Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Midnight Curse

Vanitia_Septecrus
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.4k
Views
Synopsis
A wicked woman cursed an innocent baby boy inside his mother's womb. She has no mercy isn't she? The curse that she made was beyond the scope of normal human being. Neither scientific understanding. But The girl who he will always see everytime he wakes up Is she the one who could break the curse? How? †‡† MIDNIGHT CURSE Vanitiaseptecrus
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: The Curse

"Belated happy birthday, Ryco!" I heard a girl's voice coming from my back. Nilingon ko kung sino ito. I saw Aiana sitting on her own chair. She's looking and smiling at me as if she can seduce whoever that she wanted.

"Hey," 'yon lang ang sinagot ko at hindi na muling tumingin sa kaniya. Why? 'Cause nothing special about her, she's not even beautiful.

"Sungit naman!"

"Tss," napa-ngiwi na lang ako dahil na-asar siya. Ang sarap lang sa pakiramdam ng may nabi-bwisit ka na mahinang nilalang.

I took the branded pen over my table to play it with my fingers as one of my mannerisms.

Hindi ko naman maiwasang hindi pumasok sa utak ko ang mga kakaibang nangyayari sa akin these past few days since my 21st birthday. Nung gabi mismo ng aking birthday, bigla na lamang akong nakaranas ng isang pangyayari na hinding-hindi ko inaasahan. Ni hindi nga sumagi sa isip ko kung posible ba akong maging gano'n.

Pero posible pala talagang mangyari ang bagay na iyon?

Pero bakit ako lang?

'Yan ang tanong ko.

This is so weird and really unbelievable.

Anas ko pa sa aking isipan habang naka-tingin sa kawalan.

Hindi kaya isa 'kong parte ng Avengers? At isa akong pa-usbong at bagong super-hero ng Pilipinas?

"Maaari mo bang ibahagi sa amin kung ano man ang tumatakbo sa utak mo ngayong oras ng aking leksiyon, ginoong Corona?"

Napa-kurap ako nang sumulpot ang mukha ng aming guro sa aking harapan. Ini-level niya ang sariling mukha sa direksyon ng aking mga paningin, kaya naman hindi ko maiwasang hindi magkanda-ugaga at mapa-tingin sa buong klase. Lahat sila ay sa akin na pala naka-tingin habang nagtatawanan.

Napa-ngisi na lamang din ako.

"I was just thinking if I am destined to be part of Avengers, Sir," sagot ko. I admit that I'm a total jerk at joker ng klase, matagal na nila akong kilala kaya hindi na bago sa kanila ang ganito kong asta.

"Really?!" Sabat ng katabi at kaibigan kong si Clarence sabay siko sa ma-muscle-muscle kong braso.

"Well it's on you kung paniniwalaan ni'yo 'ko," I shrugged my hard and wide shoulders. "Basta ang sa'kin lang, kaya kong mag-invisible," I confidently said to everyone. Pero tawa lang sila ng tawa.

"What a dead joke, Corona," anas ng mayabang na prof namin. "Mag-focus ka sa klase at hindi sa kahibangan mo," aniya pa sabay nagbigay ng mahinang palo sa aking table.

"Okay," sagot ko na lamang dahil tila biglang sumeryoso ang ihip ng hangin.

But I know to myself that I wasn't joking. Wala pa kasing nakaka-alam nitong nararanasan ko ngayon miske ang tropa kong si Clarence. Hindi rin naman ako umaasa na maniniwala silang lahat kaya malakas ang loob kong sabihin sa kanilang lahat 'yon bilang biro.

"Pre," he said with the low tone of his voice na may kasamang mahinang paniniko na naman sa aking braso.

"Ano 'yon?"

"Are you on drugs?"

Nagulantang naman ako sa tanong niya kaya nilakihan ko siya ng mata at magkakasalubong na kilay.

"Just kidding, bro." Aniya na may pag-peace-sign pa.

