Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Azel Shop of Horror

🇵🇭Milkitta_Platuna
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.6k
Views
Synopsis
Isang shop kung saan nandun na ang lahat ng iyong hinahangad ng walang bayad ..pero sundin lang ang kanyang paalala ng di ka mapahamak.

Table of contents

Latest Update2
Gayuma4 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - ERICKA

_________________________________________

6:30 am akong nakarating sa Classroom at Si Annika palang ang nasa loob ng  silid aralan .

"Good morning, Nika" lumingon sya sa kinatatayuan ko.

"Good morning din, Rika " sya sabay ngiti.

Di padin mawawala ang 2 table na may nakalagay na 2 vase ng mga puting bulaklak.

2 araw palang ang lumipas matapos ang libing nila Alexandra at Gregory, nabatid nila na may finger print  ang  butcher knife at baril na masasabi na galing kay Gregory ngunit di nila masabi na pagkatapos nyang gawin yun kay Alexandra ay nagpakamatay sya dahil karumaldumal din ang sinapit  nya.

sabi pa ng pulis ay wala silang nakitang ibang taong pumasok sa Condo unit ni Alexandra bukod kay Gregory mula sa Cctv. at hanggang ngayon ay patuloy padin ang kanilang imbestigasyon.

Pagkatapos ng klase ay naglakad na kami ni Nika pauwe, naunang humiwalay si Nika ngunit bago sya pumasok ay nagpaalam muna kami sa isat-isa.

Pagdating ko sa bahay ay agad kong binuksan ang gate at ang pinto

"Mama? " hanap ko kay Mama

pagkatspos ay

Hinubad ko ang sapatos ko at inilagay ko sa lalagyan, kinuha yung slipper at naglakad papaloob

"Mama?" hanap kong muli

Nakita ko syang lumapit saken, kita kong napakasaya nya.

Ano kayang nangyari?

"Rika, may papakita ako " tumingin sya sa may side at sumenyas na lumapit ito sa kanya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat  ng makita kong lumabas ang isang bata, dumiretso saken at akoy niyakap

"Ate " tiningnan ko si Mama na may pagtataka

bat may yumakap saken na kahulma ni Erika?

napatango lang sya at nakangiti habang naluluha.

______________

nang makatulog si Erika ay agad kong nilapitan si Mama

"Ma asan mo nakuha yang Bata?"

"Si Erika yan Rika, bumalik na sya saten " ngiti at hinawakan ako sa kamay agad ko namang binitawan kamay ni Mama at tumayo

"Ma hindi yan si Erika !!

alam na ba to ni Papa?"

nababaliw nanaman ba si Mama?

katulad noong nakalipas na limang taon.

"oo anak ...kasama ko ang Papa mo kanina ng ibinalik saten si Erika "

Pati ba naman si Papa naengganyo na ni Mama .

pinilit kong irelax ang sarili ko .

"sino nagbalik?" simangot ko 

"Di ko pwedeng sabihin anak pero ang importante nabalik sateng muli si Erika  " ngiti nito saken.

____________________________________

Time skip

habang sakay sa kotse ni Papa ay nilingon ko sya

"Papa"

"Ano yun Rika?" sa daan lang sya nakatingin

"Papa ,Saan  nyo nakita yung Bata?"

"Sorry anak di mo talaga pwedeng malaman "

tulad lang sila ni Mama ayaw mag kwento saken.

"Papa naniniwala kaba si Erika talaga ang batang yan at di lang kamukha?"

"oo anak sya talaga di ako pwedeng magkamali ..mahirap man paniwalaan pero sya talaga yan bumalik na sya saaten "

"Papa di padin ako naniniwala ...ang mga taong wala na di na pwedeng bumalik pa "

_____

ng makarating ako sa skwelahan ay swerteng nakita ko si Nika  at nilapitan ito

"ay Rika ...Good morning "

"Good morning ,Nika "

napansin nya ata na nakasimangot ako

"may problema ba?"

napasigh ako bago magsalita

"kasi naman Nika  5 years ng nawala si Erika tapos kahapon may dinala si Mama at Papa sa bahay na Bata na kahulma ni Erika at tingin nila si  Bunso daw ito"

"sinabi ba nila Tita kung saang Bahay ampunan yung bata nanggaling ?"

"ayaw nila sabihin" simangot ko

"Parang yung nangyari lang dati Rika sa Mama mo " nag aalala sya.

"Oo nga ee, Gusto mo bang makita yung Bata?" 

"Sige "

____

Lorraine's Pov

Ang hulma nya man ay nung nakaraang limang taon pa ngunit syang-sya padin ito base sa

nararamdaman ko .

di na importante kung anong nangyari noon basta andito na sya samin ngayon.

pinagmamasdan ko lang sya sa pag inom ng tubig mula sa paborito nyang baso na hulma ni Hello kitty.

agad nagbaliktanaw ang alala ng kahapon sakin ang kaganapan kung paano bumalik si Erika.

____________________________________

Flashback

Naisipan namin ni Daddy na bisitahin ang puntod ni Erika bago ako magbukas ng shop

pero pagbukas palang namin ng pinto

ay agad ng bumungad samin ang isang antique shop

"pasok kayo " napatingin ako likod dahil andun nakatayo ang isang lalaki na naka amerikana di nawawala ang kanyang ngiti.

pumasok kami ni Daddy sa loob ng may pagtataka

"Nakakapagtaka diba...upo muna kayo"

wariy nahulaan nya ang aming nasa isipan.

sinunod naman namin sya

"may ibebenta kaba samin ?" Tanong ni Daddy

"Wala akong ibebenta pero may ibibigay ako sanyo para di nyo na kailangan pang pumunta samay Cementery"

ngiti nya

"paano mo nalaman ...Mr?" tanong ko

"Azel short for Azazel" lumapad ang  ngiti nya

"pwedeng paliwanag mo samin Azel?"  Daddy

"sandali lang " at naglakad sya papunta sa isang kwarto at pumasok

"Bakit kaya may bungo ng kambing dito?"

tanong ko kay Daddy

hahawakan sana ni Daddy yung bungo ng magsalita si Azel.

