap ng bagong trabaho.

Ang tanong may tatanggap pa kaya sa kanya? Trenta anyos na siya sa makalawa. Dadayain ba niya ang edad niya?

Nakita niya ang repleksiyon sa nadaanang tindahan ng mga damit. Baby face siya at kung pag-aaralang mabuti, walang magdududa kung sasabihin niyang nasa 20's lang siya.

"Yes miss, anong hanap?" tanong ng saleslady.

"Trabaho po," walang gatol niyang sagot.

"Oh, tamang-tama... naghahanap si Ateng ng isa pang makakatuwang sa tindahan. Bale, isang 1x 1 picture, dalawang copy ng birth certificate at nbi clearance, medical certificate, valid id's at..."

Napakunot ang noo niya sa dami ng requirements.

"Sige, sige, babalik na lang ho ako sa ibang araw." Sinabi lang niya iyon para mabilis na makaalis doon.

"Thank goodness!" Napahawak pa siya sa dibdib.

"Miss, naghahanap ka ba ng part-time job? Puwede mo akong tulungang mamigay ng flyers," alok ng isang dalagitang nakasuot pa ng school uniform. Makintab ang itim nitong sapatos at makinis din ang morenang balat.

"Tungkol ito saan?" aniyang inabot ang isa at pinakatitigan.

"Cook assistant for hire..." basa niya roon.

"Yes, I badly need someone that can help me..."

Tila may bumbilyang nagliwanag sa ulo ni Suzette. Ito na ba ang sagot sa problema niya? Hinawakan niya ang magkabila nitong kamay.

"Puwede ako. Marunong ako kahit paano."

"Oh?"

"Yes ma'am!"

"Your name?"

"Su... Suzette Ibañez."

"Age?"

"Twenty nine."

Ngumiti ang babae at pagkatapos hinila na siya nito papunta sa nakaparadang puting van.

Biglang gusto niyang mag-panic. Hindi naman kasi lingid sa kanya ang usap-usapan sa ganoong klase ng sasakyan.

"M-miss?" Linga niya rito. Hindi niya malaman kung anong unang itatanong.

"It's fine. Trust me."

Pumasok na nga siya. Noon din kumalat ang pabangong dagliang nagpawala ng malay sa kanya.

"Sleep tight, my assistant."