Nagmumukha na ba talaga 'kong adik? Should I tell him the truth or nah?

Humugot ako ng isang malalim na hinga. Pumikit ako panandalian at muling dumilat upang harapin siya.

"Sige, mamaya, may ichichismaks ako sa'yo, bro," anas ko naman gamit ang kaunting beki language.

"Ay? Excite naman ako sa chismaks mo, water," aniya with beki language at beki accent pa. At sinabayan pa niya ng haplos sa macho kong braso!

"Stop doin' that thing!" Sabay usog ko sa mismong arm-chair ko palayo sa kaniya. Minsan kinakabahan na rin talaga ko sa gagong 'to eh.

Matapos ang mahaba-habang diskusiyon sa loob ng ilang subjects, napag-desisyunan namin ni Clarence na pumadito muna sa condo ko kasama siya. Sinabi ko na rin sa kaniya kung ano na ba talagang nangyayari sa dating guwapo kong buhay na ngayon ay guwapo pa rin pero nagiging wirdo na.

"Every twelve midnight, bro, I was always evolving into something else! It's so freakish!" Hindi pa rin ako mapakali habang ikinukuwento ko ang tungkol dun.

"Sigurado ka?" Lukot naman ang mukha niya habang sinusundan lang ako ng tingin na palakad-lakad sa kaniyang harapan. "Baka nababaliw ka na, Ryco?" Hula pa ng gago.

"Pre! Hindi, Pre! I swear! Baka nga mababaliw pa lang ako dahil nararanasan ko 'to," napa-sabunot na lamang ako sa sarili at na-upo sa pang-isahang tao na couch. "Nung gabi, nagcelebrate tayo para salubungin 'yung birthday ko, hindi ba? It was my 21st birthday's advance celebration," sabi ko sa kaniya. Susubukan kong himay-himayin ang mga pangyayari mula sa kung kelan ko ito unang naranasan.

"Oo, tapos tinawagan mo 'ko, sabi mo, bigla kang nakarating sa kabilang city nung mismong gabi rin na 'yon?"

"Mismo!"

"Eh tinakbuhan mo kami no'n dahil ayaw mong gumastos ng malaking halaga sa bar, 'diba?" natatawa naman niyang sinasabi sa akin iyon at sumandal pa siya sa inu-upuan niyang sofa.

"No, dude! Bigla lang akong natumba no'n do'n mismo sa venue, para 'kong nahimatay, akala ko nga dahil sa alak 'yon, eh, pero pagka-gising ko, bro, saktong alas-dose pa rin, the same time nung countdown na para sa birthday ko..."

FLASHBACKS!

"Saglit lang, pre, I just have to make a call." Paalam ko sa mga tropa ko.

Lumabas muna ako ng bar kung saan kami nagpapaka-saya ngayong gabi. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng ripped jeans ko at tinawagan si Daniela.

Ilang minuto ko rin siyang pa-ulit-ulit na tinawagan pero ring lang ng ring.

C'mon, sleepy-head. I said in my mind.

Ilang minuto rin ang lumipas and she finally answered my call.

"Hello? Hating gabi na, nang-iistorbo ka pa?" I heard her sleepy but so sweet voice on the line.

I don't know kung lasing lang ba ako ngayon the reason why I feel this urge to be with her right now.

"I badly need you right now, Dani," anas ko habang nagpapaawa. Dani ang tawag ko sa kaniya dahil 'yon ang sa palagay kong bagay sa pagkatao niya. Para kasi siyang lalaki. Pero shit lang, I am really crazy for her. I am the man who will do anything just to have her.

"Eh, nasaan ka bang impakto ka?" Rinig ko pa na tinawag niya 'kong impakto. Ewan ko ba rito sa nararamdaman ko pero the way na tawagin niya 'ko sa kahit na anomang creature na gusto niyang itawag sa'kin, I still feel that I became more and more special for her. I think that's her way of being sweet.