"Sorry pero di pwedeng hawakan yan " ngiti nya may bitbit syang batang babae na nakayakap sa leeg nya.

ibinaba nya yung bata pero nakatalikod padin ito .

"matutuwa kayo dito "

at itinalikod na nya yung bata para iharap samin.

napatayo ako habang napahawak saking bibig

"Erika" sabay buhos ng luha ko

"Mama ,Papa  " sabay takbo papunta samin ni Daddy  umiyak yung bata halatang sabik na sabik ng makita kaming dalawa.

niyakap ko sya.

"Erika ,anak" .

----------------------

bumalik ako sa realidad ng

naramdaman ko naman ang pag punas sa banda kong pisngi ,

napatingin ako saking baba at nakita ko si Erika na pinunasan ang pisngi ko gamit ang maliit nyang kamay na mukhang malungkot

"Mama bakit ka iyak?"

"Wala ito Erika" ngiti

nalipat ang atensyon ko sa may basong wala ng tubig.

binuhat ko si Erika upang iupo muli sa may bangko at

kinuha ko yung pitcher sa ref , inilapag sa lamesa pero wala si Erika .hinanap ko yung bata at natagpuan ko sya sa may ref,

agad ko syang nilapitan

"Mama Gusto ko Chocolate " sabay turo sa isang slice ng chocolate cake

bigla kong naalala ang sinabi ni Azel na tubig lang ang pwedeng iintake ni Erika .

"Sorry Erika pero hindi pwede ee" sinara ko yung ref  at kinarga ko sya  at pinaupong muli sa bangko kung saan sya nakaupo kanina.

isinalinan ko naman ang water sa baso nya

napansin ko na nakatingin sya sakin at mukhang nagmamakaawa.

"Mama Please " kita kong lumuluha na sya ngayon.

napasigh ako

di pwede ito  pero diko mapigilan ..ngayon lang ,oo ngayon lang to

di na mauulit ..tyaka kaunting chocolate lang naman .

"Sige Erika " smile ko

"Yey" ngisi nya

kinuha ko sa ref. ang isang maliit na chocolate bar at inabot sa anak ko.

nakangiti sya habang kinakain ito.

"Mama kasama ko po si Nika " rinig ko ang sambit ni Rika mula sa Sala.

andito na pala sila sa Bahay.

tumayo ako para salubungin sila sa Sala

"Good afternoon Po Tita " ngiti ni Nika

gumanti din ako ng ngiti

"Good afternoon din ,upo ka muna hija "

"Sige po"

"Mama asan na si Erika?"

"nasa kitchen Rika , nag memerienda "

"ma gusto sya makita ni Nika "

"sige , dadalhin ko sya "

bumalik ako sa kusina  ngunit wala na sya sa kinauupuan nya.

"Erika ,Anak?"

hanap ko

naglakad ako papunta sa likuran ng nang marinig ko ang sigaw ni Rika..

"MAMA!!"

nagmadali akong pumaroon sa may Sala at nakita kong hawak nya si Erika at tinatapik ang cheeks ng kapatid nya.

"Anong nangyari?"

pag aalala ko

"paglapit nya kay Nika ay bigla nalang syang nahimatay Mama" mangiyakngiyak na banggit ni Rika.

kinuha ko si Erika sa bisig ni Rika

"Erika ? anak "

nakita ko na minulat ni Erika ang kanyang mga mata

"Mama sakit ulo ko " sabay hagulgol ni Erika

____________________________________

RIKA'S POV

Pagkahatid ko kay Nika sa labas ay iniabot nya saken ang Pendant nyang may shape na Cross.

"Suutin mo to pls. Rika"

kinuha ko yung pendant

"Okay " at sinuot

"promise mo na di mo ito aalisin ,Rika"

ang weird  ngayon ng kinikilos nya ..pero sinunod ko nalang sya.

"Sige , bakit ?"

"Basta at mag ingat kayo huh "

at umalis na sya.

____________________________________

TIMESKIP

Napagising ako sa naamoy kong dugo.

napaupo ako at agad kong kinusot ang nakapikit kong mata ng maaninag ko ang mantsang pula sa suot ko at kumot.

bigla akong nakaramdam ng kaba ng pagmulat kong muli ay di padin nawala ang manstang pula .

kinuha ko yung cellphone at bumaba ng kama , nakaramdam ako ng takot dahil pati sa may papag ay may mga mansta din ng natuyong pula  naglakad ako hanggang sa may pinto

pati ito ay may mansta din  ,paglabas ko ay mas dumoble ang takot kong nadama ng hanggang sa pinto ni Mama ay meron din nito ,

"baka nananaginip lang ako" sinubukan kong kurutin ang kanan kong braso..ng masaktan ako ay agad kong Dinial ang number ni Papa ngunit di sya sumasagot.

agad kong tinungo ang kwarto ni

Mama

naririnig ko ang music box na pagmamay ari ko galing doon na tumutugtog.

"Mama?" at binuksan ko ang pinto

"Mama , Erika" tawag ko sa kanila..

napa sigaw at iyak ako ng makita ko si mama samay papag na walang ng kalahati ng katawan.

____________________________________

Wag mahiyang mag leave ng review , vote or even criticism...

Follow nyo na ako kung bet nyo 👍

Milkitta_Platuna^_^v