"Nandito 'ko ngayon sa masaya eh, hehehe," pilosopo kong sagot sa kaniya at pakiramdam ko pa ay unti-unti nang pipikit ang aking mga mata dahil sa kalasingan.

"Ah, ganon?" Ramdam ko naman ang pagka-irita sa kaniyang tono.

"Hahaha, joke, andito 'ko sa bar, sunduin mo naman ako? Pleeease? It's my birthday." Request ko sa kaniya na may paawa effect na siyang inaasahan ko na sana tumalab sa kaniya.

I heard she sighed from the line.

"Napaka-daming bar sa mundo, Ryco Corona!" Napalayo naman akong bigla sa teleponong nakadikit sa aking tenga dahil sa bulyaw niya.

This girl is really amazing.

"Hahaha, sorry, Dani. Dito lang din sa Timog kung sa'n paborito ng barkada," sagot ko naman sa katanungan niya kanina.

"Okay, I'll be there at one..." I was still listening to her voice when I just suddenly felt numb.

Deaf.

And my sight was getting dark.

What's happening?

Pero maya-maya lang, bumalik din naman agad ang aking wisyo. Sa pagka-manhid ay hindi ko namalayang naka-higa na pala 'ko sa malamig na sahig. Hindi ko inasahan na matutumba pala ako.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Ilang segundo...

Ilang segundo ang nakalipas.

Napabalikwas ako ng bangon at agad-agad na kinusot ang aking mga mata. Sinusubukan kong may ma-aninag pero tila hindi pa rin ako maka-kita.

"What the fuck!" Wala pa rin akong tigil sa kaka-kusot sa mga ito at pilit na sinusubukan na maka-kita.

"I'm not blind! I will never be!"

Tila nawala ang tama ng alak sa akin. Ano bang nangyayari? Ba't ako nahimatay dito sa labas ng bar? Ba't parang tahimik pa rin at hindi pa rin ako makarinig? Ba't wala akong makita? Fuck!

Kinakabahan na talaga 'ko.

Pero bigla kong naalala na hawak ko pa pala ang cellphone. Susubukan kong mangapa ng pwede kong tawagan.

At pagkapindot ko sa power botton ng cellphone ko, umilaw agad ang screen, tanaw ko ka-agad ang larawan na nasa aking telepono, kung saan isang magandang mukha na naka-simangot na babae. Si Daniela. Nakita ko ang kasalukuyan kong ka-call at siya pa rin ito. Itinapat ko kaagad ang cellphone sa aking tenga upang bumalik sa tawag.

"Hello?... Ryco? Andiyan ka pa ba?"  Her voice on the other line.

Magsasalita na sana ako upang sumagot sa kaniya, sa kaniya na nagtatanong kung andito pa ba 'ko.

Ngunit tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang bigla akong mapa-isip..

"I'm not blind?" naguguluhan kong tanong sa aking sarili, habang naka-titig sa madilim na kawalan. "If I wasn't..."

Napatikhim ako nang wala sa oras at hindi ko nasabi ang dapat na aking sasabihin.

"..where am I right now? What is this fucking place?" Sinimulan ko nang umikot habang pinagmamasdan ang madim na silid na unti-unting lumiliwanag dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok mula sa naka-saradong bintana na may malinaw na transparent na salamin nitong kuwarto.

"You must be drunk already, err.." I heard Dani's voice. Narito pa pala siya sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako upang kausapin siya patungkol na rin sana sa kasalukuyang nagaganap sa akin pero agad niya naman itong ibinaba.

"Shit,"

Sinubukan kong sipatin ang oras sa aking telepono. It's twelve ow three already.

Binuksan ko ang bintana. Humaplos sa aking balat ang katamtamang lamig ng simoy ng hangin ngayong hating gabi. Pero hindi ko pa ito masiyadong nabubuksan nang dahil sa napa-bitaw ako rito dahil tila mas lalo pa akong nagulantang nang itulak ko ang dalawang pinto nito nang hindi nakita ang magkabilaan kong braso.

"WHAT THE FUCK IS HAPPENING?! OH, SHIT! WHAT THE FUCK?!" Halos gusto kong himatayin ulit dahil dito. Sinubukan kong kapain at yakapin ang aking sarili, pati ang aking mukha, ang aking hita, binte, hanggang paa, ang aking salong-upuan at pati na rin ang aking matalik na kaibigan. Lahat naman ay aking nararamdaman at nakakapa, pero tila hindi ko ito makita! Isa akong invisible man?!

Ang sagwa naman pakinggan n'on!

"I don't need this shit! Why this shit is on me?! Fuck! And how the fuck did I get here?!" bakas sa aking boses at itsura ang hindi ko na kayang maitagong takot. Sino bang hindi matatakot sa ganito? Ang biglaan mong pagtatransform mula sa isang normal na guwapong nilalang hanggang sa mukha ka nalang damit?! Damit na lang kasi ang kita sa akin ngayon! Siguro kakaripas ako ng takbo kapag nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Pero bago ko pa lalong patayin ang sarili ko sa sindak, inilabas ko ang aking ulo at katawan sa bintana upang makita nang maayos kung nasaang lugar ba 'ko.

Napa-kamot ako sa invisible kong buhok at ulo gamit ang invisible kong kamay. Hays, shit, what the hell is happening? Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin, pero sana naman narito pa rin ako sa Pilipinas!

Pero mukha naman dahil nakikita ko pa sa tapat nitong building na ito ang slogan ng isang motel "Dahil mahal kita... Gusto ko, sa Sogo ka!" chuchu. Naka-hinga naman ako nang maluwag para sa naisip ko na baka dinala na 'ko ng kung sinomang magaling na salamangkerong malakas ang trip sa ibang bansa.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na agad na may paparating.

Dinig ko na ang mala-kabayo niyang takbo sa labas.

"Fuck again! May nakatira rito?!" Nagpapanic na ako at hindi alam ang gagawin. Pero inisip ko na muna kung anong pwedeng mangyari kapag nakita ng ibang tao ang anyo ko: walang ulo, walang braso, tanging kasuotan ko lamang ang makikita.

"Alam ko na!"

Sa naisip ko namang ito ay agad na pumasok sa isip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Pero shit, tanging ito lamang ba ang pwede kong magawa?

Nang marinig ko nang may gumagalaw na sa door knob ay agad agad ko nang pinagtatanggal ang lahat ng suot kong damit kahit yung boxer ko at brief ay hindi ko na nagawa pang patawaren!

Para hindi naman makita ang mga damit kong ito ay inilagay ko nang lahat sa ilalim ng kama na nasa aking harapan. At maya-maya lamang ay agad nang bumukas ang pinto.

Pati na ang ilaw.

Kinakabahan akong nakatayo lang dito sa isang sulok, lalo na nang bumungad sa akin ang isang babae at halos kaedaran ko lang ang mabilis na iniluwa nitong liwanag. Inaantay ko kung mapapansin niya 'ko. Pero tila isang bagyo yata ang dumating. Hagis ng sapatos doon, hagis ng bag dito at agad na lumapit sa kaniyang pc set.

"Anong topak meron naman ang isang 'to?" bulong ko lang sa sarili, medyo malayo naman siya sa akin kaya hindi niya ako maririnig. Maganda sana kaso mukhang mas lalaki pa kaysa sa tropa kong si Clarence e. Napansin ko iyon dahil sa kilos niya. Mula sa kasuotan niya hanggang sa magulo niyang buhok at pagmamadaling umuwi para magcomputer? Wala rin siyang ka-taste-taste sa pananamit at dito sa kaniyang kwarto, plain black lang na tila na-luma na rin ang pintura at tangin lumang maliit na kama at cavinet lang ang gamit niya rito bukod sa kaniyang bagong pc set. Maliit lang na pa-square ang kwarto niya. Parang ang lungkot at nakaka-tamad ang itsura nito pati na siyang mismong tao na rito nakatira.

Pero kailangan ko na yatang umalis kahit walang kasiguraduhan kung babalik pa ba 'ko sa totoo kong anyo.

Busy naman siya na naka-upo sa harap ng kanyang monitor. Kaya sa tingin ko hindi ako mahihirapang maka-alis dito ka-agad.

Pero paano nga pala ang mga gamit ko?!

Ang cellphone ko?!

"Ay, shit," bulong ko ulit. Hindi naman ako pupwedeng umalis bitbit ang mga bagay na 'to. Kaysa naman mag-viral ako sa social media at mapagkamalan akong multo.

"Hays," napalamukos ako ng aking mukha. Mukhang iyon na nga lang ang kailangan kong gawin. Ang hubo't hubad na lumabas hanggang sa maka-uwi.

Bago ako umalis nang walang bitbit, patagong tinawagan ko muna ang kaibigan kong si Clarence at sinabi ko sa kaniya kaagad kung bakit nawala ako na parang bula nang magpaalam ako sa kanila kanina. Sinabi ko na lang na dahil sa kalasingan ay nakapag-teleport ako nang wala sa oras at naka-rating ako sa katabing city ng Quezon City.

End of Flashbacks

Bago pa man mag-gabi ay umalis na si Clarence. Matapos naman ang ilang oras kong pag-aantay sa oras ng aking pagpapalit aniyo ay tila hinimatay nanaman ako. At nang magising ako ay sa parehong maliit na bahay o apartment lamang ako muling nagising. Pero buti na lamang at ako palagi ang nau-unang makarating sa lugar na ito bago pa man siya makarating.

Hanggang kailan ba akong magkaka-ganito?

Halos isang linggo ko na rin itong nararanasan at kinikimkim. And since mukhang nasasanay na ako, bago pa man mag alas dose ng hating gabi ay hindi na lamang ako nagdadamit sa aking condo. Pero isa pang wirdo ang nangyayari: ang lugar na 'to kung saan una akong napunta noong kaarawan ko.

Bakit kaya hindi ako magteleport sa ibang bahay na lang? Puwede namang sa kuwarto ni Dani? Mas mabuti pa nga at baka mas magustuhan ko pa itong pagiging invisible ko makapasok lang ako sa kwarto niya. Ba't dito pa kasi ako napunta sa boring na babaeng 'yon? Eh halos hindi ko nga siya nakitang naghubad ng damit kahit manlang sana magpalit siya ng pang tulog? Hindi 'yong lagi siyang parang bagyo kung dumating at haharap sa pc upang maglaro ng kinaa-adikan niyang online game. Hays.

Dinig ko na ulit ang malakabayo niyang takbo dahil sa pagmamadaling makauwi para makapag-online game. Halos malapit ko nang makabisado ang halos araw-araw naman niyang ginagawa.

Nagbukas na ang pinto at pati ang ilaw. Hagis doon, at hagis dito. Minsan pa nga 'kong tamaan ng mga gamit na ibinabato lamang niya tuwing dumarating. At siyempre, naka-upo na siya kaagad sa kaniyang trono.

Hindi manlang siya naghubad sa harap ko?

Palagi na lang. Hays.

Tumayo na ako upang sana'y lumabas na sa bintana. Pero shit lang. Nakalimutan ko itong buksan kanina habang wala pa siya. Ganun kasi ang palagi kong ginagawa at minsan pa nga ay umaalis na ako kaagad kapag wala pa siya. Natatakot kasi ako na baka pagkamalan niya akong multo.

Pagkamalang multo?

Bright idea kaya 'yon!

Dahil sa iyon ang pumasok sa akin isipan, na-una kong naisip na gawin ay ang patayin sa switch ang kuryente at binuksan ko kaagad ang pinto nitong bintana.

Pero parang may mali pa rin?

†‡†

MIDNIGHT CURSE

Vanitiaseptecrus